Masuk“Kahit minsan ba nagawa mo akong mahalin sa tatlong taon nating pagsasama?” Pinahid ni Felicia ang mga luhang walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata at nagpatuloy. “Kahit katiting lang?” Batid ni Felicia na sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay itinapon na niya ang lahat ng kanyang natitirang dignidad. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ginagawa niyang kamartiran. Hindi ito deserve ni Xander dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Subalit tila ba may sariling buhay ang kanyang puso sapagkat kahit na anong gawin ng lalaki sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal para rito. Marahas na binawi ni Xander ang kanyang braso. “What do you think, woman? What do you think is my answer?” Napalunok si Felicia. “N-Nainitidihan ko,” she answered softly. “Xander… I am sorry if my love made you this miserable.” ************* Sa loob ng tatlong taon, umasa si Felicia na matututunan din siyang mahalin ni Alexander Buenaventura. Subalit ni katiting na pagmamahal ay hindi siya tinapunan ng lalaki. Sa halip, matinding galit at pagkapoot ang namayani sa puso ng binata dahil sa paniniwala nitong minanipula ni Felicia ang kanyang lola upang sila'y maikasal. Finally, Felicia had enough. She left Xander and moved on with her life. Ipinagpatuloy ni Felicia ang naudlot niyang pangarap, ang pagdo-doktor. Pinilit niyang kalimutan ang lalaking dumurog sa kanyang puso, kasama ang naging bunga ng kanilang una’t huli pagniniig, si Caleb. Sa loob ng anim na taon, naging mapayapa ang buhay ni Felicia. Subalit isang araw, muling nag-krus ang mga landas nila ni Xander. At sa pagkakataong ito, gagawin ni Xander ang lahat upang bumalik siya sa kanya.
Lihat lebih banyakPara siyang binuhusan ng malamig na tubig.Nang makitang muli ang lalaking naging parte ng kanyang nakaraan, tila siya'y natahimik sa loob. May kung anong humalukay sa kaloob-looban niya at sumikdo ang puso niya. Mula sa pagiging kalmadong doktor, bigla siyang naging si Felicia muli, anim na taon na ang nakararaan. Hindi si Dra. Ramirez na hinahangaan, kundi si Felicia, ang babaeng minsang itinuring na isang malaking pagkakamali ng dating asawa. "Doktora Ramirez, let me introduce you to Mr. Xander Buenaventura. He is my wife’s elder brother," masayang sabi ni Mayor.Mabagal ang bawat hakbang. Mabigat. Para bang ang kinatatayuan niya ay biglang lumambot at pinipilit siyang hilahin paatras. Pero hindi siya puwedeng umatras. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong walang alam sa nakaraan at pinagdaanan nilang dalawa. Nakasuot si Xander ng simpleng black long sleeves, pero kahit ganoon, nandoon pa rin ang lakas ng aura niya. Matikas pa rin, matangkad, at nakakakaba ang mapanuring mga
ANIM na taon ang lumipas…"Doctor Ramirez, I'm sorry to interrupt, but Dr. Lim needs you in operating room number 2. He requested your help.""Si Dr. Lim?" paglilinaw niya. Napatango ang nars bilang kumpirmasyon. Ang operating room number 2 ay para lamang sa mga VIP na pasyente. May rule silang sinusunod sa Summit Hospital na tanging mga senior doctors lang ang pwedeng mag-handle ng mga VIPs. Nakakapagtakang kailangan ni Dr. Lim ng assistance niya gayong nasa ikatlong taon pa lamang siya ng kanyang residency.Gayun man, dali-daling siyang tumalima. "Tell him I’m on my way,” sagot niya. Agad siyang tumayo at naghanda. Pagkatapos maglinis ng sarili, agad na siyang nagtungo sa operating room. Pagpasok ni Felicia sa operating room, nakita niyang nasa tabi ng pasyente si Dr. Lim. Kitang-kita ang pagkabahala ng lahat. Malinaw na ang sitwasyon ay kritikal. Ang mga vital signs ng pasyente ay hindi stable, at ang tibok ng puso ng bata ay bumababa. Tumingin si Dr. Lim kay Felicia at nagwika
“CONGRATULATIONS, you’re four weeks pregnant.” Hindi agad tumatak sa isip ni Felicia ang sinabi ng doktor.Buntis siya? Sinabi ba talaga ng doktor na buntis siya?Pakiramdam ni Felicia ay bigla na lang huminto ang pag-ikot ng kanyang mundo. Patuloy ang malakas na kabog ng kanyang puso habang nakatitig siya sa doktor. Sinubukan niyang magsalita, pero walang lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya makapaniwalang narinig niya ang mga salitang iyon.Nagpatuloy sa pagsasalita ang doktor. Sinabi nito ang kalagayan ng kanyang dinadala sabay abot ng resulta ng sonogram sa kanya. Doon lang tuluyang naunawaan ni Felicia na totoo ang lahat.Nagbunga ang gabing ibinigay niya ang sarili kay Xander! Namuo ang luha sa mga mata ni Felicia. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan at pinikit ang mga mata. Parang panaginip ang lahat. Hindi pa rin siya makapaniwala, isang bagong buhay ang nabubuhay sa loob niya. Marahan niyang kinuha ang cellphone gamit ang
TATLONG taon. Tatlong taon silang kasal ni Xander subalit kahit minsan, hindi niya naramdamang itinuring siya nito bilang asawa. Sa loob ng tatlong taon, walang ginawa si Felicia kundi manlimos ng pag-ibig mula sa lalaking pinakamamahal niya. Batid niya na ang pagpapakasal ni Xander sa kanya ay walang halong pagmamahal ngunit sa kabila nito, natuto pa rin siyang umasa. After all, Xander’s grandmother, Doña Minerva Buenaventura, gave Felicia her words. “Just be patient. Pasasaan ba at matututunan ka ring mahalin ng apo ko.”Have she not been patient enough? Sa bawat pamamahiya, pang-iinsulto at galit na ipinapakita ni Xander sa kanya, wala itong narinig ni katiting na pag-alma. Araw-araw pa rin siyang umaasang magagawa siyang mahalin ni Xander. Ngunit sino ang niloloko niya? Ni hindi siya magawang tingnan ng lalaki ng walang halong pandidiri o galit. Lalo na ngayon na bumalik na ang babaeng pinakamamahal nito. At si Felicia? She was nothing but his wife on paper. Siguro ay ito ta






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.