Queencess Teresa
Cheya Santia
Buong buhay ko, wala akong ibang inisip kundi makapaglakbay sa ibat-ibang bahagi nang mundo.
Sobrang laki ba naman ng mundo.
Pero syempre hanggang pangarap muna ako. College student pa lang ako at kaylangan ko munang makapag trabaho.
Tsaka sobrang hirap din iwan netong lugar na to. Napaka ganda. Malapit pa sa napaka gandang dagat. Ang peaceful. Argh! I'm truly in love with this place. Queencess Teresa.
"Huy! Cheya!" napa irap ako nang marinig ko ang boses ng isa kong kaklase.
Nilingon ko sya sabay taas ko nang kilay.
"Oh! Bigay ng isa mong manliligaw! Jusko! Ano bang meron sa school na'to? Halos lahat ng lalake, kahit yung mga senior dumadagsa dito para lang bigyan ka nang mga regalo! Mas maganda naman ako sayo, duh!" sigaw nya sabay flip ng buhok.
Agad nya namang nilapag sa desk ko ang isang box of chocolates.
Napabuga na lang ako sa hangin.
Hayst. Sino bang gustong maging maganda?
Okay fine. Lahat naman siguro gustong maging maganda, perfect at malinis sa harap ng iba, pero hindi naman siguro yung tipong ikasasakit na ng ulo mo.
Argh!
Tinitigan ko na lang yung chocolate na nakalapag sa desk ko. Kung sanang hindi lang sa lalake to galing, edi sana kanina ko pa nilantakan to.
"Psst! Cheya!" pagod kong nilingon yung babae kong kaklase.
"Hmm?"
Nagulat ako nang iusog nya yung upuan nya sa harap ko tsaka sya umupo don at ibinagsak ang dalawang braso sa desk ko.
"Pupunta ka?"
"Ha?" takang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo alam?" gulat naman na tanong nya.
"Ang alin ba?!" iritang tanong ko naman sa kanya.
Mapanuri nya kong tinitigan na para bang hindi naniniwalang wala akong alam.
"Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong nya.
Eh kung ihampas ko kaya sa kanya tong mga ma-asukal sa kanya? Parang ewan amp.
"Ano ba kasi yon?" lalo akong naiirita ih.
Napakunot noo ako nang mapansin kong pati mga kaklase namin nakiki-tsismis na.
"Hay naku! Nakakaloka ka! Kala ko pa naman ikaw ang unang makakaalam sa mga kaklase natin. Ano kasi! Bali-balita sa mga nagtitinda don sa palengke! Yung mga Esteves, Da Villa at Dela Vega! Babalik na dito sa Queencess Teresa."
Napakunot noo naman ako don.
Oh eh ano?
"Oh? Tapos?" takang tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba?! Diba childhood bestfriend mo yung isa don? Si Natasha Dela Vega? Pumupunta ka pa nga sa mansion nila ih! Gosh! Napaka swerte mo talaga!" maarteng sabi nya.
Napanguso naman ako.
"Dati pa yon. Ni hindi ko na nga maalala mukha nya ih" tamad kong sabi.
Ow well, syempre kilalang kilala ko si Natasha, she became my bestfriend before. Yung tipong kung hindi nyo kami kilala, mapagkakamalan nyo kaming magkapatid sa sobrang close namin. But like what I'd said earlier, dati yon. Dati na yon and now I don't know.
I mean wala na kong balita sa kanya, at sa pinsan nya.
"Oh kahit na! Dikit kaya nang dikit sayo si Natasha. Kaya imposibleng hindi ka inimbitahan ng pamilyang Estevez, Da Villa at Dela Vega sa handaan para sa pagdating nila"
Nagkibit balikat naman ako. Aba malay ko don.
"Aba malay ko, baka yun yong sinasabe ni kuya na pupuntahan namin mamayang gabi."
Magtatanong pa sana sya nang biglang dumating na yung prof namin.
Hmm... kaya ba binilhan ako nang magandang dress ni kuya kagabi? Baka nga.
Pero wala naman akong gagawin don sa handaan. Inimbita ba kami? Kung ganon bakit? Naaalala pa kaya ako ni Natasha? Eh sya? Naaalala nya pa kaya ako?
***•••***
"Ayan! Ay Jusko! Napakaganda mo talagang dalaga Cheya. May nanliligaw na siguro sayo no?" tanong ni Manang Lordes matapos nya kong paayusan sa pamangkin nya.
Si Manang Lordes at ang pamangkin nyang si Lory ang kasambahay namin.
Marami naman talaga kaming kasambahay ih. Kaso tinanggal lang ni Kuya simula nang mamatay sila Mama at Papa at sya na ang namuno sa kompanya nang pamilya namin.
Hindi naman daw kasi namin kaylangan ng maraming kasambahay.
Pero alam ko naman yung totoo, nalulugi na yung kompanyang ipinundar nila Papa. Hindi ko naman masisisi si Kuya, alam ko naman na nahihirapan na din sya.
Agad ko namang nginitian si Lory sabay baling ko kay Manang Lordes.
"Naku wala po, wala po akong manliligaw. Tsaka alam nyo naman po diba? Malalagot ako kay Kuya" sabay tawa ko.
"Aysus! Oh sya! Bumaba kana don at kanina ka pa inaantay ng kuya mo."
"Salamat po"
Tumayo na ko at humarap sa salamin. Pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin.
Black strapless silky dress hanggang binti ang suot ko na tinernohan ng dirty white stiletto. Tas light make up lang ang nilagay ni Lory sa mukha ko at naka-lugay naman ang buhok ko na nakakulot pa sa bandang ibaba.
Napangiti ako sa itsura ko.
Agad kong kinuha ang sling bag ko tsaka ako bumaba.
"Kuya---" tawag ko kay Kuya nang makababa na ko pero agad nyang hinawakan ang palapulsuhan ko tsaka nya ko inatak.
"Ano ba Cheya?! Bat ba napaka tagal mong kumilos? Kanina pa ko hinahanap ng mga Da Villa. Alam mo namang may pag uusapan pa kami tungkol sa kompanya" bakas ang galit at irita sa boses ni Kuya kaya natahimik na lang ako.
Agad nya naman akong ipinasok sa passenger seat.
Nanatili na lang akong tahimik sa buong byahe.
Grabe, nakakatakot si Kuya. Hmm... ganyan naman sya lagi pag kompanya na ang usapan. Pero mabait yan, protective at lagi pang concern sakin.
At dahil sa pagkabagot ay agad kong kinuha yung phone ko sa sling bag ko.
Agad kong tinext ang kaibigan kong si Shine.
To: Shine
'Pst!'
Wala pang isang minuto nang mag beep ang phone ko
From: Shine
'Oh? Dika pumunta sa handaan?'
Agad naman akong nagtipa nang mensahe para sa kanya.
To: Shine
'Papunta pa lang, kaso tingin ko mababagot lang ako don. Kaya tatakas ako mamaya kay Kuya. Pasundo naman ako sa labas ng gate nang mga Da Villa.'
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko habang inaantay ang reply ni Shine.
"Stop it Cheya" napatingin ako kay Kuya nang seryoso syang nagsalita.
"H-ha?" kinakabahan kong tanong.
"You're not allowed to have a boyfriend. No boys. Don't entertain them" seryosong sabi nya.
Napalunok naman ako.
"P-pero kuya, kaibigan ko lang naman si---"
"Cheya!" napayuko na lang ako nang marinig ko syang sumigaw.
Napanguso ako, wala naman akong planong jowain si Shine ih. Tsaka babae si Shine.
Ow shocks! W-what if... what if tomboy yung babaeng yon?! Ow gosh! Di ko naisip yun ah! Kaya pala gusto nya kong laging kasama?!
Sh*t! Simula ngayon kay Czarina na lang ako didikit.
Hayst ano ba tong mga iniisip ko?!
Huminga ako nang malalim staka ko ipinikit ang aking mga mata.
Pinilit ko na lang na hindi ipadyak ang paa ko sa inis.
Simula pagkababa namin ng sasakyan ay nakadikit na ko kay Kuya.
Dapat daw lagi akong nasa tabi nya, natatakot syang gumawa ako nang kalokohan o bigla nalang mawala.
Kaya ang ending, halos lahat nang businessman na pumunta dito at kinakausap nya ay kasama ako at pinapakilala ako.
"What a beautiful lady. What's your name again?" tanong ng isang businessman na kausap ni kuya.
"Ah yeah, this is my sister. Cheya Santia" si kuya ang sumagot sa tanong nung matandang lalake.
"Nice to meet you Ms. Santia. I am---"
"Mr. Santia" napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang napakalamig na boses na yon.
Agad na bumati yung kausap namin kanina, don sa mga magkakapatid na Da Villa tsaka sya umalis. Agad namang lumapit si kuya don sa tumawag sa kanya.
At syempre, bilang bodyguard ng kuya ko... heto ako sumunod na lang sa kanya.
Good dog Cheya!
Tatlo lang sila ngayon dito sa harap namin. Baka nasa kanya-kanya pang kwarto yung iba.
"Kuya Kiel, nakita nyo ba si Kalix?" singit ng isang babae na galing pa sa taas ng mansion. Kasama nya ang isa pang babae na parang mas matanda lang sa kanya ng mga dalawang taon. Agad naman nyang nilingon ang pwesto namin ni Kuya tsaka sya napakunot noo "Oh my God! Is that you Cheya?!" bakas ang gulat sa kanyang mukha.
Napakunot noo ako.
"What the hell Natasha? Minimize your voice." saway sa kanya nang isang Da Villa.
Ow shocks! Si Natasha na ba to? Oh my God! Ang ganda nya!
"What?! I'm just happy duh!" sabay flip nya nang hair tsaka nya ko hinawakan sa palapulsuhan. "Oh my God! You look so beautiful! Come on Cheya! I have so many gifts for you. And by the way marami akong dapat ikwento sayo."
Kung sa normal na sitwasyon lang baka kanina ko pa sya inakap at nagtatatalon sa tuwa. Pero tuwing iisipin kong mga Da Villa, Estevez at Dela Vega ang nakapalibot samin, kinikilabutan ako.
Ow well, they have the looks. Almost God and Goddesses na nga yung physical appearance nila ih. Yun nga lang, isinumpa ata lahat ng lalake sa pamilya nila na maging cold as ice.
Jusko! Kikilabutan ka sa sobrang lamig at seryoso. Nakakatakot.
Yung tipong lalapit kana sana kasi sobrang gwapo pero bigla kang aatras ng isang hakbang nang lumingon sya ng sobrang lamig sayo tas namalayan mo na lang yung sarili mo na tumatakbo ka na pala.
"Wait, Natasha where's your twin brother?" napahinto kami ng magsalita ulit yung isang Da Villa.
Napasapo naman sa ulo si Natasha.
"I don't know! Kaya nga tinatanong ko sa inyo diba?!" sagot naman nya.
"Kuya pababa na daw yung mga tagapagmana ng Da Villa, Dela Vega at Estevez kaya mag ready na daw---aray!" sabi naman ng kasama ni Natasha na babae pero agad naman syang binatukan ni Natasha.
"Ano ba Natalie? Para kang tanga, lagot ka kila kuya Dwight pag narinig ka nila" saway sa kanya ni Natasha.
Napakunot noo ako sa narinig ko.
Pero kalaunan naintindihan ko naman. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan yung pinag uusapan nila.
Kilala ang pamilyang Estevez, Da Villa at Dela Vega sa usaping business. Napakamakapangyarihan at napaka yaman nila.
At ang tinutukoy ni Natalie na tagapagmana ay yung tatlong pinakamatatandang apo ng mga Dela Vega, Esteves at Da Villa.
Si Kian Da Villa
Si Dwayne Dela Vega
At si Dwight Estevez
Ang tatlong magpipinsan na mas nakakatakot pa sa lolo at Lola nila.
Si Natasha naman bunso ng mga Dela Vega. Nakatatandang kapatid nya si Dwayne at kambal nya si Kalix.
Si Kalix Dela Vega na sakit sa ulo nang pamilya. Madalas magtago sa kung sang lupalop ng mundo dahil ayaw ng responsibilidad bilang isang Dela Vega.
Si Natalie naman na kasama ni Natasha uhmm... sa pagkakaalam ko isa syang Da Villa. Bunsong kapatid nila Kian.
Cheya SantiaScared"Boss, andito na po sya" napalunok ako ng marinig ko ang sinambit ng isang lalakeng katabi ko.Kung ganon nasa harapan ko na ngayon ang lalakeng kinamumuhian ko."Hmm... yung lalake nya?" agad akong napatingin sa kanya ng diretso dahil sa sinabi nya.Napaatras ako ng makita ko ang matatalim na tingin na pinupukol nya sakin.Kung tumingin sya sakin, parang lagi akong may ginagawang kasalanan. Parang andami kong ginagawang bagay na hindi nya nagugustuhan. Na mas ikinatatakot ko."Pinakiusapan po kami ni Ms. Santia na sasama sya ka
Third person's POVChasingNapahigpit ang hawak ni Kian sa 2mm Kolibri na baril na hawak nya.Galit sya at ni isa ay walang makapagpahinahon sa kanya."I will kill him." seryoso at paulit-ulit na sambit ni Kian habang paulit ulit na nag iigtingan ang kanyang panga.Halos mapunit na nya ang lukot na picture ni Cheya na nasa sasakyan ni Migs na kuha kani-kanina lang."Gusto mo boss kami na lang ang gumawa? Pupuruhan namin yon---"Bang!Wala pang segundo ng bumagsak ang lalakeng nagsalita.
Cheya SantiaI thought, after kong lumabas ng room na yon, everything will be fine.That's what I thought.But!Here!May mas lalala pa ba dito?!H-How come na---"Ms. Santia, right?" napatingin ako sa isang studyante na nandito rin sa SSG Council room.Actually mga lima sila dito. Mga officers ata.But this---"Ms. Santia?" napatingin naman ako sa lalakeng katabi ng babaeng tumawag sakin kanina.
Cheya SantiaHinihingal akong napalabas ng sasakyan nya. Para ba kong tumakbo ng sobrang layo.Napahawak ako sa dibdib kong sobrang bilis ang tibok.Shems! That guy! Argh!Hindi ko na sinubukan pang lumingon sa kotse nya at binilisan ko na lang ang lakad ko papasok sa loob.Bat ba kasi sya nandito? Pano nya ko natunton? Kelan pa sya nakapunta dito?Sinasabi ko na nga ba eh! Piling ko talaga nag sabwatan yung tatlong yun ih!I know kuya Ervin! Pare-pareho lang ang takbo ng utak ng mga yun ih!Bat ba di ko na gawang magdud
Cheya SantiaNag mamadali ako sa paglalakad. Takbo lakad na ang ginagawa ko maka-alis lang sa lugar nato. Natatalisod pa ko pero wala na kong oras para intindihin at indahin pa yon.Nang makalabas ay papara na sana ako ng taxi ngunit biglang may marahas na humawak sa braso ko sabay hila sakin paharap sa kanya.Galit ang namumutawing emosyon sa kanyang mata at paulit-ulit na nag iigtingan ang kanyang panga.Napalunok ako, hindi ko kinakaya ang tensyon na kanyang dala.Marahas kong ibinabawi ang kamay ko sa kanya, pero masyado syang malakas kaya nadidiin lang ang kanyang kamay sa braso ko."A-ano ba?! Ano bang problem
Cheya Santia"Sure kang okay ka lang dito mag-isa? Tawagan ko na lang muna kaya si Rendell para may kasama ka" nag aalalang tanong ko kay Trimma.Nginitian nya naman ako sabay dausdos nya sa kama."Ah! Ansarap! Grabe nakakapagod tong araw nato. Partida wala pa yung sa bar ah" sambit nya habang naka siksik ang mukha nya sa kama."Huy, okay ka na ba talaga?" tanong ko sa kanya.Napakunot noo ako ng di na sya nag re-response.Dali-dali ko syang kinalabit ng ilang ulit."Trimma, uy! Babae!" pero no response pa rin.