Share

Kabanata 75 Press Conference

Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan.

Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ngayon ay confirmation ng relationship nila.

Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan. Susundin niya ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa.

Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo.

Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan.

“You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo. ” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status