Masuk
Nagtungo si Owen sa bar para uminom ng kaunti. Gusto niyang makalimutan panandalian ang problemang kinakaharap ng pamilya niya. Hindi naman siya masyadong close kay Tyrone simula nang magkaroon ng lamat ang samahan nilang dalawa pero nasasaktan siya sa nangyayari sa pamangkin niya.
“One more please,” wika niya sa bartender. Nilagyan naman ng bartender ng alak ang baso niya. Muling ininom yun ni Owen saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Nang makaramdam siya ng hilo ay aalis na sana siya nang maagaw ang atensyon niya sa sigaw ng isang babaeng hindi kalayuan sa kaniya.
“Give me more!” sigaw nito sa bartender, halatang marami ng nainom. “Bakit ba kayong mga lalaki ang hihilig niyong manloko ng mga babae ha? Ano bang nakikita niyo sa ibang babae na wala sa mga fiancee o girlfriend niyo? Is it because of pride? Hindi maibigay ang lahat ng bagay? Goddamn it! I really don’t understand. Why do you want to settle down if you're not happy with your girlfriend? Do you really think that cheating is just damn a mistake?” tumatawa pang saad nito.
Dalawa lang silang nakaupo sa bar counter kaya si Owen lang ang nakakakita at nakakarinig sa kaniya maliban sa bartender na nagtitimpla ng alak ng babae. Aalis na sana si Owen nang muli niyang nilingon ang babae. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil nakikilala niya ito.
“Is that Doc Kayla?” usal niya sa sarili niya. Malakas ang music ng bar at halos lahat ng mga customers ay nasa dance floor pero dahil sa lakas ng boses ng babaeng nasa bar counter ay rinig na rinig ni Owen ang reklamo nito sa buhay.
Bahagya na lang natawa si Owen at napailing. Mataas ang respeto niya sa mga kagaya ni Doc Kayla pero hindi niya inaasahan na makikita ito sa loob ng bar at lasing na lasing. Kung sabagay, she’s still a human may mga kahinaan at problema rin. Ngayon naiintindihan niya na kung bakit tila walang emosyon ang mga mata nito noong unang nagkita sila sa hospital. Nakangiti siya pero ang mga mata niya maraming lihim ang itinatago.
“Ito ba ang problema niya? Niloko siya ng boyfriend niya?” napapailing na wika ni Owen. Sa dami ng lugar na pwede niyang makita ulit si Doc Kayla, sa ganitong klaseng lugar pa at sa ganitong sitwasyon.
“Gago lang ang lalaking lolokohin ka. You’re beautiful, may success career kaya saan pa humugot ng lakas ng loob ang fiancee mo para lokohin ka?” usal pa niya at tuluyan nang tinalikuran si Doc Kayla.
“Nasan na yung alak ko?! Hoy ikaw, kung may girlfriend ka man o asawa na hiwalayan mo na lang kesa ang lokohin siya. Ang sarap niyong ihagis sa impyerno, mga manloloko.” Narinig pa ni Owen sa sinabi ni Doc Kayla.
Hindi naman masyadong marami ang ininom ni Owen pero ramdam niya ang epekto ng alak sa katawan niya. Nasa parking lot na siya nang hindi niya mahanap-hanap ang susi niya. Alam niyang naibulsa niya yun kanina bago siya pumasok ng bar.
“Damn it! I wanna go home now. Sumabay pa itong lintik na susi na ‘to.” Naiinis niyang saad. Halos baliktarin niya na ang bulsa ng pants niya pero hindi niya talaga makita. Sinubukan niyang silipin ang bintana ng sasakyan niya pero wala siyang makita dahil tinted ito.
Tatawag na lang sana si Owen sa family driver nila nang may marinig siyang sigaw.
“Let me go! Ano ba! I don't want to go with you!” tila nagpupumiglas na saad ng babae. Hinanap yun ng mga mata ni Owen hanggang sa makita niya ang isang lalaking pilit na hinihila ang isang babae. Kunot noong tinitigan ni Owen ang kasama nitong babae at sa boses nito tila ba kilala niya na kung sino ito.
“Damn it!”mahina niyang saad saka siya napahilamos sa mukha niya. Ayaw niyang mangialam sa buhay ng ibang tao saka gusto niya ng umuwi. Kung hindi lang sana nawawala ang susi ng sasakyan niya baka nasa byahe na siya ngayon at hindi na nakita si Doc Kayla kasama ang isang lalaki.
Babalewalain niya na lang sana nang muling sumigaw si Doc Kayla.
“Sino ka ba?! Let me go you pervert!” sigaw ni Doc Kayla.
“Bakit ba ang hirap hirap mong hilain?! Idadala lang kita sa hotel para makapagpahinga ka na!” lalapitan na sana ni Owen si Doc Kayla at ang lalaki nang mapahinto siya sa paglalakad. Sa pananalita ng lalaki mukhang magkakilala naman sila.
“Maybe he is the boyfriend,” napakibit balikat na lang si Owen. Nang hindi naman binitiwan ng lalaki si Doc Kayla ay kinagat siya ni Doc Kayla sa balikat dahilan para mapasigaw sa sakit ang lalaki. Sa galit ng lalaki ay sinampal niya sa Doc Kayla dahilan para tumahimik ito dahil sa hilo.
“That abuser,” nanggigigil na wika ni Owen kaya wala na siyang sinayang na oras. Nilapitan niya na ang dalawa at mabilis na hinila si Doc Kayla na para bang nawala na sa sarili dahil sa hilo na nararamdaman niya. Dahil sa lakas nang pagkakahila ni Owen kay Doc Kayla mula sa lalaki ay sumobsob ito sa matigas na dibdib ni Owen.
“What rights do you have to hurt this woman?” may diin niyang saad. Naningkit naman ang mga mata ni Doc Kayla at tinitigan si Owen. Inaalala niya kung saan niya ito nakita pero hindi niya maalala kung saan.
“Bro huwag ka ng mangialam dito. Kung gusto mo ng babae marami pa sa loob ng bar. Nauna na ako diyan kaya tumabi ka.” Saad ng lalaki at akma sanang hahawakan si Doc Kayla nang ilayo siya ni Owen. Hindi naman nagustuhan ng lalaki ang ginawa ni Owen.
Pinatayo ni Owen ng diretso si Doc Kayla saka tiningnan ito sa mga mata.
“Kilala mo ba ang lalaking ‘to?” tanong niya, umiling naman si Doc Kayla.
“I don’t know him, bigla niya na lang akong hinila sa bar counter at inaayang pumunta sa hotel. Believe me please,” lasing na sagot ni Doc Kayla. Itinago ni Owen si Doc Kayla sa likod nito saka niya hinarap ang lalaki. Walang sinayang na oras si Owen at malakas na sinuntok ang lalaki dahilan para bumulagta ito sa sahig.
“Sa susunod na makikita ko pa ang pagmumukha mo babasagin ko na yan. Gusto mong magreklamo, call me in this number.” Ibinato ni Owen ang business card niya sa lalaki saka niya hinila si Doc Kayla.
“Nasan ang kotse mo?” seryosong tanong ni Owen. Itinuro naman yun ni Doc Kayla saka ibinigay ang susi. Ayaw niya sanang magtiwala kahit kanino pero para bang mas magaan ang loob niya kay Owen kesa sa lalaking humila na lang sa kaniya palabas.
“Ang susi?” wika pa ni Owen. Tila batang ibinigay naman yun ni Doc Kayla. Napapakunot na lang ng noo si Doc Kayla dahil bakit napapasunod siya ng lalaking hindi niya naman kilala? Nang makuha ni Owen ang susi ay pinagbuksan niya na ng pintuan si Doc Kayla saka siya sumakay sa driver seat. Nilisan na nila bar. Naghanap naman si Owen ng convenient store para makabili ng gamot na pangpawala ng hangover dahil sa lagay ni Doc Kayla, wala na itong itinira pang-uwi.
“Huwag mo ng isipin yun. Alam kong mahal ka ni Owen at sana hindi ako maging dahilan ng pag-aaway niyo dahil kung ano man ang nangyari sa nakaraan, lumipas na yun.” ngumiti naman si Kayla. Wala naman siyang nararamdaman na selos dahil hindi niya naman masisisi si Owen at Tyrone kung parehong nagkagusto ang mga ito kay Czarina.“Don’t worry, I’m just curious pero hindi ako ganun kababaw mag-isip para palakihin pa yun. You’re beautiful, Czarina. Hindi na ako magtataka kung maraming lalaki ang nahumaling sayo.” Nakangiting wika ni Kayla. Ngumiti lang din si Czarina.“Remember this, Kayla. Ang mga Fuentes, iba sila magmahal. Kung titingnan mo sila sa pang-anyong panlabas para silang walang kahinaan pero oras na nagmahal sila. Ang babaeng mahal nila ang kahinaan nila. They will do everything for their women. Akala mo hindi sila mababasag p
Kasama ni Kayla sa iisang table ang mga magulang ni Owen. Hindi siya komportable dahil nararamdaman niya ang pagtingin tingin sa kaniya ng ama at ina ni Owen. Nahihiya naman siyang tumingin. Hindi niya inaasahan na matatanggap siya kaagad. Napapangiti na lang siya habang kumakain. Alam niyang gusto na ng mga magulang ni Owen na magkaapo na sila dahil kitang kita niya kung paanong natutuwa ang mga ito sa mga pamangkin ni Owen.“Love gusto mo ba ng shrimp? Ipagbabalat kita.” Wika ni Owen sa kaniya. Tumango na lang si Kayla. Tiningnan niya si Owen na ginamit na ang mga kamay nito para magbalat ng mga hipon. Ang mga nababalatan na nito ay inilalagay niya naman sa pinggan ni Kayla. Masasabi niyang maswerte siya kay Owen dahil talagang hindi siya pinapabayaan nito kahit saan sila magpunta.“Siya nga pala iha, nasan ang mga magulang mo?” tanong ni Amelia. Napapatin
Inilibot niya ang paningin niya sa kwarto ni Owen. Yung sala ni Owen ay parang kasing sukat na ng buong condo niya. Namamangha siyang tiningnan ang mga gamit ni Owen. Maingat niyang hinaplos ang mga mamahaling vase at iba pang mga gamit. Nalibang siyang tingnan ang buong kwarto ni Owen. Nang hindi pa lumalabas si Kayla ay sinundan na siya ni Owen. Naabutan naman ni Owen na hindi pa nakakapagbihis si Kayla.“Hindi ka pa ba magbibihis? The party will start in 1 hour.” Ani ni Owen. Napayuko naman si Kayla.“Pasensya ka na, nalibang lang akong tumingin sa mga gamit mo. Yung laki ng sala ng kwarto mo, kasing laki na ‘to ng condo ko.” Aniya saka siya bahagyang tumawa. Ngumiti naman si Owen saka niya nilapitan si Kayla.“Kapag ikinasal na tayo, magiging kwarto na natin ‘to.” Namula naman ang mga pisngi ni
Tuwang tuwa si Kayla habang karga-karga niya si Kalix. Naglalakad-lakad sila sa pool dahil hindi sila makapunta ng hardin dahil dun ang venue ng event mamaya. Nakasunod naman si Isabella sa kaniya. Nang makakita ng swing si Kayla ay naupo na muna siya dun. Pinaupo niya sa binti niya si Kalix saka niya ito tiningnan. Natutuwa siyang makita ulit si Kalix makalipas ang ilang buwan simula nang madischarge ito sa hospital.“Mabuti naman at malusog ka baby. 8 months ka na kaagad, parang kailan lang ikaw ang pinakamaliit sa hospital dahil premature ka. Ngayon, ikaw na ang pinakamalaki sa mga kasabayan mo sa hospital. Malapit ka na ring operahan, kakayanin mo baby ha? Mahal na mahal ka ng pamilya mo.” Ani ni Kayla na para bang maiintindihan na siya ng bata.“Tita, malala po ba talaga ang sakit ni Kalix? Marami namang magagandang hospital dito pero mas pinili nila mommy na
“Hindi naman, tinawag ako ng business partner mo kanina.” Sagot niya. Napatingin si Owen sa kaniya. Naalala naman ni Owen na inutusan niya pala si Camille.“Ah, oo, si Camille yun. May gusto raw silang pag-usapan. Kahit naman gusto kong pumunta sayo wala akong magawa dahil mahalaga rin yung ginawa ko sa Tagaytay. You’re not mad, right?” natawa naman si Kayla. Kinurot niya sa pisngi si Owen dahil para bang kinakabahan na naman ito.“Of course not, wala naman akong dahilan para magalit sayo. Masyado kang perfect boyfriend eh. Tinanong lang kita. Kung busy ka naman pala hindi mo naman ako kailangang sunduin palagi. Makakauwi naman ako ng mag-isa ko. Alam kong pagod ka na rin kaya tumawag ka lang o magmessage sa akin na hindi mo ako masusundo, maiintindihan ko na yun. Ipahinga mo na lang yung oras na susunduin mo ako.” Umiling naman si Owen dahil ayaw niyang magbago siya ng dahil lang sa girlfriend niya si Kayla. Gusto niyang gawin ang obligasyon niya bilang boyfriend.“Hayaan mo akong ga
Nang pinatawag ang mga doctor ay mabilis na kinuha ni Kayla ang notes niya. Sabay-sabay silang tatlo na nagpunta ng conference room. Naiwan naman ang ibang doctor dahil hindi pwedeng mawala ang lahat ng doctor.Nag-uusap si Jane at Mylene habang naglalakad. Tahimik lang naman si Kayla na nakatingin sa cellphone niya at nagtitipa sa keyboard niya. Pagdating nila sa conference room ay naghanap na sila ng upuan. Sa taas naman nila napagdesiyunan na maupo.“Doc, dito na po tayo maupo sa harap para yung mga mahuhuli dun na taas.” Wika sa kanila. Naupo naman na silang tatlo sa pangalawang row. Unti-unti naman silang dumadami at makalipas ang sampung minuto ay dumating na rin ang mga nasa highest position. Nakikinig lang sila sa mga sinasabi ng mga ito. Naramdaman ni Kayla na may nakatitig sa kaniya kaya inilibot niya ang mga mata niya. Bahagyang napakunot ang noo niya ng makita niya ang isang babae.Kinikilala niya kung saan niya ba ito nakita. Iniwas niya rin ang paningin niya pero ramdam







