 Masuk
MasukNang makakita si Owen ay bumaba siya at iniwan si Doc Kayla sa loob ng sasakyan. Nahihilong sinundan ni Doc Kayla ng tingin si Owen. Hindi niya alam kung bakit hinintay pa niya ito gayong hindi niya naman nakikilala ang lalaki. Paano kung sa hotel din siya idiretso?
“No, I can’t lose my virginity.” Aniya. Naiinis sa sarili dahil napili pa niyang magpakalasing sa bar gayong maraming mga lalaking hayok sa mga babae. Ipinilig ni Doc Kayla ang ulo niya at akma na sanang lalabas ng sasakyan nang biglang dumating si Owen.
“Where are you going?” kunot noo niyang tanong.
“Uuwi na ako, I don’t trust you.” Prangkang sagot ni Doc Kayla. Hinila naman siya ni Owen pabalik sa upuan nito.
“Huwag kang mag-alala wala akong gagawin sayo. Kung iniisip mong may binabalak ako sayo na hindi maganda, hindi ako ganung klaseng tao.” Nang mailock ni Owen ang pintuan ay pinaandar niya na ang sasakyan. Nagpunta sila sa pinakamalapit na park. Ipinark niya ang sasakyan saka siya bumaba. Pinagbuksan niya na rin ng pintuan si Doc Kayla.
“Bumaba ka diyan. Magpamunaw ka muna bago ka umuwi sa inyo.” Utos ni Owen saka siya napabuntong hininga. “Hindi naman kilala, bakit ba iniisip ko pa ang pag-uwi mo? Hindi ko naman na kasalanan kung may nangyari sayo.” Mahina pang saad ni Owen. Bumaba naman na si Doc Kayla. Nauna nang maglakad si Owen, sumunod naman si Doc Kayla sa kaniya kahit na nahihilo pa siya. Napapakunot na lang ng noo si Doc Kayla, bakit siya sumusunod sa lalaking hindi niya naman kilala?
“Tsss, his demanding voice,” napapairap na saad ni Doc Kayla. Sa maawtoridad na boses ni Owen ay napapasunod siya. Naupo si Owen sa isang baitang ng hagdan habang ang tanawin nila ay ang malawak na ilog. Naupo na rin si Doc Kayla, niyakap sila ng malamig na hangin.
“Inumin mo ‘to,” ibinigay ni Owen ang binili niyang gamot kay Doc Kayla saka ang binili niyang kape. Tiningnan pa ni Doc Kayla si Owen, alam niyang nakita niya na si Owen pero hindi niya maalala kung saan.
“Do I know you?” tanong niya saka ininom ang gamot. Sinalubong naman ni Owen ang mga mata ni Doc Kayla. Pilit na inaalala ni Doc Kayla ang mukha ni Owen. Ilang minuto ang lumipas na magkatitigan lang silang dalawa. Napalunok si Doc Kayla nang unti-unti niyang naaalala kung saan niya nakita si Owen.
Nang tuluyan niyang naalala ang mukha ni Owen ay mabilis niyang iniwas ang paningin niya. Inipit niya ang mga nagtakas niyang buhok sa likod ng tenga niya.
“Inumin mo ‘to para naman magising ka na ng tuluyan at makauwi ka na.” ibinigay ni Owen ang binili niyang kape. Kinuha naman yun ni Doc Kayla saka ininom. Binabalot na siya ng hiya ngayon dahil alam niyang alam ni Owen na isa siyang doctor. Nang matikman niya ang kape ay nailuwa niya yun.
“Bakit ganito kapait ‘to? Purong kape ba ‘to?” reklamo niya. Kalmado lang naman si Owen habang nasa kawalan ang paningin niya.
“Inumin mo na lang kung gusto mong makauwi ng maayos at hindi naaaksidente.” Maawtoridad na saad ni Owen. Napapairap na lang si Doc Kayla. Kahit na mapait ang kape ay pinilit niyang inumin. Nararamdaman niya naman ang mainit na paghagod nito sa lalamunan niya hanggang sa bumagsak ito sa tiyan niya.
“Sabihin mo nga sa’kin. May pag-asa namang mabuhay ang pamangkin ko diba?” seryosong tanong ni Owen.
“Wala na ako sa oras ng trabaho ko. Kung may mga tanong ka tanungin mo yan kapag oras ng duty ko.” Masungit na sagot ni Doc Kayla. Nakikita ni Owen sa gilid ng mga mata niya ang bawat kilos ni Doc Kayla. Nang makita niyang inilagay ni Doc Kayla sa pisngi nito ang malamig na tubig ay nilingon niya na ito.
“Masakit pa ba ang pisngi mo?” concern na tanong ni Owen. Hindi alam ni Doc Kayla kong magi-guilty ba siya sa pagsusungit niya kay Owen dahil ramdam niyang concern ito sa kaniya o maiinis.
Hindi sumagot si Doc Kayla kaya lumapit si Owen sa kaniya. Inagaw ni Owen ang bottle water na hawak ni Doc Kayla saka tiningnan ang pisngi nito.
“Ano bang ginagawa mo?” naiilang na tanong ni Doc Kayla saka akma sanang aalisin ang kamay ni Owen na nakahawak sa pisngi niya nang matalim siyang tiningnan ni Owen. Para siyang nagiging maamong tigre dahil kay Owen. Naiinis siya dahil napapasunod siya nito.
Napabuntong hininga na lang si Owen ng makita niyang nag-iwan ng bakas ang sampal ng lalaking yun sa pisngi ni Doc Kayla. Maputi si Doc Kayla kaya kitang kita sa pisngi niya ang pamumula nito dahil sa sampal.
“I’m fine,” sagot ni Doc Kayla saka tinampal ang kamay ni Owen. Tumingin na siya sa kawalan at kahit na ayaw niyang inumin ang kape ay napapainom na lang siya para lang iwasan si Owen.
Nag-stay pa silang dalawa sa park habang parehong nakatingin sa malawak na ilog na nasa harapan nila. Nahihiya si Doc Kayla dahil nakita pa ni Owen ang ganitong side niya. Paano na lang kung parents ng pasyente niya ang nakakita sa kaniya? Baka masira pa ang career niya at mawalan ng tiwala sa kaniya ang iba.
“Palagi mo ba ‘tong ginagawa? Umiinom ka ba palagi sa bar at hindi nagtitira para pang-uwi?” tila naiinis na saad ni Owen. Iniisip niya kung ano na lang nangyari kay Doc Kayla kung hindi niya ito nakita.
“Ngayon lang ako nag-inom ng sobra.” Tipid na sagot ni Doc Kayla.
“Dahil ba niloko ka ng boyfriend mo?” sa gulat ni Doc Kayla ay napalingon siya kaagad kay Owen. Paano niya nalaman ang tungkol dun?
“How did you know?” tanong niya. Bahagya na lang natawa si Owen saka tiningnan si Doc Kayla.
“Maybe because we’re in the same place?” patanong pa niyang sagot. Napalunok si Doc Kayla saka muling iniwas ang paningin. Lalamunin na talaga siya ng kahihiyan kapag nagstay pa siya kasama si Owen.
Alam ni Doc Kayla na kaya niya nang umuwi dahil kahit papaano ay nakatulog ang gamot na binili ni Owen at ang kape. Iniwan niya si Owen at dumiretso sa sasakyan niya. Sinubukan pa siyang habulin ni Owen pero umalis na siya.

“Huwag mo ng isipin yun. Alam kong mahal ka ni Owen at sana hindi ako maging dahilan ng pag-aaway niyo dahil kung ano man ang nangyari sa nakaraan, lumipas na yun.” ngumiti naman si Kayla. Wala naman siyang nararamdaman na selos dahil hindi niya naman masisisi si Owen at Tyrone kung parehong nagkagusto ang mga ito kay Czarina.“Don’t worry, I’m just curious pero hindi ako ganun kababaw mag-isip para palakihin pa yun. You’re beautiful, Czarina. Hindi na ako magtataka kung maraming lalaki ang nahumaling sayo.” Nakangiting wika ni Kayla. Ngumiti lang din si Czarina.“Remember this, Kayla. Ang mga Fuentes, iba sila magmahal. Kung titingnan mo sila sa pang-anyong panlabas para silang walang kahinaan pero oras na nagmahal sila. Ang babaeng mahal nila ang kahinaan nila. They will do everything for their women. Akala mo hindi sila mababasag p
Kasama ni Kayla sa iisang table ang mga magulang ni Owen. Hindi siya komportable dahil nararamdaman niya ang pagtingin tingin sa kaniya ng ama at ina ni Owen. Nahihiya naman siyang tumingin. Hindi niya inaasahan na matatanggap siya kaagad. Napapangiti na lang siya habang kumakain. Alam niyang gusto na ng mga magulang ni Owen na magkaapo na sila dahil kitang kita niya kung paanong natutuwa ang mga ito sa mga pamangkin ni Owen.“Love gusto mo ba ng shrimp? Ipagbabalat kita.” Wika ni Owen sa kaniya. Tumango na lang si Kayla. Tiningnan niya si Owen na ginamit na ang mga kamay nito para magbalat ng mga hipon. Ang mga nababalatan na nito ay inilalagay niya naman sa pinggan ni Kayla. Masasabi niyang maswerte siya kay Owen dahil talagang hindi siya pinapabayaan nito kahit saan sila magpunta.“Siya nga pala iha, nasan ang mga magulang mo?” tanong ni Amelia. Napapatin
Inilibot niya ang paningin niya sa kwarto ni Owen. Yung sala ni Owen ay parang kasing sukat na ng buong condo niya. Namamangha siyang tiningnan ang mga gamit ni Owen. Maingat niyang hinaplos ang mga mamahaling vase at iba pang mga gamit. Nalibang siyang tingnan ang buong kwarto ni Owen. Nang hindi pa lumalabas si Kayla ay sinundan na siya ni Owen. Naabutan naman ni Owen na hindi pa nakakapagbihis si Kayla.“Hindi ka pa ba magbibihis? The party will start in 1 hour.” Ani ni Owen. Napayuko naman si Kayla.“Pasensya ka na, nalibang lang akong tumingin sa mga gamit mo. Yung laki ng sala ng kwarto mo, kasing laki na ‘to ng condo ko.” Aniya saka siya bahagyang tumawa. Ngumiti naman si Owen saka niya nilapitan si Kayla.“Kapag ikinasal na tayo, magiging kwarto na natin ‘to.” Namula naman ang mga pisngi ni
Tuwang tuwa si Kayla habang karga-karga niya si Kalix. Naglalakad-lakad sila sa pool dahil hindi sila makapunta ng hardin dahil dun ang venue ng event mamaya. Nakasunod naman si Isabella sa kaniya. Nang makakita ng swing si Kayla ay naupo na muna siya dun. Pinaupo niya sa binti niya si Kalix saka niya ito tiningnan. Natutuwa siyang makita ulit si Kalix makalipas ang ilang buwan simula nang madischarge ito sa hospital.“Mabuti naman at malusog ka baby. 8 months ka na kaagad, parang kailan lang ikaw ang pinakamaliit sa hospital dahil premature ka. Ngayon, ikaw na ang pinakamalaki sa mga kasabayan mo sa hospital. Malapit ka na ring operahan, kakayanin mo baby ha? Mahal na mahal ka ng pamilya mo.” Ani ni Kayla na para bang maiintindihan na siya ng bata.“Tita, malala po ba talaga ang sakit ni Kalix? Marami namang magagandang hospital dito pero mas pinili nila mommy na
“Hindi naman, tinawag ako ng business partner mo kanina.” Sagot niya. Napatingin si Owen sa kaniya. Naalala naman ni Owen na inutusan niya pala si Camille.“Ah, oo, si Camille yun. May gusto raw silang pag-usapan. Kahit naman gusto kong pumunta sayo wala akong magawa dahil mahalaga rin yung ginawa ko sa Tagaytay. You’re not mad, right?” natawa naman si Kayla. Kinurot niya sa pisngi si Owen dahil para bang kinakabahan na naman ito.“Of course not, wala naman akong dahilan para magalit sayo. Masyado kang perfect boyfriend eh. Tinanong lang kita. Kung busy ka naman pala hindi mo naman ako kailangang sunduin palagi. Makakauwi naman ako ng mag-isa ko. Alam kong pagod ka na rin kaya tumawag ka lang o magmessage sa akin na hindi mo ako masusundo, maiintindihan ko na yun. Ipahinga mo na lang yung oras na susunduin mo ako.” Umiling naman si Owen dahil ayaw niyang magbago siya ng dahil lang sa girlfriend niya si Kayla. Gusto niyang gawin ang obligasyon niya bilang boyfriend.“Hayaan mo akong ga
Nang pinatawag ang mga doctor ay mabilis na kinuha ni Kayla ang notes niya. Sabay-sabay silang tatlo na nagpunta ng conference room. Naiwan naman ang ibang doctor dahil hindi pwedeng mawala ang lahat ng doctor.Nag-uusap si Jane at Mylene habang naglalakad. Tahimik lang naman si Kayla na nakatingin sa cellphone niya at nagtitipa sa keyboard niya. Pagdating nila sa conference room ay naghanap na sila ng upuan. Sa taas naman nila napagdesiyunan na maupo.“Doc, dito na po tayo maupo sa harap para yung mga mahuhuli dun na taas.” Wika sa kanila. Naupo naman na silang tatlo sa pangalawang row. Unti-unti naman silang dumadami at makalipas ang sampung minuto ay dumating na rin ang mga nasa highest position. Nakikinig lang sila sa mga sinasabi ng mga ito. Naramdaman ni Kayla na may nakatitig sa kaniya kaya inilibot niya ang mga mata niya. Bahagyang napakunot ang noo niya ng makita niya ang isang babae.Kinikilala niya kung saan niya ba ito nakita. Iniwas niya rin ang paningin niya pero ramdam








