Nang makaramdam ng gutom si Kayla ay bumaba na muna siya para bumili ng pagkain. Naalala niyang hindi pa siya kumakain dahil nagrounds na siya kaagad. Bumili na lang siya ng drinks at bread saka siya bumalik sa office niya at mabilis iyung kinain dahil kailangan pa niyang pumunta ng PICU para naman tingnan ang mga pasyente niya dun.
Nagtungo na siya sa PICU pero napatigil siya sa paglalakad nang makita niya kung sino ang nasa labas ng PICU. Napalunok siya, ayaw niya na sanang makita si Owen dahil nahihiya siya rito pero kailangan niya namang pumunta ng PICU. Humugot na lang siya ng malalim na buntong hininga.
Nasa oras siya ng trabaho kaya kailangan niyang maging professional lalo na sa lahat ng mga kamag-anak ng mga pasyente niya. Lakas loob na lang siya naglakad papalapit sa PICU pero hindi niya alam kung bakit palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Nang lingunin siya ni Owen ay diretso lang ang paningin niya. Kunwaring hindi napansin si Owen. Papasok na sana siya nang magsalita si Owen.
“Doc Kayla,” usal nito.
“Good morning sir,” seryosong bati ni Kayla saka pumasok na sa PICU. Nakasunod naman ang paningin ni Owen kahit na nakasarado na ang pintuan ay dun pa rin nakatingin si Owen. Napapailing na lang siya saka siya sumandal sa pader at ibinulsa ang dalawa niyang kamay habang nakayuko siya.
“Good morning doc,” bati ng mga nurse kay Kayla. Ngumiti at tumango lang naman siya. Kinuha ni Kayla ang mga documents na nasa table saka binasa ang mga yun. Dun nakalagay ang records ng mga pasyente niya.
Lalabas na sana siya nang maalala niyang baka nasa labas pa si Owen kaya sa kabilang pintuan na lang siya dumaan. Paglabas niya ay dumiretso na siya sa elevator. Hinihintay itong bumukas.
“Saan mo gustong kumain? May alam akong restaurant na malapit lang din dito, gusto mo bang dun na lang tayo?” rinig ni Kayla sa usapan ng mga taong nasa likod niya. Hindi niya na lang nilingon ang mga ito. Nang bumukas ang elevator ay nauna na siyang pumasok. Napalunok na lang siya ng makita niya si Owen at si Czarina.
“Doc, ikaw pala.” Usal ni Czarina. Tipid na lang ngumiti si Kayla. Gusto niya sanang lumabas ng elevator at gumamit na lang ng hagdan pero naisip niya ring, bakit niya ba iniiwasan si Owen?
“Didiretso na lang ako sa office.” Sagot naman ni Czarina.
“Kakain muna tayo bago kita ihahatid. Don’t be stubborn Czarina. Kapag inihatid kita sa office mo hindi ko malalaman kung kumain ka na o hindi pa kaya kakain muna tayo.” Saad ni Owen, napatingin si Kayla kay Owen. Ramdam na ramdam niya ang pagiging concern nito at matinding pag-aalala para kay Czarina.
Tipid na napangiti si Kayla, hindi niya maiwasang hindi isipin na may gusto si Owen kay Czarina dahil sa pakikitungo nito. Nang mapalingon si Kayla kay Owen ay nakatingin ito sa kaniya. Seryosong nakatingin si Owen sa kaniya. Mabilis na iniwas ni Kayla ang paningin niya saka nilaro ang mga daliri niya. Nasa 3rd floor lang naman sila pero bakit parang ang bagal bumaba ng elevator?
Nang bumukas ang elevator ay hinintay pa niyang makalabas si Owen at Czarina. Nang maghiwa-hiwalay sila ng daan ay saka nakahinga si Kayla. Napakunot na lang siya ng noo.
“Did I hold my breath?” tanong niya sa sarili niya dahil para bang naghabol siya ng hangin sa katawan. Pinigilan niya ba ang paghinga niya habang nasa loob sila ng elevator? Bakit pa masyado siyang naaapektuhan ng presensya ni Owen? Napabuntong hininga na lang siya. Hindi man lang siya nakapagpasalamat kay Owen dahil sa pagligtas nito sa kaniya sa lalaking muntik siyang idala sa hotel.
Hindi na nga siya nagpasalamat, iniwan pa niya ito kahit na alam niyang wala namang dalang sasakyan si Owen. Napayuko na lang si Kayla habang naglalakad. Kung pwede lang tumira na lang siya sa hospital kesa ang umuwi dahil alam niyang guguluhin lang ni Joshua at ng pamilya niya ang buhay niya kapag nasa condo siya at least kapag nasa hospital siya tahimik ang buhay niya, malayo sa pamilya niya at nalilibang siya sa mga pasyente niya.
Nang matapos ang shift niya ay umuwi na siya. Pagod na pagod siya sa maghapong trabaho niya lalo na at ilang beses na nagkaroon ng page.
Pagpasok niya sa condo niya ay gulat niyang tiningnan si Joshua. Nakalimutan niyang palitan ang password niya kaya malaya pa ring nakapasok ito.
“What are you doing here? Hindi pa ba malinaw sayo na tapos na tayong dalawa?” wika niya pero nginitian lang siya ni Joshua.
“Hindi ka pa rin ba tapos diyan? Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayong dalawa? Walang maghihiwalay kaya maupo ka na dito at kakain na tayo. Pinagluto kita ng mga paborito mo? Diba ang sweet ko? Kalimutan na lang natin yun. Hindi ko naman mahal si Ellaine eh, katawan niya lang ang kailangan ko sa kaniya pero ikaw ang pakakasalan ko.” Naikuyom ni Kayla ang kamao niya. Bakit ngayon niya lang nakikita ang mga red flag ng fiance niya?
“Hindi ako magpapakasal sayo. I already told you, the wedding is off. Kung may mga utang man sayo ang pamilya ko sila ang singilin mo huwag ako.” Matapang niyang saad. Ngumingiti na lang si Joshua but a creepy smile. Nilapitan ni Joshua si Kayla saka hinawakan ito nang mahigpit sa magkabilang balikat niya.
“Joshua ano ba! Nasasaktan na ako!” pagpupumiglas niya pero hindi siya binitiwan ni Joshua.
“Kapag sinabi kong walang maghihiwalay, hindi tayo maghihiwalay! Malaki na ang nainvest ko sayo kaya akin ka lang! Akin lang, Kayla!” sigaw ni Joshua. Natatakot na si Kayla, ibang iba na ang Joshua na nasa harapan niya. Sweet at malambing naman ito sa kaniya dati pero kahit kailan hindi pa niya ito nakikitang magalit. Ngayon pa lang.
Humugot ng malalim na buntong hininga si Joshua saka niya mariin na ipinikit ang mga mata niya tila ba kinakalma ang sarili.
“Huwag na nating palakihin ‘to, babe. Huwag na nating pagtalunan pa. Ikakasal na tayong dalawa at kalahati ng gagamitin natin sa kasal ay nakaready na, hindi na pwedeng icancel.” Kalmado niyang saad. Umiling si Kayla, desidido na siya sa desisyon niya. Hindi siya magpapakasal, ayaw niyang matali sa lalaking manloloko. Siguro matatanggap niya pa kung one night stand lang at lasing si Joshua pero ang dalawang taon na siyang niloloko? Ibang usapan na yun.
“No,” matigas na sagot ni Kayla lalong natrigger ang galit ni Joshua kaya sinampal niya si Kayla na ikinagulat naman ni Kayla dahil ito ang kauna-unahan na pinagbuhatan siya ng kamay ng fiance niya.
“No? Matagal kitang hinintay tapos aatras ka lang? Bakit? Sino bang pinagmamalaki mo? Yung lalaki bang nakasama mo sa bar, yun ba?!” sigaw niya, hawak-hawak pa rin ni Kayla ang pisngi niya dahil ramdam niya ang init nang sampal ni Joshua.
“Kung hindi rin naman kita mapapakinabangan, mabuti pang makuha ko na sayo ang matagal ko nang gustong makuha. Higa!” utos niya pero sa takot ni Kayla ay niyakap niya ang sarili niya. Hindi niya na kilala ang fiance niya tila ba biglang nag-ibang tao ito.
Akma na sanang aalis si Kayla nang hilain siya ni Joshua at sinimulang halikan.
“Joshua ano ba! Don’t do this, please!” nagmamakaawang saad ni Kayla pero tila ba walang naririnig si Joshua. Sa lakas nito ay napunit niya na ang damit ni Kayla. Gusto na lang umiyak ni Kayla pero kung wala siyang gagawin baka magtagumpay si Joshua sa binabalak niya. Madiing kinagat ni Kayla sa braso si Joshua kaya nabitiwan siya nito. Nang makawala siya ay mabilis siyang tumakbo palabas ng condo niya. Sumakay siya ng elevator.
“Kayla come back here!” sigaw ni Joshua saka siya hinabol. Sunod-sunod na pinindot ni Kayla ang close sa elevator. Nakahinga na lang siya ng maluwag nang magsarado ito. Nakikita niya ang sarili niya sa elevator punit ang damit niya kaya niyakap niya na lang ang sarili niya.
Pagbukas ng elevator ay nagulat pa siya ng makita niya si Owen. Kunot noo itong nakatingin sa kaniya lalo na ng makita nitong punit ang damit niya. Magko-close na sana ang elevator nang mabilis iyung napindot ni Owen.
“Kayla!” rinig ni Kayla sa sigaw ni Joshua. Siguradong gumamit ito ng hagdan. Tatakbo na sana si Kayla para tumakas nang hilain siya ni Owen saka sila sumakay sa kabilang elevator. Napayuko na lang si Kayla saka siya napaiyak. Hindi niya akalain na gagawin ito sa kaniya ni Joshua, ang taong isang pinagkakatiwalaan niya.
Nang makarating sila sa floor ni Owen ay lumabas na sila, hila-hila ni Owen si Kayla at idinala sa condo niya. Hindi nila akalain na nasa iisang condominium pala sila pero sa magkaibang floor. Sa penthouse nakatira si Owen habang si Kayla ay sa pangkaraniwang kwarto lang.
“Uminom ka muna,” saad ni Owen. Kitang kita niya ang takot sa mga mata ni Kayla. Nanguha na rin siya ng towel saka ibinigay kay Kayla para takpan ang sarili niya.
Akala ni Kayla ay matatapos na kapag tinakot niya ang kuya niya pero natameme na lang siya nang abangan siya ng kaniyang ama sa labas ng hospital. Sa mga nakalipas na araw ay naging busy si Owen kaya hindi sila nagkikita. Lalampasan na lang sana ni Kayla ang kaniyang ama pero kilala niya ito baka ipahiya pa siya sa mga taong nasa hospital. Kilala pa naman siyang magaling na doctor.Walang nagawa si Kayla kundi ang sumakay sa sasakyan ng daddy niya. Tahimik lang siyang sumama.“Magmamalaki ka na ba sa amin dahil si Owen Fuentes ang bago mong boyfriend? Ganiyan ka ba namin pinalaki? Para kang nauubusan ng lalaki.” Saad sa kaniya ng kaniyang ama. Tahimik lang si Kayla habang diretosng nakatingin sa harap nila. “Malakas na ang loob mo ngayong takutin kami dahil malaki ang impluwensya ng bago mo at nanggaling din sa mayamang pamilya. Mukhang pera ang tingin mo sa amin, anong tingin mo sa sarili mo?” napalunok si Kayla dahil alam niyang hinuhusgahan na naman siya ng kaniyang ama.Gusto niya
Napadalas ang pagkikita ni Kayla at ni Owen. Masaya naman si Kayla sa status ng relasyon nila bilang magkaibigan. Napapailing na lang si Jane sa tuwing excited na mag-out ang kaibigan niya. Naggagayak na naman si Kayla para umuwi.“Dahan-dahan lang baka mabroken hearted ka sa lalaking hindi naman naging sayo.” Pagpapaalala ni Jane. Iniirapan na lang siya ni Kayla.“We’re just friend,” angil naman ni Kayla.“Alam ko, sa pagkakaibigan naman talaga nagsisimula ang lahat. Sa itsura mo, sa ikinikilos mo lalong lumalalim yung nararamdaman mo para sa kaniya. Paano kung hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay ni Owen sayo? Edi ikaw ang kawawa. Baka mas masaktan ka pa kesa sa nangyari sa inyo ni Joshua.” Napabuntong hininga si Kayla. Tama naman ang kaibigan niya. Paano kung siya ang maiwan sa ere? Siguradong tatawanan siya ng ex niya.“Don’t worry about me, I can handle this.” Sagot ni Kayla.“Sana nga kaya mong i-handle yung emotion mo. Kung nagawa mo nang mahuli mo si Joshua sa panloloko ni
Pilit na pinapalakas ni Kayla ang loob niya pero gusto niya nang tumakbo palabas ng hotel para lang makatakas kay Joshua. Mahigpit na hinawakan ni Kayla ang dress niya. Akma na sana siyang tatayo nang biglang dumating si Owen. Ibinaba ni Owen ang mga dala niyang pagkain saka diretsong tiningnan si Joshua. Bigla namang nawala ang angas ng mukha ni Joshua.“May kailangan ka sa kaniya? Is he harassing you again?” tanong ni Owen. Hindi naman makasagot si Kayla dahil nakatingin sa kaniya si Joshua. “Don’t look at her like that kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng lugar na ‘to at dukutin ko ang mga mata mo.” May diing pagbabanta ni Owen. Umiwas naman na ng paningin si Joshua saka bahagyang lumayo sa table nila.“I’m not harassing her, may tinanong lang ako.” Sagot ni Joshua saka ito tumalikod. Naupo naman na si Owen sa tabi ni Kayla nang makaalis si Joshua.“Are you okay? May ginawa ba siya sayo?” tanong ni Owen, umiling naman si Kayla.“Tinanong niya lang ako kung boyfriend na ba kit
Pinaghandaan ni Kayla ang party na dadaluhan nila ni Owen. Hindi alam ni Kayla kung nakabalik na ba ng bansa si Owen. Mamaya na ang anniversary party na pupuntahan nila pero hindi pa rin tumatawag o nagtetext sa kaniya si Owen. Hindi alam ni Kayla kung bakit kinakabahan siya. Ito ang unang beses na dadalo siya sa party kung saan hindi siya nabibilang sa industriya ng mga ito.Mabuti na lamang at walang masyadong emergency sa loob ng hospital kaya hindi masyadong hectic ang schedule niya. Maaga siyang nakauwi, hinihintay na lang ang pagpaparamdam ni Owen.Muntik pang mabitiwan ni Kayla ang hawak niyang cellphone nang bigla itong tumunog. Kanina pa kasi siya nakatitig dito, hinihintay ang tawag ni Owen. Mabilis niyang sinagot ang tawag ni Owen. Napatikhim pa siya para ayusin ang boses niya.“Hello?” sagot niya.“Hi, I’m sorry kung ngayon lang ako nakatawag sayo. Nasa flight kasi ako kaninang umaga pa kaya hindi ako nakakatawag o text man lang sayo. Kabababa ko lang ng eroplano, hinihint
Sa mga nakalipas na mga araw ay patuloy silang nagkikita. Minsan ay araw-araw siyang sinusundo ni Owen, kakain muna bago uuwi. Masayang masaya ang puso ni Kayla dahil dun. Sa tuwing papasok siya sa trabaho niya ay nakangiti na siya, maaliwalas na rin ang mukha niya.Napatigil si Kayla sa ginagawa niya nang nagpangalumbaba si Jane sa lamesa niya. Kinunutan niya ito ng noo.“Sabihin mo nga sa akin, ano na bang status ng relasyon niyo ngayon ni Mr. Fuentes?” nakataas ang kilay na tanong ni Jane. Iniwas naman ni Kayla ang paningin niya saka kunwaring pinagpatuloy ang pagtitipa niya sa computer niya.“Wala, bakit ba yan ang iniisip mo?” sagot niya pero lalong tumaas ang kilay ni Jane.“Kaibigan mo ako, Kayla. Hindi naman kita pipigilan kung may namamagitan na nga sa inyo ni Mr. Fuentes. Bakit ba ililihim mo pa sa akin? Nakita ko kayong nitong nakaraang araw. Alam kong si Mr. Fuentes yung sumusundo sayo. Prinsesang prinsesa ah, pinagbubuksan ka pa niya ng pintuan. Sige, ngayon ka magsinunga
Hindi mapigilan ni Kayla na hindi mapangiti habang nakatingin sa cellphone niya. Naka-save na sa contact niya ang number ni Owen. Hindi niya akalain na totohanin ni Owen ang sinabi nito nang magdinner date silang dalawa. Akala niya kasi na hindi gagawin ni Owen ang sinabi nito dahil tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagtetext o tumatawag sa kaniya si Owen.“Huy! Anong nginingiti mo diyan? Para kang timang na nakangiti sa cellphone mo. May kachat ka ba?” pang-uusisa ni Jane. Mabilis namang itinago ni Kayla ang cellphone niya saka sumeryoso.“Wala naman, may nakita lang akong video na nakakatawa sa internet.” Pagdadahilan niya pero napapataas ng kilay si Jane.“Talaga? Pero bakit i-message yung nakita ko?” aniya.“Baka namamalikmata ka lang.” depensa ni Kayla saka muling ibinalik sa ginagawa niya ang atensyon niya. Napapailing na lang si Jane pero wala rin siyang nagawa kundi ang bumalik sa pwesto niya.Pagsapit ng uwian ay nagmamadali pang makababa si Kayla. Nakamasid naman