Habang nakaupo si Kayla sa sofa ay inabutan siya ni Owen ng tubig. Nahihiya namang yung tinanggap ni Kayla. Bakit ba palagi na lang silang nagkikita ni Owen sa nakakahiyang sitwasyon?
“Thank you, I’m sorry for the inconvenience.” Nakayuko niyang saad. Umalis si Owen para manguha ng t-shirt niya at ibinigay yun kay Kayla.
“Isuot mo yan para hindi mo tinatakpan ang damit mong napunit.” Blangkong wika ni Owen. Kinuha ni Kayla ang damit saka pumasok sa cr para magbihis. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin. Pakiramdam niya hindi niya na kilala ang sarili niya. Dati siyang masiyahin, masigla, palangiti pero biglang nawala yun. Naghilamos siya saka siya lumabas ng cr. Gusto niya sanang bumalik na sa condo niya pero natatakot siyang baka nandun pa si Joshua.
Nang lumabas siya ay nasa kusina naman si Owen. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito. Inilibot niya na lang ang paningin niya sa malawak na kwarto ni Owen. Glass wall ang buong living room ni Owen kaya kitang kita ang magandag tanawin sa ibaba. Padilim na ang kalangitan pero hindi pa rin siya nakakabalik sa condo niya.
“Kumain ka na muna,” ani ni Owen saka ibinaba ang mga pagkain niluto niya.
“Salamat na lang. Can I stay here for a while? I just want to make sure that he’s gone in this building.” Nahihiya man siya pero nilakasan niya na ang loob niya. Natatakot siya sa pwedeng gawin ni Joshua sa kaniya. Hindi niya akalain na makikita niya ang ibang side ng ugali nito.
“Is he your ex?” tanong ni Owen. Tumango naman si Kayla. “Bakit hindi mo na lang siya i-report sa mga pulis para tigilan ka na niya?”
“I can’t, kahit na ireport ko siya wala rin namang mangyayari. He’s the CEO of the Santos Velocity.” Wika ni Kayla. Inisip naman ni Owen kung anong kakompanya yun.
“Is he Joshua Santos?” tanong ni Owen na ikinatango ni Kayla. Anong lakas ng loob meron siya para kalabanin ang isang Joshua Santos? Halos kilalang kilala siya ng lahat dahil sa pamilya nito. Hindi na rin nagtaka si Kayla kung kilala ni Owen ang pangalan ni Joshua.
“Bakit niya ginagawa sayo ‘to if he really loves you? Halos sirain niya na ang damit mo. Anong balak niyang gawin sayo bago ka makatakas sa kaniya?” napayuko si Kayla. Nahihiya man siyang magkwento pero gusto niyang may taong makaalam ng kwento niya para kung sakaling may mangyari sa kaniya, may nakakaalam kung anong posibleng nangyari.
“He almost raped me. Ikakasal na dapat kami pero umatras ako dahil nahuli ko siya kasama ang babae niya. They are having sex in his condo. Kaya ko pa siguro siyang patawarin kung isang beses lang yun pero dalawang taon na nila akong niloloko. Ayaw ko ng ituloy ang kasal at lumabas ang ugali niya dahil dun. Gusto niyang markahan ako kung hindi rin naman ako papayag sa kasal namin.” Tahimik lang si Owen habang nakatingin kay Kayla. Iniisip niyang siguro ay v*rgin pa si Kayla kaya gustong gusto ni Joshua na makuha ito.
“Gusto mo bang i-check ko kung nandun pa siya sa condo mo?”
“Kahit naman makita mong wala siya sa labas ng kwarto ko baka nasa loob yun ng kwarto ko.” Ani ni Kayla.
“Then give me your password.” Napatingin si Kayla kay Owen, nagdadalawang isip kung ibibigay niya ba. Mapagkakatiwalaan niya ba ito? Napabuntong hininga na lang siya. Yun lang ang tanging paraan para malaman niya kung safe na ba siyang bumalik ng room niya. Wala siyang nagawa kundi ang ibigay kay Owen ang password niya.
“Kumain ka na muna diyan. Bababa na muna ako.” Anas ni Owen saka lumabas na ng kwarto niya at nagtungo na sa floor ng room ni Kayla. Kumain naman muna si Kayla dahil natatakam siya sa mga luto ni Owen.
Pagdating naman ni Owen sa floor ng room ni Kayla ay hinanap niya ang room number at nang makita niya ito ay inilagay niya ang password na ibinigay ni Kayla. Pumasok siya sa loob at tiningnan ang buong living room. Wala naman siyang makitang tao. Pumasok siya sa kusina, sa balcony, sa cr at sa kwarto ni Kayla pero wala namang tao.
Nang masiguro ni Owen na wala na si Joshua ay lumabas na siya saka siya bumalik ng kwarto niya. Naabutan niya namang kumakain na si Kayla.
“Wala na siya dun.” Aniya, napatango naman si Kayla at nakahinga ng maluwag. “Kung ganiyan naman ang ginagawa sayo ng ex mo mabuti pang lumipat ka na ng kwarto o lumipat ng condo.” Wika pa ni Owen.
“Sa ngayon hindi ko pa kaya. Papalitan ko na lang ang password ko.” Hindi na lang pinilit ni Owen si Kayla dahil hindi naman sila magkakilala. Iniisip niya rin na baka ito na rin ang huli nilang pagkikita.
“Ihahatid na kita,” ani ni Owen nang lumabas si Kayla. Hindi naman na tumanggi si Kayla para makasiguro siyang ligtas siyang makakabalik sa kwarto niya. Tahimik lang silang dalawa habang nasa elevator. Pagbukas ng pintuan ay nanlaki ang mga mata ni Kayla ng makita niya kung sino ang nasa labas ng elevator. Mabilis na pinindot ni Kayla ang close button pero huli na dahil nakapasok na si Joshua.
“Leave me alone!” sigaw ni Kayla. Hindi naman nanuod si Owen. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Joshua at pinilipit iyun dahilan para mapada/ing siya. Malakas ding sinipa ni Owen si Joshua palabas ng elevator. Isinarado naman kaagad ni Kayla ang elevator. Abot ang kabang nararamdaman ni Kayla. Paano niya matatakasan si Joshua?
Pinindot lahat ni Owen ang number ng floor para hindi malaman ni Joshua kung saan sila pupunta. Tahimik lang si Kayla habang nakayuko. Bumalik sila sa penthouse. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik sa kwarto niya lalo na kung nakabantay sa kaniya si Joshua.
“Hindi ko alam na bumalik pala siya. Pumasok ako sa room mo kanina at tiningnan lahat ng pwede niyang pagtaguan pero hindi ko siya nakita.” Saad ni Owen.
“Okay na rin yun dahil kung nasa loob siya ng kwarto ko at nakita ka niya baka kung ano pang magawa niya sayo. Wala siyang kinatatakutan. Alam kong mas makapangyarihan ang pamilya mo kesa sa kanila pero wala siyang kinikilala kahit sino. Ayaw ko ring idamay ka pa sa gulo ng buhay ko. Magbobook na lang siguro ako sa ibang hotel para dun muna magpalipas ng gabi.” Aniya at aalis na sana.
Akala ni Kayla ay matatapos na kapag tinakot niya ang kuya niya pero natameme na lang siya nang abangan siya ng kaniyang ama sa labas ng hospital. Sa mga nakalipas na araw ay naging busy si Owen kaya hindi sila nagkikita. Lalampasan na lang sana ni Kayla ang kaniyang ama pero kilala niya ito baka ipahiya pa siya sa mga taong nasa hospital. Kilala pa naman siyang magaling na doctor.Walang nagawa si Kayla kundi ang sumakay sa sasakyan ng daddy niya. Tahimik lang siyang sumama.“Magmamalaki ka na ba sa amin dahil si Owen Fuentes ang bago mong boyfriend? Ganiyan ka ba namin pinalaki? Para kang nauubusan ng lalaki.” Saad sa kaniya ng kaniyang ama. Tahimik lang si Kayla habang diretosng nakatingin sa harap nila. “Malakas na ang loob mo ngayong takutin kami dahil malaki ang impluwensya ng bago mo at nanggaling din sa mayamang pamilya. Mukhang pera ang tingin mo sa amin, anong tingin mo sa sarili mo?” napalunok si Kayla dahil alam niyang hinuhusgahan na naman siya ng kaniyang ama.Gusto niya
Napadalas ang pagkikita ni Kayla at ni Owen. Masaya naman si Kayla sa status ng relasyon nila bilang magkaibigan. Napapailing na lang si Jane sa tuwing excited na mag-out ang kaibigan niya. Naggagayak na naman si Kayla para umuwi.“Dahan-dahan lang baka mabroken hearted ka sa lalaking hindi naman naging sayo.” Pagpapaalala ni Jane. Iniirapan na lang siya ni Kayla.“We’re just friend,” angil naman ni Kayla.“Alam ko, sa pagkakaibigan naman talaga nagsisimula ang lahat. Sa itsura mo, sa ikinikilos mo lalong lumalalim yung nararamdaman mo para sa kaniya. Paano kung hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay ni Owen sayo? Edi ikaw ang kawawa. Baka mas masaktan ka pa kesa sa nangyari sa inyo ni Joshua.” Napabuntong hininga si Kayla. Tama naman ang kaibigan niya. Paano kung siya ang maiwan sa ere? Siguradong tatawanan siya ng ex niya.“Don’t worry about me, I can handle this.” Sagot ni Kayla.“Sana nga kaya mong i-handle yung emotion mo. Kung nagawa mo nang mahuli mo si Joshua sa panloloko ni
Pilit na pinapalakas ni Kayla ang loob niya pero gusto niya nang tumakbo palabas ng hotel para lang makatakas kay Joshua. Mahigpit na hinawakan ni Kayla ang dress niya. Akma na sana siyang tatayo nang biglang dumating si Owen. Ibinaba ni Owen ang mga dala niyang pagkain saka diretsong tiningnan si Joshua. Bigla namang nawala ang angas ng mukha ni Joshua.“May kailangan ka sa kaniya? Is he harassing you again?” tanong ni Owen. Hindi naman makasagot si Kayla dahil nakatingin sa kaniya si Joshua. “Don’t look at her like that kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng lugar na ‘to at dukutin ko ang mga mata mo.” May diing pagbabanta ni Owen. Umiwas naman na ng paningin si Joshua saka bahagyang lumayo sa table nila.“I’m not harassing her, may tinanong lang ako.” Sagot ni Joshua saka ito tumalikod. Naupo naman na si Owen sa tabi ni Kayla nang makaalis si Joshua.“Are you okay? May ginawa ba siya sayo?” tanong ni Owen, umiling naman si Kayla.“Tinanong niya lang ako kung boyfriend na ba kit
Pinaghandaan ni Kayla ang party na dadaluhan nila ni Owen. Hindi alam ni Kayla kung nakabalik na ba ng bansa si Owen. Mamaya na ang anniversary party na pupuntahan nila pero hindi pa rin tumatawag o nagtetext sa kaniya si Owen. Hindi alam ni Kayla kung bakit kinakabahan siya. Ito ang unang beses na dadalo siya sa party kung saan hindi siya nabibilang sa industriya ng mga ito.Mabuti na lamang at walang masyadong emergency sa loob ng hospital kaya hindi masyadong hectic ang schedule niya. Maaga siyang nakauwi, hinihintay na lang ang pagpaparamdam ni Owen.Muntik pang mabitiwan ni Kayla ang hawak niyang cellphone nang bigla itong tumunog. Kanina pa kasi siya nakatitig dito, hinihintay ang tawag ni Owen. Mabilis niyang sinagot ang tawag ni Owen. Napatikhim pa siya para ayusin ang boses niya.“Hello?” sagot niya.“Hi, I’m sorry kung ngayon lang ako nakatawag sayo. Nasa flight kasi ako kaninang umaga pa kaya hindi ako nakakatawag o text man lang sayo. Kabababa ko lang ng eroplano, hinihint
Sa mga nakalipas na mga araw ay patuloy silang nagkikita. Minsan ay araw-araw siyang sinusundo ni Owen, kakain muna bago uuwi. Masayang masaya ang puso ni Kayla dahil dun. Sa tuwing papasok siya sa trabaho niya ay nakangiti na siya, maaliwalas na rin ang mukha niya.Napatigil si Kayla sa ginagawa niya nang nagpangalumbaba si Jane sa lamesa niya. Kinunutan niya ito ng noo.“Sabihin mo nga sa akin, ano na bang status ng relasyon niyo ngayon ni Mr. Fuentes?” nakataas ang kilay na tanong ni Jane. Iniwas naman ni Kayla ang paningin niya saka kunwaring pinagpatuloy ang pagtitipa niya sa computer niya.“Wala, bakit ba yan ang iniisip mo?” sagot niya pero lalong tumaas ang kilay ni Jane.“Kaibigan mo ako, Kayla. Hindi naman kita pipigilan kung may namamagitan na nga sa inyo ni Mr. Fuentes. Bakit ba ililihim mo pa sa akin? Nakita ko kayong nitong nakaraang araw. Alam kong si Mr. Fuentes yung sumusundo sayo. Prinsesang prinsesa ah, pinagbubuksan ka pa niya ng pintuan. Sige, ngayon ka magsinunga
Hindi mapigilan ni Kayla na hindi mapangiti habang nakatingin sa cellphone niya. Naka-save na sa contact niya ang number ni Owen. Hindi niya akalain na totohanin ni Owen ang sinabi nito nang magdinner date silang dalawa. Akala niya kasi na hindi gagawin ni Owen ang sinabi nito dahil tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagtetext o tumatawag sa kaniya si Owen.“Huy! Anong nginingiti mo diyan? Para kang timang na nakangiti sa cellphone mo. May kachat ka ba?” pang-uusisa ni Jane. Mabilis namang itinago ni Kayla ang cellphone niya saka sumeryoso.“Wala naman, may nakita lang akong video na nakakatawa sa internet.” Pagdadahilan niya pero napapataas ng kilay si Jane.“Talaga? Pero bakit i-message yung nakita ko?” aniya.“Baka namamalikmata ka lang.” depensa ni Kayla saka muling ibinalik sa ginagawa niya ang atensyon niya. Napapailing na lang si Jane pero wala rin siyang nagawa kundi ang bumalik sa pwesto niya.Pagsapit ng uwian ay nagmamadali pang makababa si Kayla. Nakamasid naman