Pumasok si Kayla sa hospital, marami siyang iniisip at gumugulo sa isip niya pero kailangan maging aktibo pa rin siya lalo na at puro mga bata ang pasyente niya. Kailangan niyang ngumiti at makipag-usap ng masigla sa mga ito ganun na rin sa mga magulang. Nang makapasok siya sa office niya ay ibinaba niya kaagad ang bag niya at tiningnan ang mga papeles na sa table niya. Kailangan niya na ring magrounds sa mga pasyente niya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Iniisip niya kung paano niya ba mababayaran si Joshua para tigilan na siya nito.
Alam niya namang ginagamit na lang siya ng pamilya niya dahil si Joshua ang nakakatulong sa kanila. Noong una ay hindi niya binibigyang pansin dahil akala niya ay mabait lang talaga si Joshua pero hindi niya akalain na siya ang ipangbabayad ng pamilya niya sa mga hiningi nila sa ex-fiance niya.
Pinilit niyang ngumiti pero ang mga mata niya hindi niya mapilit. Nagtungo na siya sa ward at binisita ang mga pasyente niya.
“Good morning mommy, hi laloves. Kumusta ang baby namin na yan, ha?” masigla niyang wika habang nakangiti saka niya hinaplos ang ulo ng batang 3 years old.
“Okay naman siya Tita doc. Mataas ang temperature niya kagabi pero bumaba naman na ngayon.” Sagot ng ina ng bata. Hinawakan ni Kayla ang kamay ng bata saka ito nginitian.
“Next week na ang schedule ng open heart surgery mo. Are you ready baby? Gagalingan natin sa loob ng operating room ha? Nasa labas lang si mommy at daddy naghihintay sayo. Last operation mo na ‘to. Total correction na tayo. Kung nalampasan mo yung surgery mo noong baby ka pa lang dapat lalo mong kayanan ngayon ha? Konting tiis na lang laloves, magiging happy heart ka na rin.” Sa malambing na pananalita ni Kayla ay nagiging panatag ang mga magulang sa kaniya ganun na rin ang mga bata. Kahit na natatakot sila sa mga posibleng mangyari nakakampante pa rin sila at nababawasan ang alalahanin nila dahil kay Kayla.
“Opo Tita doc, bakit wala ka po kahapon?” inosenteng tanong ng bata.
“Hinihintay ka niya kahapon ka Doc, may ibibigay daw sana siya sayo kaso kinain niya na rin dahil mapapanis na.” dagdag naman ng ina ng bata.
“Day off ni Tita Doc kahapon eh but anyway natanggap ko man o hindi ang ibibigay mo sa akin thank you. Happy si Tita Doc. Kapag happy ka happy na rin si Tita Doc.” Wika niya sa bata saka niya tiningnan ang ina nito.
“Mommy monitor mo ang temperature ni baby ha? Kung sakali mang may mapansin kang unusual sa kaniya tumawag ka kaagad sa nurse station. Ingatan din natin na hindi ubuhin at sipunin si baby dahil hindi siya maooperahan kung may sakit siya. Yung maintenance niya napapainom natin on time?”
“Opo Doc, mataas lang naman ang temperature ni baby kagabi pero okay naman na siya ngayon.” Napatango-tango na lang si Kayla.
“Okay, parinig na lang si Tita Doc ng puso mo.” Aniya saka inilagay na sa tenga niya ang stethoscope niya. Pinakinggan niya lang ang puso nito saka siya tumayo ng diretso.
“Sige mommy, ingatan si baby ha?”
“Opo doc.” Matapos bisitahin ni Kayla ang pasyente niyang yun ay lumipat naman siya sa iba niyang pasyente.
“Nurse! Nurse! Tulong!” rinig niyang sigaw ng isang ina. Mabilis siyang nagtungo dun dahil siya ang pinakamalapit.
“Anong nangyari mommy?” tanong niya saka tiningnan ang baby na nasa tatlong buwan pa lang.
“Bigla kasi siyang naghabol ng paghinga doc tapos yung o2sat niya 40s na lang.” Natatarantang saad ng ina ng bata. Chineck ni Kayla ang baby pero nonresponsive na ito. Malalalim na ang bawat paghinga niya.
“Doc,” gulat pang saad ng isang nurse nang marinig niya ang sigaw ng nanay ng pasyente niya.
“Page the pediatric cardiologist.” Utos ni Kayla sa nurse. Mabilis naman itong nagtungo sa nurse station para gawin ang utos sa kaniya.
“Mommy idala muna natin si baby sa treatment room. Kailan pa mababa ang o2sat niya? Nasabi niyo ba yun sa nurse na nakaduty?” Wika ni Kayla saka inalalayan ang mag-ina para papuntahin muna ang mga ito sa treatment.
“Bumabalik naman doc sa normal o2sat niya pero ngayon kasi umabot na ng 30 minutes na nasa 40s lang.” sagot ng ina.
Ilang minuto lang naman ang lumipas nang sunod-sunod na dumating ang mga doctor. Nang malaman nilang nasa treatment room ang pasyente na kailangan sila ay dumiretso na sila dun.
“What happened?” tanong ng isa pang doctor habang tinuturukan ni Kayla ang baby habang ang ina nito ay nanunuod lang at natatakot na dahil ang anak niya nakatulala na lang.
“Mommy lumabas ka muna.” utos ng isang doctor sa ina kaya walang nagawa ito kundi ang maghintay. Nang macheck nila ang kalagayan ng bata ay kailangan na itong tubohan. Kinausap na nila ang ina ng baby at binigyan na rin ito ng mga consent. Ipinagkatiwala na muna ni Kayla ang baby sa mga kasama niya saka niya pinuntahan ang ina.
“Mommy wala ka bang kasama? Nasan si daddy?” tanong niya.
“Nasa trabaho po siya ngayon doc. Ano pong nangyayari sa baby ko? Okay lang po ba siya?” Nag-aalala niyang tanong habang sumisilip siya sa loob ng treatment room pero hindi niya makita ang anak niya.
“Kailangan siyang ilipat mommy sa PICU. Kailangan siyang tubohan para tulungan siyang huminga dahil nahihirapan na si baby nang makita ko siya kanina.”
“Pero doc paano po yung operation niya? Bukas na po ang schedule niya.” nanginginig ang mga kamay ng ina kaya hinawakan yun ni Kayla.
“We need to monitor her first. Basahin niyo ang mga consent na ibinigay sa inyo at kapag papayag kayo pirmahan niyo para alam po namin ang gagawin namin.” Naiyak na lang ang ina kaya hindi na ito nakasagot kay Kayla.
Makalipas ang dalawang oras ay nailipat na nila sa PICU ang baby. Napabuntong hininga na lang si Kayla. Nato-trauma siya sa mga nangyayari lalo na at mga baby ang mga pasyente niya. Halos araw-araw may mga baby na namamatay. Wala siyang magawa kundi ang panoorin na lang ang mga magulang na umiiyak dahil sa pagkawala ng mga anak nila.
Akala ni Kayla ay matatapos na kapag tinakot niya ang kuya niya pero natameme na lang siya nang abangan siya ng kaniyang ama sa labas ng hospital. Sa mga nakalipas na araw ay naging busy si Owen kaya hindi sila nagkikita. Lalampasan na lang sana ni Kayla ang kaniyang ama pero kilala niya ito baka ipahiya pa siya sa mga taong nasa hospital. Kilala pa naman siyang magaling na doctor.Walang nagawa si Kayla kundi ang sumakay sa sasakyan ng daddy niya. Tahimik lang siyang sumama.“Magmamalaki ka na ba sa amin dahil si Owen Fuentes ang bago mong boyfriend? Ganiyan ka ba namin pinalaki? Para kang nauubusan ng lalaki.” Saad sa kaniya ng kaniyang ama. Tahimik lang si Kayla habang diretosng nakatingin sa harap nila. “Malakas na ang loob mo ngayong takutin kami dahil malaki ang impluwensya ng bago mo at nanggaling din sa mayamang pamilya. Mukhang pera ang tingin mo sa amin, anong tingin mo sa sarili mo?” napalunok si Kayla dahil alam niyang hinuhusgahan na naman siya ng kaniyang ama.Gusto niya
Napadalas ang pagkikita ni Kayla at ni Owen. Masaya naman si Kayla sa status ng relasyon nila bilang magkaibigan. Napapailing na lang si Jane sa tuwing excited na mag-out ang kaibigan niya. Naggagayak na naman si Kayla para umuwi.“Dahan-dahan lang baka mabroken hearted ka sa lalaking hindi naman naging sayo.” Pagpapaalala ni Jane. Iniirapan na lang siya ni Kayla.“We’re just friend,” angil naman ni Kayla.“Alam ko, sa pagkakaibigan naman talaga nagsisimula ang lahat. Sa itsura mo, sa ikinikilos mo lalong lumalalim yung nararamdaman mo para sa kaniya. Paano kung hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay ni Owen sayo? Edi ikaw ang kawawa. Baka mas masaktan ka pa kesa sa nangyari sa inyo ni Joshua.” Napabuntong hininga si Kayla. Tama naman ang kaibigan niya. Paano kung siya ang maiwan sa ere? Siguradong tatawanan siya ng ex niya.“Don’t worry about me, I can handle this.” Sagot ni Kayla.“Sana nga kaya mong i-handle yung emotion mo. Kung nagawa mo nang mahuli mo si Joshua sa panloloko ni
Pilit na pinapalakas ni Kayla ang loob niya pero gusto niya nang tumakbo palabas ng hotel para lang makatakas kay Joshua. Mahigpit na hinawakan ni Kayla ang dress niya. Akma na sana siyang tatayo nang biglang dumating si Owen. Ibinaba ni Owen ang mga dala niyang pagkain saka diretsong tiningnan si Joshua. Bigla namang nawala ang angas ng mukha ni Joshua.“May kailangan ka sa kaniya? Is he harassing you again?” tanong ni Owen. Hindi naman makasagot si Kayla dahil nakatingin sa kaniya si Joshua. “Don’t look at her like that kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng lugar na ‘to at dukutin ko ang mga mata mo.” May diing pagbabanta ni Owen. Umiwas naman na ng paningin si Joshua saka bahagyang lumayo sa table nila.“I’m not harassing her, may tinanong lang ako.” Sagot ni Joshua saka ito tumalikod. Naupo naman na si Owen sa tabi ni Kayla nang makaalis si Joshua.“Are you okay? May ginawa ba siya sayo?” tanong ni Owen, umiling naman si Kayla.“Tinanong niya lang ako kung boyfriend na ba kit
Pinaghandaan ni Kayla ang party na dadaluhan nila ni Owen. Hindi alam ni Kayla kung nakabalik na ba ng bansa si Owen. Mamaya na ang anniversary party na pupuntahan nila pero hindi pa rin tumatawag o nagtetext sa kaniya si Owen. Hindi alam ni Kayla kung bakit kinakabahan siya. Ito ang unang beses na dadalo siya sa party kung saan hindi siya nabibilang sa industriya ng mga ito.Mabuti na lamang at walang masyadong emergency sa loob ng hospital kaya hindi masyadong hectic ang schedule niya. Maaga siyang nakauwi, hinihintay na lang ang pagpaparamdam ni Owen.Muntik pang mabitiwan ni Kayla ang hawak niyang cellphone nang bigla itong tumunog. Kanina pa kasi siya nakatitig dito, hinihintay ang tawag ni Owen. Mabilis niyang sinagot ang tawag ni Owen. Napatikhim pa siya para ayusin ang boses niya.“Hello?” sagot niya.“Hi, I’m sorry kung ngayon lang ako nakatawag sayo. Nasa flight kasi ako kaninang umaga pa kaya hindi ako nakakatawag o text man lang sayo. Kabababa ko lang ng eroplano, hinihint
Sa mga nakalipas na mga araw ay patuloy silang nagkikita. Minsan ay araw-araw siyang sinusundo ni Owen, kakain muna bago uuwi. Masayang masaya ang puso ni Kayla dahil dun. Sa tuwing papasok siya sa trabaho niya ay nakangiti na siya, maaliwalas na rin ang mukha niya.Napatigil si Kayla sa ginagawa niya nang nagpangalumbaba si Jane sa lamesa niya. Kinunutan niya ito ng noo.“Sabihin mo nga sa akin, ano na bang status ng relasyon niyo ngayon ni Mr. Fuentes?” nakataas ang kilay na tanong ni Jane. Iniwas naman ni Kayla ang paningin niya saka kunwaring pinagpatuloy ang pagtitipa niya sa computer niya.“Wala, bakit ba yan ang iniisip mo?” sagot niya pero lalong tumaas ang kilay ni Jane.“Kaibigan mo ako, Kayla. Hindi naman kita pipigilan kung may namamagitan na nga sa inyo ni Mr. Fuentes. Bakit ba ililihim mo pa sa akin? Nakita ko kayong nitong nakaraang araw. Alam kong si Mr. Fuentes yung sumusundo sayo. Prinsesang prinsesa ah, pinagbubuksan ka pa niya ng pintuan. Sige, ngayon ka magsinunga
Hindi mapigilan ni Kayla na hindi mapangiti habang nakatingin sa cellphone niya. Naka-save na sa contact niya ang number ni Owen. Hindi niya akalain na totohanin ni Owen ang sinabi nito nang magdinner date silang dalawa. Akala niya kasi na hindi gagawin ni Owen ang sinabi nito dahil tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagtetext o tumatawag sa kaniya si Owen.“Huy! Anong nginingiti mo diyan? Para kang timang na nakangiti sa cellphone mo. May kachat ka ba?” pang-uusisa ni Jane. Mabilis namang itinago ni Kayla ang cellphone niya saka sumeryoso.“Wala naman, may nakita lang akong video na nakakatawa sa internet.” Pagdadahilan niya pero napapataas ng kilay si Jane.“Talaga? Pero bakit i-message yung nakita ko?” aniya.“Baka namamalikmata ka lang.” depensa ni Kayla saka muling ibinalik sa ginagawa niya ang atensyon niya. Napapailing na lang si Jane pero wala rin siyang nagawa kundi ang bumalik sa pwesto niya.Pagsapit ng uwian ay nagmamadali pang makababa si Kayla. Nakamasid naman