Share

CHAPTER FOUR - THE HIDING BEGINS

Sa parehong araw, nakalipat na si Ali sa condong binigay sa kanya ni Belen. Limang maleta ang dala niya at nagpatulong pa siya sa staff ng condo para maingat lahat ng ‘yun. Bago ang nasabing condo pero kumpleto ‘yon sa gamit.

I’m here na po sa condo. Thanks for everything. *heart emoji

Nagpadala pa siya ng text message kay Belen. Agad naman ito nag-reply sa kanya.

Leighton was here. He’s looking for you.

Her eyebrows furrowed. He was desperately looking for her.

Let him be.

Pagka-send ng nasabing text message, isang tawag ang nag-flash sa cellphone ni Ali. It was an unknown number. Lalong kumunot ang noo nito dahil wala naman siyang pinagbibigyan ng number niya sa ibang tao. “Hello, Lia speaking?” may neutral accent si Ali sa tuwing kumakausap siya ng outside sa circle niya.

“Ali.”

She gasped because she knew who the caller was. “How did you get my number?” pananaray nito.

Bumuntung-hininga ang taong nasa kabilang linya. “Just checking on you. Sabi ni Tita Belen, hindi ka na nakatira rito.”

“Then so? Hindi mo na obligasyon na silipin ako o anuman. Wala na tayong ugnayan!” binaba niya ang tawag. “Aaaaahhh!” she shouted over frustration. Hihinga pa sana siya nang may tumawag ulit sa kanya. “What now?” hindi na niya sinilip ang caller ID at sinagot ang tawag. “PUTANG INA, `DI BA SINABI KO SA ‘YO NA WALA NA TAYONG UGNAYAN!?!?”

Natawa ang boses babae sa kabilang linya. “Toroy nomon this girl!”

Napahiya si Ali, “G-Gina-lyn, ikaw pala.” Suminghap siya. “Pasensya na, I’m tired of this sh*t.”

“Tangina, kinukuyog kami ni Leighton ngayon!” eksaheradang wika ni Gigi. “Hinahanap ka kung saan ka lumipat ngayon. Wala ka na ba sa Xaivierville?”

Pinindot niya ang loudspeaker mode. “Wala na. Nakalipat na. Saka bakit daw ako hinahanap?”

“Hmm… hindi ko alam do’n. Ngayon lang siya kumontak sa ‘min. Pati si Shana na nakikipag-jugjuan sa condo nila sa Valenzuelka, ‘di pinalagpas.”

Ali chuckled. It was too much information, but Gigi’s mouth was still unfiltered as trash. “Ay, lived-in na sila ni Tenya agad?”

“`Di pa, girl. Dumadalaw lang para tulungang makapag-review si Kapre. Nakatikim ng luto ng Diyos, na-adik na!” natatawa nitong kwento.

Humagalpak ng tawa si Ali. “Baboy mo do’n, ah. Marinig ka ni Tita Karen diyan.” Tinutukoy ni Ali ay ang mommy ni Shana.

“Wala. Nasa bahay ng ka-church kaya nasasabi ko ‘yan,” pagmamayabang ng Gigi. Proud pa sa pagiging taklesa.

“Ay’s ‘yan.” Nawala ang ngiti sa labi ni Ali. “M-May sasabihin pala ako sa ‘yo, Gina-lyn…” seryoso nitong tugon.

~o~

“BUNTIS KA?” malakas pa sa megaphone ang boses ni Gigi kaya pinagtinginan siya ng mga ibang customers na naroroon. Kasama niya sina Shana, Tenya at Trix sa Café Nenzo.

“Gigi, ‘yunug boses mo, pakihinaan.” Sita ni Shana sa kanya. Tinago pa ang mukha gamit ang menu ng restau.

Napakamot na lang sa ulo si Tenya samantalang si Trix naman ay pumalakpak dahil blessing ‘yun.

“Sinong ama?” napasinghap si Gigi at tinakpan ang bibig. “Puta, hindi nga?” may ideya na siya kung sino.

Nagmasahe lang ng sintido si Tenya. “Ilang weeks?” tanong nito.

Yumuko si Ali habang kagat ang ibabang labi nito. “F-Fourteen weeks,” mahinang usal ni Ali na animo’y nasa ilalim ng balon.

Tinakpan ni Tenya ang kanyang mukha gamit ang kamay nito. “Y-Yan ba…” nagbilang pa siya gamit ang kabilang kamay. “…N-Noong nasa hotel kayo?” masama ang tingin ni Shana sa kanya. Siya lang ang walang alam sa mga nangyari noon. “T-Teka, Gasul – “

“Mag-uusap tayo – ay, ‘wag na pala. Past is past.” Anas ni Shana at napahawak sa kamay ni Tenya.

“S-So…dalawang beses? Tapos n-nabuo ‘yung unang beses mo?” pautal na tanong ni Gigi. Hindi pa rin naniniwala. Tumango si Ali habang nakayuko. “F*CK!” lumakas ulit ang boses ni Gigi, tumayo pa. Pinigilan pa siya ni Trix para umupo ulit. “Buti na lang, hindi naging kayo, Shana.”

Hindi sumagot si Shana. Alam niya na may gumugulo sa isipan ni Leighton kaya hindi niya masyadong sineseryoso ang panliligaw sa kanya noon.

“S-Sasabihin mo ba kay Leighton? Deserve niyang malaman ‘to,” anas ni Gigi, overwhelmed na.

Umiling si Ali.

“M-Malalaman din niya ‘yun – “

“Kung walang magsasabi sa kanya saka kung hindi kayo kakanta.” Tinitigan niya nang masama ang tatlo. “Subukan niyo lang,” pagbabanta pa niya.

Hindi nagpatinag si Shana sa pagbabanta ni Ali. “Bakit?” Sa boses ni Shana, may halong inis. “Bigyan mo ko ng dahilan kung bakit kailangang tikom ang bibig namin tungkol sa pagbubuntis mo.”

Napakagat ng ibabang labi si Ali. Iniisip kung ano ang isasagot niya. Kailangan niyang makumbinsi si Shana na tulungan siyang pagtakpan sa kanyang pagbubuntis.

Ikaw pa rin ang mahal ni Leighton…

ERASE-ERASE!

Hindi naman ako mahal ni Leighton so ano pang sense?

ERASE! ERASE!

“Shana, alam naman natin kung sino talaga ang bet ni Leighton!” mahaderang sagot ni Gigi para kay Ali.

“Ikaw ba si Ali?” iritableng tanong nito.

Napapitlag si Gigi. Natuto nang mambara si Shana.

Muling tumingin si Shana kay Ali na nakayuko sa kanila. Hindi pa ring sumasagot si Ali. Isang buntung-hininga ang binigay niya. “Iniisip mo ba na ako ang mahal ni Leighton?”

Tumingin si Ali sa kanya.

“Naiintindihan kita. Nagtapat si Leighton sa ‘kin pero tinanggihan ko ‘yun. Alam ko na gusto niya ko pero hanggang magkaibigan o kapatid lang ang turingan namin sa isa’t-isa. Saka napansin ko din…” humawak siya sa baso nang madiin. “…hindi siya gano’ng kaseryoso. Alam mo naman kung bakit, ‘di ba?”

Suminghap si Ali, “Oo, alam ko… pero ano pa ang silbi kung malaman pa niya. Baka i-deny pa niya ang bata – “

“Hindi ganyan si Leighton,” giit ni Shana. Napatayo siya sa kinauupuan.

“Gasul – “ akmang pipigilan siya ni Tenya dahil sa pag-aalala.

Umupo ulit si Shana, nagtiim-bagang. “M-May Karapatan din si Leighton na malaman ‘yun…” napakapit na lang ito sa kanyang palda. “…pero kung ayaw mo, okay lang. Desisyon mo ‘yun.”

“Sorry, Shana… saka salamat.” Malumanay na wika ni Ali.

“Shit!” usal ni Gigi na nakatingin sa bintana. “Si Leighton!”

Nanlaki ang mata ni Ali. Alam niya na hindi nila niyaya si Leighton.

“Sino nag-imbita?” humarentadong tanong ni Gigi sa kanila lalo nang nagtaas ng kamay si Shana. “Bakit, Shana?”

Mukhang inosente ang itsura ni Shana. “Reunion ‘to. ‘di ba?”

“Gags!” Gigi exclaimed. “Hindi dapat kasama si Leighton.” Tumayo agad si Gigi at hinatak si Ali papasok ng women’s comfort room. “Tara, Ali. CR tayo.”

“T-Teka, gamit ko.” kinuha ni Ali ang handbag niya pero naiwan niya sa mesa ang hand mirror nito.

Umalis sila sa pwesto nila papuntang CR. Sakto namang pagpasok ni Leighton sa restau at bumati kina Shana.

“Shanini!” bati agad ni Leighton kay Shana. Nakipag-fist bump pa siya kina Tenya at Trix. “Nasa’n si Gina?”

Nagtinginan silang tatlo. “Nasa CR,” si Shana na ang sumagot.

Tumango lang si Leighton. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Gigi. Ito ang inupuan ni Ali kanina. Ang kanyang mata ay biglang nagkabuhay dahil sa hand mirror na nakalapag sa mesa. “K-Kay Ali ‘to. N-Nandito siya?”

Muling nagtinginan ang tatlo. Something was off, ‘yun agad ang napansin niya. Gusto rin niya sanang makausap si Ali para magkalinawan ang lahat.

Nabawasan ang tensyon nang dumating si Gigi papalabas ng women’s CR. Masama ang tingin ni Leighton sa kanya. “Masama ‘ata ang mood mo.”

“Si Ali?” tanong niya agad kay Gigi.

Tila naubusan ng dugo si Gigi sa tanong ni Leighton. She had to calm herself so that she wouldn’t be suspicious. Gigi shrugged her shoulders and sat beside Leighton. “Bakit mo hinahanap?” She replied with his sus look. “Inlababo ka na ‘ata.”

“OO!” They gasped with surprise about his revelation. “I wanted to patch up things with her. Alam kong tinanggihan ko siya noon pero…malinaw na sa ‘kin ang lahat.” He pulled up his cigarette, but he was stopped by them. “I’m just pranking you,” pangisi nitong anas.

“Tangina, akala ko magsusuba ka na!” sabay hampas ni Gigi sa kanya. “Going back, nasabi mo na ba kay Ali ‘yan?”

Umiling si Leighton at muling bumaling sa naiwang hand mirror. “Hindi pa. Paano ko sasabihin sa kanya kung ayaw na niya?”

“Napagod lang ‘yung tao, Leighton.” Si Shana na ang sumagot sa kanya. “Alam naman nating lahat na obsessed si Ali sa ‘yo noon.” A lightbulb appeared in her mind. “Don’t tell me, alam mo na – “

Kunot-noo si Gigi halos hindi na makahabol sa tea until she figured out by herself. “The mysterious siomai rice!” bulas niya.

“Yeah… nalaman ko na ang babaeng nasa likod ng siomai rice.” Mahinang anas ni Leighton. “Sinabi din niya na kalimutan ko na siya.”

“Awwwww…” Gigi grunted. “Kung kailang huli na. So sad.” Sarkastikong anas niya sabay slow clap.

“Ginz!” sita ni Trix sa kanya. Hindi siya tinawag sa endearment nila.

“Hayaan mo kong makaganti sa mga pang-aasar niya sa ‘kin noon. Paano na plano mo ngayon?” tanong ni Gigi. Lingid kay Leighton, nasa call si Gigi at pinaparinig kay Ali ang usapan nila. “Palagay nating nandito si Ali ngayon, anong gagawin mo?”

Bumaling si Leighton kay Tenya, “May number ka ba ni Ali, Par?”

“M-Meron.” Inabot ni Tenya ang selpon nito sa kanya. Bumungad kay Leighton ang wallpaper na magkasama sina Tenya at Shana, magkahawak ang kamay pero nakatalikod.

“Sweet, ah.” Leighton muttered with bitterness in his tone. Tenya smiled awkwardly because he knew he was chosen by Shana. “Anong name ni Ali dito?” hindi na sumagot si Tenya pero nakita niya ang pangalan ni Ali sa contacts nito. The name was “Alande”. “`Langyang pangalan.” He dialled Ali’s phone putting the phone on his ear but it was a busy tone. “Busy?”

“Baka may kausap,” ani Tenya. Kinuha niya ang cellphone kay Leighton.

Palihim na pinindot ni Gigi ang drop call sa bulsa nito. Ngumisi pa ito nang palihim.

Sa women’s comfort room ay kinikilig si Ali pero sa loob nito, may pagdududa kung totoo o hindi ang nasabi ni Leighton tungkol sa kanya.

Kaya ba niyang harapin si Leighton lalo na ang anak na dinadala niya ay sa kanya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status