“Cheers!”
Their glasses clinked for their final concert.
The reason for disbandment was due to personal interests.
The twins, Richel and Michel, cannot commit due to their work.
Gigi was extremely happy with Trix. They were planning to get married.
Shana will help Tenya with his NCLEX review. They became a couple before the concert.
For Leighton – he had a lot of engagements. After their collaboration concert with Hanika, a lot of offers rained on him like pancakes. Sadly, he can’t commit any more to the band.
They surrounded the bonfire that illuminated the vast sky, calmed by the waves.
Ang mga couples ng Poison Ivy ay may kanya-kanyang pwesto at magkakatabi. Ang kambal ay naiinggit sa kanila at napapa-sana ol.
“Hanap na kayo ng mga jowa niyo,” pambubuyo ni Gigi habang nakalingkis kay Trix.
“Paano maghahanap, busy kami sa pagpapayaman?” ani Michel. “Teka, si Ali ba, single? Apply ako!” Tumingin ito kay Ali pero masama ang tingin ni Leighton sa kanya, animo’y sinasabi na lumugar ka. “Grabe naman si Joker. Kayo na ba?”
Tumingin din si Ali sa kanya. She still bet the dainty chance if Leighton still liked him.
“Hindi.”
Mabilis pa sa isang segundo ang sagot ni Leighton at mabilis ding gumuho ang pag-asang natitira ni Ali. Muling nagtutubig ang mata niya pero pinipigilan niyang umalpas palabas.
Agad napansin ni Gigi ang reaksyon ni Ali. “Girl, kalma,” bulong niya sa kanya. “Hay naku, Michel, paano magiging sila, basted siya!” saring niya ulit kay Leighton.
Nanlaki ang mata ni Michel sa narinig. “Weh? That’s new.” he grinned. “Sinong babaeng nambasted sa Joker natin?”
Gulantang ang lahat nang nasamid si Shana.
“Tubig, Gasul.” alok ni Tenya sabay abot ng tubig. May pahagod pa sa likod.
“Grabe, masyadong sweet ang bagong lovebirds. Bagong dilig din!” buyo ni Ali kahit na sobrang pait na ang naririnig niya. Nasamid na rin si Tenya.
“WHAT?” singhal ni Gigi. “Kailan pa, Shana?!” agad niyang sinugod si Shana at Tenya para kausapin ang dalawa. “Mag-usap tayong dalawa!” umalis silang tatlo at nagpaiwan si Trix.
“Boring na, alis muna kami. May email galing sa client.” Nagpaalam na rin si Richel sa kanila at sumunod din ang kakambal sa kanya.
Naiwan na lang tuloy sina Trix, Ali at Leighton. May ilangang namamagitan sa tatlo. Dama rin ni Trix ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Saksi siya sa nangyari sa kanilang dalawa kagabi pero ayaw na niyang makialam. Kumuha si Leighton ng isang bote ng Red Horse at ininom. Si Ali naman ay nagbubutingting sa cellphone habang may hawak na basong may lamang Red Horse.
“Trix,” si Leighton na ang nambasag sa katahimikan nilang tatlo. Tumaas lang ng kilay si Trix. “Iwanan mo muna kami ni Ali.”
Binigyan lang niya nang makahulugang tingin ang dalawa. “MOSH! SAMA AKO DIYAN!” sigaw pa niya habang umaalis papunta kina Gigi.
Bumuntung-hininga lang si Ali habang nagse-cellphone.
“Can we talk?”
Tuloy pa rin siya sa pagse-cellphone. She was pretending she didn’t hear him.
He sighed, “Alissa!” he pronounced it as ah-li-suh. Ali finally looked at him.
“What now?” malamig nitong tanong at bumalik ulit ang mata niya sa phone. She used that as a façade, so she wouldn’t look pathetic in front of him.
Tinapik ni Leighton ang espasyo sa tabi niya para paupuin si Ali. Nag-make face si Ali habang tumabi sa kanya. Nag-iwan siya ng espasyo sa kanilang dalawa.
“Ali – “
“It’s okay, Leigh-bog.” Hindi na niya itutuloy ang sasabihin ni Leighton. “I should be the one who should apologize.” Huminga muna ito nang malalim. “Sorry if I pester your life for the long time.” She fiddled her thumbs while her hands were intertwined with each other. “Sorry kung hindi ko nasabi agad na ako ang nag-aabot ng siomai rice sa ‘yo araw-araw. Naging routine na ‘yun mula nang inabot ko sa ‘yo sa labas ng condo ni Hanika.”
“Ali – “
“Patapusin mo muna ko,” galit nitong sabat. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataong magsalita si Leighton. “Sorry kung hindi ko nirespeto si Melai at nagpanggap ako bilang siya.” Tumingin muna siya sa langit. Punung-puno ‘yun ng mga bituin. Ang buwan naman ay kitang-kita na nagsisilbing liwanag sa kanilang dalawa. “You know, you were the stars in my sky. You gave light into my world and inspired me to do better. Yet, it’s difficult to grasp.
“Leighton,” tumingin siya sa mga mata nito. She looked within the pairs of deep-set eyes in auburn shade. “From now on, let’s pretend we don’t know each other. Let’s forget that you encountered a storm like me who toyed with your feelings.
“Let’s forget I stalked you and I fell in love with you.”
Hindi na tinuloy ang sasabihin ni Leighton sa kanya. He balled his fist out of frustration. Gusto lang niya na bigyan siya ng oras para siguraduhin ang totoong nararamdaman niya ngunit walang boses o salita ang lumalabas.
Tama si Shana, he still had hesitations. It all made sense why Shana rejected him albeit his advances towards her. Pinakita pa niya kung sino talaga siya at pinakilala sa magulang niya, lahat ‘yun ay hindi sapat.
Iniwan na niya si Leighton sa beach front. Ayaw na niyang magmukhang tanga sa harapan ni Leighton. Hangga’t maari nasabi na niya ang dapat sabihin sa kanya. Wala na ang katiting na pag-asa sa kanya. Kumbaga, isa lang siyang kandila, nauupos at nauupos din. Lahat ng bagay ay may hangganan.
Nag-impake na siya ng damit niya. Kahit alas-12 na ng hatinggabi, luluwas pa rin siya ng Manila. Dala naman niya ang Lexus kaya hindi na niya kailangang mag-commute. Pagbukas niya ng pintuan, datnan niya si Gigi na nakatayo at may hawak na yosi.
“Luluwas ka na?” tumango lang si Ali. “Hindi ba delikado mag-drive ng gabi?”
“Hindi naman.” Hindi siya makatingin kay Gigi. “Mabilis ang byahe kapag gabi kaya –“ napahinto siya nang yakapin siya ni Gigi. Medyo alangan siya dahil malapit ang baga ng yosi sa balikat nito. “G-Gina-lyn…”
“M-Magpakatatag ka, ah. Hayaan mo si Leighton na maghabol sa ‘yo.”
Hindi na niya mapigilan ang luhang gustong umalpas sa kanyang mata. Sobrang sweet ni Gigi sa kaibigan. Hindi pa niya inaasahan na mas mapapalapit siya sa tomboy na ito kaysa kay Shana.
“O-Oo, Gina-lyn. Maghabol lang siya…”
Their eyes are clashing, as if there was an aura that intercepts with each other. As if no one could falter or else, it’s a loss. Alam ni Ali ang posibleng mangyari kung magkita sila. Hindi lang sabon ang gagawin ni Shana sa kanya, kusot at hagod sa kanya.Ang ulo ni Gigi ay palinga-linga sa kanilang dalawa. Si Ali na nakakrus ang parehong braso sa dibdib na parang ayaw magpatalo at si Shana na nakatingala sa kanya dahil hanggang balikat lang siya nito. Nararamdaman ni Gigi ang tensyon sa kanila. Minsan nang nagkainitan ang dalawa noong pinag-iinitan siya ni Ali noong malapit si Leighton kay Shana ngunit tila nagkapalitan sila ng pwesto. Si Shana na ang may lamang para gisahin si Ali sa anumang ikikilos nito. Muling napangiti si Gigi kahit ilang ang kanyang nararamdaman. “Nandito na si Shana, Ali.” Tinapik niya ang balikat nito at nilagpasan na parang siya na ang may-ari ng unit. Umiba ang tingin ni Shana at sumunod kay Gigi. Bago pa ito umupo sa sofa ay muling tiningnan niya sa A
Malalaking hakbang. Animo’y nagmamadali si Ali papalabas ng townhouse ni Leighton. Hindi na niya nadala ang mga basang damit niya. Tanging sling bag lang ang kanyang bitbit na nakasabit sa kanyang balikat.Kinapa pa niya ang kanyang sling bag para ilabas ang selpon nito. Ayaw na niyang maabutan pa si Leighton dahil sa kanilang mainit na halikan. She was still intoxicated. The things she did in the past years had been placed into waste. As such as possible, she had to book a ride back home. She uttered curses as she stomped her feet on the cemented road. “Ang rupok mo, Ali!” Her face cloistered as no driver would accept her request. Pakiramdam niya ay para siyang nagtatago na biktima mula sa isang mamamatay-tao na humahabol sa kanya. Mamamatay-lamig at nagpabubuhay ng kanyang nararamdaman. Ang kanyang katawan ay nagmistulang nasa tapat ng limelight nang pumwesto siya sa isang mataas na poste na may ilaw sa gilid ng daan. Pati ang itim na pigura dulot ng kanyang anino ay kanyang kinak
“Nagkita na ba kayo ni Leighton?” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Paano nalaman ni Tita Belen ito? Nasabi ng amiga ko sa simbahan kanina na kumanta ka raw ng Responsorial Psalm kanina at si Leighton ang piyanista. Maganda daw.” kwento ni Tita Belen sa kanya. Hindi nakasagot si Ali sa tanong ng kinikilala niyang ina. “Alissa, malaki ka na. Nasa husto ka nang gulang. Kung may gusto ka sa ama na anak mo, go lang. Kailangan din ni Ethyl ng daddy na masasandalan at sana mahal ka talaga ni Leighton.” “Mom – “ sasagot pa sana siya nang naputol na ang tawag. Ito na yata ang sign na hinintay niya. Ngunit wala siyang balak na sabihin kay Leighton ang lahat. Hindi pa nga siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ni Leighton na tinago niya si Ethyl nang ilang taon. Lalo na, may pinagdadaanan si Leighton ngayon. ***** “P’re, sa next month na po ang resulta ng paternity test.” Suminghap si Leighton. Bakit aabutin pa ng buwan ang resulta kung pupwede namang makuha ‘yun nang mabil
Hindi namamalayan ni Ali na nasa harapan na siya ng townhouse na inuupahan ni Leighton. Walking distance lang ito mula sa chapel. Wala siyang choice dahil para silang basang sisiw.Naging mapaglaro ang tadhana dahil matapos sabihin ni Leighton ang nararamdaman nito sa kanya ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Sinabi naman ng Weather App na hindi uulan ngayong araw naging taliwas iyon kinagabihan. Madalas namang pumalya ang Weather App dahil sa climate change pero naging playful ang tadhana sa kanilang dalawa.Buti na lang hindi nabasa ang selpon ni Ali na nakalagay sa waterproof sling bag. Ngunit ang kanyang damit ay hindi waterproof, lumabas ang hubog ng kanyang katawan dahil naging hapit ang Sunday dress na suot niya. Dahil pa light color, bakat din ang itm na bra na panloob niya. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi niya pinares kulay ng bra sa damit niya. Nakakrus tuloy ang braso sa kanyang dibdib. Hindi niya alam na lumalabas din ang bilugang dibdib sa ginagawa niya.Pali
“Ali,” Huminto siya sa paglalakad. Gumilid muna siya dahil naiilang nakakailang ang sitwasyon ngayon. Para siyang kandila na muling sinindihan sa matagal na panahon. Buong lakas siyang huminga para harapin ang lalaking tumawag sa kanya. “What?” lalong namula ang kanyang mapusyaw na mukha. Leighton gazed at her same as what she did. He was the zippo lighter that ignited her dormant wick. Umiwas siya ng tingin dahil sa kagandahang taglay ni Ali ngayon. “F-Food trip tayo? Bukas pa ‘yung nagtitinda ng turu-turo sa labas.” yaya niya. She pouted her lips. Akala niya kung ano. “Sige,” singhap niya. Kahit napipilitan ay hinawakan niya ang kanang braso nito. Huli na niyang napagtanto ang kanyang ginawa. Binalak niya sanang bumitiw pero nakalingkis na ang braso ni Leighton sa baywang niya. “Welcome back, Ali-bog.” He gave his sweet smile that he never did before. Madalas kasing nakabusangot si Leighton sa tuwing nakikita ang dalaga ngayon. Nag-iba ang ikot ng mundo na akala mo’y gulong lang
SUNDAY – 6PMIto ang last mass ng araw na ‘yun. Suot ni Ali ang floral Sunday dress na kulay krema. May disenyo ito na kulay pink na rosas na bumagay sa kanyang mapusyaw na balat. Nakatali na half-pony ang kanyang buhok na may pink ribbon bow sa likuran. Meron din siyang curtain bangs.Naglagay din siya ng light make-up. Ang kanyang labi ay may chocolate-flavored liptint na bumagay sa kanyang matambok na labi.Masakit man, hindi niya makakasama si Ethyl gaya ng nakasanayan tuwing linggo. Parang sinadya ng tadhana na huwag munang magtagpo ang mag-ama. Pabor ‘yun kay Ali pagkat mababawasan ang kanyang agam-agam.Dumating siya nang late sa chapel. Nag-uumpisa na ang panimulang kanta at isang masamang tingin ang ginawad sa kanya ng mga choirmates niya.She gave her awkward smile as she stood beside JC while singing professionally. Kinakanta nila ang “Purihin ang Panginoon”.“Late comer,” usal ni JC nang pabulong habang kumakanta. Wala na siya magawa. Nangyari na. Ayaw ni JC ng may nahuhul