/ Romance / Chasing Storms / CHAPTER FIVE - BABY

공유

CHAPTER FIVE - BABY

작가: PanitikANNA
last update 최신 업데이트: 2023-11-04 21:25:11

JUNE 27, 2018 –

Maingat silang hindi ipaalam kay Leighton kung ano ang sitwasyon ni Ali hanggang sa araw ng kapanganakan niya. Alam din ito ng magulang ni Tenya kaya sa Meycauayan Doctors Hospital siya nanganak. On-call din ang kaibigan ni Ali na si Nancy, ang attendee OB-Gyn.

“`Tangina mo, Leighton! AAAAAHHH!” Ali’s voice was lingering in the halls.

Naghihintay naman sina Gigi at Shana sa labas ng Delivery Room.

“Grabe naman ang sigaw ng buntit,” reklamo ni Gigi habang nagseselpon. “Iniisip ko kung gaanong kasakit ang mag-labor.” Thinking out loud.

Suminghap si Shana. Nasa ikalawang trimester ito ng pagdadalangtao niya. Two weeks after their meetup, nalaman niyang buntis din siya. Ito rin ang araw nang kailangang magpunta ni Tenya sa Amerika para sa trabaho bilang nursing aide. “Bigla tuloy ako natakot, Gigi.” aniya.

“AAAAAHHHHHH!!! TANGINA!!!”

“Sigaw pa, sisterette! Nag-iiyak ka sa sarap habang ginagawa niyo ‘yan. Mag-iyak ka ngayon sa labor!” Gigi shouted back. “Hindi ko talaga gets kung bakit ayaw ni Ali ipasabi kay Leighton na buntit siya. At least, may kaagapay siya. Hindi dapat tayo nandito.” angal niya. She crossed her arms. “Takot tuloy akong mabuntis. Ayokong mabiyak!!!!” she shouted in hysteria.

Umirap lang si Shana dahil masyadong OA si Gigi. May point naman si Gigi pero pinili ni Ali na ilihim lahat ng ito.

Sigaw pa rin nang sigaw si Ali sa Delivery Room dahil sa labor. Wala na siyang paki kung may makarinig pa sa labas.

“Madam, kalma lang. nagpakasarap ka tapos ngayong manganganak ka, iiyak ka,” sita ng midwife kay Ali.

“Grabe sa lait, Ma’am.” Pagtatanggol si Nancy sa kanya. “Pero true naman talaga.” Pangising sabi nito kay Ali.

“W-Wow, thanks, ah! Napaka-supportive niyo sa ‘kin.” Sarkastikong sagot ni Ali. “Don’t worry, last na ‘to – Aray! TANGINA TALAGA!”

Sumilip ulit si Nancy sa pagitan ng hita ni Ali. “Konti na lang. Crowning na!” Alerto ang mga midwife at nurses dahil sa nasabi ni Nancy. “`Pag sinabi kong push, ire, ah!” bilin niya kay Ali. “Hindi mo rin kailangang sumigaw.”

Tumango si Ali. She pursed her lips as she felt something large in between her legs.

“Ali, push na!”

Impit na umire si Ali. She felt it was excruciating but she had to endure it. After few contractiions, she heard a little voice whimpering.

“OMG, Ali! Congrats!” bati ni Nancy. Hawak niya ang sanggol na umiiyak. Nakabalot ito sa puting sterilized blanket. Pinatong niya ito sa may dibdib ni Ali para maging pamilyar ang sanggol sa kanya.

Ali was teary-eyed as she glimpsed to her little worm on top of her chest. It was wriggling and laying on her chest. Ganito pala maging ina, aniya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya na lahat ng pagsasakripisyo sa loob ng siyam na buwan ay nagbunga. Iisa lang ang pinagtataka niya, bakit kamukhang-kamukha ito ni Leighton? Bago pa niyang tanungin si Nancy, nakaramdam siya ng matinding pagkahilo at matinding ginaw sa katawan.

“Oh, sh*t. Humihina pulse niya.” Nancy exclaimed. Inutusan niya ang midwife na kuhain ang bata sa kanya para paliguan at bihisan. “Code blue tayo. Call Dr. Guzman.”

Few minutes before the complications –

“G-Gigi, Shanini,” gulantang wika ni Leighton sa dalawa na naghihintay sa labas ng DR. Parang nakakita ng multo si Gigi. Samantalang si Shana ay cool lang, nagawa pang mag-hi.

“A-Anong ginagawa mo dito?” pautal na tanong ni Gigi.

His eyebrows furrowed in confusion. “M-May sumisigaw sa corridor dito. Minumura yata ako.” Humawak siya sa sintido nito.

Nagtinginan sina Gigi at Shana. Iniisip kung anong excuse pero…

“P*TANG INA MO, LEIGHTON!!!!!!”

“The F – “ he snapped. “Si Ali ba ‘yan?” Aakmang papasok si Leighton sa DR nang hinarangan siya ni Gigiu.

“Gago, hindi ‘yan si Ali! ‘Wag kang assuming.” anas ni Gigi habang hinaharang ang sarili kay Leighton. “Basher – tama, basher mo ‘yan!”

Kumunot lalo ang kilay ni Leighton. Something’s fishy, ika nga. “Basher? Ako? Magkaka-basher?” lalo pang umabante si Leighton pero pinipigilan pa rin siya ni Gigi. “Bakit ba? Sino ba nasa loob? Saka boses ni Ali ‘yun!” tumaas na rin ang boses niya – animo’y kulog.

“Hindi nga si Ali! Kulit!” yumakap siya sa baywang ni Leighton para hindi na siya makausad. Napansin niya na ang laki ng pinayat ng pangangatawan ni Leighton. “Kain na lang tayo o yosi sa baba.” Yaya na lang nila. She questioned herself. Did he do drugs? Knowing Leighton, hindi naman ito magdodroga. Inom, yosi at babae, pwede pa.

Umiling na lang si Leighton. “Sige na nga. Pagkamalan pa kong tatay.” At umalis na sila. Lumingon si Gigi kay Shana. She mouthed ‘sorry’ to her. Shana just nodded.

Silang dalawa ang umalalay kay Ali sa pagbubuntis nito. Hindi humingi ng tulong si Ali sa kanyang magulang dahil sobra-sobra na ang binigay sa kanya. Muntikan pa nga siyang mag-resign dahil maselan ang kanyang pagbubuntis at issues sa trabaho pero binigyan siya ng WFH setup ni Randall. Dahil doon, nanatili siya sa bahay nina Shana para matignan siya. Pinayuhan siya ni Nancy na huwag solohin ang problemang dinadala niya. Pumayag naman si Karen na manatili si Ali para magabayan siya nina Gigi at Shana. Hindi ring madalas dumalaw si Leighton kina Shana kaya nagagawa ni Ali ang mga hilig. Kung dadalaw man, aalis si Ali kung saan. Lagi niyang kabuntot si Gigi na parang jowa.

Hindi rin naging madali ang pagbubuntis ni Ali: mood swings, morning sickness at cravings. Hirap na hirap silang hanapin ang gusto ni Ali. Mukhang pinaglilihian pa niya si Leighton dahil gusto niyang marinig ang boses nito, lalo na ang mga kanta niya. Ang ending, kinukulit ni Gigi si Leighton na mag-send ng recording ng boses nito para pakalmahin si Ali lalo na kapag may breakdowns ito.

Kagat pa rin ni Gigi ang kuko niya sa hinlalaki habang nagyoyosi sa smoking area.

“Naging nail biter ka bigla, Gina.” Iritang anas ni Leighton.

Napabuga ng hangin si Gigi kasabay ng hinithit niyang yosi. “Hindi ba pwedeng stress lang?”

“`Di ba, dapat ako anag nai-stress? Kalagitnaan ng klase o meeting , tatawag kayo para pakantahin lang.” humithit siya ng yosing hawak niya. “Bakit ba pinapakanta niyo ko?”

“Buntis si Shana.” Ginawa niyang dahilan si Shana. “Pinaglilihian ka.” isang notification ang bumulaga sa kanya. Galing ito kay Nancy, ang OB-GYN ni Ali.

Ali is in stable condition after she went to code blue. Maayos din si baby. It’s a girl.

“Ay pusa!” she exclaimed. “Shit.” Muling napakagat siya ng kuko sa hinlalaki.

Sisilip sana si Leighton pero agad tinago ni Gigi ang cellphone nito. “Bakit nagmura ka saka tinago mo pa selpon mo?”

“Privacy,” sagot ni Gigi. “Sige na, akyat na ko.” iniwan niya si Leighton sa smoking area.

“Teka – “ hindi na niya nahabol si Gigi dahil may tumawag sa selpon niya. “Hello?” seryoso at propesyunal nitong tugon. “Huh? Bakit mo sa ‘kin hinahanap si Ali? Nandito si Ali sa ospital? Sino ka?” the call dropped.

~o~

Na-admit si Ali sa isang private room. Tago ‘yun at hindi pwedeng pumasok ang kahit sino. Dahil mataas pa rin ang BP ni Ali, under observation pa rin siya dahil sa komplikasyon. Naroon si Nancy, Dr. Sabrina Guzman at Shana na nakabantay sa kanya.

“Naku, Shana, my dear, ‘di ka dapat nagbabantay dito,” ani Sabrina, her very supportive mother-in-law.

“Oo nga, buntis ka rin. Bawal ding ma-stress ang buntis,” pagsang-ayon ni Nancy.

“Naku, Doc Melendrez, isasabay ko ang cute kong manugang pauwi ng bahay. Nasa’n ba si Gigi?” tanong ni Sabrina kay Shana.

Kibit-balikat si Shana. “Baka po nagyosi.”

Nagpintig ang pandinig ni Nancy. “Hala! May nagyoyosi sa inyo? Masama ‘yan sa baby!”

Umiling-iling si Sabrina. “Ang anak ko rin nagyoyosi pero nang nalamang buntis ang asawa, huminto.” Yumakap siya kay Shana. “Nakakalungkot nga na nasa Amerika siya ngayon. Hindi na niya makikita ang baby nila ng manugang ko. Alam mo kasi, college pa lang anak ko, may gusto na siya sa manugang ko.” kinikilig pa siya habang nagkukwento.

Nancy felt happy about Sabrina’s story. Inisip niya na sana gano’n din ang lovelife niya. “Haaaaayyyy… sana ol na lang po ako, doc. At least, nagawa niyang huminto nang nalaman niyang buntis ang labidabs niya. Sige po, doc. Endorse ko na po si Ali sa inyo para sa BP niya. Nagpumilit kasing mag-normal. Ayan, abnormal pa rin ang BP.”

“Okay lang. Parang anak ko na rin si Ali.” Pinagmasdan niya si Ali na tulala lang na nakatingin sa kisame. “Hindi ko ba alam sa kanya. Bakit ayaw pasabi sa tatay ng bata. Hay!”

Hindi pa ring ma-process ni Ali na nanganak na siya. Babae pa at kamukha pa ni Leighton. Tanging buhok lang niya ang nakuha sa bata.

Pumasok si Gigi sa kwarto. “Hoy, Gina-lyn!” Gina-lyn din ang tawag ni Nancy sa kanya. “Ano ba ‘yan, amoy-yosi!” sabay takip sa ilong nito. Tawa naman ng tawa si Sabrina sa reaksyon niya. “Maligo ka nga! Bawal kay baby ang amoy yosi!”

Nag-make face si Gigi. “Maliligo lang po ako, doc,” mahina niyang tugon at pumasok sa banyo. Muli siyang lumabas at sumilip sa may pintuan. “Nandito pala si Leighton, FYI.”

Nabuhayan ng loob si Ali, “N-Nasa’n siya?”

“Oh, akala ko, hindi mo sasabihin sa kanya?” balik-tanong ni Gigi sa kanya, nakapamewang pa.

“`Te, bakit ngayon mo lang sinabi?” Nag-panic si Nancy. “Hala, baka malaman na niya!” nag-ikot na siya sa kwarto.

“Doc, kalma lang,” ani Sabrina. Huminto si Nancy sa kakaikot. “Akong bahala. Ali, alam kong naguguluhan ka pa. Tatagan mo lang ang loob mo.”

Tumangi lang si Ali at tumalikod sa kanila habang nakabalot ng kumot.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Chasing Storms   CHAPTER TWENTY - SUICIDE LETTER

    Their eyes are clashing, as if there was an aura that intercepts with each other. As if no one could falter or else, it’s a loss. Alam ni Ali ang posibleng mangyari kung magkita sila. Hindi lang sabon ang gagawin ni Shana sa kanya, kusot at hagod sa kanya.Ang ulo ni Gigi ay palinga-linga sa kanilang dalawa. Si Ali na nakakrus ang parehong braso sa dibdib na parang ayaw magpatalo at si Shana na nakatingala sa kanya dahil hanggang balikat lang siya nito. Nararamdaman ni Gigi ang tensyon sa kanila. Minsan nang nagkainitan ang dalawa noong pinag-iinitan siya ni Ali noong malapit si Leighton kay Shana ngunit tila nagkapalitan sila ng pwesto. Si Shana na ang may lamang para gisahin si Ali sa anumang ikikilos nito. Muling napangiti si Gigi kahit ilang ang kanyang nararamdaman. “Nandito na si Shana, Ali.” Tinapik niya ang balikat nito at nilagpasan na parang siya na ang may-ari ng unit. Umiba ang tingin ni Shana at sumunod kay Gigi. Bago pa ito umupo sa sofa ay muling tiningnan niya sa A

  • Chasing Storms   CHAPTER NINETEEN - UNIT 2507

    Malalaking hakbang. Animo’y nagmamadali si Ali papalabas ng townhouse ni Leighton. Hindi na niya nadala ang mga basang damit niya. Tanging sling bag lang ang kanyang bitbit na nakasabit sa kanyang balikat.Kinapa pa niya ang kanyang sling bag para ilabas ang selpon nito. Ayaw na niyang maabutan pa si Leighton dahil sa kanilang mainit na halikan. She was still intoxicated. The things she did in the past years had been placed into waste. As such as possible, she had to book a ride back home. She uttered curses as she stomped her feet on the cemented road. “Ang rupok mo, Ali!” Her face cloistered as no driver would accept her request. Pakiramdam niya ay para siyang nagtatago na biktima mula sa isang mamamatay-tao na humahabol sa kanya. Mamamatay-lamig at nagpabubuhay ng kanyang nararamdaman. Ang kanyang katawan ay nagmistulang nasa tapat ng limelight nang pumwesto siya sa isang mataas na poste na may ilaw sa gilid ng daan. Pati ang itim na pigura dulot ng kanyang anino ay kanyang kinak

  • Chasing Storms   CHAPTER EIGHTEEN - KILL IT WITH FIRE

    “Nagkita na ba kayo ni Leighton?” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Paano nalaman ni Tita Belen ito? Nasabi ng amiga ko sa simbahan kanina na kumanta ka raw ng Responsorial Psalm kanina at si Leighton ang piyanista. Maganda daw.” kwento ni Tita Belen sa kanya. Hindi nakasagot si Ali sa tanong ng kinikilala niyang ina. “Alissa, malaki ka na. Nasa husto ka nang gulang. Kung may gusto ka sa ama na anak mo, go lang. Kailangan din ni Ethyl ng daddy na masasandalan at sana mahal ka talaga ni Leighton.” “Mom – “ sasagot pa sana siya nang naputol na ang tawag. Ito na yata ang sign na hinintay niya. Ngunit wala siyang balak na sabihin kay Leighton ang lahat. Hindi pa nga siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ni Leighton na tinago niya si Ethyl nang ilang taon. Lalo na, may pinagdadaanan si Leighton ngayon. ***** “P’re, sa next month na po ang resulta ng paternity test.” Suminghap si Leighton. Bakit aabutin pa ng buwan ang resulta kung pupwede namang makuha ‘yun nang mabil

  • Chasing Storms   CHAPTER SEVENTEEN - THE BROKEN CORREA

    Hindi namamalayan ni Ali na nasa harapan na siya ng townhouse na inuupahan ni Leighton. Walking distance lang ito mula sa chapel. Wala siyang choice dahil para silang basang sisiw.Naging mapaglaro ang tadhana dahil matapos sabihin ni Leighton ang nararamdaman nito sa kanya ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Sinabi naman ng Weather App na hindi uulan ngayong araw naging taliwas iyon kinagabihan. Madalas namang pumalya ang Weather App dahil sa climate change pero naging playful ang tadhana sa kanilang dalawa.Buti na lang hindi nabasa ang selpon ni Ali na nakalagay sa waterproof sling bag. Ngunit ang kanyang damit ay hindi waterproof, lumabas ang hubog ng kanyang katawan dahil naging hapit ang Sunday dress na suot niya. Dahil pa light color, bakat din ang itm na bra na panloob niya. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi niya pinares kulay ng bra sa damit niya. Nakakrus tuloy ang braso sa kanyang dibdib. Hindi niya alam na lumalabas din ang bilugang dibdib sa ginagawa niya.Pali

  • Chasing Storms   CHAPTER SIXTEEN - LAST SUNDAY NIGHT (2)

    “Ali,” Huminto siya sa paglalakad. Gumilid muna siya dahil naiilang nakakailang ang sitwasyon ngayon. Para siyang kandila na muling sinindihan sa matagal na panahon. Buong lakas siyang huminga para harapin ang lalaking tumawag sa kanya. “What?” lalong namula ang kanyang mapusyaw na mukha. Leighton gazed at her same as what she did. He was the zippo lighter that ignited her dormant wick. Umiwas siya ng tingin dahil sa kagandahang taglay ni Ali ngayon. “F-Food trip tayo? Bukas pa ‘yung nagtitinda ng turu-turo sa labas.” yaya niya. She pouted her lips. Akala niya kung ano. “Sige,” singhap niya. Kahit napipilitan ay hinawakan niya ang kanang braso nito. Huli na niyang napagtanto ang kanyang ginawa. Binalak niya sanang bumitiw pero nakalingkis na ang braso ni Leighton sa baywang niya. “Welcome back, Ali-bog.” He gave his sweet smile that he never did before. Madalas kasing nakabusangot si Leighton sa tuwing nakikita ang dalaga ngayon. Nag-iba ang ikot ng mundo na akala mo’y gulong lang

  • Chasing Storms   CHAPTER FIFTEEN - LAST SUNDAY NIGHT

    SUNDAY – 6PMIto ang last mass ng araw na ‘yun. Suot ni Ali ang floral Sunday dress na kulay krema. May disenyo ito na kulay pink na rosas na bumagay sa kanyang mapusyaw na balat. Nakatali na half-pony ang kanyang buhok na may pink ribbon bow sa likuran. Meron din siyang curtain bangs.Naglagay din siya ng light make-up. Ang kanyang labi ay may chocolate-flavored liptint na bumagay sa kanyang matambok na labi.Masakit man, hindi niya makakasama si Ethyl gaya ng nakasanayan tuwing linggo. Parang sinadya ng tadhana na huwag munang magtagpo ang mag-ama. Pabor ‘yun kay Ali pagkat mababawasan ang kanyang agam-agam.Dumating siya nang late sa chapel. Nag-uumpisa na ang panimulang kanta at isang masamang tingin ang ginawad sa kanya ng mga choirmates niya.She gave her awkward smile as she stood beside JC while singing professionally. Kinakanta nila ang “Purihin ang Panginoon”.“Late comer,” usal ni JC nang pabulong habang kumakanta. Wala na siya magawa. Nangyari na. Ayaw ni JC ng may nahuhul

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status