Share

Kabanata 2

Author: Alut
Pagod na sa kaiiyak si Zabrina. Habang nagsusuot siya ng kanyang pajama, napansin niya ang malaking pasa sa kanyang tiyan, galing sa suntok na inabot niya mula sa kanyang asawa kanina.

Tumulo ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi pero pinili niyang huwag na lang itong pagtuunan ng pansin. Hindi naman iyon ang unang beses. Sanay na siyang makitang may marka ang kanyang balat. Paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili na ginagawa niya ang lahat nang ito para sa kanyang lolo, at hindi niya ito pwedeng biguin.

Nang sa wakas ay nakatulog na siya, napunta siya sa isang madilim na panaginip na unti-unting nababalot ng liwanag. Nagsimulang makita ni Zabrina ang ilang bagay sa kung ano ang magiging kinabukasan niya.

Maiksi lang ang bawat tanawin, pero bawat isa’y nag-iiwan ng butas sa kanyang puso. Hindi gaganda ang kanyang buhay. Kahit anong pagsisikap niya, mag-iisa siya at mawawalan ng pamilya. Mamamatay ang kanyang lolo sa kulungan, habang sina Jacob at Celeste ay magiging masaya habang ginagawa nilang miserable ang pamilya ni Zabrina.

Sa huli, si Zabrina ay mabubuhay sa lansangan, nagugutom, at walang maipakain sa kanyang maliit na sanggol.

“Ah!” sigaw ni Zabrina.

Nang dahil sa panaginip na 'yon ay nagising siya, alas-singko ng umaga. Sa kanyang alaala, namatay ang sanggol sa gutom at lamig bandang alas-singko ng hapon. Kahit anong pagmamakaawa niya para tulungan sila, walang dumadating, at iyan lang ang kanyang naalala. Tiningnan niya ang kanyang mga braso.

“Sino ‘yong sanggol na ‘yon? Paano ako nauwi sa gano'ng kalungkot na buhay?” tanong niya sa sarili.

Nagmuni-muni siya ng ilang minuto dahil doon. Hindi maaaring anak ‘yon ni Jacob dahil hindi naman siya kailanman itinuring na asawa nito. Hindi siya kailanman hinawakan tulad ng ginagawa nito kay Celeste. Sa katunayan, tahasan nga nitong sinabi na nandidiri ito sa kanya kaya imposible si Jacob ang ama ng batang napanaginipan niya.

“Hay nako, Zabrina. Ang gulo mo naman. Nananaginip ka ng mga bagay na hindi naman mangyayari. Malamang ang totoo ay mamamatay kang matanda at limot sa malaking bahay na ‘to!” bulong niya sa sarili habang nag-aayos.

Nang lumabas siya ng kanyang silid, mag-aalas-siyete na ng umaga. Nagpunta siya sa kusina, at nasasabik sa kape na tulad ng timplang kinalakihan niya. Nagpakulo siya ng tubig at nilagyan ng kaunting cinnamon. At habang hinihintay ang pagkulo ng tubig, dumating naman si Maricel.

“Senyorita, okay lang po ba kayo? Kahapon po kasi ay pinaalis ako ni sir at hindi ko kayo nasamahan,” nag-aalalang saad ni Maricel sa kanya.

“Okay lang ako, Maricel. Gusto kong mag-almusal ngayong araw katulad noong ginagawa namin sa bahay. Nagpakulo ako ng kape. Gusto mo bang sabayan ako pag-alis ng sir mo?”

“Opo, Ma’am,” sagot ni Maricel na halatang nag-aalala.

Ngumiti si Zabrina at ramdam niya na hindi kumbinsido si Maricel sa kanyang sinabi. Ilang sandali lang, nagsimulang kumalat sa buong palapag ang amoy ng kape. Agad na naglagay si Zabrina sa kanyang tasa at lumabas sa hardin para maupo sa mesa, hangad na mapagmasdan lang ang paligid saka magpakalunod sa kanyang mga iniisip.

Wala siyang balak sumabay sa almusal ng asawa ngayon kaya pinili niyang manatili sa labas hanggang matapos ito at umalis, katulad ng kanyang inaasahan.

Samantala, kakapasok lang ni Jacob sa isa mga pintuan na mayroon ang kanilang bahay. Galing siya sa pagtakbo at hindi siya mapakali dahil sa napanaginipan kagabi kaya minabuti niyang lumabas nang maaga. Pagdating niya, naamoy agad niya ang masarap na kape, kaya bago mag-ayos, dumiretso siya sa kusina at nakita si Maricel doon.

“Ang bango ng kape, Maricel. Anong klaseng kape ‘yan?” tanong niya sa katulong.

“Ah, sir, kay senyorita po ‘yan. Maaga po siyang nagising at agad naghanda,” paliwanag ng katulong habang napapakamot sa ulo nito.

“Gising na siya?” kunot-noo na tanong niya.

“Opo, nasa hardin po siya. May dala siyang tasa ng kape at sabi ay lalabas muna siya,” sambit ni Maricel, sabay turo sa mesa sa labas.

Nilingon ni Jacob ang hardin at nakita ang maliit na pigura ng kanyang asawa, nakatalikod sa bintana. Hindi siya nito nakita.

“Mukhang sa hardin tayo mag-aalmusal ngayon,” saad niya habang nakatingin doon.

“Gusto niyo pong dalhin ko na po ang almusal doon?” gulat na tanong ng katulong.

“Oo, salamat.”

“Sige po, sir.”

“Maliligo lang ako saglit dahil may meeting ako ng alas-nuwebe kaya may oras pa ako,” ani Jacob.

“Opo, ihahain ko na po doon.”

Agad umalis si Jacob para maligo at bumalik bilang isang CEO na kilala ng kanyang asawa.

Habang nakikinig ng musika si Zabrina, naalala niyang muli ang panaginip. Naputol lang ang kanyang pag-iisip nang maamoy niya ang pamilyar na halimuyak ng mint at citrus. Pagdilat niya, naroon na si Jacob sa harap niya, nagbabasa ng balita sa tablet, at umiinom ng kape.

Kung dati, isang magandang tagpo ito para sa kanya pero ngayon ay tila kabaligtaran. Gusto na lang niyang umiyak pero hindi niya ito pagbibigyan, kaya pumikit na lang siya muli, nilakasan ang volume ng musika sa cellphone at nagkunwaring wala siya roon.

Naiinis naman si Jacob sa kanyang pananahimik pero naintindihan niya ito. Alam niyang nasaktan niya ito kagabi—hindi lang damdamin kung hindi pati katawan niya.

“Sir, ito na po ang kape ninyo!” saad ng katulong pagdating nito.

“May kape na siya, Maricel. Kinuha niya ‘yong akin. Pwedeng sa akin na lang ‘yang isa?” ani Zabrina.

Hindi agad nakasagot si Maricel hanggang sumenyas si Jacob na ibigay na lang ito sa kanya.

“Babalik po ako dala ang almusal ninyo,” paalala ni Maricel sa kanila.

Napatingin naman si Zabrina sa katulong at sinabi, “Maricel, gusto ko lang magkape ngayon.”

“Sige po, senyorita.”

Samantala, ang kaginhawaan na naramdaman ni Maricel habang kausap si Zabrina ay biglang nabasag dahil sa presensya ng asawa nito kaya’t tahimik na lang si Maricel na sumang-ayon at nagbalik na may dalang prutas at French toast para kay Jacob.

Tahimik pa rin si Zabrina habang umiinom ng kape. Nainip naman si Jaocb sa kanyang pananahimik kaya inilabas niya ang isang black credit card at iniabot ito sa kanya.

“Alam kong mali ‘yong nakita mo kahapon pero alam mo rin na hindi kita mahal. Alam mo ‘yan mula simula pa lang pero tinanggap mo pa rin ang alok ng lola ko kaya panatilihin na lang natin sa kung ano ang napagkasunduan,” sambit ni Jacob sa kanya.

“Hindi ko kailangan ng bayad para sa pananakit mo kahapon. Alam mo ba kung ano talaga ang kailangan ko?” sabi ni Zabrina at biglang tumulo ang isang butil ng luha sa kanyang mata.

“Sabihin mo kung ano ang gusto mo.” Mariin na sabi niya. Umaasa si Jacob na materyal na bagay lang iyon, isang bagay na kaya niyang ibigay.

“Maghiwalay na tayo.”

Sa wakas ay nabitawan na ni Zabrina ang mga salitang akala niya'y hinding-hindi niya masasabi kailanman.

Samantala, halos mabilaukan naman si Jacob sa kanyang kape dahil sa sinabi ni Zabrina.

“Ano’ng sabi mo? Ayos ka lang ba? Pinaglaban mo ‘to, tapos ngayon gusto mong makipaghiwalay?” takang tanong niya kay Zabrina.

“Maliwanag na wala kang pagmamahal sa akin at pagod na ako. Tatlong taon na tayong kasal, at hindi ito nag-work out kaya gusto ko na makipaghiwalay dahil alam ko na wala nang pag-asa,” saad ni Zabrina habang luhaan.

Pinagmamasdan naman sila ni Maricel mula sa bintana ng bahay. Hindi man niya marinig ang usapan, alam niyang hindi natuwa ang kanyang among lalaki. Handa na siyang tumakbo kung sakaling saktan muli si Zabrina.

Samantala, nagpatuloy naman ang usapan nina Zabrina at Jacob sa labas.

“Utusan mo ang assistant mo na gumawa ng kasulatan ng diborsyo. Anuman ang gusto mong kondisyon, pipirmahan ko ngayon. Kung maaari, pumunta tayo sa opisina mamaya para gawin itong opisyal,” wika ni Zabrina.

“Akala mo ba gano'n lang ‘yon? Gumawa lang ng kasulatan at pirmahan? Kapag ginawa ko ‘yon, pupuntiryahin ako ng lola ko, at ikaw na naman ang kawawa.”

Natameme naman bigla si Zabrina sa kanyang narinig.

“Hindi ba’t 'yan naman ang nangyayari sa relasyon na 'to?” aniya sa lalaki.

Nang madatnan niya kahapon si Jacob na nakikipagtalik kay Celeste, sinaktan siya at pinalayas ng kumpanya imbes na magpaliwanag ito.

“Gusto ko na makipaghiwalay at wala akong pakialam kung kailangan kong kausapin ang lola mo ngayon din ay gagawin ko. Gawin mo na ang kasulatan at pipirmahan ko agad.” Mariin na sabi niya, sabay tayo.

“Zabrina!” sigaw ni Jacob sa pangalan niya.

“Sinabi ko na makikipagkita ako sa lola mo, at inaasahan ko ang kasulatan ngayong gabi. Kung hindi, ako ang gagawa. Bago ang anibersaryo ng kumpanya mo, dapat hiwalay na tayo.”

Tumayo si Jacob para pigilan si Zabrina at kahit gaano pa siya ka bilis maglakad, hindi pa rin niya matakasan ang mahahabang hakbang ng asawa. Galit siya nitong hinawakan sa braso at hinila pabalik na halos ikinatumba niya.

Agad naman na tumakbo si Maricel pero nang makarating, nakita niyang para bang niyayakap lang ni Jacob si Zabrina.

“Hindi tayo pwedeng maghiwalay at dapat malinaw na sa 'yo ‘yan. Hindi ako gagawa ng kahit anong papeles. Bahay mo ito. Babae kita at hindi kita pwedeng bitawan.”

Nagulat bigla si Zabrina sa kanyang narinig pero hindi nagpaapekto.

‘Hindi ba’t ito ang gusto niya noon? Bakit ngayon, ayaw naman niya?’ inis niyang tanong sa isip.

“Pwede ba bitawan mo ‘ko, hayop ka! Gusto ko na makipaghiwalay sa 'yo! Malaya ka nang gawin lahat ng gusto mo at hindi mo na kailangang magkunwari dahil alam na ng lahat ang totoo!” sigaw niya sa lalaki.

Nang mapansin na ayaw niyang tumigil, agad na siyang binitiwan ni Jacob at lumabas ng bahay. Ayaw niyang magpadala sa galit dahil alam niyang hindi niya kayang kontrolin ang sarili. Kilala niya si Zabrina kaya umalis na lamang siya.

“Kasalanan ko kahapon kung bakit nakita kayo ni madam, sir. May inaasikaso akong ibang bagay sa ibang tauhan nang dumating si madam. Pasensya na po talaga, sir,” paliwanag ni Kaizer pagkakita sa kanya.

“Wala ka nang dapat ipagpaumanhin. Ang nakita niya kahapon ay mas nagpabilis lang ng lahat,” seryosong sagot ni Jacob.

Samantala, nanatili naman si Zabrina sa hardin, habang pinapanood ang pag-alis ng kanyang asawa. Wala namang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Sa wakas ay nasabi na rin niya ang matagal na niyang kinikimkim. Nang dahil diyan, biglang sumakit ang kanyang dibdib at halos hindi na siya makahinga, hanggang sa bumagsak siya sa damuhan. Dali-dali namang tumakbo si Maricel saka inalalayan siya patungo sa kwarto.

“Kailangan niyo pong magpahinga, senyorita. Siguro pagod lang po kayo dahil sa dami nang inyong pinagdaanan. Subukan niyo pong matulog ulit. Kung gusto mo, dadalhan ko po kayo ng almusal sa kwarto para hindi na kayo lumabas,” nag-aalalang sabi ni Maricel sa kanya.

“Wala akong gana at dahil siguro sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. Pwede bang patulugin mo na lang ako?”

“Opo, senyorita. Kung kailangan niyo po ako, nasa ibaba lang po ako. I-text niyo lang ako at aakyat agad ako dito.”

“Salamat, Maricel.”

Kahit masakit ang puso niya, pinilit ni Zabrina na ngumiti sa katulong.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 154

    Matapos manatili ni Jessica ng ilang minuto sa harap ng lugar kung saan nakalagak ang abo ni Michael, kinailangan na siyang pakiusapan ni Adrian Garcia na umalis. Maliwanag na mapapansin ng mga Guerrero kung may dumalaw.“Mahal kong Jessica, kailangan na nating umalis. Medyo delikado nang manatili p

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 153

    Makalipas ang kalahating oras sa daan, dumating ang isang van na sinamahan ng dalawa pa sa harap ng Paradise Park Cemetery. Mula rito bumaba ang isang magkasintahang matagal nang nawala sa Pilipinas.Hinawakan ng lalaki ang kamay ng dalagang kasama niya at tinulungan itong bumaba ng van. Inabot ng i

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 152

    Sa Ninoy Aquino International Aiport, sa isang pribadong hangar, bumaba mula sa isang pribadong eroplano ang isang napakagandang babae na may mahabang blondeng buhok. Sa unahan niya ay naglalakad ang isang makisig at elegante ring lalaki na may matitikas na mga facial features, at bahagyang natatakp

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 151

    Sa Consolacion...Dalawang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw si Roberto. Kahit naging mahirap para kay Sergeant Corpuz, sa wakas ay nakalap niya ang ilang impormasyon kaugnay ng pagkakaaresto kay Roberto Ferrer.“Mrs. Katherine, maaari ba tayong magkita? Mayroon akong isang bagay na sa tingin k

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 150

    Sa Ilocus...Pagbalik nina Michael at Zabrina sa kanilang tahanan, dama pa rin ang pagiging marupok ng kalagayan ni Zabrina. Kaya naman nagbigay nang mahigpit na tagubilin si Michael na suportahan siya sa lahat ng posibleng paraan sa kanilang pagdating. Naghanda si Anna ng masarap na pagkain dahil k

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 149

    Pagdating ni Jacob sa Bicol, agad siyang nagtungo kay Celeste. Alam niyang hindi magiging madali na harapin ang galit nito, ngunit hindi niya inasahan ang makita ang isang babaeng nakasuot ng maluwag na damit, namumula ang mga mata at ilong sa kakaiyak. Nang makita niya ang maumbok nitong tiyan, par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status