Share

Kabanata 3

Author: Alut
Kasalukuyang nakahiga si Zabrina sa kanyang higaan, habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Iniisip niya kung paano niya ipapaliwanag sa kanyang lolo na ang tanging natitirang solusyon sa kanyang kasal ay ang diborsyo.

Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone, senyales na may dumating na text message. Agad niya itong kinuha at tinignan.

Unknown Number:

Kumusta ang eksena kagabi? Alam mo ba na hindi ito ang unang beses na nangyari 'yon sa amin? Dalawang beses sa isang araw namin ginagawa at hindi mapigilan ang asawa mo. Ganito ang nangyayari sa mga mag-asawang tunay na nagmamahalan. Siguro hindi mo alam ‘yan, dahil ang kasal ninyo ay isang palabas lamang. Ikaw lang ang masaya.

Kasama ng mensahe ang isang larawan na nagpapatunay sa asawa niya kasama ang ibang babae.

Tuluyang gumuho ang hinahawakang lakas ng loob ni Zabrina at napaiyak siya nang todo. Ni minsan, hindi siya hinawakan ng kanyang asawa nang ganoon. Minsan lang sila nagtalik, at kahit kasal sila, hindi na siya hinangad ng asawa niya katulad nang malinaw na ipinakita sa larawang iyon.

Bigla siyang nakaramdam ng isang matinding kirot sa kanyang puso at sinimulan niyang ihagis ang lahat ng gamit sa kanyang cabinet. Galit si Zabrina, sugatan ang kanyang puso, at sa kanyang matinding dalamhati ay nakahagis siya ng isang bagay na nakabasag ng salamin. Nang dahil diyan, nagkalat ang bubog sa buong sahig.

Parang may bumubulong kay Zabrina, kaya dinampot niya ang isang piraso ng bubog at sinimulang hiwain ang sarili. Gusto niyang maramdaman na buhay pa siya, at ang sakit na dulot ng hiwa ay may kakaibang ginhawa para sa kanya.

Matagal na niyang nadiskubre na sa tuwing hinihiwa niya ang sarili, nababawasan ang bigat ng kanyang damdamin kaya madalas ay may bakas ng hiwa sa kanyang mga braso. Hindi niya namalayan na nasugatan niya ang isang ugat, at mabilis na dumaloy ang dugo mula roon.

Narinig na lamang ni Maricel ang mga kalabog mula sa silid ni Zabrina kaya agad siyang tumakbo papunta roon. Sinubukan niyang buksan ang pinto, ngunit naka-lock ito mula sa loob.

“Senyorita? Ayos lang po ba kayo? Pakiusap, sumagot naman kayo!” sigaw ni Maricel, puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

Walang tugon mula rito kaya naman ay kinabahan si Maricel. Agad niyang tinawagan ang kanyang amo

“Sige na, sagutin mo. Sagutin mo na please…” nag-aalalang sambit ni Maricel habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.

“Ano?” tipid na sagot nang nasa kabilang linya.

“Sir, pakiusap, pumunta po kayo agad. Naka-lock po ang kwarto ni senyorita at ayaw po niyang magbukas. Ang dami kong narinig na ingay pero hindi po siya sumasagot sa loob!”

“Maricel, magsisimula na ang meeting ko. Malamang isa na namang drama ‘yan para lang papuntahin ako. Kunin mo ang susi at buksan mo ang pinto, bilisan mo!” Mariin na sabi ni Jacob, at halatang iritado na.

“Pero, sir—”

“Gawin mo ang sinabi ko!” bulyaw ni Jacob sa kanya.

“S-Sige, po. Pasensya na kayo sa abala.”

Dali-daling tumakbo si Maricel para kunin ang susi. Pagkabukas niya ng pinto, napasigaw siya sa kanyang nakita.

“Senyorita! Ano’ng ginawa niyo!?” sigaw niya habang nanginginig sa takot.

Walang malay si Zabrina, duguan ang mukha, at sugatan ang kanyang mga braso nang matagpuan siya ni Maricel sa loob.

“Bakit po ninyo ito ginawa, senyorita?!”

Yumuko si Maricel upang buhatin siya, ngunit nawalan na ng malay si Zabrina. Tinamaan ng hiwa ang malaking ugat nito at sobrang dami na ng nawalang dugo sa kanya.

Napahagulgol na lamang si Maricel habang tumatawag ng ambulansya. Nangangatog pa rin ang buong katawan niya kaya sinubukan niyang tawagan muli si Jacob.

Napansin naman ni Jacob ang tawag pero hindi niya ito sinagot. Akala niya ay tungkol na naman ito kay Zabrina.

At dahil wala nang ibang naisip na paraan, tinawagan ni Maricel si Katherine, ang lola ni Maximo.

Agad naman na sinagot ng matanda ang kanyang tawag.

“Ma'am Katherine, patawad po sa istorbo pero hindi ko na po alam ang gagawin. Tinangka pong kitilin ni Senyorita Zabrina ang kanyang buhay. Tinawagan ko na po ang ambulansya, pero hindi pa po dumarating. Tinawagan ko rin po si sir pero wala rin pong sagot. Sasamahan ko po siya sa ospital,” paliwanag ni Maricel.

Natigilan naman si Katherine sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman pero agad siyang nakabawi sa pagkagulat.

“A-Ano’ng nangyari? Ikwento mo sa 'kin. B-Bilis!” nanginginig ang boses ni Katherine nang sabihin ito. “Papunta na ako!”

Tinawagan muli ni Maricel si Jacob at sa pagkakataong iyon, si Kaizer na ang sumagot.

“Maricel, anong meron? Bakit ka sunod-sunod na tumatawag? Nasa meeting ang boss.”

“Sinubukan pong magpakamatay ni Senyorita Zabrina. Kararating lang po ng ambulansya, at sasamahan ko po siya sa ospital. Tinawagan ko na rin si Mrs. Katherine at papunta na rin siya sa ospital!” saad ni Maricel kay Kaizer.

Namutla naman si Kaizer sa kanyang narinig. Kahapon lang niya nakita si Zabrina at kalmado pa ito pero ang pagiging kalmado niya ay gumuho na, at alam niyang ito ay dahil sa nakita niya kagabi.

“Ipapaalam ko agad kay boss. Sabihan mo ako kung may update ka na,” sagot ni Kaizer halatang nabigla pa rin sa kanyang nalaman.

Hindi na siya nagdalawang-isip at agad pumasok sa meeting room. Alam niyang hindi basta-basta iniistorbo si Jacob maliban kung napakahalaga nito.

Nakita naman siya ni Jacob at tiningnan nang masama.

“Ano’ng kailangan mo, Kaizer?” iritadong tanong ni Jacob.

“Sir, tumawag si Maricel. Tinangka pong magpakamatay ni Ma’am Zabrina. Papunta na po sila sa ospital ngayon,” sambit ni Kaizer na siyang nagpaputla kay Jacob.

Agad siyang tumayo at sinabing, “Gentlemen, kailangan ko na umalis. Kung may mahalagang bagay kayong sasabihin, kay Kaizer niyo na sabihin.”

Pagkatapos no'n, agad na siyang lumabas ng kwarto.

“Ano’ng eksaktong sinabi ni Maricel, Kaizer?” tanong niya sa lalaki.

“Iyon lang po, sir. Hindi na siya nakapagpaliwanag dahil nakasakay na po sila sa ambulansya.”

Samantala, bigla naman lumapit si Celeste, at nagtanong kay Jacob.

“Anong meron? Bakit ka biglang umalis sa meeting? Kailangan nating tapusin ang deal ngayon at hindi natin pwedeng palampasin 'yon,” ani Celeste.

“Matatapos din ‘yan, pero kailangan ko nang umalis ngayon,” sambit ni Jacob sa kanya.

“Jacob! Saan ka ba pupunta?” sigaw ni Celeste, at halos mawalan na nang kontrol.

“Huwag mong kalimutan kung sino ang boss dito, Celeste, at hindi mo ako pwedeng sigawan nang ganyan!” mariin niyang sabi, sabay hawak sa baba nito.

“Jacob, pasensya na, pero—”

“Walang pero-pero. Aalis na ako ngayon!” aniya at agad na tumakbo papuntang ospital, habang naguguluhan sa mga nangyayari.

Para sa kanya, maliit lang ang pagtatalo nila kanina kumpara sa dati. Hindi niya maunawaan kung bakit umabot sa ganito si Zabrina. Naisip niya na baka hindi lang talaga niya ito maintindihan dahil na rin sa agwat ng kanilang edad.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 154

    Matapos manatili ni Jessica ng ilang minuto sa harap ng lugar kung saan nakalagak ang abo ni Michael, kinailangan na siyang pakiusapan ni Adrian Garcia na umalis. Maliwanag na mapapansin ng mga Guerrero kung may dumalaw.“Mahal kong Jessica, kailangan na nating umalis. Medyo delikado nang manatili p

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 153

    Makalipas ang kalahating oras sa daan, dumating ang isang van na sinamahan ng dalawa pa sa harap ng Paradise Park Cemetery. Mula rito bumaba ang isang magkasintahang matagal nang nawala sa Pilipinas.Hinawakan ng lalaki ang kamay ng dalagang kasama niya at tinulungan itong bumaba ng van. Inabot ng i

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 152

    Sa Ninoy Aquino International Aiport, sa isang pribadong hangar, bumaba mula sa isang pribadong eroplano ang isang napakagandang babae na may mahabang blondeng buhok. Sa unahan niya ay naglalakad ang isang makisig at elegante ring lalaki na may matitikas na mga facial features, at bahagyang natatakp

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 151

    Sa Consolacion...Dalawang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw si Roberto. Kahit naging mahirap para kay Sergeant Corpuz, sa wakas ay nakalap niya ang ilang impormasyon kaugnay ng pagkakaaresto kay Roberto Ferrer.“Mrs. Katherine, maaari ba tayong magkita? Mayroon akong isang bagay na sa tingin k

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 150

    Sa Ilocus...Pagbalik nina Michael at Zabrina sa kanilang tahanan, dama pa rin ang pagiging marupok ng kalagayan ni Zabrina. Kaya naman nagbigay nang mahigpit na tagubilin si Michael na suportahan siya sa lahat ng posibleng paraan sa kanilang pagdating. Naghanda si Anna ng masarap na pagkain dahil k

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 149

    Pagdating ni Jacob sa Bicol, agad siyang nagtungo kay Celeste. Alam niyang hindi magiging madali na harapin ang galit nito, ngunit hindi niya inasahan ang makita ang isang babaeng nakasuot ng maluwag na damit, namumula ang mga mata at ilong sa kakaiyak. Nang makita niya ang maumbok nitong tiyan, par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status