แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: iampurplelynxx
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-11-02 19:21:51

Matapos ang short quiz ay nagmamadaling umalis si Josh. Bago ko pa man siya matawag ay nakalabas na siya ng room na siyang ikinasimangot ko na lang.

Maya-maya lang ay nag-vibrate ang phone ko. Nang kunin ko iyon ay nakatanggap ako ng text mula kay Jam.

Bebs: Nasa cafeteria na ako.

Hindi na ako nag-abala pang magpadala ng mensahe pabalik sa kanya. Matapos kong maipagtanong sa isa kong kaklase kung saan ang direksyon papuntang cafeteria ay dumiretso na kaagad ako roon.

Nakabusangot ang mukha ni Jam nang datnan ko siya sa cafeteria, ilang layo lang mula sa table nila Josh. Hindi pa man umiinit ang pwet ko sa upuan ay nagsimula na siyang magtatalak.

"Nakakainis na chizwis na iyon. Biruin mo ba naman, bebs? Natawag pa kaming palaman loveteam. I started hating my name."

Mababakas ang inis sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Pati d****b ay nagtataas-baba na rin. Pero kahit na gano'n ang lagay niya ay hindi ko naman siya pinansin at ibinigay ang buo kong atensiyon kay Josh.

Nang malaman ko kanina na architecture pala ang course niya ay mas lalo lang akong nagkagusto sa kanya. Family of architects and engineers daw kasi sila, base na rin sa pakikinig ko sa mga chismosa kong mga kaklase.

Tila naman uusok ang ilong ko nang makitang hinahaplos ng babaeng katabi ni Josh ang kanyang braso at d****b. Isa pang rason na lalong nakapagpainit ng ulo ko ay ang katotohanang mukhang tuwang-tuwa pa siya. Hindi pa nakatulong ang mga bulungan sa likurang bahagi ko.

"Balita ko kasi ni-reject daw ni Tamara si Josh kasi he can't still get over with her ex. Pero ngayon mukhang nagliligawan na ulit sila. Kunsabay naman ay matagal na nilang kilala ang isa't isa. Bagay na bagay talaga sila. Isang architect at isang chemical engineer."

Lumaki ang tenga ko dahil sa narinig. Hindi pa nakatulong na narinig ko pati ang pagsagot ng kasama niya.

"Kaya nga maraming babaeng nawawalan na ng pag-asa magkaroon ng chance, tulad ko."

Tumaas ang kilay ko nang pati sarili niya ay isinama niya. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at tuluyang nilingon ang magkaibigan sa likod ko na kulang na lang ay mangisay na sa kilig, na tila hindi broken hearted ang isa sa kanila. Natigil lang sila nang titigan ko sila ng masama.

"May isang babae na mas babagay kay Josh."

Nagkatinginan naman silang dalawa saka in chorus na nagtanong. "Sino?"

"Si eddy."

Mas lalo lamang silang naguluhan sa sinabi ko. "Eddy, who?"

Ngumisi ako saka may pagmamalaking sinambit ang katagang, "Eddy ako."

Mula sa dalawa ay naibaling ko ang aking tingin kay bebs nang pitikin niya ang tenga ko.

"Tigilan mo na iyan at kanina pa kita kinakausap, Lex. Nakikinig ka ba?"

"Hindi."

Sabay kibit ko ng balikat na siyang lalong nagpataas ng kilay niya. Pumulot pa siya ng isang fries saka ibinato iyon sa akin. Na-shoot tuloy iyon sa blouse na suot ko. Agad ko iyong pinagpagan at naalalang hindi pa nga pala kami nakakapagpatahi ng uniform.

"As I was saying.. nakakakainis talaga ang chiswiz na iyon," pagpapatuloy niya pa rin.

"Baka naman naiinis ka kasi type mo."

"As if! Over my dead body!"

May balak pa sana akong sabihin ngunit natigilan din nang halos bigyan niya ng tingin na nakamamatay ang kung sino mang nasa likuran ko.

"Speaking of the devil," aniya na ipinaikot pa ang dalawang mga mata.

Nagulat na lang ako nang may biglang tumabi sa akin.

"Hi! I'm Ethan Chiz Sandoval."

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang pakikipag-kamay niya. Sa huli ay inabot ko rin iyon.

"Euphrasia Lexus Avery. Nice meeting you," I said in a friendly tone.

Nakita ko pa sa peripherial vision ko ang pagkunot ng noo ni Josh sa kabilang table. Kaya naman ay ngumiti ako nang malapad na mukhang nakapagpagulat kay Ethan.

"Can I call you Ela?"

Ako naman ang napakunot-noo na mukhang napansin niya kaya maagap siyang sumagot. "Short for Euphrasia Lexus Avery. Masyado kasing mahaba."

Nang mapansin kong nasa akin na talaga ang buong atensyon ni Josh ay peke akong tumawa. Sinabayan ko pa nang paghampas sa braso ni Ethan.

Alam ko na walang nakakatawa sa sinabi niya. Kailangan ko lang talagang magpanggap. Kahit si Jam ay mukhang nagtataka na sa inaasal ko. May pandidiri na rin sa mga mata niya. Hindi niya siguro akalaing makikipagkaibigan at tawanan ako sa taong kinaiinisan niya.

May sasabihin pa sana si Ethan nang marinig ko ang pagdadabog sa kabilang table. Nang ibaling ko kay Josh ang pansin ko ay kitang-kita ko ang pagdilim ng kanyang mukha at pag-igting ng kanyang panga. Mukha siyang galit na galit.

Sa akin ba o kay Ethan?

Hanggang sa tuluyan na siyang nagmartsa papalabas ng cafeteria. Tinatawag pa nga siya ng malanding Tamara na iyon pero hindi na ulit siya lumingon.

"Damn you, Joshua Arcel Gonzales.. are you jealous, baby?" naibulong ko na lang sa aking sarili habang tinatanaw pa rin siya.

Abala ako sa paglalagay ng earrings nang lumabas si Jam sa banyo netong maliit na apartment na inuopahan naming dalawa. Suot na niya ang unipormeng pinatahi namin no'ng isang araw pa. Dalawa lang ang ipinagawa namin para mabilis lang makuha at para na rin makatipid.

"Why are you not wearing your uniform?" ani Jam na ngayon ay naglalagay na ng kolorete sa mukha.

"Last day naman na ngayon. Baka sa Monday ko na isuot."

Matapos naming mag-ayos na dalawa ay siniguro muna naming naka-lock ang lahat ng pinto bago na kami naglakad. Walking distance lang naman kasi ang university.

Kaninang nasa apartment pa kami ay may nabasa ako habang nag-i-scroll sa g****e at balak ko iyong i-apply ngayon kay Josh. Kaya naman ngiting-ngiti ako habang papasok na kami ng room. Pati tuloy si Jam ay iniisip na ang weird ko na.

"Tigilan mo nga iyan, bebs. Nagmumukha kang tanga. Ano nanaman ba kasing trip mo ngayon?"

Kahit gustong-gusto ko nang sumimangot ay pinigilan ko na lang ang aking sarili. Ipinakita ko na lang sa kanya ang na-save kong picture na galing sa random photos.

"Be nice and friendly. Huwag mong ipagdamot ang smile mo. Malay mo crush mo na pala ang next na mafa-fall sa ngiti mong iyan," pagbasa niya. "So ito na ang dahilan nang pagngiti-ngiti mo? Tama ba iyon? Hay nako bebs, baliw ka na talagang tunay."

Napangiti lang naman ako sa naging komento niya. "Malay mo naman bebs, hindi ba? Nothing is impossible ika nga nila."

Napailing na lamang siya sa sinabi ko.

"Hanga na talaga ako riyan sa confidence mo, bebs. Ikaw na talaga. Heto na ang korona mo," aniya na kunwaring may inilalagay na invisible crown sa ulo ko.

Medyo nag-bend pa ako ng kaunti para kunwaring tinatanggap ko iyon kaya kami nagkatawanan na dalawa. May balak pa sana akong sabihin kung hindi ko lang nakitang papalapit na sa puwesto namin si Josh. Naghe-heart shape nanaman tuloy itong mata ko.

"Malinaw pa naman ang mata ko bebs, hindi ba?"

Hindi ko naiwasang mapatili. Nakaani tuloy ako ng batok mula kay Jam. "Papalapit sa atin si Josh."

"Alam ko, hindi ako bulag," sarkastikong aniya.

Ipinihit ko ang aking ulo sa direksyon ni Jam saka ko siya binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Maganda ang araw ko ngayon, bebs. Hindi tatalab sa akin ang pang-iinis mo."

Inilabas ko pa ang aking dila para inisin siya. Ngunit ang kasiyahan na dapat nararamdaman ko ay tila naglaho nang hindi ko mapansin na nakalapit na pala sa amin si Josh.

"Cut that crap! Cut that smile! Nagmumukha kang tanga!"

Nabigla pa ako nang pinitik niya ako sa noo at nilampasan na kami. Naiwan akong tulala habang pino-proseso ng utak ko ang sinabi niya, sabayan pa ng katotohanang isinigaw niya talaga iyon sa pagmumukha ko.

"Sinungaling ang tip na iyon. Akala ko mahuhulog na siya sa akin pero mukhang nainis pa yata siya," bulong ko sa aking sarili.

"I knew it!"

Nasapo ko na lang ang d****b ko nang biglang magsalita si Jam.

"Huh? Ang ano?"

She just laugh at me and flip her hair. "Ang manhid mo, gaga."

I just ignored what she said and then I followed Josh, who was already sitting in his seat in the back of my chair. "Crush may joke ako."

He gave me the look like he will eat me alive.

"Just make sure that it is funny."

"Oo naman. Matatawa ka rito. Baka nga kiligin ka pa," I replied, confidently.

"Psh. You're annoying!"

"Crush. Hindi tayo tao. Hindi tayo hayop. B –"

"Bagay tayong dalawa. Alam ko na iyan," he cut me off.

Napangiti ako saka nakaramdam ng kilig dahil sa sinabi niya. Tuluyan kong itinukod ang aking kamay para lalong mapalapit sa mukha niya. "Matagal mo na pa lang alam. Pero bakit hindi mo pa rin ako sinasagot?"

"Nababaliw ka na. Sa tingin mo nakakatawa iyon?"

Napasimangot na lang ako nang magsimulang mangunot ang kanyang noo.

"Oo ah. Nakakatawa't nakakilig kaya iyon. Buong magdamag ko itong inisip."

His eyebrows furrowed even more, but I still couldn't stop myself from falling further into his green eyes.

"You're crazy!"

I put my arm on his desk, then I came a little closer. But I make sure that I still put a distance on our face. "Yeah. You're right. I'm crazy because of you. Ang lakas kasi ng tama ko pagdating sayo."

Nakipaglaban naman siya ng titigan sa akin pero agad din naman niyang iniwas ang tingin saka napailing na lang.

"Nga pala, anong oras na ba?" tanong niya makaraan ng ilang segundo.

"094892–"

Before I finish what I'm saying, he cut me off.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Number ko," nangingiti kong sagot.

"I was asking for the time, not for your number."

Nagkibit-balikat naman ako. "Text mo lang ako at ibibigay ko sayo ang buong oras ko."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 60 (FINALE)

    JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 59

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 58

    Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 57

    Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 56

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 55

    I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status