Share

CHAPTER 2

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng High East University kung saan ako mag-aaral.

"Hindi na rin pala masama na lumipat ako rito sa school ng savior ko. Mukhang maayos naman dito at maganda," hindi ko naiwasang masambit.

"Bakit kasi pati ako dinamay mo sa balak mong ito?" pagrereklamo ni Jam. Nagdadabog pa siya na animo ay bata habang umaagapay sa paglalakad ko.

I just rolled my eyes. "Huwag kang maarte, bebs. Baka gusto mong isumbong ko kay tito ang kaliwa't kanan mong pakikipag-relasyon?"

Napanguso naman siya saka kumapit sa braso ko. "Sige at i-blackmail mo pa akong bruha ka."

Binusog muna naming dalawa ang aming mga mata sa pagtingin sa kagandahan ng High East habang pinapanuod ang mga istudyanteng nadadaanan namin. Kada may makikitang gwapong lalaki si bebs ay otomatikong pipihit ang leeg niya at susundan ito ng tingin.

"10 over 10. Grabe, bebs. Hindi na rin pala masamang sumama ako sayo. Ang daming gwapo rito." aneto sabay ngisi.

"Sana lang at dito ka makahanap nang seseryosohin, bebs." pang-aasar ko sa kanya.

"Che! Wala iyan sa bokabularyo ko, noh? Ika nga nila, the more, the merrier. Saka habang marami pa ang lalaki sa mundo, might as well enjoy them one by one," dahilan pa ni Jam na sinamahan niya pa nang pagkumpas ng kanyang kamay.

Nang lumingon siya sa gawi ko ay hindi na namin napigilang magkatitigan na dalawa saka sabay na natawa. May mga bagay talaga na sa tinginan niyo pa lang, nagkakaintindihan na kayo.

Nang pareho naming maramdaman ang pagod sa kalalakad ay napagpasyahan na naming dalawa na magpunta na sa magiging room namin for our first period. Nagpapasalamat ako na magkaklase kami roon ni crush. Mabuti na lang pala at abot hanggang dito ang koneksyon ni dad.

"Bebs, cr lang muna ako saglit, ha?"

Tumango lamang ako. Nang tuluyan na siyang makaalis ay siya namang paglakad ko. Until I saw a familiar figure that makes me stopped. He was laughing with the group of men outside our room. Not until our eyes met.

Does he still know me? Ang unang tanong na pumasok sa isipan ko.

I took a deep breath first, then calmed my heart and smiled at him widely. Hanggang sa naglakad na ako palapit sa kanila. Even those he was talking to were now looking at me.

"Hi miss. May kailangan ka? O kailangan mo ako?"

Hindi ko pinag-ukulan ng pansin ang lalaking nagsalita sa kanyang tabi. Basta ang buong atensiyon ko ay nasa kanya lang.

"Hi crush. Remember me?"

Napanganga naman ang mga kasama niya habang siya ay seryoso pa rin ang mukha.

"No," matigas niyang sagot.

Isang salita pero tagos iyon hanggang sa puso ko. Ni hindi mapaniwalaan ang sinabi niya pero hindi ako magpapatalo. Ngayon pa bang naririto na ako?

"Hindi mo na nga ba ako nakikilala o nagpapanggap ka lang na hindi mo ako kilala?" saglit akong tumigil bago nagpatuloy. "Kung alin man sa dalawang iyon ay wala na akong pakialam. Basta ang alam ko ay pareho na tayo nang mundong ginagalawan."

Dumaan ang ilang saglit na katahimikan bago ko dugtungan ang sinabi ko. "Nakikilala mo man ako o hindi, remember this my fallen angel. Crush kita at gagawin ko ang lahat maging crush mo lang din ako."

Nagsipaghiyawan naman ang mga kasama niya habang siya ay tumalikod na lang.

Marahas naman siyang napabuga ng hangin. "You're annoying!"

Nakangiting pinagmasdan ko na lang ang nakatalikod niyang pigura habang papasok na siya ng room. Ngunit bago siya tuluyang maglaho sa paningin ko ay may idinagdag pa ako.

"I have sacrifice a lot just to find you, Josh. And I'll not stop until you will have feelings for me, too. Remember this, the moment you saved me is the time that I promise to myself that you will be mine."

Saglit lang siyang natigilan at muling nagpatuloy na sa pagpasok sa room. Natanaw ko pa siyang pumunta sa isa pang grupo ng kalalakihan.

I have already decided that I...I won't ever let you go.

Natapos ang dalawang klase namin pero sa kamalas-malasan ay hindi ko man lamang nasilayan sa classroom si Josh. Nang dahil nga sa inaayos pa ang iilan sa mga schedules ng lahat ng istudyatante ng HEU kaya may mga iilang courses ang nagkakasama sa mga classroom dahil sa iilang mga professors na na-assign na mag-handle. They still lack of professors. Napanguso na lang ako nang maalalang hindi ko nga pala alam kung anong course niya. Sana pala ay ipinagpatuloy ko ang pagpapa-imbestiga kay Hugo. Pati si bebs ay bilang lang sa daliri ko na natataon na nagkakasama kami sa iisang room.

Kaya nang marinig mula sa mga kaklase ko na mamayang hapon pa ang susunod na pasok namin ay napagpasyahan kong magpunta na muna sa Guidance office, sa tulong na rin ng mga pinagtanungan ko.

Hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito sa university kaya kapag may free time kami pareho ni Jam, aayain ko siyang libutin itong buong university. Medyo malaki rin kasi ito but compared to other university in Manila, alam kong hindi pa rin kayang makipagsabayan ng High East University.

I knocked three times on the door but no one answered inside of the office so I decided to just open it and entered. Then I found an old woman busy talking over her phone. But when she turned her gaze to me, she hurriedly lowered it down, then she gave me her full attention.

"Good morning, hija. Your daddy tell me about your arrival. But I'm sorry, I just got busy. Have a seat," nakangiting pahayag niya.

Naupo naman ako sa harap niya saka ngumiti ng tipid. "I'm just here to get my schedule, Mrs. Capitulo."

"Sure." Mabilis niyang pagtango sabay abot niya sa akin ng isang papel. "What else do you need, hija? Kukuha ka rin ba ng locker?"

"No need na po. By the way, I'm also here to tell you that we don't need a special treatment. Treat us just a normal person."

Her eyes widened. It was obvious on her face that she didn't agreed with on what I said. "But Miss – "

I cut her off. "Euphrasia Lexus Avery," I quickly answered. Then I took her hand for a handshake.

"Okay. I got it, Miss Avery."

Pagkatapos nang maiksing pag-uusap namin ay naglakad-lakad muna ako. Nang sumapit ang oras para sa next class namin ay nagpunta na kaagad ako sa tamang floor na nakalagay sa schedule ko.

Medyo nahuli pa nga ako kasi nakarating ako ng room na naga-attendance na si Ma'am. Pasimple akong naupo malapit sa pwesto ni crush. Nang lumingon siya sa akin ay binigyan ko siya nang malapad na ngiti na siyang ikinasimangot niya.

Luminga-linga pa ako sa paligid para hanapin si Jam, pero mukhang hindi ko nanaman siya kaklase sa subject na ito.

"Gonzales."

Napangisi ako saka itinaas ang kamay ko.

"Present, Ma'am!"

"Present!"

Nagsipagtawanan ang mga kaklase ko nang sabay kaming nagsalita at nagtaas ng kamay ni Joshua.

"Ang sabi ko Gonzales, Miss Avery. Later on, I'll call your name for the attendance for the girls."

Napakamot-kamot naman ako sa batok saka nginisian si Josh na hindi na maipinta ang mukha.

"Soon to be Mrs. Gonzales po kasi ako. Sorry na po, tamang practice lang, Ma'am."

Nagkantiyawan naman ang mga kaklase ko saka na nagsimula ang tuksuhan.

Nilalakihan ko ng mata ang mga kaklase ko na hinihingan ng papel ni Josh. Kinukutsaba ko kasi sila na huwag nila itong bibigyan para sa akin na lang siya magpunta. After kasi mag-discuss ni ma'am, pinakuha niya kami ng papel for a short quiz.

"Mara, pahinging papel."

Pasimple kong nilingon ang gawi ni Mara na siyang pansin kong tahimik sa klase namin. Sinenyasan ko siya na huwag bibigyan si Josh.

"S-sorry, naubos na kasi," si Mara na palihim na itinago ang isang pad ng kanyang papel.

Lihim akong napangiti saka muling itinuloy ang pagrereview. Hindi kami pansin ni Ma'am kasi busy ito sa pagchecheck ng quiz ng ibang section, hinihintay niya lang talaga kung handa na ba kami sa quiz.

Mas lalo lamang lumapad ang ngiti ko nang maya-maya lang ay may kumulbit sa likuran ko. Nang una ay patay-malisya lang ako hanggang sa napilitan siyang magpunta sa harapan ko.

Nahihiyang napakamot na lamang siya sa kanyang batok at hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko. Damn! Bakit kasi ang gwapo mo, crush?

"P-pahinging papel." Bakas pa rin ang hiya sa boses niya.

"Pero binigyan na kita ng papel, ah."

"Ha?" naguguluhan niyang tanong.

Kunwaring sumimangot naman ako ngunit napangiti rin nang tuluyan na niya akong nilingon. Muli ay natitigan ko ulit ang magandang pares ng kanyang mga mata.

"Sa buhay ko."

Nandiyan nanaman ang kantiyawan at tuksuhan ng mga kaklase namin.

"Nice one, Euphrasia Lexus!" sigaw ni Bogart na siyang kanina pang nanunukso sa aming dalawa.

Napailing-iling lang naman si Ma'am sa kalokohan ko saka hinayaan na akong bigyan ng papel si Josh at pinatahimik na kami dahil magsisimula na ang aming quiz.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status