Share

CHAPTER 7

Excited akong pumasok kinabukasan dahil nakita ko sa schedule ni Josh na magkaklase kami sa first period. Ngunit naglaho rin ang sayang nararamdaman ko nang bumungad sa akin ang hindi okupadong pwesto niya.

 

"Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya pumapasok. Hindi kaya may sakit pa rin siya? Ganoon ba talaga kalala ang naging halikan namin noong Friday? Ano siya, Matteo Do lang ang peg? Bawal mahaluan ng laway ng iba, genern?" nakasimangot kong bulong sa aking sarili.

 

"Wala nanaman si Josh? Kaya pala nakabusangot ka," si Jam na tumabi sa akin habang ako ay nakatingin pa rin sa pwesto dapat ni Josh.

 

Ibinaling ko sa kanya ang tingin saka ko siya kinurot sa kanyang tagiliran nang pagtawanan niya ako. "Hindi ka nakakatulong."

 

Natahimik lang kaming dalawa nang dumating na ang prof naming mala-balyena ang katawan. Kaagad kaming naupo ni Jam sa proper seat namin which is magkatabi lang kami. Bigla ay nagkatinginan kaming dalawa. Sa tinginang iyon ay alam na kaagad namin na parehong may kalokohan ang pumasok sa isip namin.

 

Pareho kasi kaming may inis na nararamdaman kay Ma'am Batumbakal. Isa kasi ito sa mahilig magpagawa ng projects pero sobrang baba kung magbigay ng grades.

 

Napairap na lang ako nang magpalabas siya ng isang buong papel. Heto nanaman siya at magpapa-quiz ng wala man lang itinuturo.

 

Ramdam ko ang katamaran habang sumasagot sa bawat tanong niya. Sa tuwing hindi ko alam ang sagot at wala naman sa banda namin ang atensiyon niya ay kinakalabit ko si Jam para mangopya. Minsan pa ay sinisipa ko ang upuan niya kapag pinagdadamot niya ang sagot niya.

 

"Bigyan niyo nang masagabong palakpakan ang magpinsang sila Jam at Euphrasia. Sila lang naman ang nakakuha ng mataas na puntos sa quiz."

 

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin habang ako ay muling sinipa ang upuan ni Jam.

 

"Partida wala pang tinuro niyan si Ma'am. Mabuti na lang at may stock knowledge ka, bebs. Akin kasi puro lang stock at walang knowledge. May knowledge nga, nabulok naman na at kinalawang," natatawa kong pagkausap kay Jam.

 

Napailing na lang naman si Jam dahil sa sinabi ko. Muling natahimik ang klase at lahat kami ay nakinig na nang magsimulang mag-discuss na si Ma'am.

 

Nasa kalagitnaan na siya ng pagtuturo ngunit hindi pa rin ako mapalagay. Nag-aalala nanaman kasi ako kay Josh. Nandito nga ako sa school pero nasa kanya naman ang isip ko. Kaya nang hindi na ako nakatiis ay tumayo na ako kahit na may sinasabi pa si Ma'am.

 

"Where do you think you are going?"

 

Nag-echo sa buong room ang boses ni Ma'am kaya nalipat sa akin ang atensiyon ng mga kaklase ko. Pati na rin si Jam na ngayon ay nakakunot na ang noo.

 

"Huwag mong ituloy ang binabalak mo. Bumalik ka rito, bebs."

 

Alam kong walang tunog na lumalabas sa bibig ni bebs. Nakapihit ang ulo niya sa direksyon ko para ako lang ang makapansin sa mga salitang ibinibigkas ng kanyang bibig. Ngunit nagkibit-balikat lang ako saka pinihit na ang seradura ng pintuan.

 

"Chasing my dreams?"

 

Narinig ko pa ang hiyawan ng mga kaklase ko at ang pagbanggit ni Jam sa pangalan ni Josh bago ako patakbong lumabas ng room.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na mag-doorbell nang makarating ako sa bahay nila Josh. Kaagad bumungad sa akin ang nanghihina niyang hitsura. Ngunit salubong pa rin ang kilay niya nang mamukhaan ako.

 

"Anong ginagawa mo rito? Nag-skip ka?"

 

Ngumiti naman ako nang malapad saka itinaas ang hawak kong supot. Bago kasi ako pumunta rito ay dumaan muna ako sa isang drugstore para bilhan siya ng gamot at makakain. Bago pa siya makahuma ay ako na ang nagkusang magbukas ng gate.

 

"Nandito ba si father-in-law?"

 

"Stop calling him that!"

 

Napairap naman ako. "Ang arte mo ha. Saan ba ang kwarto mo?"

 

Naibaling ko ang tingin ko sa kanya nang marinig ko siyang mapasinghap. Natawa pa ako nang niyakap niya ang sariling katawan. Bigla tuloy akong nakaisip ng kalokohan kaya unti-unti akong lumapit sa gawi niya.

 

"Ano bang iniisip mong gagawin natin, Josh? Mukha kasing mas maganda ang ideya mo kesa sa iniisip ko."

 

Pigil ko ang tawa ko nang makitang pulang-pula na ang mukha niya.

 

Pigilan niyo ko at baka gapangin ko na talaga siya sa sobrang cute niya.

 

Nasapo ko na lang bigla ang noo ko nang pitikin niya iyon.

 

"Wala akong iniisip. Wala lang talaga akong tiwala sayo kapag tayong dalawa lang ang nasa iisang lugar."

 

Nagkunwari naman akong nasaktan. "Ang harsh mo sa akin, honeybunch sweetypie. But don't worry, I have no bad intention to you unless you insist to do anything."

 

"At iyon ay impossibleng mangyari," seryosong sabi niya. Nakakunot ang noo at salubong na ang kilay.

 

"Wala talaga akong gagawing masama sayo. Promise!"

 

Itinaas ko pa ang kanan kong kamay. Kahit hindi pa man niya ako iniimbitahan ay kusa na akong pumasok sa bahay nila. Habang nakasunod naman siya sa likurang bahagi ko.

 

"Nandito lang ako kasi sobrang nag-aalala ako sayo. Hindi ka nanaman kasi pumasok. At halata namang hindi maayos ang lagay mo kaya ako ng bahala sayo. Surrender yourself to me, Mr. Gonzales."

 

Kinindatan ko pa siya saka pa ako nagkagat-labi. Pagkatapos ay basta ko na lang siyang itinulak sa kalapit naming sofa saka hinayaan ang sarili kong libutin ang bahay nila.

 

Malaki ang bahay nila at may malawak na space ang loob. Gusto ko ang interrior design neto. Simple lang pero elegante ang datingan. Nang mahagip ng mga mata ko ang kusina nila ay dumiretso na ako roon. Mabuti na lang at may stock sila ng ingredients na kakailangan ko sa pagluluto. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula na akong gawin ang binabalak ko sa kusina nila.

 

Baka ibang 'balak' ang naiisip niyo, ha?

 

Syempre hindi ko intensiyon na lagyan ng gayuma ang pagkain ng honeybunch sweetypie, my ultimate crush ko. Inaamin kong desperada ako pero ako ang gagawa ng paraan para mahulog siya sa akin. Hindi ko na kailangan pa ng gayuma.

 

At isa pa, kung inaakala niyong masusunog ko ang kusina nila ay doon kayo nagkakamali. Kahit papaano ay marunong naman akong magluto. Specialty ko yata ang pagluto ng sopas. Pati adobo alam kong lutuin dahil iyon ang paborito ni daddy na niluluto ni mommy.

 

"A-anong lasa?" tanong ko kay Josh nang maiabot ko sa kanya ang niluto kong sopas.

 

"Pwede nang pagtiyagaan."

 

Napasimagot naman ako sa naging komento niya. Alam ko naman kasing nagkukunwari lang siya. Gustong-gusto kaya nila mommy at Hugo ang sopas na luto ko. Nakakalimutan daw nila ang masasarap na pagkain kapag hinahainan ko sila no'n.

 

"Pasok na ba sa standards ng pag-aasawa ang niluto ko?" pagbibiro ko. Bigla naman siyang natigilan dahil sa tanong ko. "Oy, don't take it seriously. I'm just k –"

 

"Yes."

 

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

 

"I said yes. Pwede ka nang mag-asawa," ang naging sagot niya.

 

Sandali kaming nagkatitigan bago niya ibinaba ang tingin saka siya sunod-sunod na sumubo ng sopas.

 

"So, pwede na kitang maging asawa?"

 

Hindi ko na napigilan ang sariling matawa nang malakas nang biglang namilog ang mga mata niya. Napailing-iling na lang ako nang ilang minuto na ang dumaan ay wala pa rin siyang isinagot. Nagmamadali niya nga ring inubos ang hinanda ko sa kanya. Kaya pinili ko na lang iligpit ang pinagkainan niya saka ang mga ginamit ko rito sa kusina.

 

"Thank you."

 

Napatigil ako nang marinig ang dalawang salitang nanulas sa bibig niya. Bigla ay naibaling ko ang tingin sa kanya habang mababakas ang pagtataka sa mata ko.

 

"Anong klaseng tingin 'yan?"

 

Naiiling na lang ako nang bumalik nanaman siya sa pagiging seryoso. Itinuloy ko na lang ang naudlot kong ginagawa.

 

"Nakakagulat lang kasi na nagpasalamat ka sa akin."

 

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya at ramdam ko ang titig niya sa akin kahit na nakatalikod ako – and that makes my knees trembled.

 

"Napagtanto ko kasi na hindi ka katulad ng ibang babae, na natural lang ang pagiging mabait mo. I really admitted that I really hate those girls doing good things to me, but in the end they will cry and tell me, 'Look, I'm a kind-hearted girl, Josh. So please, fall for me.' So, thank you. Kasi iba ka sa kanila."

 

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko.

 

Masasabi mo pa kaya ang bagay na iyan kapag nalaman mo kung sino talaga ako, Josh?

Tila ako nahulog sa malalim na pag-iisip. Kaya naman pala hindi ko maiwasang mahulog sa kanya kasi may pagkakapareho kaming dalawa. Ayoko rin sa mga taong gumagawa ng magagandang bagay sa akin dahil lang sa may hinihintay silang kapalit. At masasabi ko ring iba si Josh sa kanila.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status