Share

CHAPTER 8

Penulis: iampurplelynxx
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-29 22:58:08

"Bakit bigla kang natahimik?"

 

Nagkibit-balikat ako saka na tumayo. Pati siya ay hinila ko na rin patayo. "Saan ang kuwarto mo?"

 

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka nagpatiuna sa paglalakad. Habang ako ay nakasunod lang sa likuran niya. Hanggang sa huminto siya sa kulay pink na pinto. Bigla ay napakunot-noo ako.

 

Hindi kaya may kapatid siyang babae at kuwarto niya itong pinuntahan namin? Kung gano'n man, agad kong kukunin ang loob ng kapatid niyang babae para siya ang maging tulay sa pagmamahalan namin ng honeybunch ko. Napahagikgik ako sa naisip.

 

Binuksan niya ang pinto at nang akmang papasok ako ay bigla siyang pumihit paharap sa akin saka niya iniharang ang kanyang kamay sa hamba ng pintuan.

 

"Umuwi ka na."

 

"Ayoko. I'll stay here with you. Aalagaan kita para sigurado akong makakapasok ka na."

 

Bumallik nanaman ang pagkakakunot ng kanyang noo.

 

"Hindi na uubra sa akin ang ganyang tingin mo, Josh. Inaamin ko na nakakapanglambot ng tuhod ang tingin mo pero sa ganitong sitwasyon, ayokong maging marupok. Gusto kitang alagaan."

 

Kinuha kong opurtunidad ang pagkagulat niya sa mga binitawan kong salita.Kaagad akong lumusot pailalim sa kanyang braso na nakaharang sa pinto. Napangiti ako ng lihim nang tuluyan na nga akong nakapasok sa loob.

 

Pati loob ng kuwarto ay kulay pink. But compared to the door, it has a color light pink. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto dahil naghahanap ako ng teddy bears. Iyon naman kasi ang madalas na nasa kuwarto ng babae, hindi ba?

 

"May kapatid kang babae?" hindi ko na napigilan pang itanong.

 

"Wala," mabilis niyang sagot saka nahiga sa isang malapad na kama. Pati iyon ay kulay light pink din.

 

"Kung ganoon ay kaninong kuwarto ito?" naguguluhan kong tanong habang inililibot ko pa rin ang tingin ko.

 

Naibaling kong muli ang tingin ko sa kanya nang kinuha niya ang unan saka itinakip iyon sa kanyang mukha. Mukhang ayaw niya akong makita, ah?

 

"Sa akin."

 

Lumaki ang aking mga mata at napanganga ako dahil sa sinabi niya.

 

"Seryoso? Sayo talaga ang kuwarto na ito? Sa pagkakaalam ko ay black and white o kaya naman ay brown ang hilig ng mga lalaki na kulay sa kuwarto nila. Hindi kaya –"

 

Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nagsalita na siya.

 

"Hindi ako bakla, kung iyan ang iniisip mo."

 

Tila pagbasa niya sa tumatakbo sa isipan ko.

 

"Kung hindi ay bakit pink ang kulay ng lahat ng gamit mo sa loob ng kuwarto mo? Hindi ganito ang nakikita ko sa tuwing nasa school ka. You're so cool. So manly. Tapos, pink? Seriously?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.

 

"Thank you for the compliment, Miss Avery. Pero wala akong nakikitang masama kung pink man ang paborito kong kulay. Kung pink man ang kulay ng mga gamit ko sa kuwarto. Hindi nakakabawas iyon ng p*********i."

 

"May point ka naman doon," napapatango kong pagsang-ayon sa kanyang sinabi.

 

"Alam ko namang hindi ka bakla. At isa pa, gusto ko lang talaga pahabain ang usapan nating dalawa. Dahil ito ang unang beses na nakausap kita nang ganito. Kung alam ko lang na ito ang magiging tulay ay sana matagal na akong nagpunta ng bahay niyo. Sana tiniis ko ang mga araw na inililigaw mo ako para lang malaman ko kung saan ka talaga nakatira," litanya ko.

 

Napatingin ako sa kanya nang ibaba niya ang unan, mula sa kanyang mukha ay kanya iyong niyakap.

 

"Masyado kang straightforward, Miss Avery. It seems that what you think is what you say."

 

Itinaas ko naman ang ulo ko nang may buong pagmamalaki.

 

"Syempre, we only live once. Kesa naman mapanis ang laway ko at ma-stuck lang sa utak ko ang mga gusto kong sabihin, might as well say it in front of you."

 

Napatango-tango lang naman siya.

 

"Pero final na, ha? Hindi ka talaga bakla?"

 

"Don't ask me if I'm gay if you just want me to kiss you, Miss Avery. Hindi iyan tatalab sa akin."

 

Keming napatawa naman ako. "Wow, ha? Assumero lang? What makes you think that I want you to kiss me?"

 

Nagkibit-balikat naman siya. "That what girl does in the movie."

 

"Pwes, wala tayo sa harap ng camera." pagtataray ko para lang mapagtakpan ang pamumula ng aking pisngi. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang nangyaring halikan sa aming dalawa.

 

Lumipas ang ilang minuto na natahimik na kaming dalawa. Napangiti ako nang bumaling ako sa kanya at makitang tulog na siya. Hanggang sa makaramdam ako ng pagod ay nagpasya na akong kunin ang upuan sa study table niya saka ko iyon inilipat sa gilid ng kanyang kama at naupo roon.

Pinagsawa ko ang mga mata ko sa maamong mukhang nakahain sa aking harapan. Mabuti na lang talaga at wala na ang kaninang unan na nakatakip sa kanyang mukha. Kaunti na lang ay hihilingin kong maging isa na lang sa mga unan niya.

 

Nang mapagtanto ko na malalim na talaga ang tulog niya ay nagpasya akong libutin ang kuwarto niya at mangialam sa mga gamit niya. Kailangan kong makakuha ng gamit niya para maiuwi ko as a remembrance. Kailangan ko iyong ilagay sa diary ko at isulat ang mga pangyayari sa araw na ito.

 

Ilang minuto rin akong naghanap ng bagay na hindi ko naman talaga alam kung anong hinahanap ko. Hanggang sa isang picture ang makakuha ng atensyon ko. Nasa loob iyon ng kanyang drawer. Mukhang iniingatan niya na walang makakuha.

 

Hindi ko maiwasang pakatitigan ang litratong iyon.

 

"Ang sabi niya kasi kanina ay wala siyang kapatid na babae, kaya sino itong nasa litrato na kamukhang-kamukha niya?"

 

Naguguluhang muli kong ibinalik sa kanya ang tingin. Nang mapagtantong hindi naman siya sasagot pabalik ay muli kong ibinaling ang aking tingin sa hawak kong litrato. Itinalikod ko iyon at halos pigil ko ang aking pagtawa nang m****a ang nakasulat doon – ang buong pangalan niya. Pati ang date kung kailan iyon kinuhanan.

 

Napangisi ako nang maisip na may ipamba-blackmail na ako sa kanya. Kaagad akong lumabas ng kanyang kuwarto para kunin ang aking bag saka isinilid doon ang litrato. Pagkabalik ko sa kuwarto niya ay may dala-dala na akong basin at face towel. May nakita akong alcohol sa drawer niya kaya doon ko na lang iyon kukunin. Kailangan ko siyang mapunasan para bumaba naman kahit papaano ang kanyang sinat.

 

Pagkapasok sa kuwarto niya ay sandali ko lang ibinaba ang mga dala ko sa bedside table niya saka ko kinuha mula sa drawer niya ang nakita kong alcohol.

 

Siniguro ko na maingat ang bawat galaw ko habang pinupunasan ang kanyang mga braso. Hanggang sa mapadpad ako sa kanyang leeg. Bakit ganito? Ang puti ng leeg niya. Parang ang sarap kagatin... tapos dilaan?

 

Kaagad ko namang iwinaksi iyon sa utak ko.

 

Utak ng kalandian, pakiusap, layuan mo ako. Huwag ka munang sumanib sa akin ngayon.

 

Nakahinga lang ako nang maluwag nang matapos ko na siyang punasan. Siya pa ata ang magiging dahilan kung bakit ako magkakasala. Nakakatukso naman kasi talagang halikan ang mamula-mula niyang labi. Sa hinuha ko nga ay mas mapula pa iyon kesa sa labi ko. Ngunit mas maganda kong nakalapat ang labi niya sa labi ko. Hala sige, talandi ka!

 

Iniligpit ko na lang lahat ng mga ginamit ko saka muling umupo sa kaninang puwesto ko. Ipinatong ko ang braso ko sa gilid ng kanyang kama at ipinatong ko ro'n ang ulo ko.

 

Mas mabuting maidlip muna ako kesa sa kung saan-saang bagay napapadpad ang utak ko. Pinagsawa ko pa ang mga mata ko sa maamo niyang mukha hanggang sa unti-unti akong napapikit.

Ang sabi ko sa aking sarili ay maiidlip lang ako ngunit mukhang isang oras din yata akong nakatulog. Umunat-unat ako dahil pakiramdam ko ay nanigas ang kamay pati na rin ang leeg ko.

 

Hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Josh na ngayon ay tulog pa rin. Sinapo ko ang kan'yang noo. Mabuti na lang at wala na siyang sinat. Nang sipatin ko ang oras sa relong pambisig ko ay halos magkumahog ako sa pagtayo. Hindi malaman kung anong uunahing gawin. Hindi ko na namalayan ang oras, 6pm na pala. Baka hinahanap na ako ni Jam.

 

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Relax ka lang, Lex."

 

Huminga pa ako nang malalim, ipinikit ang aking mga mata. Ilang segundo ang lumipas bago ko ulit iyon iminulat. Nang nasa tamang huwisyo na ako ay nakapagdesisyon na ako kung anong unang gagawin.

 

Kaagad kong kinapa at kinuha sa bulsa ng aking palda ang cellphone ko. Naka-silent iyon kaya hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang text na natanggap ko kay Jam. Halos bombahin na niya ang inbox ko.

 

Wala akong binuksan ni isa man sa mga iyon kasi baka puro pagmumura lang ang laman ng text messages niya. Pati na rin ang mensahe mula sa isang unknown number ay hindi ko na rin pingtuunang buksan. Kung text nga ni Jam hindi ko binuksan, kanya pa kayang hindi nakarehistro ang numero sa phone book ko. Napailing-iling na lang naman ako saka na isinukbit ang bag ko at tumayo na.

 

"Aalis ka na?"

 

Nasapo ko bigla ang d****b ko dahil sa biglaang pagsalita ni Josh. Marahas pa akong napalingon sa kanya na ngayon ay kinukusot na ang mga mata.

 

Why does he need to look so handsome, even if he just woke up? I have a feeling that I'll have a heart attack anytime by just looking at him.

 

"Ah oo. Gabi na pala."

 

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya Akma siyang tatayo nang pigilan ko siya.

 

"Magpahinga ka na muna. Mas mapapanatag ang loob ko kapag pumasok ka na ulit sa school."

 

He just nod and smile. "Mag-iingat ka."

 

Nakagat ko ang aking labi dahil sa kilig. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Naipikit ko na lang ang aking mga mata nang tumayo na siya ng tuluyan at unti-unting naglalapit ang mga mukha namin.

 

"I think you need to go home."

 

Naimulat ko ang mga mata at napatalikod nang bigla ay tila nag-iba na ang boses niya.

 

Damn! We already cross the line.

 

"S-sige. Bye-bye!" pagpapaalam ko pa at nagmamadaling lumabas na ako ng kuwarto niya.

 

Nagkagulatan pa kami ni father-in-law dahil palabas na ako sa bahay nila habang siya naman ay papasok pa lang.

 

"Good evening po," pagbati ko sa kanya saka na nagmamadaling lumabas.

 

Ni hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya. Lalo na kung may itatanong man siya. Napahinto lang ako nang nakalayo na ako saka nasapo ko na lang ang aking d****b. We already kiss, but I knew I just did that because of the spirit of the alcohol. Matino na ang pag-iisip namin kanina at kung may nangyari ulit na halikan sa pagitan naming dalawa baka magka-ilangan na talaga kami.

 

Umuwi ako sa apartment namin ni Jam na lutang pero may ngiti sa labi. Hindi ko na ininda ang pangangaral, pagmumura o kahit ano-ano pang sinasabi ni Jam. Dumiretso ako ng lakad papunta sa kuwarto saka kinuha ang isa sa mga unan ko saka doon nagtitili.

 

Nang may maalala ay umupo ako aking study table saka inilabas ang litratong nakuha ko sa kuwarto ni honeybunch. Isinilid ko iyon sa diary ko at nag-umpisang magsulat.

 

3 things that I need to do:

First, I need to get his number.

Second, I need to seduce him.

Lastly, I need to blackmail him.

 

Napangisi ako nang paulit-ulit kong basahin ang sinulat ko. May ideya na ako kung paano ko makukuha ang numero niya. Sa pangalawa naman, alam kong natural na akong malandi pagdating sa kanya but I'll still seduce him until he fell for me.

 

Kapag hindi pa rin gumana ang dalawa ay wala na akong magagawa kung hindi ang i-blackmail siya.

 

"Get ready, Josh. I'll take my step now. This is just a beginning!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 60 (FINALE)

    JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 59

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 58

    Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 57

    Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 56

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 55

    I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status