Share

Chapter 6: A Cup of Coffee

ELLIE

Dr. Vicente Eliote V. Timoteo

General Surgeon

Hindi ko napigilang mapabuntong hininga habang tinititigan 'yon. Hindi talaga ako makapaniwala. Siya ang ayaw kong makita rito sa Pilipinas pero anong magagawa ko? Parehong ospital ang pinagtatrabahuhan namin at ngayon, kasama ko pa siya sa magiging opisina ko! Pambihira.

FLASHBACK

"H-He's h-here, Dave." Matapos kong sabihin 'yon ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya rin inaasahan.

"You mean, V-Vic?" Paninigurado niya.

"Y-Yes. Siya iyong nasa pinakadulo sa left side." Utal na bulong ko sa kaniya. Kita kong napunta rin do'n ang paningin niya.

Hinila niya na lang ako palapit sa kaniya at hinawakan ng mabuti dahil nangangatog na ngayon ang mga tuhod ko. Hindi na siya umimik. Alam niya ang nararamdaman ko ngayon.

"Welcome to Dr. Velasco Memorial Hospital!" Nawala ang atensyon ko kay Vic nang magsalita ang lalaking nasa gitnang parte ng linya. Naka-formal wear ito. Siguro ay manager nila?

Sabay-sabay silang nag-bow matapos 'yong sabihin ng lakaki. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa sitwasyon ko kaya tango na lang ang nagawa ko. Isa-isang lumapit sa'min ang mga doktor at nakipagkamay. Kumapit akong mabuti kay Dave para hindi ako malayo sa kaniya. Nakipagkamay ako sa iilang doktor na nakakamayan na rin ni Dave. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Lumapit sa'kin si Vic at agad na inilahad ang kamay. Natulala ako sa kamay niyang nakalahad ngayon sa harap ko.

"Welcome." Ang lamig pa rin ng boses niya. Mas lumalim nga lang ito. Napatingin ako sa kaniya--diretso sa mga mata niya.

Ilang taon ko ring hindi nakita ang mga matang iyon.

Naluluha na naman ako. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahong mahal pa namin ang isa't-isa. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para abutin sana 'yon nang si David na ang gumawa. Kinamayan na ni David si Vic.

"Thanks, doc!" Agad na saad ni Dave. Matapos no'n ay hinila na niya ako papunta sa mga kasamahan namin. Hindi ako nagkaro'n ng chance na kamayan si Vic.

Siguro ay ayos na rin 'yon.

"Don't be so emotional, Ellie." Bulong ni Dave habang palapit kami sa mga kasama naming doktor.

"The staff room is ready for you, doctors. You may rest there. Later, we'll show you your temporary office." Saad ng lalaking tingin ko ay manager nga nila. Iyong mga doktor naman na nakahilera kanina ay unti-unti nang nawala. Siguro ay may mga pasyente pa sila.

Tinungo namin ang daan papunta sa staff room. Sandali kaming nagpahinga ro'n at sinamahan na kami ng ilang empleyedo ng ospital sa aming assigned temporary office.

Ang sabi nila ay may makakasama kaming ibang doktor sa opisina dahil daw walang available rooms. Saka ilang months lang naman kasi raw kami malalamagi rito.

Nagkahiwalay kami ng opisina ni David dahil cardiologist din ang makakasama niya. Habang ako ay nagulantang nang napag-alaman kong si Vic ang makakasama ko dahil isa rin pala siyang GS.

Napakamalas.

END OF FLASHBACK

Napasabunot na lang ako sa buhok. Ito ang unang araw ko bilang doktor sa ospital na 'to pero inis ang nararamdaman ko, hindi tuwa.

Dr. Elleonor T. Saavedra

General Surgeon

Napatingin na lang ako sa name plate ko. Bakit ba kasi naging GS ako? Gusto ko tuloy 'to palitan ng Cardiologist para si Dave ang kasama ko ngayon.

"Bakit nakabusangot 'yang muka mo? Mali ba 'yong spelling ng pangalan mo diyan?"

Nagulat ako nang may biglang nagsalita. My heart skipped a beat as I heard his damn cold voice! Para akong mahihimatay nang biglang magtagpo ang mga mata namin. Si Vic 'yon habang hawak ang doorknob ng pinto.

"H-Hindi naman." Utal na sagot ko.

"Ah.."

Ayon lang ang isinagot niya at agad na naglakad papunta sa table niya. Gusto kong magpalamon na lang sa upuan ko ngayon dahil sa utal na sagot ko. Nakakahiya!

Pero nakakatawang ganito lang kami kung mag-usap. Parang magkakilala lang. Na parang walang namagitan sa'min noon.

Hindi ko mapigilan ang sariling sulyapan siya. Tuwid lang siyang nakaupo sa upuan niya habang may binabasa. Hindi ko alam na interesado pala siyang pasukin ang medicine field. Ang akala ko kasi noon ay pag-a-abogado ang gusto niya. Akala ko rin ay papasukin niya ang mundo ng politika dahil mayor ng lugar namin noon ang daddy niya.

Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko.

David calling...

Nang makita kung sino ang tumatawag ay agad ko 'yong sinagot. Siguro ay pagkakataon ko na rin 'to para makalabas ako sa opisinang 'to.

"Hello, Dave." Nang sabihin ko 'yon ay nasulyapan kong natigilan si Vic sa pagbabasa niya. Bakit?

"How are you?"  Pauna niya.

"I guess, I-I'm okay?" Patanong na sabi ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya.

"Magka-kape ako. Tara sa cafeteria, usap na rin tayo."

"Sige ba, wala pa namang pasyenteng naka-assign sa'kin ngayon."

"Sige. Daanan kita diyan sa opisina mo. I'll knock, okay?"

"Sige."

Matapos 'yon ay agad ko nang ibinaba ang tawag at kinuha ang wallet ko. Hindi ko na kailangan pang mag-ayos dahil sa cafeteria lang naman kami pupunta.

Ilang sandali pa ay may katok na akong narinig. Kita kong napatingin din sa pinto si Vic tapos ay sinulyapan ako ngunit ibinalik din kaagad ang paningin sa binabasa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na naglakad papunta sa pinto bitbit ang coat ko. Nang makalabas ako ay bumungad sa'kin ang nakangiting si David suot ang puting-puti niyang coat.

"Good morning!" Paunang bati niya.

"Hmm. Good morning!" Sagot ko. Nagsimula na kaming maglakad pababa dahil nasa first floor ang cafeteria. Habang naglalakad ay kwento nang kwento si Dave tungkol sa doktor na kahati niya sa opisina. Mabait naman daw ito saka maganda. Minsan nga lang daw ay may pagka-slow.

"Eh ikaw? Kamusta kayo?" Tanong niya sa'kin.

"Weird." Maikling sagot ko.

"Hindi pa rin kayo nag-uusap?"

"Nag-usap naman, kanina. Pero parang wala lang naman sa kaniya 'yong mga nangyari sa'min noon. Parang komportable naman siyang ako ang naging kahati niya sa opisina."

"Malay mo naka-move on na talaga siya kaya wala lang sa kaniya 'yang presensiya mo. That's good then." Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon.

"Good? Bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko kapag nakikita siya tapos ay sasabihin mong good? Operahan kita ng walang anesthesia diyan eh." Banta ko.

"Hahahaha! Chill, Ellie. This is our first day here, tapos ay ganiyan ka?"

Napairap na lang ako. Nang makapasok na kami sa cafeteria ay agad akong naupo sa pinakamalapit na lamesa mula sa entrance. Si David na lang daw ang bahalang bumili ng kape. Pinagmasdan kong maigi ang loob ng cafeteria--mas malaki pa rin pala iyong nasa US.

Hindi rin siya nagtagal. Tinitigan ko lang siya habang naglalakad papalapit sa lamesa namin bitbit ang dalawang cup ng kape at dalawang burger.

Agad niyang binigay ang para sa'kin.

"Thanks!" Sabi ko sabay simsim ng kape. Binuksan ko na rin 'yong burger dahil wala pa talaga akong almusal.

"Dahan-dahan ka lang sa pagkain niyang burger. Ang puti pa naman ng coat mo." Paalala ko sa kaniya.

Si David kasi 'yong tipo ng tao na hindi naiiwasan na ipahid sa damit 'yong mga daliri niya. Kain lang siya nang kain tapos ay hindi niya namamalayan na nasa damit niya na pala 'yong mga daliri niya. O kaya minsan, kapag iinum siya ng kape o soda ay bigla-bigla na lang iyong natatapon at namamantsahan ang damit niya. Para siyang bata.

"Okay! Promise hindi matatapon 'tong kape sa puting-puti kong coat." Nakangiti niyang saad. Tapos no'n ay inangat niya 'yong cup ng kape niya para sumimsim nang biglang...

"Good morning, Dave!" Ginulat siya ni Lucille!

In just a glimpse, 'yong puting-puti niyang coat ay naging kulay kape na ngayon. Natapon ang kapeng iniinom niya. Nadamay din 'yong polo at pants niya.

Ops! Hindi raw matatapon ah.

"Damn!" Inis na saad niya habang pinapagpagan iyong coat at damit niya. Kawawang Dave, medyo mainit pa naman 'yong kape.

"Oh my gosh! I'm sorry, Dave! I thought you're just eating your burger!" Gulat at tarantang saad ni Lucille. Habang ako ay tatawa-tawa lang na nakatingin sa kanila.

"Thanks Lucille, you just ruined my day." Sarkastikong usal ni Dave kay Lucille. Tingin ko ay nasaktan si Lucille do'n dahil agad siyang tumakbo paalis. Siguro ay nahiya na rin. Kawawang Lucille, turn off na naman si David.

"Hindi pala matatapon ah." Biro ko.

"Shut up, Ellie. Damn! I need to change."

"Let's go, then. Bilhan na lang kita mamaya ng bagong kape tapos ay itapon mo ulit sa damit mo." Pang-aasar ko sa kaniya.

"That was an accident, Ellie. That wasn't even my fault!" Inis niyang saad habang naglalakad kami palabas ng cafeteria. Ako naman ay pangiti-ngiti lang habang sinisimsim iyong kapeng binili niya.

Habang panay ang pagpag at mura ni David ay biglang nag-ring ang telepono ko. Agad ko naman 'yong sinagot dahil si Mr. Louise ito, manager ng ospital.

"Good morning!" Bati ko sa kaniya.

"Doc, kailangan po kayo sa Operating Room! Naglaslas po 'yong pasyente!"

The heck?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status