Share

Chapter 16

 Sheiha Fajardo's POV

"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya.

Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa. 

"Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun. 

Agad namang tumango si Lian,

"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?" 

Umiling ako saka siya nginitian,

"Lalabas kami ni Bryly ngayon. Birthday kasi ni papa."

"Oo nga pala. Pakisabi na lang sa papa mo na happy birthday, a?" 

Sabay silang nagpaalam nang huminto sa harap namin ang magarang kotse na siyang sundo ni Lian. Kumaway ako sa kanila hanggang sa hindi ko na sila makita. 

"Bakit ang friendly mo, pero si Brimme hindi?"

Nagkibit-balikat ako saka nagsimulang maglakad. Sinabayan naman ako ni Clinton.

"The fact na nasa magkaibang katawan kami, magkaiba ng utak, at magkaiba kami ng ugali, magkaiba kami."

"Ano? Wala akong maintindihan maski isa sa mga pinagsasabi mo." Napakamot pa ito sa batok. Napailing na lang ako saka hinawakan ang strap ng back pack ko.

"Ang ibig sabihin nun, huwag mo kaming ipagkumpara dahil magkaiba kami. Trip kong maging friendly, trip ni Brimme na hindi. Gusto niyang mapag-isa, habang gusto ko naman ng madaming kasama." 

"Kaya nga sinabi kong ibang-iba kayo 'di ba?"

Napabunga ako ng hangin,

"Hays, ewan ko sa 'yo."

"May family bonding kayo ngayon 'di ba? Pwede ba akong sumama? Tutal naman magiging future family na tayo soon." Natatawa nitong sambit. 

"Future family. Ibig sabihin, hindi pa nagaganap dahil sa salitang future kaya hindi ka pa namin kapamilya." 

"Kapatid kaya ako."

"And so?" 

Umingos ako. Ano bang pinapalabas ng lalaking 'to? Ito ang hindi ko gusto sa mga lalaking extrovert. Iyong masyadong friendly. Nag-uumapaw ang pagka-friendly nila, nag-uupaw din sa kakornehan. Masyado silang cliche. Masasabi ko namang may iba na hindi pero mostly ganito. 

"Anong oras pala kayo magkikita-kita?"

"Mamayang alas sais ng gabi. Uuwi muna ako para magpalit ng damit."

Tumango-tango ito, "Nandoon na kaya si Brimme?"

Umiling ako, "Sa tingin ko hind pa. May trabaho siya ngayon at mamayang ala sais ang out niya. Siguro male-late siya ng kunti. Si papa naman, may pinuntahang kaibigan. Sabi niya lang na magkita-kita na lang kami sa kanto."

"Manong para!"

Napalingon ako kay Clinton dahil sa pagpara niya ng jeep. Umingos ako. Alam naman niyang wala akong pera. Buraot pa naman ang isang 'to.

"Dahil kaarawan ngayon ni tito, ililibre kita ng pamasahe pauwi. Ano? Sakay na." Nakangiti siya habang sinasabi 'yun.

"Seryuso ka?"

Tumango-tango siya saka ngumiti ng malapad, "Oo, saka ito. Bilhan mo ng cake si tito. Sabihin mo gift ko 'yan sa kaniya."

"Dalawang libo?!" Gulat akong tumingin sa kaniya at sa perang ngayon ay hawak ko.

He hummed, "Iyong sukli, ibigay mo na lang kay Brimme, siya na ang magsasauli sa 'kin. Pasok ka na, bayad na rin tong jeep, mag-iingat kayo, a? Saka pakisabi ni Brimme na siguruhing maisasauli niya iyang sukli kapag nagkita kami."

Bakit parang may mali? Hindi na ako nakaangal pa dahil nagrereklamo na ang driver at pasahero ng jeep. Agad akong pumasok saka tinanaw si Clinton. Kumakaway siya at nakangiti nang malapad. 

Bigla akong kinabahan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda? Iyong mga ngiti ni Clinton, para talagang may mali, e.

Hanggang sa makababa ako ng jeep at makarating sa gate namin ay hindi nawawala ang kaba ko. Kinuha ko ang susi ng gate sa bulsa ng bag ko. Akmang bubuksan ko na ang gate ng makitang nakabukas na ito. Hindi lang basta-bastang pagkakabukas. Para itong sinira ng kung sino para bumukas. 

Tumingin ako sa paligid, wala namang tao na kahina-hinala. Dahil wala naman talagang tao rito dahil abandonado ang area na kinatitirikan ng bahay namin. Kung tutuusin ay kami lang ang nakatira rito. Walang kahit na anong sasakyan ang nakaparada. Niluuban ba ang bahay namin? 

Kinuha ko ang selpon ko sa bag nang tumunog ito. May natanggap akong tawag mula kay Brimme.

"Hello, Bryly?"

"Makinig ka," ramdam ko ang panginginig ng boses niya. "Huwag ka munang uuwi sa bahay—"

"Nandito na ako. Nakauwi na ako sa bahay. Bakit? Anong problema?"

"Umalis ka na riyan! Bilis, Sheiha! Umalis ka na riyan!" May pag-aalala sa boses ni Brimme. Nagsisigaw na rin siya habang pinapaalis ako. Ano ba talaga ang problema?

Tiningnan ko ang bahay namin. Ang kaba na nararamdaman ko kanina ay mas tumindi pa nang makita ang traysikel na minamaneho ni papa kapag namamasahe. Baka kung ano na ang nangyari kay papa!

"Nasa loob si papa... Anong problema?"

"Huwag kang papasok—"

"Nasa loob si papa, Brimme. Sira rin ang gate pagdating ko. Nasa labas ang traysikel niya. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya..."

"Huwag kang papasok, pakiusap! Wala—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Pinatay ko ang tawag at desididong hinawakan ang gate.

"Pasensya na, Brimme. Pero si papa..."

Agad akong pumasok. Kahit kumakalabog ang dibdib ko ay hindi na ako nag-isip pa at pinihit pabukas ang pintuan. Pero hindi ko inaasahan ang sumalubong sa 'kin. 

May nag-aabang pala sa likuran ng pinto at isang matigas na bagay ang siyang lumapat sa ulo ko. Biglang nagdilim ang lahat. Para akong sinilid sa isang drum na puno mg tubig, hindi ako makahinga nang maayos. Tinakpan ang butas para hindi ko masinag ang liwanag. Ito na ba ang katapusan ko? 

"B-Brimme, tu-tulong...."

Naalimpungatan ako dahil sa naririnig na tawanan. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at sobrang labo ng paningin ko.

"Anong gagawin natin sa babaeng 'to?" rinig kong tanong ng isang lalaki.

"Sabi ni boss tayo na raw ang bahala."

"Ayos 'yan, a?"

"Sinabi mo pa."

Pakiramdam ko ang mga naririnig kong mga boses ay nasa tabi-tabi lang. Pinakiramdaman ko ang sarili. Bukod sa sakit ng ulo ko ay wala naman akong ibang nararamdaman na masakit. Sa hinuha ko ay nasa sahig ako nakahiga. Malamig kasi ang nararamdamang kong nakalapat sa likod ko. Bukod pa rito, para akong naliligo dahil sa nararamdamang basang bagay sa ulo ko na umaabot hanggang sa batok ko at pababa pa. May nararamdaman din ako sa mukha. 

"Paano kung dumating 'yung kasama nitong babae? Magaling pa naman 'yung lumaban. Si Nestor nga hindi na makalakad dahil lang sa sipa ng babaeng 'yun."

Si Brimme ba ang tinutukoy nila? Imposible, ang lakas naman ata ni Brimme? Siguro nga iba ang tinutukoy nilang tao. Kahit marunong ng martial arts si Brimme, mga basics lang ang alam niya for self defense lang. Kahit ako ay may mga alam na basics. 

"Huwag kang mag-alala. Sa mga oras na ito ay nilalabanan na niya ang mga tauhan ni bossing. Hindi iyon makakaligtas sa rami ng pinadala."

Brimme... Nasa panganib si ang pinsan ko! Mga hayop na 'to! Anong ginawa nila kay Brimme?!

Ang sigaw ko ay nagmistulang ungol lang pagkalabas sa bibig ko. Bigla akong nahilo dahil sa pagpupumilit na gumalaw.

"Oy, gising na pala ang isang 'to."

"Nakikinig ka sa usapan nang may usapan? Bad 'yan..." 

Nagsimula silang lumapit sa 'kin. Kahit hindi ko sila maaninag ay ramdam kong madami sila. Iyong kaba ko kanina ay napalitan ng takot. Takot sa kung ano ang gagawin nila. Hindi lang para sa 'kin, kung hindi kina papa at Brimme rin.

"Dapat kang parusahan."

Kahit na anong pilit kong gumalaw ay hindi ko kaya. Sa bawat pagpumilit ko ay siyang pagsobra ng pagkahilo ko.

"Kanina ka pa namin hinihintay na magising. Mas masaya kasing pagsaluhan ang kasiyahan kapag lahat tayo ay gising... 'di ba?"

Narinig ko ang pagtawa nila ng malademonyo. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi nila... Brimme.... tulong.

Diyos ko, tulungan niyo po ako. Tulungan niyo po ang pinsan at papa ko...

Naiiyak na ako. Naramdaman ko ang mga kamay nilang humahaplos sa katawan ko. Nandidiri ako sa bawat tawang pinapakawalan nila sa bawat pagpumilit kong gumalaw. Pero alam kong sarili ko lang dinadaya ko. Sa kalagayan ko ngayon, wala akong magagawa kung hindi umiyak. 

"Hindi namin kailangan ang luha mo, ang kailangan namin ay iyong ungol mong nasasarapan..." 

Muli ay bumunghalit sila ng tawa. Hindi ko nakikita ang mga mukha nila. Dahil bukod sa malabo ang mga mata ko, naka-bonet ang mga taong kaharap ko.

Nagsimula nilang kalasin ang mga butones ng suot kong P.E. uniform. Naka-pajama ako kaya nagpapasalamat ako. Pero kahit hindi man tumidikit ang mga kamay nila sa balat ko pwera sa nakalantad kong mga braso ay nakaramdaman ako ng kilabot. 

"Ang kinis, pre! Naka-chamba tayo!"

"Nyetah pare! Ngayon na lang ako makakatikim ulit ng presko!"

Napapikit na lamang ako dahil wala akong magawa. Sa bawat butil ng luha kong pumapatak, ay siya namang paglipas ng bawat segundo ng buhay ko. Wala sa sarili napangisi ako. Isa na akong maduming babae.

"Mukhang nagugustuhan ng batang ito ang ginawa natin. Ngumisi siya!"

"Aba, e... may kalandian pala ang isang ito. Mukha lang inosente pero wild pala." Nakakadiri at  nakakasuka ang mga pinagsasabi nila. Na kahit yata pokpok ay hindi masisikmurang makisiping sa kanila. Mga demonyo sila. Mga hayop.

"Ganiyan na ang mga kabataan ngayon. Akala mo matino pero daig pa ang pokpok kapag tumalikod."

Isa na lang ang pag-asa ko ngayon. Sana may mangyaring milagro. Sana may isang taong dumating pata sumaklolo. Pero sino ba ang niloloko ko? Sino ang tanga na taong pumunta sa lugar na ito na puros abandonadong bahay lang ang meron?

"Sheyt, pare! Hindi na ako makapaghintay, baklasin na—"

Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin dahil sa isang putok ng baril.

"Sino 'yun? Saan nanggaling 'yun?!"

Bigla silang lumayo sa 'kin at naging alerto. Kinuha ang mga hawak na armas na binitiwan nila kanina. 

"Ta'gna, pre! Hindi ko sika makontak sa likod!"

"Put-ngna! Punatahan—"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kahit wala akong maaninag ay dinig na dinig ko ang bawat paghakbang niya. Huminto siya sa harap ko. Likod niya lang ang nakikita ko pero kahit ganoon, ang lakas ng dating niya. Hindi ko man siya naaninag ay alam kong nakaitim siya mula ulo hanggang paa. 

"T-tulong... tulu-tulungan m-mo ako... p-pakiusap," sambit ng isip ko.

Hindi ko kayang magsalita. Mas nahihirapan lang akong huminga kapag magpupumilit pa ako.

Bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Pag-asang makakaligtas ako sa sitwasyon na ito. Hindi ako iisip ng mga negatibong mga bagay. Pero unti-unti na akong ginugupo ng antok. Hindi iyong antok na gusto mong magpahinga at matulog pansamantala para makabawi ng lakas. Kung hindi iyong antok na walang kasiguruhang gigising ka pa. Pakiramdam ko ay napakapagod ko. 

May sinasabi ang lalaking dumating sa mga lalaking naka-bonet pero hindi ko marinig. Wala na akong lakas para makinig. Pero naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin. Kahit pilitin ko man na aninagin ang mukha niya, hindi ko talaga kaya. Hinawakan niya ang mga mata ko at pinikit ito.

"Sleep tight, sweetheart. Everything will be okay."

At hindi na kinaya pa ng diwa ko. Tuluyan na siyang nagpatangay sa karimlan. Na hindi alam kung kailan makakalabas sa dilim na 'yun.

EJ QUINO

The two consecutive chapters—the previous and this one— are part of Sheiha's dreams and past. Hang-on, some mysteries from the past are about to reveal.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status