แชร์

Chapter 8

ผู้เขียน: EJ QUINO
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-11-01 11:16:00

Sheiha Fajardo's POV

Gusto niya akong makausap?

And with that, my heart is starting to beat so fast that I forgot to breath for a second. Anong kailangan niya? Nakilala ba niya ako? Bakit ko ba kasi tinanggal ang mask ko kanina! Muntik na ako kanina dahil kay Clinton, ngayon naman...

"Sheena? Are you okay?" I snapped from my reverie.

"Huh? Ah-eh medyo hindi pa ako nakaka-recover kanina, doc. Maaari po ba akong magpahinga muna?"

Totoo naman, napagod ako. Parang bigla akong nawalan ng lakas kanina, hindi lang ang katawan ko pati na rin ng isip ko. 

"It's fine, alam kong na-trauma ka sa nangyari. Take some rest, or you can have an early leave for today." 

Guni-guni ko lang ata 'yon. May nakikita akong pag-aalala sa mga mata niya. Oo nga pala, normal lang naman kung mag-aalala ang isang amo sa trabahador niya. No big deal, Sheiha.

"Magpapahinga na lang po muna ako, saka ko po siya kakausapin. Sige, aalis na po ako." Akmang tatalikod na ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Sasamahan kita," sabi nito.

"Huh?"

Bumaling ito kay Clinton na nangingiting nakatingin sa'min. Ano na naman kaya ang nasa isip ng ulupong na'to?

"You go talk to your dad, sabihin mong mamaya na niya kakausapin si Sheena. Ikaw na bahala tutal expert ka na naman sa alibis."

"Anong... tang-na mo, bro." Hindi na siya nakapalag dahil habang hawak ang kamay ko, naglalakad na kami patungong elevator. 

"Ma-basted ka sana!" rinig kong sigaw ni Clinton.

Basted? May nililigawan ba si Andrius? 

Sa isiping iyon, hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Hindi ako mapakali. Do I need to used my charm now? Wait-what? Are you out of your mind? Akala ko ba uncrush na self?

"Here," 

Inabot nito sa'kin ang isang bottled water. Ngumiti ako at nagpasalamat. 

"Ayos ka na ba?" tanong nito pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Sa totoo lang, hindi pa. Nagulat lang ako saka sigurado naman akong makakalimutan ko rin ang nangyari." 

Makakalimutan my ass. Ang isang taong may retentive memory, hindi nakakalimot. Puwera na lang kung napakalala ng trauma nito na kayang magpawala sa lahat ng alaala ng isang tao. Because it already happened to me. Dahil sa nangyari sa mga magulang ko, nakalimutan ko ang mga alaala ko bago nangyari ang trahedya. 

Sabi ng doktor, it's my trauma's fault. Ang tanging naaalala ko lang ay 'yong insidenying 'yon na nagpabago sa buhay ko. 

"You're wrong, hindi nakakalimutan ang isang bagay." 

Napatingin ako sa kaniya, "Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin siya sa kawalan, "Hindi natin nakakalimutan ang isang bagay, puwera na lang kung magkakaroon ka ng isang amnesia. Pero kahit ganoon, naaalala pa rin ng puso natin ang sakit dulot ng bagay na 'yon." 

Lumingon ito sa'kin at ngumiti, "You don't need to forget it, you just need to overcome it." 

Overcome it. Ang daling sabihin, napakahirap gawin. 

"Tatandaan ko 'yan, doc." 

Nasabi ko na lang at uminom ulit ng tubig.

He hummed, "By the way, maaari ko bang itanong kung bakit ganoon ang eksprisiyon mo kanina, noong tinawag kitang Ms. Fajardo?" 

"Huh? Ano po bang eksprisiyon, doc?" tanong ko. 

"You look like, your lost. Para kang nawalan ng bagay na napaka-importante sayo." 

Napangiti ako ng mapait. For once, baka pwede akong magpakatotoo. Hindi naman niya ako kilala. At kapag tapos na ako sa dapat kong gawin dito sa ospital, aalis din ako at lalayo na rito. 'Yon ang plano.

"Kilala mo ba si Mr. David Fajardo?" tanong ko.

"Hmm, the soccer player?" balik tanong niya.

Napangiti ako at tumango, "Siya nga, idol ko siya simula pa pagkabata. He's a great soccer player, a trustfull friend, a loving and good husband and father to his wife and child. I idolize him for being such a good person. Na kahit walang-wala na siya, tumutulong pa rin kahit gumapang pa siya sa lusak." 

Bumaling ako kay Andrius na nakatingin na ngayon sa'kin.

"Do you know, when he still alive, he teaches his daughter to be a great soccer player? At a young age, she already knew how to be a great player thanks to his dad. But sadly, Mr. Fajardo died because of severe injury to his torso." 

Hindi ko namamalayan na umaagos na pala ng kusa ang mga luha mula sa mga mata ko. Kung hindi pa niya ako binigyan ng panyo, hindi ko malalaman.

"But after a year, his family faced a tragedy. Buong pamilya niyang naiwan ay pinatay, asawa niya, anak, his brother-in-law's family also died. A massacre to be exact, kaya sa tuwing naaalala ko o naririnig ang apilyedong 'yon, naaawa ako. What if, nakaligtas ang mga bata sa trahedyang 'yon? Siguro, araw-araw nilang maaalala ang sinapit ng mga magulang nila. Araw-araw nilang hinihiling na sana mangyari rin sa pamilya ng mga pumatay ang nangyari sa pamilya nila." Bumaling ulit ako sa kaniya, "Cruel right? What if ako ang nasa sitwasyon ng nga batang nakaligtas, siguro napakahirap para sa'kin 'yon. Para siyang nakakulong sa isang madilim na kwarto kung saan hindi mo alam kung nasaan ang pintong gigiya sayo palabas ng silid na 'yon."

Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. He cupped my face and stare at my swollen eyes. He wiped my tears using his thumb. 

Anong gamit nitong panyong binigay niya?

"Kung ako man, maaawa sa kanila. They've been through a lot. Iisipin ko pa lang, kung ako ang nasa sitwasyon na 'yon, hindi ko kakayanin kaya napakalakas ng nga batang 'yon kung hanggang ngayon ay lumalaban pa rin sila para mabuhay. Kung nabubuhay pa sila ngayon tulad ng what if mo, sasabihin ko sa kanilang napakalakas nila. They're so brave and bold." Ngumiti siya, "Kaya kung ako sayo, overcome everything at once. Pero kung hindi mo kayang biglaan, dahan-dahanin natin." He winked.

Natawa ako, parang iba ang dating ng mga huling sinabi niya. Ako lang ata ang nag-iisip ng mga ganoong bagay. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Pero dahil sa mga sinabi niya, parang biglang nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

"Tahan na, mas lalo kang tumatanda, manang." Nakangusong pinalo kobang mga kamay nitong pumupunas sa pisngi ko.

Ang saya naman ata ng lalaking 'to ngayon? Ang walang eksprisiyon niyang mukha, ngayon ay napalitan na nang sigla. 

"Manang ka riyan! Matuto kang gumalang sa nakakatanda sayo," natatawang biro ko habang pinupunasan ang mukha ko ng panyong binigay niya-pinahiram pala.

Natawa rin siya, "You really know him a lot. Paano mo nalaman ang mga 'yon? If it's from humor, or gossips, 'wag kang magpapaniwala sa mga ganiyan."

'I'm his daughter.' Gusto ko sanang sabihin pero baka madali ako.

"Let's just say that I'm a stalker," napataas ang isang kilay niya. "And about that humor and gossip thing, hindi mabubuo ang mga 'yon kung walang bahid ng katotohanan."

"Yeah, you somehow got that one. A hint of truth..." napatango-tango siya. "Do you believe in your instinct?" 

Tumango ako, "Yup." I said popping the 'p'. "They said that girls have a strong instict. It seldomly failed you daw sabi nila. But for me, it always says the truth. Well, not fully the truth but we can say..."

"A hint of truth!" sabay naming sabi. Sabay rin kaming natawa.

"Sana all! Pero wala pa ring forever, maghihiwalay rin kayo sa huli, mga tang-na niyo!"

Napalingon kami sa sumigaw niyon. Ayon, nakasimangot na Clinton ang naglalakad patungo sa'min. 

"What is your problem, Cameron?"

"Habang ako nakikipagsapalaran sa bunganga ni dad, ikaw naman ay tatawa-tawa lang dito! Saan ang hustisya?" 

Natatawa ako sa itsura niya. Para kasi siyang batang nagmamaktol dahil hindi binilhan ng kending gusto niya.

"It's past five," imporma ni Andrius habang nakatingin sa relong pambisig nito. 

"Hindi, alas tres pa lang," sopo ni Clinton dito.

Naiikot ni Andrius ang mata. Sa araw na 'to, iba't ibang Andrius ang nakilala ko. Dahil sa pinapakita niya sa'kin ngayon, parang crush ko na siya ulit.

"Anyway, umuwi ka na. Wala naman ng gagawin dito kaya maaari ka nang magpahinga sa inyo," baling ni Andrius sa'kin.

"Ihahatid na kita," nakangiting presinta ni Clinton.

"Sure kang gusto mo akong ihatid?" Makahulugan ko siyang tiningnan. 

Bigla itong nanigas na parang nakakita ng multo. 

"Ah-eh, huwag na pala. M-May aasikasuhin pa pala akong importante," bumaling ito kay Andrius. "Drie, ikaw na maghatid kay Sheiha- I mean, Sheena." 

Tinaas ni Andrius ang dalawang kilay at tinuro ang sarili.

"Naku, hindi na kailangan. Kaya kung umuwi ng mag-isa. Saka ayos na ako," sabat ko sa pag-uusap nila pero ang mga walang-hiya! Hindi ako pinapansin.

"Syempre, sino naman ang maghahatid sa kaniyang empleyado kun'di ang boss niya. Kung ayaw mo naman, nakausap ko si Lyndon kanina, aakyat daw siya ng ligaw kay Sheena kaya magandang pagkakataon ito para-"

"Shut it! Ako na ang maghahatid sa kaniya. May sinabi ba akong hindi ko siya ihahatid?" 

"Weakling," bulong ni Clinton na alam kong narinig din ni Andrius kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"I'll just go get my car key, wait for me here." Tututol na sana ako kaso, "No buts."

Nang mawala na sa paningin namin si Andrius, pinalo ko si Clinton sa braso.

"Aray! Devilish-angel-Aray!"

Binatukan ko siya.

"Tang-na mo, pinapahamak mo ako ah! Kakakita pa lang natin, tapos ganito ibubungad mo? Ano 'yong kanina, hah?! Papatayin talaga kita kapag may nakaalam!"

Naghehestirikal kong bulyaw sa kaniya, pero iyong kami lang ang makakarinig.

"You two-faced bitch! Ma-"

"Thank you," ngising sabat ko.

"It's not a compliment! You-" 

"Bakit mo siya dinuduro?" 

Napalingon kami kay Andrius, na kararating lang. Mabilis na binaba ni Clinton ang kamay niya na siyang ikinatawa ko. 

"Wala, sinasabi ko lang na may muta siya kaso ayaw niyang maniwala kaya tinuturo ko. Hindi ko siya dinuduro, tinuturo ko lang 'yong muta niya." Mabilis na paliwanag niya.

"Alibi..." bulong ko na alam kong narinig ni Clinton.

Pinandilatan niya ako ng mata. Natawa na naman ako.

"Let's go,"

Nagpatiunang naglakad si Andrius habang nakasunod kami.

"Saan ka pupunta?" bulong ko kay Clinton ng tumabi ito sa'kin.

"Ihahatid ko kayo sa labas," sagot niya.

Nang makarating kami sa parking lot, agad pinatunog ni Andrius ang kotse niya. 

"Hanggang dito na lang ako, ingat kayo." Paalam ni Clinton, nag-wave pa ito ng ba-bye.

Kumaway din ako sa kaniya at akmang tatalikod na mula sa kaniya nang may tumawag sa pangalan ko.

"Sheena!"

Kumakaway siya sa'kin ng nilingon ko. Nanigas naman si Clinton ng marinig ang boses na 'yon.

"Bryly?"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Chasing that Light   Chapter 33

    Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!

  • Chasing that Light   Chapter 32

    Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i

  • Chasing that Light   Chapter 31

    Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i

  • Chasing that Light   Chapter 30

    Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa

  • Chasing that Light   Chapter 29

    Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k

  • Chasing that Light   Chapter 28

    Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status