Share

Chapter 23: Tempting?

Author: catalyst
last update publish date: 2026-03-11 23:16:44

Ang asawa ni Sam na si Liam Villena, mas kilala sa tawag na "The Third Master,” ay sadyang kinatatakutan sa buong Maynila.

Sabi-sabi na si Liam ay may galamay sa parehong marangal na negosyo at sa madilim na mundo ng mga sindikato. Sa labas, siya ang CEO ng Villena Group, pero sa ilalim, binansagan siyang nabubuhay na “Hukom ng Impyerno." Siya ang pumatay sa dating makapangyarihang Imperial Family sa loob lang ng isang gabi. Walang awa niyang giniba ang bawat pundasyon ng pamilyang iyon, tila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 68: Leave or else...

    Mabilis na tumakbo si Celine palabas ng pasilyo nang marinig ang ingay sa labas!Sa gitna ng restaurant, hindi niya alam kung saan sumulpot ang demonyong si Luis. Nakatayo ito ngayon sa mismong tapat ng mesa nina Maya at Zack. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit, tila nag-aapoy habang nakatitig sa dating asawa at sa batang opisyal na kasama nito."Anong kabit ang pinagsasasabi mo?! Nababaliw ka na ba?!" Nanginginig sa galit at inis si Maya dahil sa walang-kahihiyang paggawa ng eskandalo ng lalaki sa pampublikong lugar. "Luis, hindi lang pala bulok 'yung ugali mo, bulok din pati 'yung utak mo! Wala ka na bang natitirang hiya sa sarili mo?!""Huwag mo nang ipagkaila! Nakita ko mula sa labas ng bintana! Ang saya-saya niyong nag-uusap at nagtatawanan ng batang 'to! Nilalandi mo siya sa harap ng maraming tao!""Katrabaho ko si Zack! Pinag-uusapan namin 'yung project sa munisipyo! Napakadumi ng isip mo kaya pati normal na pag-uusap, nilalagyan mo ng malisya! At saka… kahit pa totoo na

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 67: Dinner? My treat!

    Ang mga salita ni Celine ay tila isang malamig at final na hatol ng korte na bumagsak sa pagitan nilang dalawa.Hindi na nagtanong si Jaxson. Hindi na ito nagpumilit na pigilan siya at hindi na ito naglabas ng kahit anong salita. Ang lahat ng matindi at nag-aapoy na emosyon kanina ay tila tinangay ng hangin, nag-iiwan lamang ng isang nakakabinging at walang-lamang katahimikan sa loob ng kwarto.Dahan-dahang umurong si Jaxson ng kalahating hakbang.Sinamantala ni Celine ang pagkakataong iyon para buksan ang pinto at mabilis na lumabas ng kwarto.Pagkalbas na pagkalabas niya mula sa kwartong iyon ay muling nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Akala niya, kapag sinabi niya ang mga salitang iyon at tuluyan na siyang naglagay ng boundary sa pagitan nilang dalawa, makakaramdam siya ng kaluwagan at kapayapaan. Pero hindi. Sa halip, mas naging mabigat at masakit ang pamimilipit ng puso niya."Ate Celine!"Sa ibaba, sa mismong courtyard, naghihintay pa rin si Zack.Nakatayo ito sa gitna

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 66: It is cancelled…

    Inabot ng limang minuto bago naiakyat ni Celine ang "lasing" na bilyonaryo sa kwarto nito. Pagkapasok na pagkapasok nila, inihagis niya si Jax sa ibabaw ng kama at akmang tatalikod na para umalis."Wait." Marahas na hinablot ni Jax ang pulso niya. "Umiikot pa rin 'yung paningin ko."Kumunot ang noo nito, hinilot-hilot ang sintido gamit ang kabilang kamay, at nagpakita ng sobrang sakit na ekspresyon.Hindi sigurado si Celine kung gaano katotoo ang drama ng lalaking ito. Pero dahil isa itong VIP guest at lasing pa rin naman talaga ito, kahit half-act lang ito, ay hindi niya puwedeng pabayaan ito nang tuluyan."Kung nahihilo po kayo, humiga na lang po kayo diyan at magpahinga."Inalalayan niya si Jax para umayos ng higa sa kama.Sumuray si Jax at tuluyang bumagsak sa malaking kama. Nakatihaya ito, ang itim nitong polo ay medyo bumukas sa bandang kwelyo, inilalantad ang matipuno nitong dibdib at ang sexy nitong Adam's apple. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng lampshade, may dala itong isang

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 65: Under the Moonlight

    “Gusto kitang makasama nang matagal. Gusto kong maglakad nang mabagal kasama ka… the slower, the better.”Ang mababa at paos na boses ni Jaxson ay tila isang malambot na latigo na humagupit sa kalmadong puso ni Celine.Gusto nitong maglakad ng mabagal kasama siya? Gusto ba nitong patagalin ang oras na ganito sila? Magkadikit, tila iisa ang hangin na hinihinga, at nagpapanggap na walang malaking pader na namamagitan sa kanila?Isang sikretong kilig at kaba ang muling gumising sa sistema ni Celine. Halos marinig niya ang sarili niyang tibok ng puso na nakikipagkarera sa tunog ng mga kuliglig sa paligid ng tahimik na kalsada ng San Jose. Ang malamig na simoy ng hangin ay sumasabay sa init ng katawan ng lalaking nakasandal sa kanya.Pero agad na binuhusan ni Celine ng malamig na tubig ang sarili niyang ilusyon.Anong karapatan niya? Anong karapatan ng lalaking ito na guluhin ulit ang puso niya pagkatapos ng lahat ng pananakit nito? Pagkatapos nitong sabihin, anim na buwan na ang nakararaa

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 64: Dinner with the Family

    Hindi pa nga niya ito pormal na ipinapakilala bilang ex-boyfriend niya, pero “Tito” na agad ang tawag nito at napaka-natural pa, na parang matagal na talaga silang magkakilala. Walang pag-aalinlangan sa boses ng lalaki, walang kahit anong pagdududa, na para bang may lugar na agad si Jax sa mundo nito.Sandaling natigilan si Celine. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiilang. May kakaibang kirot na sumagi sa dibdib niya, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Parang may bahagi ng nakaraan niya na pilit na bumabalik, kahit ayaw na niyang balikan"Naku, Mr. De Silva, masyado po kayong nag-abala! Bumisita lang po kayo, nagdala pa kayo ng kung anu-ano. Ang mamahal pa naman yata nito! Sige po, pasok po kayo at maupo tayo sa loob."Masayang pinapasok ni Tito Ruben si Jaxson sa loob ng courtyard. Nang makita ni Celine na nagtatawanan na silang pumasok, wala na siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at sumunod sa likuran nila.Malamang ay sadyang tumawag at nag-abiso si Vice M

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 63: Meet the Elderly

    Dahil hindi pamilyar si Vice Mayor sa eksaktong lokasyon ng lupaing pinag-uusapan nila, bumaling ito kay Celine para humingi ng propesyonal na opinyon. Bilang siya ang mas nakakaalam sa pasikot-sikot ng bayan ng San Jose, sa kanya nakasalalay ang desisyon."Celine, anong tingin mo sa lupang 'yun?" tanong ni Vice Mayor, habang nakaturo sa mapa na naka-project sa puting pader ng meeting room.Sinundan ni Jaxson ang tingin ni Vice Mayor. Ang madilim at nag-aapoy nitong mga mata, na may halong matinding malisya at pamilyar na init, ay direktang nakapako na ngayon kay Celine.Sa isang iglap, tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Celine.Bumalik sa isip niya ang mga eksena nung gabing iyon sa loob ng mismong G-Wagon ni Jaxson. Ang malawak na damuhan sa tabi ng ilog. Ang makulay na pagsabog ng fireworks sa kalangitan noong Bagong Taon. Ang init ng hininga ng lalaki sa leeg niya. Ang mabibigat na ungol, ang pagkakagulo ng mga damit nila, at ang nakakapasong init ng mga katawan nilang magkadik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status