SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND

SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND

last updateLast Updated : 2026-08-19
By:  BellianneUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Eloise Madrigal ay handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya—kahit ang mamuhay sa pagkatao ng kanyang kakambal na si Elara. Bilang pekeng asawa ni Wade at ina ng kambal na sina Sunny at Summer, unti-unting nabuo ang isang pamilyang hindi naman dapat kanya. At sa kabila ng lahat, nahulog ang puso niya sa lalaking hindi niya dapat mahalin. Ngunit paano kung matuklasan ni Wade na ang babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya ay hindi ang kanyang asawa? “I became my twin sister to save her family… but I lost myself when I fell in love with her husband.”

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Eloise’s Point Of View

Kasalukuyan akong naglilinis nang tawagin ako ng aking amo.

"Beautiful, could you scratch my neck down to my back?" Utos ng matanda at manyakis kong amo, napatingin ako sa gawi niya kung saan siya nakaupo sa sofa habang nanonood sa tv. Nakangisi ito ngayon sa akin matapos pasadahan ang aking kabuuan.

Nag-alangan akong pumunta dahil sa kakaibang tingin nito sa aking katawan, kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako magtitiis dito sa ibang bansa bilang kasambahay ng malupit kong amo.

“Come on, baby give me a scratch, I can’t reach my back.” Muling tawag pansin nito ng hindi ako lumapit at bahagyang tinapik ang sofa.

Napalunok na lamang ako bago ibinaba ang hawak na gamit panglinis saka dahan-dahang lumapit sa kanya matapos ayusin ang aking unipormeng pangkatulong.

Nagpunta ako sa kanyang likuran at bahagyang yumuko bago marahang hinagod ang kanyang likuran. Nagpakawala naman itong ng nakakainsultong ungol.

“Oh, more Eloise!” kinilabutan ako ng marinig ‘yon sa matanda. Inalis ko ang aking kamay sa kanyang likuran ngunit nahuli niya rin ito at ibinalik sa kanyang likod. “Continue, don’t stop!”

“It will be inappropriate if we continue doing this,” kalmado at pigil ang inis kong sabi.

“It’s not, because it’s your job to take care of me!” Sigaw nito sa akin na ikina-atras ko.

“I know it’s my job to take care of you but I’m refusing to be harassed, sir.” Pormal na matapang at kalmado kong sabi, para panatilihin ang respeto sa kanya bilang amo, ngunit mukhang nagalit lang ito dahil unti-unti nagkukulay kamatis ang mukha nito dahil sa galit sa akin.

“How dare you, I paid for you!” Sigaw nito at tila nagdilim ang paningin at itinulak ako, bumagsak ako sa semento at agad na nanakit ang aking balakang sa pagkabagsak.

“Eloise, what is happening here?” Tanong ng babae kong amo na siyang kadarating lang kasama ang anak nitong babae na siyang alaga ko, nang magtama ang mga mata namin ay dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili.

“Ma’am-” hindi ko pa natapos ang sinasabi ng sumabat ang lalaki kong amo.

“Lanie, she was disobeying me! I was just asking her help to scratch my back!” Sumbong nito sa asawa.

Magsasalita pa sana ako para ipagtanggol ang sarili ng itapat nito ang kamay sa akin senyales na tumigil ako sa anumang sasabihin.

“Don’t talk, now leave and clean the bathroom. You have no right to talk back to us, you’re just a maid here!” Sigaw ng amo kong babae bago ako iniwan, sumunod naman rito ang asawa niyang lalaki.

Sumikip ang dibdib ko dahil sa paraan ng trato nila sa akin, masyado silang mahigpit at marahas sa akin. Nang magtamang muli ang tingin namin ng bata ay ngumiti ako kahit durog na. Bukod sa kailangan ko ng pera kaya nananatili rito ay isa siya sa dahilan, dahil napamahal na ako sa bata isa pa ay hindi rin lang ako maka-aalis dahil wala sa akin ang passport ko, kinuha ng aking amo.

Nang sumapit ang gabi ay doon lang ako nagkaroon ng oras para tawagan ang aking pamilya sa Pilipinas.

“Eloise, anak.” Nag-aalalang boses ni nanay ang bumungad sa aking pandinig pagkasagot ng tawag.

“Nay, napatawag po kayo?” tanong ko. “Kumusta po kayo? Ang mga gamot na iniinom niyo, nabibili niyo ba, ayos lang po ba? Pasensiya na po kung nahuli ako ng pagpapadala ng pera sa inyo panggastos.”

“Anak, Eloise ayos lang ano ka ba.” Sabi nito at dinig ko ang malalim na buntong hininga. “Tumawag lang ako kasi gusto kong itanong kung kailan ka makakauwi?”

“Tinatanong ko po sa boss ko nay kung kailan niya maibabalik ang passport ko pero wala pa akong sagot na nakukuha mula sa kanya,” mahinang sabi ko saka napabuntong hininga. “Pero tatanungin ko po ulit, bakit po nay? May problema ba diyan?”

“Nag-aalala kasi ako sa kapatid mo maging sa mga pamangkin mo.” sabi niya na siyang ikinagulat ko at napakunot noo.

“Po? Bakit po? Anong nangyari kay Elara at sa kambal?” Nag-aalala at nagtatakang tanong ko.

“Ayos naman ang kalagayan ng mga bata, pero ang kakambal mong si Elara? Iniwan niya at ayaw ng alagaan ang mga anak nila, nakausap ko ang asawa ng kapatid mo, si Wade hinahanap niya ito at hinahanap ng kambal ang ina nila. Naaawa ako sa kalagayan nila, napakabata pa nila.” Kwento ni nanay na siyang ikinatigil ko at hindi makapaniwala.

“Bakit niya raw po ginawa ‘yon? Tinawagan ko siya nung nakaraan, nanghingi pa sa akin ng pera para sa kambal, maayos naman daw ang mga ito at kasama niya. Kailan pa po siya umalis?” napahawak ako sa aking noo, nababahala sa ginawang kalokohan ng aking kapatid.

“Matagal na anak, ayaw ko lang na sabihin sayo agad dahil alam kong mag-aalala ka pero kasi ang mga apo ko, ang mga pamangkin mo naaawa na ako sa kanila. Kailangan nila ng ina, pero wala rito ang kapatid mo para sa kanila.” Bakas ang labis na lungkot sa boses ni nanay ng sabihin niya ito.

Nangilid ang mga luha ko habang inaalala ang mga bata, huling kita ko sa kanila ay bagong panganak pa lang sila, habang lumalaki naman ay mga pictures lang na sinesend sa akin ni Elara ang nakikita ko dahil umalis ako agad para magtrabaho para sa pagpapagamot ni nanay, para sa kapatid ko at para sa kambal.

“Ayaw ko mang istorbohin ka anak, pero gusto kong umuwi ka na nalulungkot ako at kailangan mong magtrabaho diyan sa ibang bansa para matulungan kami pero sapat na ang perang inipon natin para sa gamutan ko.”

“Pero nay,” mahinang tawag ko.

“Alam kong mahal mo ang trabaho mo dyan bilang caregiver, pero sana makauwi ka na anak.” Bumuntong hininga siya pagkatapos. “Nag-aalala ako sa mga pamangkin mo, sa tuwing bumibisita ako sa bahay nila ay umiiyak sila.”

Pinahid ko ang luhang tumakas sa aking mga mata, ang alam nila ay isa akong caregiver hindi nila alam na ang trabaho ko ay kasambahay, ayaw ko ring sabihin dahil mas mag-aalala ang aking nanay.

“Opo nay, kakausapin ko po ulit ang amo ko tungkol sa passport. Uuwi po ako,” pagpapanatag ko sa kanyang loob bago pinatay ang tawag at doon ibinuhos ang aking emosyon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status