Share

Chapter 29: Not here

Author: catalyst
last update publish date: 2026-03-15 23:18:29

Nang tuluyang makalayo ang nag-aalborotong si Mrs. Lorenzo at ang pamangkin nito, tahimik na nagbigay ng espasyo sina Liam at Dr. Sean para sa dalawa. Sa isang iglap, silang dalawa na lang ni Jax ang naiwan sa practice range.

Nakataas ang kilay na pinasadahan ni Celine ng tingin ang lalaki. Limang araw itong naglaho na parang bula. Limang araw siyang walang balita kung nasaan ito, tapos ngayon, susulpot na lang ito bigla na parang isang bayani? At bago rin itong gupit na mas nagpalitaw sa matal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 52: A Fresh Start

    Kinabukasan, mag-isa at palihim na nagpunta si Maya sa isang maliit na ospital sa kabilang bayan para ipa-schedule ang kanyang abortion.Napakalayo ng pamilya niya sa Batangas. Matagal nang patay ang kanyang ina, habang ang ama niya naman ay may sarili na ring bagong pamilya. Wala na siyang ibang puwedeng sandalan. Matapos ang mapait na proseso ng pagpapalaglag, mag-isa siyang bumalik sa inuupahan niyang studio para magpahinga. Umasa na lang siya sa mga food delivery para maka-survive araw-araw.Nang malaman ito ni Celine, hindi niya napigilang maiyak sa matinding awa at sakit para sa asawa ng pinsan niya."Ate Maya, bakit hindi mo man lang ako isinama sa ospital? Kahit hindi ako makakatulong sa procedure, at least nandoon ako sa tabi mo."Umiling si Maya at nagbigay ng isang maputla at matamlay na ngiti. "Sinamahan mo na 'ko nung hinuli natin siya, Celine. Galit na galit na sa'yo si Luis. Kung isasama pa kita sa ospital para ipalaglag ang anak niya, buong buhay kang kamumuhian ng pam

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 51: I'll abort the child

    Pagsarado ng pinto ng air-conditioned bus, tuluyan nang binalot ng pagkamanhid si Celine.Umarangkada ang sasakyan palayo sa terminal. Isa-isang dumaan sa bintana ang mga pamilyar na matataas na gusali ng Maynila, hanggang sa unti-unti na lamang silang naglaho sa layo. Naramdaman ni Celine ang bigat ng pag-andar ng sasakyan habang lalo siyang napapadiin sa upuan. Para bang kasabay ng paglayo ng bus ay ang unti-unting paglayo ng kanyang tadhana, tadhanang palayo sa lungsod na minsan niyang tinawag na kanya, at sa lalaking minsan nang naging mundo niya.Ang huling tingin ni Jaxson ay patuloy na nakaukit sa isip niya. Malamig, puno ng galit, at nag-uumapaw sa panunumbat. Para itong matalim na talim na paulit-ulit na bumabaon sa kanyang dibdib.Sabi nito, huwag na huwag na raw siyang magpapakita sa harap nito kahit kailan.Sa sandaling iyon, ang pakiramdam ni Celine ay may isang malaking piraso ng kanyang puso na marahas na pinunit, na nag-iwan ng isang duguan at malalim na butas na marah

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 50: Goodbye...

    Lumabas si Celine mula sa opisina ni Mr. Lopez at mabagal na naglakad sa mahabang pasilyo ng golf club.Napakaliwanag ng sikat ng araw ngayon. Ang malawak na berdeng damuhan ng golf course ay tila binalot ng ginintuang sinag. Sa di-kalayuan, may ilang pigura ng mga pamilyar na kliyente ang nagpapahinga at naglalaro. Bawat paghataw nila ng bola ay lumilikha ng perpektong arko sa ere bago tuluyang bumagsak sa kabilang dulo ng field.Sa totoo lang, may maliit na bahagi sa puso ni Celine na nanghihinayang na iwan ang lugar na ito.Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang pumasok siya rito. Sa pamamagitan ng golf club na ito ay unti-unting niyang naibalik ang srili niya sa mundo, dito siya muling nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili at naramdamang may silbi siya. Kumita siya ng sarili niyang pera, nakakuha ng respeto at recognition. Bawat pagpupuri mula sa mga kliyente at katrabaho niya ay tahimik na nagkumpuni sa kanyang pagkatao na matagal nang dinurog ng nakaraan."Celine Villareal!"I

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 49: Let's end this

    BLAG!Isang nakakagimbal na pagbagsak ng tuhod ni Madam Corazon sa matigas na sahig ay nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ni Celine.Agad na napaatras si Celine, gulat na gulat at pilit na tinatakasan ang kahibangan ng eksenang ito. Ngunit bago pa man siya makapagsalita o makahingi ng tulong para itayo ang ginang, isang nag-aapoy at pamilyar na sigaw ang yumanig sa buong teahouse."CELINE VILLAREAL!!!"Kinilabutan si Celine nang marinig niya ang kaniyang pangalan mula sa isang pamilyar na boses. Paglingon niya, nakita niya si Jaxson na naglalakad palapit sa kanila. Ang bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng poot.Namumula ang mga mata nito, tila napakatalim at walang-awang nakatitig sa kanya. Sa mga sumunod na segundo, nilampasan lang siya nito. Marahas na binangga ni Jax ang balikat niya para itulak siya palayo, bago ito mabilis na yumuko para alalayan ang inang nakaluhod sa sahig.Dahil sa hindi inaasahang lakas ng pagkakabangga, nawalan ng balanse si Celine. Tumilapon siya paatras a

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 48: I won!

    Hindi na nagtagal si Jax. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan, mabilis na sumakay, at agad na nag-drive palayo sa dilim.Naiwang nakatayo si Celine sa malamig na gabi. Pinanood niyang lumayo ang sasakyan ng lalaki hanggang sa tuluyan itong kainin ng dilim, habang ang sarili nitong puso ay unti-unting lumulubog sa walang-hanggang kalungkutan at realisasyon.Napakalamig ng hangin.Naiwang nakatayo si Celine sa gilid ng kalsada nang ilang minuto matapos umalis ni Jax, bago siya nagpasyang pumasok at umakyat sa bahay ni Sam.Pagdating niya sa kwarto, saktong paghubad niya ng coat, biglang nag-vibrate ang phone niya. Isang text message notification ang lumabas sa screen.Galing iyon sa isang pamilyar ngunit hindi naka-save na number.Nag-alinlangan muna si Celine bago niya binuksan ang mensahe.Maikli lang ang text. Dalawang salita lang na may nakakapasong exclamation point sa dulo:"I won!"Walang panimulang bati. Walang konteksto. Walang simula at dulo.Ngunit ang dalawang salitang iyon

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 47: What am I?

    Pagkaalis niya sa Villa, dumiretso si Jax para bisitahin ang ina nitong si Madam Corazon.Kasalukuyang nakatira ang ginang sa isang maliit ngunit eksklusibong rest house sa labas ng siyudad. Dahil sa pagkalumpo nito, binigyan ito ni Jax ng tatlong personal caregivers at sariling driver. Kahit gaano pa ka-busy si Jax sa law firm, sinisigurado nitong umuuwi siya tuwing weekend para makasabay na mag-hapunan ang ina.Dahil mahilig sa theater at opera si Madam Corazon, nag-invest pa si Jax sa isang buong theater troupe. Palagi silang nagse-set up ng stage at nagpapa-perform sa bakuran ng rest house tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes para lang aliwin ito.Kung tutuusin, sa sobrang komportable at rangya ng buhay ng ginang, dapat ay masaya na ito. Ngunit sa kasamaang-palad, ang kaligayahan ay hindi palaging nakadepende sa kung anong meron ka, kundi sa kung saan nakakulong ang utak mo. Kahit umaapaw na sa pera ang pamilya De Silva ngayon, araw-araw pa ring nalulugmok sa depresyon si Madam C

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status