Compartilhar

Chapter 6: The Agreement

Autor: catalyst
last update Data de publicação: 2026-02-28 00:25:32

Nagising si Celine na tila ba hinanalo ang kanyang utak sa loob ng bungo niya. Ang bawat tibok ng kanyang puso ay umaalingawngaw sa kanyang sentido, na para bang martilyo na walang tigil sa pagpukpok.

Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata, pero agad din itong napapikit dahil sa matinding liwanag. Tila ba may nakadagan na mabigat na bakal sa kanyang mga talukap kaya halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata. Inabot ng ilang minuto bago luminaw ang kanyang paningin at mag-focus sa paligid.

Napakalawak ng silid. Masyadong malawak para maging isang ordinaryong kwarto lang. Sa itaas ng kama ay may nakasabit na isang dambuhalang abstract oil painting na kulay ginto at itim.

Ang kisame ay may mga modernong LED strips na kahit kasalukuyang nakapatay ay nagbibigay ng minimalist vibe sa lugar. Ang chandelier na kristal sa gitna ay tila nanglalait sa kanyang kalagayan, malamig ang repleksyon nito mula sa nakabukas na pinto ng banyo.

Nasaan ako?

Gumalaw siya para sana bumangon, pero agad siyang napatigil nang maramdaman ang hapdi ng malamig na hangin sa kanyang balat. Doon lang niya napagtanto, wala siyang suot na kahit na anong damit.

Ang kanyang mga damit ay parang basurang itinapon sa sahig. Ang kanyang paboritong cardigan, ang kanyang jeans, at maging ang kanyang underwear ay nakakalat malapit sa paanan ng kama.

Isang matinding kilabot ang gumapang sa kanyang likod.

Anong nangyari?

Ang huli niyang natatandaan ay ang pakikipagkita niya kay Atty. Clarisse Gomez. Akala niya ay kakampi ito, akala niya ay tutulungan siya nito sa annulment niya laban kay Rico. Pero matapos inumin ang tsaa na ibinigay nito, unti-unting dumilim ang kanyang paligid.

Traydor.

Yuyuko na sana siya para abutin ang kanyang mga damit nang makarinig siya ng marahang "click" mula sa pintuan.

May pumasok!

Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Celine. Mabilis niyang hinila ang makapal na kumot para takpan ang kanyang katawan. Ang puso niya ay parang tambol na kumakabog sa kanyang dibdib.

Isang matangkad na anino ang pumasok. Dahil sa backlight, hindi niya agad mamukhaan ang lalaki, pero sa tindig pa lang nito ay sapat na para kilalanin niya kung sino ito.

Habang papalapit ito, unti-unting luminaw ang kanyang mukha, ang matangos na ilong, ang matatalim at malalamig na mga mata na tila kayang basahin ang bawat lihim mo.

Si Jaxson De Silva!

Bakit siya? Bakit sa kwarto niya ako napadpad?

Nakasuot ito ng charcoal gray suit jacket sa ibabaw ng kanyang puting polo. Mukha itong galing sa isang napaka importanteng board meeting, seryoso at walang bahid ng emosyon.

Inihagis niya ang kanyang overcoat sa sofa nang may kawalang-bahala, ngunit bigla itong napatigil nang napatigin siya sa isang pamilyar na anyo sa higaan nya, si Celine.

Agad na nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Ang pagkagulat sa kanyang mukha ay panandalian lamang, agad itong napalitan ng isang malamig at mapang-asar na tingin.

"What the hell are you doing here?" Ang boses ni Jax ay parang isang mababang ungol na yumanig sa buong silid.

Nakatitig si Jax sa kanya, sa kanyang magulong buhok, sa kanyang namumutlang mukha, at sa mapuputing balikat na lumalabas mula sa kumot. Pagkatapos, ibinaba ni Jax ang tingin sa sahig. Doon, nakita niya ang underwear ni Celine na nakapatong mismo sa tabi ng kanyang mamahaling leather shoes.

Napalunok si Jax, at gumalaw ang kanyang Adam’s apple. Mabilis niyang iniwas ang tingin at humarap sa bintana.

"Celine Villareal," tawag niya sa pangalan nito, bawat pantig ay puno ng bigat. "Is this your new strategy? Ang gamitin ang sarili mong katawan para lang makuha ang gusto mo? I didn't know you could sink this low."

"I... I don't know how I got here," pautal na sabi ni Celine. "I was drugged, Jax. Please, believe me."

"Drugged?" Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ni Jax. "By whom? By your husband? O baka naman part 'to ng palabas niyo ni Rico para i-blackmail ako?"

"I'm not lying!" halos pasigaw na sabi ni Celine, bagama't nanghihina pa rin siya. "Gusto ko lang makatakas sa kanya. Bakit ko gagawin 'to?"

"Because you're desperate," mabilis na sagot ni Jax habang nakaharap uli sa kanya. "Pero let me tell you this. I don't sleep with married women. Lalo na sa asawa ng isang Mayor na kasing dumi ng budhi mo."

Married women.

Napapikit si Celine sa sakit. Kung alam lang sana ni Jax ang totoong hirap na pinag dadaanan niya sa kamay ni Rico.

"Attorney De Silva, hinding-hindi ako makikipagtalik sa'yo kahit ikaw na lang ang huling lalaki sa mundo," matapang na sagot ni Celine. "Ang gusto ko lang ay tumalikod ka muna so I can get dressed. Is that too much to ask for your 'legal' ethics?"

Natahimik si Jax. Ang tensyon sa pagitan nila ay parang kuryenteng lumalapot sa hangin. Maya-maya pa ay marahang tumalikod si Jax, ang kanyang malapad na likuran ay tila isang matayog na pader na hindi matitibag.

Mabilis na kumilos si Celine. Sa kabila ng pagkahilo, mabilis niyang isinuot ang kanyang mga damit, habang pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang mga kamay. Ngunit ang katahimikan ay biglang binasag ng isang malakas na kalabog.

Bang! Bang! Bang!

Nanggaling ang ingay sa katabing suite, sinundan ng isang boses na nagpatindig ng balahibo ni Celine.

"Celine! Lumabas ka dyan! You shameless woman! Alam kong may lalaki ka rito!"

Si Rico.

"Ibang klase ka rin, 'no? Gagamitin mo pa ang hotel na 'to para makipag-talik sa kung sinong hayop na lalaki! Buksan niyo 'tong pinto!"

Narinig nila ang tunog ng mga nababasag na gamit sa kabilang kwarto. Mukhang nagkamali ang mga tauhan ni Rico, ang inakala nilang kwarto ni Celine ay ang katabing suite ni Jax.

Naintindihan din ni Jax ang sitwasyon. Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakikinig sa sigaw ni Rico.

"Your husband is quite energetic tonight," pang-aasar ni Jax. "He really wants to catch you 'in the act,' doesn't he? He's making sure na pagdating sa korte, wala kang makukuhang kahit isang sentimo sa kanya."

"Please, Jax... hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin," pagsusumamo ni Celine.

"Oh, I know. Rico Alcantara is a mad dog. And you, Celine... you're his favorite bone to chew on."

Narinig nila ang mga mabibigat na yabag na papalapit na sa mismong pinto ni Jax.

Bang! Bang! Bang!

"Buksan niyo 'to! Celine, alam kong nandyan ka! Buksan mo ang pinto kung ayaw mong ipagiba ko 'to!" sigaw ni Rico mula sa labas.

Nataranta si Celine. "Jax, please... hide me. He’ll kill me. O baka gamitin niya 'to para makuha si Clara."

"Why should I help you?" tanong ni Jax nang walang pakialam. "I'm a victim here, too. Pumasok ka sa kwarto ko nang walang paalam. Even if I let him in, I can just say you're a trespasser. In fact, baka pasalamatan pa niya ako."

"Jax, please! Kahit para sa... para sa dati nating pinagsamahan," nababasag na ang boses ni Celine.

"That 'pinagsamahan' died years ago, Celine. Kasama ng tiwala ko sa'yo."

Ang kalabog sa pinto ay lalong lumakas. Halos mayupi na ang kandado. Desperado na si Celine. Kung mahuhuli siya rito, magiging katapusan na niya at hinding-hindi na niya makikita ang kanyang anak.

Fine. If he wants a reason to help, I'll give him one.

Sa isang iglap, sumugod si Celine kay Jax. Sa sobrang gulat niya ay hindi agad ito nakaiwas. Hinawakan ni Celine ang kanyang mga balikat at hinila ito pababa. Tumingkayad siya, at imbes na sa labi, idiniin niya ang kanyang mukha sa leeg ni Jax.

Nanigas ang buong katawan ni Jax. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ni Celine sa kanyang balat. Ngunit hindi iyon isang matamis na halik.

Idiniin ni Celine ang kanyang mga labi sa balat ni Jax at hinigop iyon nang buong lakas, isang klase ng bagsik na hindi niya akalaing taglay niya. Bahagya pa niyang kinagat ang balat nito para masiguradong mag-iiwan iyon ng markang hindi agad mabubura. Isang marka ng scandal.

"Celine! What the hell--!"

Agad siyang tinulak ni Jax palayo, pero huli na ang lahat. Sa maputing balat ng leeg ni Jax, isang matingkad na pulang marka, isang hickey, ang unti-unting lumilitaw.

"Now, we're both in this," hingal na sabi ni Celine, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa halo-halong takot at determinasyon. "You didn't touch me? Fine. Pero may ebidensya na ngayon na may nangyari sa atin. If Rico sees that, he won't just sue me, he'll go after you too. Your reputation, your law firm... everything will be dragged into the mud."

Tumingin si Celine ng diretso sa mga mata ni Jax.

"Are you willing to lose everything just to see me fall?"

Dahan-dahang hinawakan ni Jax ang kanyang leeg, dinadama ang hapdi ng markang iniwan ni Celine. Ang kanyang mga mata ay nagdilim, puno ng galit at isang emosyong hindi mapangalanan.

"You've learned to play dirty," bulong ni Jax, ang boses ay naging seryoso at nakakatakot. "Natuto ka na ring mangagat, Celine."

"I had a good teacher." sagot ni Celine.

Bang! Bang! Bang!

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 90: Photo Album

    Nang makita ni Jax ang mga larawang iyon, ang mga sandaling hindi niya nakita, ang mga tawang hindi niya narinig, at ang paglaki ng anak na wala siya, biglang nagbago ang kanyang mukha. Nawala ang kaniyang pagiging kampante. Ang kanyang mga daliri ay bahagyang nanginginig habang tinitingnan ang maliit na mukha ni Clara na kamukhang-kamukha niya.Sa unang pagkakataon, ang "God of Law" ng Makati ay natahimik. Ramdam niya ang isang malaking puwang sa kanyang puso na hindi kayang punan ng kanyang bilyun-bilyong halaga ng kayamanan. Ang anim na taon na "ninakaw" sa kanya ay narito lahat sa mga album na ito, at bawat pahina ay isang patunay kung gaano siya kamahal at pinahalagahan ng kanyang ina.Sa loob ng malamig na mediation room sa Makati Regional Trial Court, tila tumigil ang oras. Maliban sa anim na makakapal na photo album na kanina pa tinitingnan ng mediator, inilabas din ni Celine ang isang malaking brown envelope. Dito nakatago ang isa pang "ebidensya" ng kanyang anim na taong pag

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 89: At the Tennis Court

    Ang sikat ng araw sa Makati ay tila nakikisama sa tensyong namumuo sa loob ng tennis court ng Makati Sports Club. Ramdam ang halumigmig ng hangin at ang amoy ng bagong tabas na damo ay humahalo sa amoy ng pawis at determinasyon na namumuo sa paligid.Nang muling marinig ni Liam na tinawag siyang "honey" ni Sam, isang malawak at hindi mapigilang ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. Tila ba lahat ng pagod niya sa trabaho ay biglang naglaho dahil sa isang salita lang mula sa kanyang asawa.Lumingon siya kay Jax na noon ay seryosong nag-aayos ng kanyang hawak sa raketa. "Thank you, Jax. Dahil sa gulo ng buhay mo, biglang nagiging sweet at enthusiastic ang asawa ko sa akin. Utang ko sa 'yo 'to," bulong ni Liam na puno ng pang-aasar.Binigyan siya ni Jax ng isang matalim at nakamamatay na tingin. "Anong klaseng blessing 'yan? Gusto mo bang maranasan ang sitwasyon ko para lang malaman mo kung gaano kasakit 'to para sa akin?""Ang ibig mong sabihin, 'yung biglang may lilitaw na anak? Aba, o

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 88: 101%

    Ang maliit na tea room sa tabi ng pangunahing lounge ng The Jade Willow sa Greenbelt ay mas tahimik. Mas simple ang mga gamit dito. Makikita ang isang mesa at dalawang upuan sa tapat ng bintana kung saan makikita rin ang mga kawayan na sumasayaw sa hangin ng Makati. Sa bandang kalayuan ay maaninangan ang bahagyang kumukutitap na mga ilaw mula sa mga penthouse ng Legaspi Village.Pagpasok pa lang, agad na umupo si Jax, ngunit nanatiling nakatayo si Celine. Alam niyang sa pagkakataong ito, hindi sila magkapantay. Ang sampung minutong ito ay ang tanging "bala" na napanalunan niya mula sa sugal ng mahjong kanina.Huminga nang malalim si Celine at sinalubong ang malamig na tingin ni Jax."Attorney De Silva, alam kong wala akong karapatang humiling sa'yo. Nagkamali ako noon… itinago ko sa'yo ang pagkatao ni Clara," panimula ni Celine. Ang boses niya ay nanginginig. "Handa akong humingi ng tawad, handa akong gawin ang lahat para makabawi… pero pakiusap, huwag mo lang kunin si Clara. Ang cust

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 87: You're took everything!

    Humakbang si Jax nang mas malapit. Ang distansya sa pagitan nila ni Celine ay naglaho, sapat na para maramdaman ni Celine ang init ng galit na nagmumula sa lalaki. Ang mga mata ni Jax, na dati ay tila lawa ng kapayapaan, ngayon ay tila talim ng kutsilyo na humihiwa sa bawat depensang itinayo ni Celine."Ninakaw mo ang anak ko," simula ni Jax. Ang boses ay mababa ngunit puno ng poot. "Ninakaw mo ang mga karapatan ko bilang ama. Ninakaw mo ang anim na taon na dapat ay kasama ko ang anak ko!"Ang bawat salita ay tila isang malakas na sampal. Ang lahat ng paliwanag na inihanda ni Celine—ang tungkol sa kanyang takot, ang tungkol sa kanyang sakripisyo—ay tila natuyo sa kanyang lalamunan. Kung ang pagtatago ng katotohanan para sa ikabubuti ng karera ni Jax ang itinuturing nitong "pagnanakaw," wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang paratang na inilatag sa kaniya ni Jax.Napansin ng dalawang pulis ang kakaibang tensyon. Hindi ito simpleng kaso ng magnanakaw at biktima, ito ay isang masali

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 86: Let's Talk

    Sa huli, ipinadala ni Celine ang 1,500 pesos kay Cyril, ang assistant ni Jax, upang ito na ang mag-abot sa lalaki. Hindi na nakapaghintay si Cyril at agad na nag-reply, "Bakit hindi niyo po direktang i-transfer kay Attorney De Silva, Miss Celine?""Wala na akong contact sa kaniya," maikling sagot ni Celine.Naguluhan si Cyril. Naalala niya noong huling naospital si Celine, ang boss pa niya ang nagpumilit na makuha ang Viber account nito. Bakit ngayon ay tila nagbago ang ihip ng hangin? "Miss Celine, dinelete niyo po ba sa contact niyo si Attorney?""Siya ang nag-delete sa akin," sagot ni Celine, at agad na tinapos na ang usapan.Nang bumalik si Jax sa law firm matapos ang isang meeting, agad siyang tinawag ni Cyril. Inabot ng assistant ang pera. "Attorney, pinapabalik po ni Miss Celine ang room fee at deposit niyo sa guesthouse."Tiningnan lang ito ni Jax nang may malamig na tingin. Hindi niya ito tinanggap. "Ilibre mo na lang ng kape ang buong staff. Kung kulang 'yan, dagdagan natin.

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 85: Paternity Test

    Matapos bitawan ang sumpa ng poot, marahas niyang tinanggal ang pares ng cufflinks mula sa kanyang manggas. Ang mga hiyas na iyon, na dati ay itinuturing niyang simbolo ng isang pangakong hindi natuloy, ay tila naging mapanghusgang mga mata sa kanyang paningin.Sa isang mabilis at puno ng pait na galaw, inihagis niya ang mga ito. Ang mga cufflinks ay gumuhit ng dalawang maikling arko sa hangin bago bumagsak sa paanan ni Celine nang may malutong na tunog.CLINK!Naglakad paalis si Jax nang hindi lumilingon. Ang bawat hakbang niya palayo sa bahay nina Celine ay tila pagtakas mula sa isang bangungot na anim na taon niyang dinala, ngunit sa halip na gumaan, lalo lamang bumigat ang kanyang dibdib.Sa loob ng bahay, tila nawalan ng kulay at hangin ang mundo ni Celine. Napasandal siya sa pinto. Ang kanyang tuhod ay nanghina hanggang sa dahan-dahan siyang napaupo sa malamig na sahig. Nakatitig siya sa mga cufflinks na nasa harap niya. Nanginginig ang kanyang kamay na inabot ang isa sa mga ito

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 63: Meet the Elderly

    Dahil hindi pamilyar si Vice Mayor sa eksaktong lokasyon ng lupaing pinag-uusapan nila, bumaling ito kay Celine para humingi ng propesyonal na opinyon. Bilang siya ang mas nakakaalam sa pasikot-sikot ng bayan ng San Jose, sa kanya nakasalalay ang desisyon."Celine, anong tingin mo sa lupang 'yun?"

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 51: I'll abort the child

    Pagsarado ng pinto ng air-conditioned bus, tuluyan nang binalot ng pagkamanhid si Celine.Umarangkada ang sasakyan palayo sa terminal. Isa-isang dumaan sa bintana ang mga pamilyar na matataas na gusali ng Maynila, hanggang sa unti-unti na lamang silang naglaho sa layo. Naramdaman ni Celine ang biga

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 49: Let's end this

    BLAG!Isang nakakagimbal na pagbagsak ng tuhod ni Madam Corazon sa matigas na sahig ay nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ni Celine.Agad na napaatras si Celine, gulat na gulat at pilit na tinatakasan ang kahibangan ng eksenang ito. Ngunit bago pa man siya makapagsalita o makahingi ng tulong para itay

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 48: I won!

    Hindi na nagtagal si Jax. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan, mabilis na sumakay, at agad na nag-drive palayo sa dilim.Naiwang nakatayo si Celine sa malamig na gabi. Pinanood niyang lumayo ang sasakyan ng lalaki hanggang sa tuluyan itong kainin ng dilim, habang ang sarili nitong puso ay unti-unti

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status