Share

Kabanata 3 “A First Meeting that is not a First”

D-5 bago magsimula ang klase. 

Nagsimula ang umaga ko sa magandang gising, masarap na umagahan at maaliwalas na kalangitan. I am really in a good mood. Bagama't hindi ako pinalad na makakuha ng part time job kahapon, ay susubukan ko uling mag-apply.

"Taray. Ang gara ng kotse," ang nasabi ko ng makakita ng mamahaling kotse na nakaparada sa tapat mismo ng 'No Parking' sign. Natatawa akong umiling at umabante ng lakad. Pero dahil hindi ako nakatingin sa harapan ay may nabunggo akong lalaki.

"Ahhh," he gasped.

"Hala sorr-" Paghingi ko ng paumanhin na naudlot dahil nagulantang ako sa 'itsura niya. How should I describe it? Hmmmmm? Ah! Para siyang webtoon character na lumabas sa screen. He is about 183 cm tall, has slim body and light brown hair. May kasingkitan ang matalim niyang mga mata; it looks very rigid and cold. Matangos ngunit maliit ang kaniyang ilong. His upper lip is thin while the lower lip is thick. Ang ganitong mukha at tangkad ang ideal ko sa lalaki. Malapit na sana akong ma-crush at first sight kaso, nagbago ang isip ko ng makarinig ng malutong na mura mula sa kaniya.

"T*ng***" Pagkatapos ay tumingin siya sa polo niya na nadumihan ng hawak niyang ice cream. Isang tuldok lang naman ang pink stain kaya nagtataka ako kung bakit ang O.A niyang mag-react.

"Pasensiya na," nahihiya at mabagal kong paghingi ng tawad.

"Kainis. May meeting pa naman ako mamaya," reklamo niya na panay bato sa akin ng matatalim na titig. Bigla niyang tinapon ang ice cream sa basurahan na nasa gilid namin. Then he shoved me away. "Tabi ka nga dyan!"

'Kung hindi ako kumain ng breakfast baka nangudngod na ko sa lakas ng pagkakahawi niya.'

Nakaawang ang bagang ay tinitigan ko siyang pumasok sa loob ng magarang kotse na pinuri ko kanina. At dahil tinted ang salamin, hindi ko na alam kung anong ekpresyon ang binigay niya sakin bago siya tuluyang umalis.

"Ang yabang! Kakapiranggot lang naman 'yung nadumihan sa polo niya. Sabakan ko 'yun e!" Inamba-ambahan ko ang direksyon niya.

Ang lakas makasira ng mood. Gwapo ka pero gag*. Ikinalma ko ang sarili sa pamamagitan ng pagbubuntong hininga ng ilang ulit. When I gathered my inner peace ay dumiretso na ko sa cotton candy shop kung saan ako mag-a-apply ng trabaho.

"Simple lang naman ang trabaho mo. Magsusuot ka ng mascot costume at sasayaw sa labas ng shop para  maka-attract ng costumer," ang paliwanag sa akin ng may-ari ng shop. "Sakto nga, nag-quit na kahapon 'yung dating mascot namin. Kung gusto mo, mag-start ka na right now. Tapos sweswelduhan na kita right after."

Masaya ako sa ideya na magkakaroon ako ng sweldo pero kung tungkol sa pagsayaw, hindi ako natutuwa. DAIG KO PA KAYA ANG KAHOY SA TIGAS NG KATAWAN!

"Kaya mo 'to Mil. Lahat ng bagay nadadaan sa sikap at tiyaga," I am cheering myself before I wore mascot costume which is a big pink bunny.

I tried to be positive as much as possible but after 10 minutes...

"Mama, parang baliw 'yung mascot," ang sabi ng bata na napadaan kasama ang nanay niya. Tinuturo-turo niya ko habang tumatawa. "Badwords 'yan anak ko. Halika na nga dito. Sige ka, kukunin ka ng baliw na mascot," ang saway ng nanay niya na hinatak ang anak papalayo.

Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, aminado akong mukha akong tanga ngayon. Nakakahiya! Sumuko nalang kaya ako? Tumingin ako sa loob ng shop at nakitang pinagmamasdan pala akong ng may-ari. Kaya agad akong sumayaw.

"Woah! Bunny!"

Pagtingin ko sa likuran ay may grupo ng mga elementary students ang papasalubong sa akin. Pinagkaguluhan nila ako anupat nahihirapan na kong manatili sa kinatatayuan ko. "T-Teka," I groaned. These kids keeps on pulling and pushing me. Hanggang sa napaatras ako ng napaatras. "Wait kids! Calm d- Ahhhh!"

Huli ko ng na-realize na bumaligtad ako papahiga sa isang fountain. Natataranta akong nagwawagayway kasi nalulunod na ko sa mababaw na tubig dahil hindi ako makaahon. "Tulong!" sigaw ko. Then I heard a splash of water. May umahon sa akin sa tubig, lifting me in a bridal way. Sa bigat ng tubig ay kusang lumaglag ang ulo ng mascot na suot ko anupat lumantad sa publiko ang pagmumukha ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata na bahagyang nasilaw sa sinag ng araw. "Okay lang ba?" ang tanong ng lalaki na nagligtas sa akin. Nagkatinginan kami sa malapit na distansya. Looking at him, akala ko dalawa ang araw. He has thick brows, rounded yet small eyes, pointed sharp nose and alluring lips. Maliit ang mukha niya but his jaws are sharp. Napaka-aliwalas tignan ng kaniyang gwapong mukha. Ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang maliit na nunal niya sa kaliwa niyang pisngi at ang dark blue niyang buhok.

'Sinong matinong tao ang magkukulay ng blue sa buhok maliban nalang kung sasayaw siya sa stage?'

"Woooooh!" sigawan ng mga tao sa paligid. Nanlalaki ang mga mata kong iginala ang paningin at napagtantong pinag-pipiyestahan na pala kami ng mga nakakita. Some are taking pictures of us! Dali-dali ako bumaba mula sa pagkakabuhat niya at nagkakandarapang umalis sa fountain.

"Teka miss!" he shouted before I escaped the scene.

Bakit puro kamalasan ang nangyayari sa akin ngayong araw?!

"Bes?!" nakakatuliglig na sigaw ng bestfriend ko na si Shane na walang alinlangang lumarga papasook ng kwarto ko. True friends are really like this; yung feeling nila na yung bahay mo, bahay rin nila tapos yung gamit mo, gamit rin nila. Buti hindi pwedeng hiramin 'yung laway. "Okay ka lang ba?! Tumawag sakin 'yung mag-ari ng cotton candy shop. Ang sabi niya nahulog ka raw sa fountain?"

Walang gana ko siyang sinuklian ng tingin habang pinupunasan ang basa kong buhok. "Hoy. Una mong ni-recommend sakin 'yung paradise shot, na night bar pala. Ngayon naman cotton candy shop tapos sasayaw habang naka-mascot. Nananadya kaba?" Kinuha ko ang unan at ibinato ito sa kaniya, kaso nasapo ng loko.

"Hindi ko naman alam na night bar pala iyon!" pangangatwiran niya. "At tsaka malay ko bang mascot pala ang ipapa-trabaho sayo. Can you just thank me for helping you to get a job?" she pouted her lips.

Ang babaeng ngumunguso nguso na 'to ay walang iba kung hindi ang baliw kong matalik na kaibigan. Halos magkasing edad lang kami at pareho ng university na pinasukan. Though, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang problema ko about sa boarding house. Anyway, kung adik ako sa pagbabasa ng libro at pagsusulat ng stories, itong si Shane naman ay adik sa pag-fa-fangirl ng mga Korean idols and Oppa.

"Jinguya, naneun-yo, keunyang dowajeoseoyo. Araji?" Tignan mo 'tong timang na kino-korean ako.

Tinanggal ko pagkaka-akbay niya bago tumugon ng, "baliw."

"So, tutuloy ka pa ba sa cotton candy shop?" Umupo si Shane sa kama ko. She is brushing her hair that she recently dyed in golden blonde.

"Unang araw ko pa nga lang nakagawa na ko ng gulo. Sa tingin mo tatanggapin pa ko ng may-ari?" I sighed.

"Ganon ba?" Tumingin siya sa baba. Nang bumalik siya ng tingin sa akin ay nagniningning ang mga mata niya na parang may naisip na bagong ideya. "Alam ko na! May kaibigan ang mama ko na katatayo lang ng café. Gusto mo i-recommend kita?"

Because of my bestfriend's silly suggestion, heto na naman ako, nakaupo sa loob ng café at kaharap ang may-ari ng shop.

"Naku pasensiya ka na ha. Nakakuha na kasi kami ng employee kahapon. Sayang, na-late ka ng dating." Patapik-tapik siya sa lamesa, halatang nahihiya.

Kahit malungkot ay sinuklian ko na lamang siya ng ngiti. "Okay lang po. Naiintindihan ko."

"Pero dahil nandito ka narin din, let me get you some drinks and cake. It's on the house." Kinindatan niya ko bago tumayo.

Wala sa bokubularyo ko ang pagtanggi sa pagkain kaya tumango ako. "Sige po. Salamat."

While she is getting me some foods, nilibot ko ng tingin ang paligid. They used vintage decorations around the shop and it really amazes me. Bukod sa malayo sa daan, ay nag-hire pa sila ng acoustic singer kaya talaga namang napaka-komportable ng vibe sa loob.

"This is the last song I'll perform," ang anunsyo ng singer sa mikropono. Dahil masyado akong nakapokus sa pakikipag-usap sa may-ari ng shop kanina ay ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala ng kumakanta. Kaya pala 'yung mga babae sa paligid kanina pa kinikilig sa kanilang mga kinauupuan. Medyo malayo 'yung singer eh pero ang cool niyang tignan habang hawak ang gitara. "Ahmm, actually I composed it. Sana magustuhan niyo." Pagkatapos bitawan ang mga salita na iyon gamit ang malambing niyang boses ay nagsimula na siyang tumugtog at kumanta.

As soon as he started singing, tears fell down from my eyes. Hindi dahil na-touch ako masyado sa kanta, like duh? Aaminin ko na maganda ang boses niya pero hindi sapat 'yon para iyakan. Lol. Naninibago lang kasi ako sa suot na contact lenses.

"Are you okay?" the shop owner asked me. Inilapag niya ang kape at cake sa lamesa bago sinilip ang mukha ko. "Umiiyak ka," idiniin niya.

Agad naman akong umiling. "Okay lang po ako. Nagluluha lang ako dahil sa contact lenses. Hehe."

---

Third Person's POV

Sa loob ng isang boarding house ay nakaupo sa iisang sofa ang dalawang lalaki; si Vince na may hawak na gitara at si Kim na may hawak na libro.  "Alam mo kung anong problema mo? Masyado kang mabilis ma-fall," pangaral ni Vince sa kaibigan.

"Hindi ko choice na maging marupok," pangangatwiran naman ni Kim na may halong pag-nguso. Inilingan siya ng kausap at tinawanan nalang sa paraang nakakaasar. "Isa pa, ayokong tumanggap ng payo mula sa katulad mo. Ano bang alam mo sa pagmamahal ha?" Kim added.

Vince was about to reply but someone opened the door. Ilang sandali pa ay bumungad ang isang babae na mukhang pamilyar sa kanilang dalawa.

"So ito pala 'yung boarding house. Infairness, may kalakihan," ang sabi naman ni Soju na nakatayo sa likuran ni Mil. When their eyes met, he pointed her and gasped, "Oh? Teka, ikaw 'yung nilandi ko sa bar diba?"

Hindi pa man nakakatugon sa narinig ay pumukaw ng pansin sa kanila ang sigaw mula sa loob ng boarding house. "Kim! Kim! Yung underwear mo, nasa gamit ko!" sigaw ng lalaking asul na buhok. Dumungaw siya mula sa second floor at aksidenteng  naibinato papunta sa direksyon nila Mil ang hawak niyang brief.

Matagumpay na nakailag ang dalawa ngunit nasupalpal nito ang pagmumukha ng isa pang lalaki na kararating lamang. "What the hell is this?" Pikon na pikon niyang sambit bago nanginginig na tinanggal ang brief na sumalubong sa kaniya.

Kahit naguguluhan sa ay pinili ni Mil na kumalma at ipakilala ang sarili. "Magandang umaga. Ako nga pala si Mil Senikon, ang bago niyong kasama sa boarding house."

The five guys diverted all of their eyes to her. Naalala ni Vince na siya 'yung babae na nakita niya sa café, and so he gasped, "Woah."

'Siya 'yung nagbigay sakin ng payong!' ang sigaw naman ni Kim sa sarili. Sa gulat ay nabitawan niya ang hawak na libro.

Kung tungkol naman sa lalaking bumato ng brief mula sa 2nd floor na nangangalang Orij, itinuro niya si Mil at masayang binati ng, "Wait a minute. Diba ikaw 'yung mascot na sumasayaw?!"

"Oh sh*t," natatawang tugon naman ni Soju na nakita niya sa night bar.

Subalit  ang lalaki na nasupalpal ng brief sa mukha ay malutong napamura ng, "F*ck." Hindi dahil sa nakilala niya si Mil na nakabunggo sa kaniya noon, kung hindi sa gulat na... "BAKIT MAY BABAE SA BOARDING HOUSE?!" sigaw niya na umalingawngaw sa paligid.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
John Alvin Muyot Mina
pano po I continue, maganda kc e ang story
goodnovel comment avatar
rikk_lee
matagal na akong avid reader dito, paulit-ko itong binabasa kapag nag-aantay ako ng updates. ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status