Mil's POV
Sosyalin ang bago kong kwarto. Malaki ang kama at may sarili akong banyo. "Hindi na ko magtataka kung bakit sobrang mahal ng tuition fee."
Bago ako mag-enroll sa champese university, aware ako sa rules na dapat ay tumira ang mga estudyante sa inilaang boarding house ng school. Now I feel guilty for using my parent's money for my own greed. Mukhang kailangan kong mas lalo pang magsipag sa pag-aaral. Pero bago ko isipin ang pag-aaral, hindi ba't mas dapat ko munang alalahanin kung paano ko sasabihin sa kanila na puro lalaki ang kasama ko sa boarding house?
"Knock knock?"
May kumakatok. Nineniyerbos kong itinungo ang paningin sa pintuan. Biglang sumariwa sa akin ang mukha ng mga lalaking makakasama ko rito. Una ay 'yung may hawak ng gitara na pamily
I tour myself around the university. Bukas pa magsisimula ang pasok pero dahil hindi ako komportable sa boarding house na tinitirhan ko ay mas pinili ko nalang lumabas at mag-libot libot.“Hoy Greypi, anong ginagawa mo dito? Bukas pa ang pasok ha.”Lumingon sa likuran upang malaman kung sino ang kumausap sa akin mula sa malayo. Then I saw Bryan. Pinsan ko siya sa mother-side at professor siya ng university na ito. Nang makalapit siya sa akin ay tinapik niya ko sa balikat. “Excited ka ‘atang pumasok bro.”Tinitigan ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat. “Kumain ka ba ng cheese curls kuya? Take your hands off.”Natatawa niyang tinanggal ang kamay mula sa akin
Kim’s POV Maybe I am desperate to experience true love. In my early 20’s ay marami na kong naranasang heartbreaks. Lahat ng mga babaeng nakikipag-break sa akin ay iisa lang ang dahilan: “Masyado ka kasing mabait.” ‘Bakit? Anong lalaki ba gusto nila? ‘Yung gag*?’ Noong naging girlfriend ko si Sharmaine, akala ko pang habang buhay na ang relasyon namin. But like my past relationship, she ended it in miserable way. Lumuhod ako sakaniya, nagmaka-awa na wag akong iwan pero wala eh. Siguro nga hindi ako kamahal-mahal. Bumuhos ang malakas na patak ng ulan at nanatili akong nakaluhod sa puwesto na minsang pinagpiyestahan ng mga manonood. Sobra akong nahihiya at naaawa sa sarili kaya nawalan na ko ng lakas para tumayo at tumakas mula sa mga mata ng mapang-hamak. Hanggang sa may bigla nalang nagpayong sa a
Orij’s POVMatapos niyang i-spray-an ng pabango ang mukha ni Greypi ay naglakad siya palayo. “M-Mil!” nag-aalalang sigaw ni Kim bago sumunod rito. “Hoy! H-Hoy! Bumalik ka rito!” nang-gagalaiting sigaw naman ni Greypi na panay punas sa mukha. “Huh, ganito pala ang gusto niya huh. Pagbibigyan ko siya,” he muttered before looking at me. At dahil natatawa ako ay asar-talo niyang sinara ang bintana at pinaandar ang kotse. Bago ito makalagpas ay bumisina pa ito ng malakas sa tapat ni Mil.~Peet~ ‘Napakaisip bata talaga.’ “Ay!” sigaw ni Mil na napalundag sa gulat. Wala siya nagawa kung hindi ambahan nalang ang likuran ng papaalis na kotse. “Mil, ang b
Mil’s POV Dahil natalo ako sa game kahapon, ako ang naatasan na mag-tapon ng basura at maghugas ng plato mamaya. When I put the garbage on the trash bin, I remembered the scene I witnessed before. “Anong ginagawa mo?” ang tanong ni Soju matapos niya kong mahuling nagtatago sa likod ng trash bin. Napaka-seryoso ng titig niya anupat nakaramdam ako ng kakaibang takot dahil dito. “A-Ano k-kasi,” I blabbered. Ang totoo niyan wala ako sa sarili para makabuo ng matinong palusot. “Kung may nasaksihan ka na hindi kaaya-aya, then you should forget it. Understand?” ang sabi niya sabay tumalikod at naunang pumasok sa boarding house.
Para sa isang babae, ang aksidenteng makitang hubo’t hubad ng limang lalaki ay talaga namang… NAKAKA-TRAUMA. “Sinusumpa ko, papatayin talaga kita!” ang ngawa ni Mil. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama at umiiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod. Hindi niya maiwasang maluha dahil sa pagkahiya at sa pagkawindang sa nangyari kanina lamang. Totoo na hindi naman talaga si Greypi ang bukod tanging may kasalanan sa nangyari. Sariling kapabayaan ni Mil na madulas at mahubadan ng bukod tanging suot na tuwalya. Ngunit, hindi parin maiwasan ni Mil na isisi ang lahat sa kaniya anupat mas lalong lumala ang pagkapoot niya rito. Sa kabilang banda naman, si Greypi ay nakahiga sa kama at nakatalukbong. Pilit niyang tinatanggal sa isipan ang kagulat gulat na tanawing nasaksihan kanina lamang. Siya kasi
Vince’s POV Nang makauwi ako ng boarding house, pansamantala akong napaisip kung boarding house ba talaga ang napuntahan ko o theater club room. Nakita ko kasing naka-piluka si Kim at Orij ng buhok na pang-babae, naka-make up at nakadamit na pangbabae. Sa sobrang gulat, muntik-muntikan ko na sila mabato ng cellphone na hawak ko. “Anong kagag*han ‘to?” takang-taka kong tanong habang nakatulala sa likuran ng pinto. “Hi Vince! Magkukunwarian kaming babae ni Kim. Ang ganda ba namin?” Nagpa-pungay ng mata si Orij at nginuso nguso ang labi na may pulang lipstick. Tahasan akong umiling syempre. “Hindi. Mukha kayong kabayong dinamitan. Malayo pa ang Halloween ha. Anong trip niyo?”
Ang gabi kung kailan nagkunwaring mga babae sila Orij at Kim ay waring napakahaba, anupat ang kakaibang katahimikan sa loob ng boarding house kinaumagahan ay nagmistulang kakatwa o hindi normal. “May pasok ka Kim? Holliday diba?” Tanong ni Mil kay Kim na parang nagmamadali. Pagkababa kasi niya ng hagdanan ay nakita niya si Kim na balisang balisa. “Kailangan kong isauli ‘yung mga piluka na hinaram ko sa club namin,” sagot ni Kim. “May paggagamitan ‘ata sila.” Dahil si Mil ang dahilan kung bakit kinailangan ni Kim na humiram ng mga piluka, ay nagprisenta ito ng tulong. “Samahan kita!” Ngunit tumanggi si Kim. “No need. Magpahinga ka nalang. Isa pa, kapag sinama kita, iaangkas pa kita sa bike at mabibigatan ako.&rdq
Alas-onse na ng gabi ng magising si Mil dahil sa pagkatuyot ng lalamunan. Kahit pa inaantok ay pinilit niya ang sarili na bumangon at tumungo papunta sa kusina. Subalit sa pagtatapos ng kaniyang hakbang pababa ng hagdanan ay sakto namang pagpasok ni Soju sa boarding house. “Oh? Mil. Gising ka pa pala?” bati ni Soju na lango sa alak. Agad na napansin ni Mil base sa kilos, pananalita at amoy nito na siya ay lasing. Kaya nagmadali sana siyang tatakbo pabalik ng kwarto. Alam niya kasi na sa limang lalaki, si Soju ang pinaka-delikado. Ngunit napatigil siya sa sumunod na narinig. “Bakit sa mga ganitong panahon, ikaw ang una kong nakikita?” reklamo ni Soju na kasalukuyang umiiyak. Dahan-dahang lumingon si Mil tungo sa kaniyang magandang mukha at sa patak ng luha na walang hinto sa