Mag-log inTahimik na nakatanaw si Leandro sa floor-to-ceiling window ng opisina niya. Mula roon ay tanaw ang halos buong business district ng Maynila, pero wala ni isa sa mga iyon ang pumukaw sa atensyon niya.
Paulit-ulit lang na pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Professor Adrian. "Kung hindi niya isinuko ang career niya, baka isa siya ngayon sa mga nangungunang AI researcher sa bansa."
Hindi niya maintindihan dahil tatlong taon silang nagsama ni Amara, pero ni minsan ay hindi niya narinig na nabanggit nito ang tungkol sa research o sa anumang proyekto.
Sa isip niya noon, simpleng babae lang ito na masayang nag-aalaga ng bahay pero mukhang mali pala siya.
Naputol ang pag-iisip niya nang kumatok si Xavier. "Sir?"
"Pasok ka."
Iniabot ng assistant ang ilang dokumentong kailangan niyang pirmahan at pagkatapos nitong ilapag ang mga iyon sa mesa, muli itong nagsalita. "May iba pa po ba kayong ipapagawa?"
Sandaling natahimik si Leandro bago sumandal sa upuan. "May ipapaimbestiga ako."
"Ano po iyon?" tanong ni Xavier.
"Alamin mo kung saan nagtatrabaho ngayon si Amara." seryosong sabi niya.
Bahagyang nagulat si Xavier sa narinig. "Akala ko po..."
Hindi na nito itinuloy ang sasabihin dahil sa pagsingit ni Leandro.
"Akala mo ano?" hamon nitong tanong.
"Akala ko po ay ayaw n'yo nang malaman ang tungkol kay Ma'am."
Malamig na tumingin si Leandro. "Hindi ko sinabi iyon."
Tumango si Xavier. "Sige po. Aasikasuhin ko agad."
Pagkaalis ng assistant, muli na namang bumalik ang katahimikan sa opisina. Hindi alam ni Leandro kung bakit gusto niyang malaman kung nasaan si Amara, siguro gusto lang niyang makasiguro na maayos ito o baka hindi na niya itinuloy ang isipin pa iyon.
.......
Samantala, nasa laboratory naman sina Amara at Angela, halos buong umaga silang abala sa pagre-review ng mga lumang research files.
"Alam mo," ani Angela habang nakatingin sa monitor, "hindi ko talaga maintindihan kung paano mo nagawang iwan ang lahat ng ito."
Napangiti si Amara. "Noong panahon na iyon, akala ko iyon ang tamang desisyon."
"At ngayon?"
"Tingin ko... panahon nang bawiin ang mga nawala."
Napatingin sa kanya si Angela. "Mas gusto kitang ganito."
"Bakit?"
"Ngumingiti ka na ulit."
Hindi agad nakasagot si Amara, matagal na rin mula nang maramdaman niyang magaan ang dibdib niya. Hindi man tuluyang nawawala ang sakit, pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nakakahinga.
Ilang sandali pa ay bumukas ang p***o ng laboratory at pumasok si Professor Adrian.
"Professor." Sabay na tumayo ang dalawa.
"Huwag na kayong pormal." Ngumiti ito bago tumingin kay Amara. "May gusto sana akong pag-usapan."
Napatingin si Amara sa propesor. "Tungkol saan po?"
"Sa'yo." deritsang sagot nito.
Napakunot-noo siya. "Sa akin po?"
Tumango ang propesor. "Alam kong matagal kang nawala sa industriya."
"Tatlong taon po." napapayukong sagot ni Amara.
"Oo." Ngumiti si Professor Adrian. "Pero hindi ka nawala sa alaala ng mga taong nakakakilala sa trabaho mo."
Tahimik lang si Amara.
"Lumi-X AI Model, ilang unibersidad at technology companies na ang nagtatanong kung sino ang gumawa niyon."
Nagulat si Angela sa sinabi ng professor. "Talaga po?"
"Hindi lang iyan." Tumingin ang propesor kay Amara. "May mga foreign researchers pang gustong makatrabaho ang taong gumawa ng model na iyon."
Hindi alam ni Amara ang sasabihin. Sa loob ng tatlong taon, inisip niyang tuluyan na siyang nakalimutan ng lahat ngunit hindi pala.
"Kaya gusto kong bumalik ka." Napatingin siya kay Professor Adrian. "Bilang research consultant."
Sandaling natahimik si Amara bago sumagot. "Ako po?"
"Ikaw lang ang gusto ko."
Huminga siya nang malalim sa sinabi ng professor. "Professor... tatlong taon na akong wala sa field."
"At ano naman?"
"Baka hindi na ako makasabay."
Napailing ang propesor. "Hindi nawawala ang talento, tumatamlay lang kapag hindi ginagamit."
Hindi nakapagsalita si Amara dahil alam niyang tama ito pero natatakot pa rin siya.
Tatlong taon niyang iniwan ang mundo ng research, paano kung hindi na siya kasing galing ng dati?
Parang nabasa ni Professor Adrian ang iniisip niya. "Natatakot ka?" Mahina siyang tumango. "Normal lang iyon." Lumapit ang propesor at inilapag sa mesa ang isang folder. "Buksan mo."
Pagkabukas ni Amara, sunod-sunod na recommendation letters at project proposals ang nakita niya, lahat ay naghahanap sa creator ng Lumi-X.
"Mga offer ito."
Napalunok siya. "Lahat para sa akin?"
"Oo, pero tinanggihan ko muna."
Nagulat si Amara. "Bakit?"
"Dahil gusto kong ikaw mismo ang pumili ng tatahakin mo."
Tahimik na napangiti si Angela.
"Kaya sinasabi ko sa'yo, hindi ka nakalimutan."
Habang nag-uusap sila, tahimik namang nakatayo si Lucien sa labas ng laboratory, napadaan lang sana siya para sunduin si Professor Adrian ngunit nang marinig niya ang usapan, hindi na siya pumasok at hindi siya nakikialam tahimik lang siyang nakinig, ngayon niya lubos na naunawaan kung bakit ganoon na lang ang paghanga ng propesor kay Amara.
Hindi lang pala ito matalino kundi may kakayahan itong gumawa ng isang AI model na kinikilala kahit sa ibang bansa.
Naalala niya ang sinabi ni Leandro noon. "Isa lang siyang simpleng maybahay."
Bahagya siyang napailing, mukhang ni hindi man lang sinubukan ng kapatid niyang kilalanin ang babaeng pinakasalan nito.
Makalipas ang ilang minuto ay kumatok siya sa p***o."Lucien." Ngumiti si Professor Adrian. "Sakto ang dating mo, pupunta na sana tayo sa meeting."
Tumango si Lucien bago napatingin kay Amara. "Congratulations."
Bahagyang nagulat ang babae. "Hindi pa naman po ako pumapayag."
"Pero papayag ka." Napangiti si Lucien. "Hindi ka dapat magtago sa talento mo."
Sandaling natahimik si Amara, hindi niya alam kung bakit, pero mas naniwala siya sa sarili nang marinig ang simpleng pangungusap na iyon.
Huminga siya nang malalim pagkatapos ay tumingin kay Professor Adrian. "Professor..."
"Hm?"
"Kung bukas pa rin ang alok ninyo..." Ngumiti ang propesor bago pa man niya matapos ang sasabihin.
"Bukas na bukas." putol nito.
Napangiti rin si Amara. "Handa na po akong bumalik."
Masayang napapalakpak si Angela. "Finally!"
Tumawa si Professor Adrian. "Welcome back, Amara."
At sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, hindi na siya basta asawa ng isang kilalang negosyante, muli siyang naging si Amara Esquivel, ang babaeng minsang pinangarap na baguhin ang mundo sa pamamagitan ng teknolohiya.
......
Tahimik na isinara ni Professor Adrian ang folder bago muling tumingin kay Amara.
"Alam mo ba kung bakit hindi ko ibinigay ang mga offer na 'to sa iba?" Umiling si Amara. "Dahil wala ni isa sa kanila ang may kakayahang tapusin ang sinimulan mo."
Napabuntong-hininga siya. "Professor... masyado naman po yata kayong nagtitiwala sa akin."
"Hindi." Umiling din ang propesor. "Hindi ito pagtitiwala. Sigurado ako, tatlong taon na ang nakalipas, sinabi ko sa mga kasamahan ko na darating ang araw na makikilala ang pangalan mo hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Sayang lang at mas pinili mong isantabi ang pangarap mo."
Napayuko si Amara kung noon, siguradong iiyak siya kapag naaalala ang mga isinuko niya.
Pero ngayon, wala na siyang pagsisisi, dahil alam niyang may pagkakataon pa siyang magsimula ulit. Napansin ni Lucien ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya, kanina pa tahimik ang babae, pero ngayon ay may kakaibang liwanag na sa mga mata nito.
Parang unti-unti na itong bumabalik sa dating sarili, hindi niya namalayang napangiti siya.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Professor Adrian kay Lucien nang mapansin itong nakatingin kay Amara.
Bahagyang natauhan si Lucien. "Wala."
Ngumiti ang propesor. "Hindi ka marunong magsinungaling."
Hindi na sumagot si Lucien sa totoo lang, nagulat lang siya. Hindi niya akalaing ang dating hipag niya ay may ganoong kakayahan at mas lalong hindi niya inakalang may isang babaeng kayang isuko ang ganoong klaseng kinabukasan para lang sa isang lalaking hindi naman siya pinahalagahan.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng paghanga kay Amara, hindi dahil sa ganda nito kundi dahil sa tibay ng loob nitong magsimulang muli kahit halos wala nang natira rito.
Tahimik namang pinagmasdan ni Angela ang dalawa. Hindi man nagsasalita si Lucien, halatang iba ang tingin nito kay Amara kumpara noong una silang magkita. Napangiti siya nang palihim, marahil ito na ang simula ng panibagong kabanata sa buhay ng kaibigan niya.
Matapos ang unang malaking pagsubok na hinarap ni Liam bilang bagong lider ng Lumi-X at Amara AI Foundation, mas lalo niyang naunawaan na ang pagiging tagapagmana ay hindi tungkol sa pagtanggap ng isang posisyon.Ito ay tungkol sa pagpapatunay na kaya niyang pangalagaan ang tiwalang ibinigay sa kanya.Hindi naging madali ang mga sumunod na buwan.Maraming mata ang nakatingin sa bawat desisyon niya.May mga taong umaasang magtatagumpay siya dahil anak siya nina Lucien at Amara.May ilan din namang naghihintay na magkamali siya upang patunayang hindi siya karapat-dapat.Ngunit sa halip na ma-pressure, ginawa ni Liam ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang.Nakinig siya.Natutong humingi ng payo.At higit sa lahat, hindi niya nakalimutan ang dahilan kung bakit siya nagsimula.---Isang umaga ay pumunta si Liam sa lumang laboratoryo ng Lumi-X.Ilang taon na rin mula nang huling gamitin ang lugar na iyon.Ngunit para sa kanya, iyon ang pinakaimportanteng bahagi ng buong kumpanya.Doon
Hindi naging madali ang pagpapatuloy ng isang malaking pamana.Alam iyon ni Liam mula pa noong unang araw na humawak siya ng mas malaking responsibilidad sa loob ng Amara AI Foundation at Lumi-X.Para sa ibang tao, maaaring tingnan nila iyon bilang isang pribilehiyo.Anak siya nina Lucien at Amara.Lumaki siya sa isang pamilyang kilala sa negosyo at teknolohiya.Ngunit para kay Liam, mas malaking hamon iyon.Dahil ayaw niyang maging matagumpay lamang dahil sa kanyang apelyido.Gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo gamit ang sarili niyang kakayahan.Isang umaga, habang nasa opisina siya, nakatanggap siya ng balita mula sa research department.May isang malaking kumpanya mula sa ibang bansa ang nag-alok ng partnership.Ngunit may kondisyon.Gusto nilang baguhin ang ilang prinsipyo ng foundation.Nais nilang gawing eksklusibo ang ilang teknolohiya at limitahan ang access ng mga estudyanteng dati nilang tinutulungan.Tahimik na binasa ni Liam ang proposal.Alam niyang malaking opor
Ilang taon pa ang lumipas.Ang pangalan ng Amara AI Foundation ay patuloy na lumawak hindi lamang sa bansa kundi pati sa iba't ibang bahagi ng mundo.Ngunit sa kabila ng malaking pagbabago, nanatiling pareho ang pinahahalagahan ng pamilya Monteverde.Ang pagtutulungan.Ang pagmamahal.At ang paniniwalang ang kaalaman ay dapat ibinabahagi sa iba.Sa loob ng bagong gusali ng foundation ay abala ang mga empleyado at scholars.Mas marami na ang mga laboratoryo.Mas marami na rin ang mga kabataang binibigyan ng pagkakataon.Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, may isang taong unti-unting naghahanda para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.Si Liam.Dalawampung taon na ang lumipas mula nang unang hawakan ni Lucien ang maliit na kamay ng kanyang anak sa ospital.Ngayon, ang batang minsang tumatakbo sa loob ng campus ay isa nang binatang nakasuot ng simpleng polo habang nakatayo sa harap ng mga bagong scholars.Hindi niya hinangad ang posisyon dahil sa pangalan ng kanyang pamilya.Pinili niya iyo
Makalipas ang sampung taon mula nang itatag ang Amara AI Foundation, muling napuno ng mga tao ang malawak na campus.Hindi lamang mga scholars ang dumalo.Naroon ang mga dating iskolar na ngayon ay mayroon nang kani-kaniyang propesyon.May mga engineer, doktor, guro, programmer, researchers at negosyante.May ilan pang dumating kasama ang sarili nilang pamilya.Sa bawat sulok ng campus ay makikita ang mga larawan ng foundation mula sa unang taon nito.May litrato ng maliit na inuupahang opisina.May larawan ng unang limampung scholars.May mga retrato nina Lucien at Amara habang sila mismo ang nagtuturo sa unang batch.Napapangiti ang bawat dumaraan.Hindi sila makapaniwalang ganoon kalayo ang narating ng lahat.Sa isang gilid ng hardin ay tahimik na naglalakad sina Lucien at Amara.Kasunod nila ang sampung taong gulang na si Liam na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga batang scholars.Ngumiti si Amara."Ang bilis ng panahon."Tumango si Lucien."Parang kailan lang...""...ikaw ang un
Lumipas ang limang taon na parang isang kisapmata.Marami nang nagbago.Ang maliit na Amara AI Foundation na minsang nagsimula sa iilang iskolar ay isa na ngayong kinikilalang institusyon sa buong bansa.Libo-libong kabataan mula sa iba't ibang probinsya ang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral.Marami sa mga unang scholars ang nakapagtapos na ng kolehiyo.Ang iba ay naging engineers.May mga scientist.May software developers.May mga guro ring bumalik sa sarili nilang komunidad upang ipasa ang kanilang natutuhan sa susunod na henerasyon.Samantala, ang Lumi-X Research Center ay isa na sa pinakamalalaking AI research institutions sa Asya.Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na iyon, nanatiling simple ang pamumuhay nina Lucien at Amara.Isang Sabado ng umaga ay naglalakad silang mag-anak sa loob ng foundation campus.Sa pagitan nila ay masayang tumatakbo ang limang taong gulang na si Liam.May hawak itong maliit na robot na siya mismo ang gumawa sa tulong ng mga mentor sa foundatio
Mabilis na lumipas ang mga buwan.Lalong naging maingat si Lucien sa pag-aalaga kay Amara.Hindi na niya ito hinahayaang magbuhat ng mabibigat na gamit.Kapag may meeting si Amara sa research center, sinisiguro niyang hindi ito magtatagal.At kahit gaano siya kaabala, hindi niya pinalalampas ang bawat prenatal checkup.Sa bawat ultrasound ay mas lalo silang nasasabik.Hanggang sa dumating ang araw na matagal nilang hinihintay.Madaling-araw iyon.Tahimik ang buong bahay nang biglang magising si Amara.Napahawak siya sa tiyan.Napapikit siya nang maramdaman ang paninikip.Huminga siya nang malalim.Makalipas ang ilang minuto ay muling sumakit.Napatingin siya sa orasan.Alas-tres pa lamang.Marahan niyang tinapik ang balikat ni Lucien."Lucien."Agad itong nagising."Bakit?"Mahina niyang tanong habang hinihimas pa ang mga mata.Napangiwi si Amara."Parang...""...oras na."Biglang nawala ang antok ni Lucien."Ano?""Teka.""Contraction ba?"Tumango si Amara."Parang ganun."Hindi na s







