LOGINTahimik na naglakad sina Lucien at Amara papunta sa clinic ng unibersidad. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Si Lucien naman ay sinabayan lang ang mabagal na paglalakad ni Amara, tila sinisigurong hindi ito muling mahihilo.
Pagdating nila, agad silang sinalubong ng school nurse. "Anong nangyari sa kanya?" tanong nito. "Nahilo lang siya," maikling sagot ni Lucien. Pinaupo si Amara habang kinukuhanan ng blood pressure. Makalipas ang ilang minuto, napailing ang nurse. "Mababa ang blood pressure mo. Mukhang kulang ka rin sa pahinga. Kailan ka ba huling kumain nang maayos?" Napatingin si Amara sa sahig. "Kaninang tanghali pa." Napabuntong-hininga ang nurse. "Hindi puwedeng puro trabaho ang inuuna mo. Lalo na kung kagagaling mo lang sa miscarriage." Bahagyang nanigas si Lucien sa narinig.Hindi siya nagsalita, pero lalong tumigas ang ekspresyon niya. Pagkalabas ng nurse para kumuha ng gamot, saka lang siya tumingin kay Amara. "Bakit wala kang kasama noong naospital ka?" Nag-alinlangan si Amara bago ngumiti nang pilit. "Tapos naman na iyon." "Hindi iyon ang tanong ko." mariing sabi ni Lucien Nanatiling tahimik si Amara, sapat na ang katahimikan para maintindihan ni Lucien ang sagot. Hindi na niya ito pinilit magsalita. Sa halip, tahimik niyang kinuha ang isang baso ng tubig at iniabot dito. "Uminom ka muna." Nagulat si Amara. Maraming taon na rin ang lumipas mula nang may taong nag-alala sa kanya nang ganito kaya marahan siyang ngumiti. "Salamat." Hindi sumagot si Lucien. Tahimik lang itong naupo sa katapat niya. Sa unang pagkakataon matapos ang diborsyo, may isang taong hindi siya tinrato bilang pabigat o obligasyon at hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay unti-unti nang gumagaan ang bigat na matagal niyang pasan. ....... Habang hinihintay nilang bumalik ang nurse, nanatiling tahimik ang dalawa. Paminsan-minsan ay palihim na sinusulyapan ni Lucien si Amara. Halata sa maputlang mukha nito na hindi pa talaga ito nakakabawi sa nangyari. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang nurse dala ang ilang gamot at isang maliit na supot ng biskwit. "Huwag kang iinom ng gamot nang walang laman ang tiyan," paalala nito. "At hangga't maaari, iwasan mo muna ang pagpupuyat." "Opo," mahinang sagot ni Amara. Pagkaalis ng nurse ay tumayo si Lucien. "May lakad ka pa ba?" Bahagyang umiling si Amara. "Wala na." "Hahatid na kita." "Hindi na, nakakahiya." mabilis niyang tanggi. "Walang nakakahiya." Simple lang ang pagkakasabi nito, pero wala iyong puwang para tanggihan. Napabuntong-hininga na lang si Amara. "Sige." Habang naglalakad sila palabas ng gusali, napansin ni Lucien na mabagal pa rin ang lakad ng babae kaya kusa niyang binagalan ang sarili. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Professor Adrian na nakatayo sa may bintana ng opisina. Napangiti ito. "Ngayon ko lang nakita si Lucien na ganoon kaingat sa isang tao." Samantala, nanatili namang nakatayo si Leandro sa loob ng opisina. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang eksenang nasalo ni Lucien si Amara. Pakiramdam niya ay may kung anong bumibigat sa dibdib niya, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit. "Leandro." Napalingon siya kay Professor Adrian. "May sasabihin po ba kayo?" tanong niya. "Tatanungin lang sana kita." seryosong sagot ng propesor. "Ano po iyon?" "Alam mo ba kung gaano katalino ang dating asawa mo?" Napakunot-noo si Leandro. "Hindi." Napailing ang propesor. "Sayang kung hindi niya isinuko ang career niya, baka isa na siya ngayon sa mga nangungunang researcher sa larangan ng artificial intelligence." Hindi agad nakasagot si Leandro, hindi niya alam na ganoon pala kagaling si Amara. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, ni minsan ay hindi niya tinanong kung ano ang mga pangarap nito, hindi rin niya inalam kung ano ang buhay nito bago sila ikasal. Sa isip niya noon, sapat nang maging mabuting asawa si Amara ngunit ngayon, unti-unti niyang napagtatantong marami pala siyang hindi alam tungkol sa babaeng minsan niyang pinakasalan. Sa parking lot, ihahatid na sana ni Lucien si Amara nang biglang magsalita ang babae. "Maraming salamat." "Bakit?" takang tanong ni Lucien. "Dahil tinulungan mo ako." Tahimik lang na tumingin si Lucien sa kanya. "Hindi mo kailangang magpasalamat." "Bakit naman?" "Dahil kung may dapat sisihin sa nangyari sa'yo..." Sandali siyang tumigil bago ipinagpatuloy ang sinabi. "...pamilya namin iyon." Natahimik si Amara, hindi niya inaasahang makaririnig siya ng ganoong salita mula sa isang Madrigal at sa unang pagkakataon matapos ang diborsyo, pakiramdam niya ay may isang taong tunay na nakakaunawa sa sakit na ilang taon niyang itinago. Pagkalabas nila ng gusali, agad na binuksan ni Lucien ang p***o ng sasakyan para kay Amara. "Salamat," mahina nitong sabi. Tumango lang si Lucien bago umupo sa driver's seat. Tahimik ang biyahe. Tanging mahinang tugtog ng radyo at ingay ng mga sasakyan ang maririnig. Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita si Lucien. "Mataas ang tingin sa'yo ni Professor Adrian." Bahagyang ngumiti si Amara. "Mabait lang talaga siya." "Hindi." Napalingon si Amara kay Lucien dahil sa sagot nito. "Hindi siya ganoon sa lahat." Hindi na nakapagsalita si Amara. Alam niyang totoo iyon. Mahigpit at mataas ang standards ni Professor Adrian pagdating sa mga estudyante at proyekto. "Bakit mo iniwan ang research mo?" tanong muli ni Lucien. Tahimik na tumingin si Amara sa labas ng bintana. "Pinili kong mag-asawa." "Pinagsisisihan mo ba?" Napabuntong-hininga siya. "Noong una, hindi. Akala ko kasi sapat na ang pagmamahal para maging masaya ang isang pagsasama." "Saka?" "Saka ko lang na-realize na hindi sapat ang ikaw lang ang nagmamahal." Hindi na nagsalita si Lucien, maya-maya ay huminto ang sasakyan sa harap ng laboratory. Bubuksan na sana ni Amara ang p***o nang muli siyang tawagin ni Lucien. "Amara." Lumingon siya. "Huwag mong pababayaan ang kalusugan mo." Ngumiti siya nang bahagya. "Opo." Pagkababa ni Amara, hindi muna umalis si Lucien. Tahimik niya itong pinagmasdan hanggang sa makapasok ito sa loob ng gusali pagkatapos ay saka lamang niya pinaandar ang sasakyan. --- Sa kabilang banda, kababalik lang ni Leandro sa opisina. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari. Maya-maya ay pumasok si Xavier dala ang ilang dokumento. "Sir, kailangan na po ng pirma ninyo." Tahimik na pinirmahan ni Leandro ang mga papeles. "Sir..." "Hm?" takang tanong ni Leandro. "May sasabihin po sana ako." Tumingin si Leandro sa assistant. "Kanina po... parang hindi maganda ang lagay ni Ma'am Amara." Nanahimik si Leandro. "Nabalitaan ko pong kakagaling lang pala niya sa ospital." Nanigas ang kamay niyang may hawak na ballpen. "At mukhang hindi pa siya tuluyang nakakabawi." Hindi agad nagsalita si Leandro. Naalala niya ang maputlang mukha ni Amara at ang paraan ng pagkakahawak ni Lucien dito. Hindi niya alam kung bakit, pero sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba. ..... Samantala, sa laboratory, muling naupo si Amara sa harap ng computer. Binuksan niya ang lumang project na iniwan niya tatlong taon na ang nakalipas. Ilang sandali niya itong pinagmasdan bago dahan-dahang ngumiti. "Panahon na para tapusin kita." Muli niyang ipinatong ang mga daliri sa keyboard. Isa-isang bumalik ang mga ideyang matagal niyang isinantabi. Hindi na siya ang dating Amara na umiikot ang mundo sa asawa ngayon, sisimulan na niyang buuin ang buhay na minsan niyang isinuko.Matapos ang unang malaking pagsubok na hinarap ni Liam bilang bagong lider ng Lumi-X at Amara AI Foundation, mas lalo niyang naunawaan na ang pagiging tagapagmana ay hindi tungkol sa pagtanggap ng isang posisyon.Ito ay tungkol sa pagpapatunay na kaya niyang pangalagaan ang tiwalang ibinigay sa kanya.Hindi naging madali ang mga sumunod na buwan.Maraming mata ang nakatingin sa bawat desisyon niya.May mga taong umaasang magtatagumpay siya dahil anak siya nina Lucien at Amara.May ilan din namang naghihintay na magkamali siya upang patunayang hindi siya karapat-dapat.Ngunit sa halip na ma-pressure, ginawa ni Liam ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang.Nakinig siya.Natutong humingi ng payo.At higit sa lahat, hindi niya nakalimutan ang dahilan kung bakit siya nagsimula.---Isang umaga ay pumunta si Liam sa lumang laboratoryo ng Lumi-X.Ilang taon na rin mula nang huling gamitin ang lugar na iyon.Ngunit para sa kanya, iyon ang pinakaimportanteng bahagi ng buong kumpanya.Doon
Hindi naging madali ang pagpapatuloy ng isang malaking pamana.Alam iyon ni Liam mula pa noong unang araw na humawak siya ng mas malaking responsibilidad sa loob ng Amara AI Foundation at Lumi-X.Para sa ibang tao, maaaring tingnan nila iyon bilang isang pribilehiyo.Anak siya nina Lucien at Amara.Lumaki siya sa isang pamilyang kilala sa negosyo at teknolohiya.Ngunit para kay Liam, mas malaking hamon iyon.Dahil ayaw niyang maging matagumpay lamang dahil sa kanyang apelyido.Gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo gamit ang sarili niyang kakayahan.Isang umaga, habang nasa opisina siya, nakatanggap siya ng balita mula sa research department.May isang malaking kumpanya mula sa ibang bansa ang nag-alok ng partnership.Ngunit may kondisyon.Gusto nilang baguhin ang ilang prinsipyo ng foundation.Nais nilang gawing eksklusibo ang ilang teknolohiya at limitahan ang access ng mga estudyanteng dati nilang tinutulungan.Tahimik na binasa ni Liam ang proposal.Alam niyang malaking opor
Ilang taon pa ang lumipas.Ang pangalan ng Amara AI Foundation ay patuloy na lumawak hindi lamang sa bansa kundi pati sa iba't ibang bahagi ng mundo.Ngunit sa kabila ng malaking pagbabago, nanatiling pareho ang pinahahalagahan ng pamilya Monteverde.Ang pagtutulungan.Ang pagmamahal.At ang paniniwalang ang kaalaman ay dapat ibinabahagi sa iba.Sa loob ng bagong gusali ng foundation ay abala ang mga empleyado at scholars.Mas marami na ang mga laboratoryo.Mas marami na rin ang mga kabataang binibigyan ng pagkakataon.Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, may isang taong unti-unting naghahanda para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.Si Liam.Dalawampung taon na ang lumipas mula nang unang hawakan ni Lucien ang maliit na kamay ng kanyang anak sa ospital.Ngayon, ang batang minsang tumatakbo sa loob ng campus ay isa nang binatang nakasuot ng simpleng polo habang nakatayo sa harap ng mga bagong scholars.Hindi niya hinangad ang posisyon dahil sa pangalan ng kanyang pamilya.Pinili niya iyo
Makalipas ang sampung taon mula nang itatag ang Amara AI Foundation, muling napuno ng mga tao ang malawak na campus.Hindi lamang mga scholars ang dumalo.Naroon ang mga dating iskolar na ngayon ay mayroon nang kani-kaniyang propesyon.May mga engineer, doktor, guro, programmer, researchers at negosyante.May ilan pang dumating kasama ang sarili nilang pamilya.Sa bawat sulok ng campus ay makikita ang mga larawan ng foundation mula sa unang taon nito.May litrato ng maliit na inuupahang opisina.May larawan ng unang limampung scholars.May mga retrato nina Lucien at Amara habang sila mismo ang nagtuturo sa unang batch.Napapangiti ang bawat dumaraan.Hindi sila makapaniwalang ganoon kalayo ang narating ng lahat.Sa isang gilid ng hardin ay tahimik na naglalakad sina Lucien at Amara.Kasunod nila ang sampung taong gulang na si Liam na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga batang scholars.Ngumiti si Amara."Ang bilis ng panahon."Tumango si Lucien."Parang kailan lang...""...ikaw ang un
Lumipas ang limang taon na parang isang kisapmata.Marami nang nagbago.Ang maliit na Amara AI Foundation na minsang nagsimula sa iilang iskolar ay isa na ngayong kinikilalang institusyon sa buong bansa.Libo-libong kabataan mula sa iba't ibang probinsya ang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral.Marami sa mga unang scholars ang nakapagtapos na ng kolehiyo.Ang iba ay naging engineers.May mga scientist.May software developers.May mga guro ring bumalik sa sarili nilang komunidad upang ipasa ang kanilang natutuhan sa susunod na henerasyon.Samantala, ang Lumi-X Research Center ay isa na sa pinakamalalaking AI research institutions sa Asya.Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na iyon, nanatiling simple ang pamumuhay nina Lucien at Amara.Isang Sabado ng umaga ay naglalakad silang mag-anak sa loob ng foundation campus.Sa pagitan nila ay masayang tumatakbo ang limang taong gulang na si Liam.May hawak itong maliit na robot na siya mismo ang gumawa sa tulong ng mga mentor sa foundatio
Mabilis na lumipas ang mga buwan.Lalong naging maingat si Lucien sa pag-aalaga kay Amara.Hindi na niya ito hinahayaang magbuhat ng mabibigat na gamit.Kapag may meeting si Amara sa research center, sinisiguro niyang hindi ito magtatagal.At kahit gaano siya kaabala, hindi niya pinalalampas ang bawat prenatal checkup.Sa bawat ultrasound ay mas lalo silang nasasabik.Hanggang sa dumating ang araw na matagal nilang hinihintay.Madaling-araw iyon.Tahimik ang buong bahay nang biglang magising si Amara.Napahawak siya sa tiyan.Napapikit siya nang maramdaman ang paninikip.Huminga siya nang malalim.Makalipas ang ilang minuto ay muling sumakit.Napatingin siya sa orasan.Alas-tres pa lamang.Marahan niyang tinapik ang balikat ni Lucien."Lucien."Agad itong nagising."Bakit?"Mahina niyang tanong habang hinihimas pa ang mga mata.Napangiwi si Amara."Parang...""...oras na."Biglang nawala ang antok ni Lucien."Ano?""Teka.""Contraction ba?"Tumango si Amara."Parang ganun."Hindi na s







