Home / Romance / Claimed By My Husband's Brother / CHAPTER 7: A SLIP OF THE HAND

Share

CHAPTER 7: A SLIP OF THE HAND

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-10-26 18:54:27

CHAPTER 7: A SLIP OF THE HAND

~

NAIWANG nakatayo si Dani sa gitna ng silid habang unti-unting nawawala ang tunog ng mga yabag ni Irish. Pagkatapos huminga nang malalim, dahan-dahan siyang kumilos para gawin ang kaniyang mga kasunod na responsibilidad.

Bago pa man ganap na magsimula ang umaga para sa lahat, may isang napakahalagang tungkulin pa si Dani, ang tulungan ang kaniyang biyenan na si Doña Victoria sa mga personal nitong pangangailangan, lalo na ang pagpapaalala rito na uminom ng gamot bago mag-agahan.

Kaya naman mabilis na umakyat si Dani sa ikawalang palapag ng mansyon at kumatok nang dalawang beses sa p***o ng kuwarto ni Doña Victoria. Maingat niyang hawak gamit ang dalawang kamay ang tray na naglalaman ng gamot at isang basong malamig-lamig na tubig.

“Pumasok ka,” sagot naman ng boses ng kaniyang biyenan na bakas awtoridad sa tono.

Dahan-dahang inikot ni Dani ang doorknob at pumasok. Nakabihis na si Doña Victoria at nakaupo sa harap ng kaniyang vanities, pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin.

“Inumin niyo na po muna ang gamot niyo, Mommy,” magalang na sabi ni Dani sabay maingat na inilapag ang tray sa bedside table.

Lumingon si Doña Victoria na may malamig na mga mata habang pinagmamasdan si Dani mula ulo hanggang paa. Inabot ng dalaga ang baso ng tubig at ang mga tabletas.

“Nasaan ka kagabi?” pabulong ngunit puno ng diin ang tanong ng matanda. “Bakit wala ka sa hapag-kainan?”

Naramdaman ni Dani ang biglang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan. Naalala niya ang matinding galit ni Drake kagabi dahil sa kaniyang kawalan sa hapunan. “Sorry po, Mommy. Masama po ang pakiramdam ko kagabi kaya hindi na po ako nakasabay sa inyo.”

Hindi na siya nagdagdag pa ng iba pang dahilan dahil alam niyang walang silbi. Ayaw ni Doña Victoria ng mahahabang paliwanag at kailanman ay hindi ito maniniwala sa anumang sabihin niya. Kaya ano pa bang saysay kung magpapaliwanag siya?

Mabilis na inabot ng matanda ang baso, ininom ang gamot, at ibinalik ang baso nang hindi man lang tumitingin sa kaniya. Agad namang itong kinuha iyon ni Dani at inilagay muli sa tray. Nananatili pa rin si Dani sa kanyang pwesto dahil hindi pa tapos ang kaniyang gawain. Lumapit siya sa likod ng matanda, kinuha ang suklay, at dahan-dahang sinuklayan ang mahabang buhok ng kaniyang biyenan para ayusin ito.

“Tapos na po, Mommy,” mahinang sabi ni Dani pagkatapos ilagay ang huling hair pin.

Nang tatangkain na niyang humakbang pabalik para kunin ang tray, pinigilan siya ng boses ng kaniyang biyenan. “Kunin mo nga tungkod ko.”

Mabilis na kinuha at inabot ni Dani ang tungkod bago inakay ang kaniyang biyenan palabas ng kuwarto patungong dining room. Naglalakad si Dani sa kaliwang bahagi ng matanda, hawak ng isang kamay ang tray habang ang isa naman ay maingat na nakaalalay sa braso ni Doña Victoria para hindi ito madulas.

Subalit nang papalapit na sila sa hapag-kainan kung saan nakaupo na ang ibang miyembro ng pamilya, marahas na tinabig ng matanda ang kaniyang kamay.

“Huwag mo akong hawakan! Baka itulak mo pa ako para tumumba ako!” malakas na sigaw ni Doña Victoria, sapat para mapalingon ang lahat ng tao sa mesa.

Lahat ng matatalim na tingin ay mabilis na dumapo kay Dani, dahilan para matulala siya at mamutla ang kaniyang mukha.

“Sorry na po, Mommy,” pabulong niyang hingi ng tawad bago mabilis na inilapit ang upuan para makaupo ang matanda.

—

PAGKATAPOS ng agahan, muling naging tahimik ang malaking mansiyon. Mabilis na nag-alisan ang ibang miyembro ng pamilya para pumasok sa kani-kanilang trabaho. Si Dani na lamang ang natira.

Kahit isa siya sa in-laws ng bahay, kailangan niyang ipagpatuloy ang kaniyang mga pang-araw-araw na gawain. Dahil ang pagluluto kaninang umaga ay ibinigay sa mga kasambahay, siya naman ngayon ang gumawa sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

Ibinaba ni Dani ang kaniyang mga sleeves at ibinabad ang kaniyang mga kamay sa may sabon na tubig. Dahan-dahan niyang nililinis ang mga plato ng pamilyang walang ginawa kundi ang tapakan ang kaniyang dangal.

Nang matapos niya ang lahat ng gawain sa kusina at maglalakad na sana pabalik sa kaniyang kuwarto, bigla niyang naalala, Biyernes pala ngayon. Ang araw kung kailan ginugupitan niya ng kuko ang kaniyang biyenan.

Lahat ng gawaing may kaugnayan kay Doña Victoria ay nagdudulot ng matinding takot sa kaniya. Huminga nang malalim si Dani at pinilit ang sarili na kayanin ang gawaing ito.

Kinuha niya ang nail cutter at dahan-dahang lumakad patungo sa living room.nDoon, nakaupo si Doña Victoria sa isang single sofa habang nagbabasa ng isang luxury magazine. Sa tabi nito ay nakaupo si Yngrid, habang karga ang kaniyang anim na buwang gulang na sanggol na si Althea. Ang panganay nitong si Aliyah ay masayang naglalaro sa mamahaling carpet sa kanilang harap.

“Mommy, gupit po ng kuko ninyo ngayon,” pabulong na sabi ni Dani habang maingat na lumalapit.

Mabilis lang siyang nilingon ng matanda bago inilahad ang kanang kamay. Lumuhod naman si Dani sa sahig sa harap ng kaniyang biyenan at dahan-dahang sinimulang gupitin ang kuko nito nang may labis na pag-iingat.

Subalit mayamaya pa'y narinig nila ang tunog ng mamahaling sapatos na lumalapit. Lumabas si Light mula sa kaniyang study room, ang kaniyang napakapangyarihang presensya ay mabilis na bumalot sa buong silid.

“Daddy!” masayang tawag ng batang si Aliyah.

Tanging ang pagtaas lang ng kaniyang kilay ang naging tugon ni Light sa kaniyang anak bago lumapit at umupo sa tabi ng kaniyang asawang si Yngrid. Ang kaniyang mga mata ay panandaliang tumingin sa kaniyang anak na naglalaro sa carpet bago ito bumaba kay Dani na nakaluhod sa sahig, maingat na ginugupitan ang kuko ng kaniyang ina.

“ARAY!”

Isang matinis na hihiyaw ang lumabas sa bibig ni Doña Victoria sa gulat. Sa kaniyang pagkagulat, marahas niyang itinulak ang noo ni Dani gamit ang kaniyang kamay. Nawalan ng balanse si Dani at napaupo sa sahig habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat. Malakas na tumilapon ang nail cutter mula sa kaniyang kamay at nagpaikot-ikot sa marmol na sahig...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 18: The Heir’s Proposition

    CHAPTER 18: The Heir’s Proposition—NAPAYUKO si Dani at pinunasan ang mga luha sa pisngi.“Drake also told me that he only married me because of the late Grandpa Alfredo's last will.”Saglit na natahimik ang buong kuwarto. Hindi agad sumagot si Light. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon habang bahagyang nagdikit ang mga kilay niya.Maraming bagay ang nagsimulang magdugtong-dugtong sa isip niya. Ang pag-aasawa ni Drake kay Dani. Ang pressure mula sa kanilang ina.nAng pangangailangan ng pamilya na magkaroon ng lalaking tagapagmana. At ang huling habilin ng kanilang yumaong lolo.Isang mapait na ngiti ang unti-unting nabuo sa labi ni Light. Kung tutuusin, hindi naman bago sa kanilang pamilya ang mga ganitong komplikasyon. Pero ibang usapan ang gamitin ang sariling asawa para makakuha ng anak mula sa ibang lalaki. At mas lalong ibang usapan ang ilagay ang babae sa isang sitwasyong wala itong tunay na kalayaang tumanggi.Dahan-dahang bumaling si Light kay Dani. Nakatayo

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 17: The Truth Behind the Marriage

    CHAPTER 17: The Truth Behind the Marriage—BAHAGYANG umangat ang isang kilay ni Light. “Why not?” Kumunot ang noo niya. “If he was the one who asked you to do this, why shouldn't I hold him responsible?”Walang naisagot si Dani. Hindi dahil wala siyang gustong sabihin, kundi dahil hindi niya alam kung paano ipagtatanggol ang isang lalaking naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon.Nang makita ni Light na hindi siya sumasagot, may kung anong ideya ang pumasok sa isip nito. “Did he ask you to sleep with another man for money?”Napatitig si Dani sa kanya. “K-Kuya...”Hindi makapaniwala si Light sa sarili niyang hinala. Hindi naman kapos sa pera si Drake. Hindi rin nito kailangang gumawa ng ganoong bagay para lang kumita. Pero kung hindi iyon ang dahilan, ano pa ang posibleng nagtulak dito para ipadala ang sarili nitong asawa sa ibang lalaki?“Please, let me explain,” pakiusap ni Dani. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya. “I know this looks bad, but please don't judge me before yo

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 16: A Night of Questions

    CHAPTER 16: A Night of Questions“Light?”Kakagaling lang ni Yngrid sa bathroom matapos gumamit ng toilet nang mapansin niyang walang tao sa kama. Agad siyang napasimangot. Lumingon siya sa magkabilang panig ng kuwarto, umaasang makikita ang asawa niya sa isang sulok. Pero ang nadatnan lang niya ay ang gusot na kumot at mga unan na nakakalat sa kama.Napabuntong-hininga siya..“Sa study room na naman siguro,” bulong niya habang nakapamewang. “Bakit hindi na lang kaya niya pakasalan 'yang laptop niya?”Inis siyang bumalik sa kama at padabog na humiga. Nakatitig siya sa kisame habang naka-pout ang mga labi. “Another night of sleeping alone,” reklamo niya sa sarili.Ilang sandali siyang nanatiling nakahiga, umaasang baka sakaling pumasok si Light sa kuwarto at samahan siya. Pero lumipas ang ilang minuto, wala pa rin. Napabuntong-hininga siya at hinila ang kumot hanggang dibdib.Sanay na siyang ganoon ang asawa niya. Kapag may trabaho, halos nakakalimutan na nitong may naghihintay sa kanya

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 15: SHADOWS OF DECEIT

    CHAPTER 15: SHADOWS OF DECEIT‘NGAYONG gabi, ginawan ko na ng reservation 'yung lalaking ibinigay ko sa 'yo.’Ang mga salita ni Drake kagabi ay patuloy na nagpapabaliktad sa sikmura ni Dani ngayong umaga. Ngayong gabi, wala na siyang takas. Kailangan na niyang makipagkita sa lalaking tinutukoy ni Drake.Pinunasan ni Dani ang kaniyang mukha sa matinding frustration. “Paano kung malaman ni Mommy? Hindi ba siya magagalit? Lalo na... kung ang bata ay hindi kamukha ni Drake?”Nababagabag ang kaniyang kalooban sa ideya ng pagbibigay ng anak na wala sa tunay na dugo ng mga Del Fierro. Mabigat ang kaniyang pakiramdam, pero ayaw rin niyang maging dahilan ng pagkawasak ng lahat.“Dani.”Napatigil ang dalaga nang marinig ang kaniyang pangalan mula sa lalaking may gwapo ngunit napakalamig na mukha, na may malalim at mabigat na boses na agad na nagpapatuwid sa likod ng kahit sino. Ang kaniyang superior at bayaw, si Light.Matalim siyang tinitigan ng lalaki habang inilalahad ang isang folder ng dok

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 14: The Boss's First Order

    “YOU'RE in my private restroom.”Napayuko siya. “I know, sir. I'm sorry. Hindi ko po alam na private restroom pala ito. Akala ko po kasi—”“Next time, ask before using a facility you aren't familiar with.”“Yes, sir.”“Especially when you're working in an executive office.”Mas lalo siyang napahiya. “Opo. I'm really sorry.”Hindi sumagot si Light. Itinapon lamang nito ang ginamit na tissue sa basurahan bago muling humarap sa kanya. For a moment, he studied her face. Namumula ang mga pisngi nito, at halatang pilit nitong pinipigilan ang sariling kabahan. He could have said something else.Could have reminded her that she needed to learn the rules quickly if she wanted to keep the job. Instead, his attention settled on the way she kept avoiding his eyes.“Dani.”Agad siyang napatingin. “Yes, sir?”“There's one more thing you need to understand.”Napahigpit ang hawak niya sa pouch. “What's that?”“From now on, we're in the office. Whatever relationship we have outside this building stays

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 13: Trapped in His Presence

    ILANG MINUTO pa ang lumipas, bumukas ang pinto ng office. Pumasok si Light habang may binabasa sa cellphone. Pagkasara ng pinto, agad niyang inilapag ang ilang dokumentong dala niya sa ibabaw ng desk. Then his eyes moved toward the workstation beside him. Napahinto siya. May bag sa tabi ng upuan. May pouch sa mesa. At may cellphone na nakapatong malapit sa keyboard. Pero wala ang babaeng inaasahan niyang makikita roon. Bahagyang nagdikit ang kanyang mga kilay. “Where is she?”Hindi niya kailangang maghintay nang matagal para mapansin ang bahagyang bukas na pinto sa kabilang bahagi ng office suite. The restroom. Napabuntong-hininga siya. First day pa lang, hindi pa niya nakikita ang bagong secretary niya, at wala na agad ito sa workstation.‘Interesting,’ usal niya sa sarili.Bago pa siya makalapit sa pinto, isang notification ang tumunog mula sa cellphone ni Dani. Napatingin siya sa screen. Hindi niya intensiyong basahin ang pribadong mensahe ng babae. Ngunit dahil maliwanag ang disp

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status