LOGINCHAPTER 6: THE BREAKING POINT
~ “DRAKE...” nanginginig na tawag ni Dani habang dahan-dahang tumatayo mula sa sofa. Hawak ng nanginginig niyang mga daliri ang business card na ibinagsak nito sa kaniya. “Bakit kailangan mo pang ibalik ang usapang ’to?” “Bakit?” Mas lalong tumalim ang titig ni Drake habang humahakbang ito palapit sa kaniya. “Oh... akala mo ba nagbibiro lang ako nung umaga? Akala mo ba tinatakot lang kita tungkol sa billing ng lolo mo sa ospital, huh?” Yumuko si Dani. Pilit niyang pinipigilan ang panlalabo ng kaniyang mga mata habang nilulukot ng kaniyang mga daliri ang maliit na papel hanggang sa magkabuhol-buhol ito. “Drake, please... hindi ko kaya,” basag ang boses na usal ni Dani. Halos hindi na lumalabas ang kaniyang boses sa matinding bara sa kaniyang lalamunan. “Hindi ko kayang gumawa ng gano’ng bagay.” Lalong lumapit si Drake hanggang sa walang natirang espasyo sa pagitan nila, dahilan para maramdaman ni Dani ang malamig at nakalulunod na presensya ng kaniyang asawa. “Kailangan mong kayanin,” malamig nitong bulong sa kaniya. “Dahil wala ka nang ibang pagpipilian.” Inangat ni Dani ang kaniyang mukha, hilam ng luha ang kaniyang mga mata. “Drake... pakiusap. Huwag mo naman akong pilitin nang ganito. Kung tungkol lang sa gastusin sa ospital, ako, ako ang maghahanap ng paraan—” “Shut up.” Isang salita lang iyon, pero sapat na para tuluyang patahimikin si Dani. Matagal siyang tinitigan ni Drake nang matalim, tila ba diretso nitong binubutas ang dibdib niyang kanina pa suffocated sa sakit. “Gusto mo bang malaman kung bakit paulit-ulit kong sinasabi ’to sa ’yo?” Mas lalong bumaba ang boses ni Drake, mas naging malamig at mas matalim kaysa kanina. “Sa tingin mo, kaninong kasalanan kung bakit ako palaging ipinapahiya at itinuturing na walang kuwenta ni Mommy sa harap nina Kuya Light at Kuya Raven?” Iginalaw ni Drake ang kaniyang hintuturo at idiniin ito sa kaniyang sariling dibdib, habang mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang balikat. “Ako ang napapahiya, Dani. Ako ang palaging pinupuna at binubuntunan ng galit ni Mommy. Tuwing nakaupo tayo sa dinner table, ako lang ang paborito niyang gisahin at ihain sa harap ng lahat.” Naging bitter at puno ng matinding inggit ang tono ng boses ni Drake, saka muling inangat ni Drake ang kaniyang kamay at itinuro ang kaniyang asawa. “Tapos ngayong gabi, may lakas ka pa ng loob na hindi humarap sa dinner kanina? Sinasadya mo talagang ipahiya ako lalo, ’no?” Bumaba ang kaniyang tingin sa nanginginig na bibig ni Dani bago ito direktang tumitig sa kaniyang mga mata. “Kaya huwag ka nang magreklamo. Sundin mo na lang ang utos ko,” pabulong ngunit puno ng matinding pressure na sabi ni Drake. Idiniin niya nang malakas ang kaniyang hintuturo sa gitna ng dibdib ni Dani. “Mabuntis ka agad. ’Yon lang ang tanging paraan para mabayaran mo ang lahat ng pagpapahiyang ibinabato sa akin ng pamilyang ’to dahil sa ’yo. Or else, dalawa kayong mamamatay ng lolo mong hukluban!” — KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Dani kahit halos hindi siya nakatulog buong gabi. Kailangan niyang tapusin ang kaniyang mga gawaing-bahay bago magsimula ang araw ng pamilya Del Fierro. “Tama nga ang sinasabi ni Yngrid, napaka-multifunctional mo pala talaga,” natatawang sabi ni Irish habang nakasandal sa pintuan ng laundry room, nakatitig kay Dani na seryosong nagpa-plantsa ng kaniyang designer blazer. “Hindi na pala kailangang mag-hire ng maraming katulong ni Mommy. Ikaw lang sapat na dito sa mansiyon, malinis at maayos na ang bawat sulok.” Tunog papuri ang kaniyang mga salita, pero ang ibig sabihin niyon ay isang malinaw na pang-iinsulto sa kaniyang pagkatao. Si Dani, na nasanay nang maging tampulan ng mga panlalait sa bahay na iyon, ay hindi man lang kumibo. Pagkatapos mailapat ang huling bahagi ng damit, pinatay niya ang plantsa at maayos na inilipat ang kable nito. “Tapos na po, Ate Irish,” kaswal at walang emosyong sabi ni Dani. Hindi man lang siya tumingin sa mukha ng kaniyang hipag. “Talaga? Patingin nga.” Mabilis na inagaw ni Irish ang blazer at sinuri iyon na tila ba naghahanap ng kahit maliit na pagkakamali. Pagkalipas ng ilang segundo, nagpakawala ito ng isang mapait na ngisi. “Tingnan mo nga naman. May mga lukot pa rin oh. Ayaw na ayaw ko pa naman sa hindi perpekto. Ayusin mo nga ’to! Ano ba namang klase ’yan?” Inihagis muli ni Irish ang blazer sa ibabaw ng ironing board. Nananatiling nakatayo si Dani, nakatitig lang sa damit na walang galit, walang takot, at walang reaksyon na para bang unti-unti na siyang nagiging manhid sa lahat. At ang kawalan ng reaksyon na iyon ang mas lalong nagpagalit kay Irish. “Bakit ka nakatitig nang ganyan, ha?” Matalim na nanlisik ang mga mata ng corporate lawyer. Ipinagkrus nito ang kaniyang mga braso at bahagyang yumuko palapit kay Dani. “Hindi bukal sa loob mo na ipag-aplantsa ako ng blazer, ganun ba?” Bubuka na sana ang bibig ni Dani para magpaliwanag, pero naputol iyon sa isnag malakas at malamig na boses. “Irish!” Ang boses ni Raven mula sa hallway ang pumutol sa tensyon. Nakatayo ang kaniyang asawa sa may pintuan, halatang naiinip na. “Bilisan mo diyan, male-late na ako sa hearing!” Mabilis na lumingon si Dani at nakita si Raven na nakatitig sa kaniya nang matalim. Mabilis lang iyon, pero sapat na para mas lalo pang yumuko si Dani. “Papunta na!” sigaw ni Irish, halatang naiinis. Pero ang galit nito ay hindi ibinuhos sa kaniyang asawa, kundi muling ibinalik kay Dani. Inagaw nito ang blazer na naging lukot-lukot muli at binigyan si Dani ng isang malamig na ngisi. “May araw ka rin sakin,” bulong nito bago mabilis na tumalikod at umalis. Naikuyom na lang ni Dani ang kanyang mga kamay at tahimik na nagtanong sa sarili kung hanggang kailan niya pagtitiisan ang pamilyang iyon na itinuturing siyang basura?CHAPTER 18: The Heir’s Proposition—NAPAYUKO si Dani at pinunasan ang mga luha sa pisngi.“Drake also told me that he only married me because of the late Grandpa Alfredo's last will.”Saglit na natahimik ang buong kuwarto. Hindi agad sumagot si Light. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon habang bahagyang nagdikit ang mga kilay niya.Maraming bagay ang nagsimulang magdugtong-dugtong sa isip niya. Ang pag-aasawa ni Drake kay Dani. Ang pressure mula sa kanilang ina.nAng pangangailangan ng pamilya na magkaroon ng lalaking tagapagmana. At ang huling habilin ng kanilang yumaong lolo.Isang mapait na ngiti ang unti-unting nabuo sa labi ni Light. Kung tutuusin, hindi naman bago sa kanilang pamilya ang mga ganitong komplikasyon. Pero ibang usapan ang gamitin ang sariling asawa para makakuha ng anak mula sa ibang lalaki. At mas lalong ibang usapan ang ilagay ang babae sa isang sitwasyong wala itong tunay na kalayaang tumanggi.Dahan-dahang bumaling si Light kay Dani. Nakatayo
CHAPTER 17: The Truth Behind the Marriage—BAHAGYANG umangat ang isang kilay ni Light. “Why not?” Kumunot ang noo niya. “If he was the one who asked you to do this, why shouldn't I hold him responsible?”Walang naisagot si Dani. Hindi dahil wala siyang gustong sabihin, kundi dahil hindi niya alam kung paano ipagtatanggol ang isang lalaking naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon.Nang makita ni Light na hindi siya sumasagot, may kung anong ideya ang pumasok sa isip nito. “Did he ask you to sleep with another man for money?”Napatitig si Dani sa kanya. “K-Kuya...”Hindi makapaniwala si Light sa sarili niyang hinala. Hindi naman kapos sa pera si Drake. Hindi rin nito kailangang gumawa ng ganoong bagay para lang kumita. Pero kung hindi iyon ang dahilan, ano pa ang posibleng nagtulak dito para ipadala ang sarili nitong asawa sa ibang lalaki?“Please, let me explain,” pakiusap ni Dani. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya. “I know this looks bad, but please don't judge me before yo
CHAPTER 16: A Night of Questions“Light?”Kakagaling lang ni Yngrid sa bathroom matapos gumamit ng toilet nang mapansin niyang walang tao sa kama. Agad siyang napasimangot. Lumingon siya sa magkabilang panig ng kuwarto, umaasang makikita ang asawa niya sa isang sulok. Pero ang nadatnan lang niya ay ang gusot na kumot at mga unan na nakakalat sa kama.Napabuntong-hininga siya..“Sa study room na naman siguro,” bulong niya habang nakapamewang. “Bakit hindi na lang kaya niya pakasalan 'yang laptop niya?”Inis siyang bumalik sa kama at padabog na humiga. Nakatitig siya sa kisame habang naka-pout ang mga labi. “Another night of sleeping alone,” reklamo niya sa sarili.Ilang sandali siyang nanatiling nakahiga, umaasang baka sakaling pumasok si Light sa kuwarto at samahan siya. Pero lumipas ang ilang minuto, wala pa rin. Napabuntong-hininga siya at hinila ang kumot hanggang dibdib.Sanay na siyang ganoon ang asawa niya. Kapag may trabaho, halos nakakalimutan na nitong may naghihintay sa kanya
CHAPTER 15: SHADOWS OF DECEIT‘NGAYONG gabi, ginawan ko na ng reservation 'yung lalaking ibinigay ko sa 'yo.’Ang mga salita ni Drake kagabi ay patuloy na nagpapabaliktad sa sikmura ni Dani ngayong umaga. Ngayong gabi, wala na siyang takas. Kailangan na niyang makipagkita sa lalaking tinutukoy ni Drake.Pinunasan ni Dani ang kaniyang mukha sa matinding frustration. “Paano kung malaman ni Mommy? Hindi ba siya magagalit? Lalo na... kung ang bata ay hindi kamukha ni Drake?”Nababagabag ang kaniyang kalooban sa ideya ng pagbibigay ng anak na wala sa tunay na dugo ng mga Del Fierro. Mabigat ang kaniyang pakiramdam, pero ayaw rin niyang maging dahilan ng pagkawasak ng lahat.“Dani.”Napatigil ang dalaga nang marinig ang kaniyang pangalan mula sa lalaking may gwapo ngunit napakalamig na mukha, na may malalim at mabigat na boses na agad na nagpapatuwid sa likod ng kahit sino. Ang kaniyang superior at bayaw, si Light.Matalim siyang tinitigan ng lalaki habang inilalahad ang isang folder ng dok
“YOU'RE in my private restroom.”Napayuko siya. “I know, sir. I'm sorry. Hindi ko po alam na private restroom pala ito. Akala ko po kasi—”“Next time, ask before using a facility you aren't familiar with.”“Yes, sir.”“Especially when you're working in an executive office.”Mas lalo siyang napahiya. “Opo. I'm really sorry.”Hindi sumagot si Light. Itinapon lamang nito ang ginamit na tissue sa basurahan bago muling humarap sa kanya. For a moment, he studied her face. Namumula ang mga pisngi nito, at halatang pilit nitong pinipigilan ang sariling kabahan. He could have said something else.Could have reminded her that she needed to learn the rules quickly if she wanted to keep the job. Instead, his attention settled on the way she kept avoiding his eyes.“Dani.”Agad siyang napatingin. “Yes, sir?”“There's one more thing you need to understand.”Napahigpit ang hawak niya sa pouch. “What's that?”“From now on, we're in the office. Whatever relationship we have outside this building stays
ILANG MINUTO pa ang lumipas, bumukas ang pinto ng office. Pumasok si Light habang may binabasa sa cellphone. Pagkasara ng pinto, agad niyang inilapag ang ilang dokumentong dala niya sa ibabaw ng desk. Then his eyes moved toward the workstation beside him. Napahinto siya. May bag sa tabi ng upuan. May pouch sa mesa. At may cellphone na nakapatong malapit sa keyboard. Pero wala ang babaeng inaasahan niyang makikita roon. Bahagyang nagdikit ang kanyang mga kilay. “Where is she?”Hindi niya kailangang maghintay nang matagal para mapansin ang bahagyang bukas na pinto sa kabilang bahagi ng office suite. The restroom. Napabuntong-hininga siya. First day pa lang, hindi pa niya nakikita ang bagong secretary niya, at wala na agad ito sa workstation.‘Interesting,’ usal niya sa sarili.Bago pa siya makalapit sa pinto, isang notification ang tumunog mula sa cellphone ni Dani. Napatingin siya sa screen. Hindi niya intensiyong basahin ang pribadong mensahe ng babae. Ngunit dahil maliwanag ang disp







