Share

 Chapter 9 – I have never lost to anyone

Nagsimula na ang miting na ginanap sa confession room, nakatayo lamang si Bella sa tabi ng pintuan habang hinihintay na matapos ang miting ngunit ang pilyong si Mr. Wright ay inutusan ang kanyang staff na papasukin siya sa loob.

Habang naglalakad papasok sa loob si Bella, ang lahat ng nasa loob ay humahanga sa kanyang natatangi at natural na ganda. 

“Would you want a cup of coffee, Sir?” tanong niya sa binata habang nakangisi rito.

“No,” he coldly refused her offer, and she grins and stands by his side. “Ms. Chen, you may sit next to me,” he offers, nais niyang tanggihan ang utos nito ngunit may kung anong nag-udyok sa kanyang isipan na sundin na lamang ito para hindi na siya pag-initan ng husto nito.

Tumagal pa ang miting nila nang higit sa isang oras, isa-isang pinapakita ng mga ito ang kani-kanilang desinyo. Bakas sa mukha ni Bella ang pagkaantok ng mga sandaling iyon, unti-unti nang sumasara ang mga mata niya, pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman ngunit bigo siya.

Napansin naman ni Ezekiel na malapit nang bumagsak ang ulo ng dalaga sa table, mabilis niyang ipinatong ang kamay niya sa mesa at nasalo ang ulo nito. Napahinto ang speaker nang makita ang ginawa ng CEO para kay Bella at napangiti, sumenyas ito sa kanila na ituloy ang presentation habang marahan niyang inaalis ang kamay niya sa ilalim ng ulo nito ng hindi niya ito nagigising. Hindi rin maintindihan ni Kiel kung bakit ganun na lamang siya kay Bella, pilitin man niyang huwag gawin ang mga ito ngunit nagagawa pa rin niya ito unknowingly. 

Naalimpungatan si Bella makalipas ang limang minuto dahil sa tensyon sa loob ng silid. Mabilis niyang inangat ang ulo upang makita kung anong nangyari ngunit nanlaki ang mga mata niya nang malamang nakaidlip pala siya buong miting. Nilingon niya ang inuupuan ni Kiel na tahimik na nakaupo sa tabi niya habang pinapanuod na nagtatalo ang mga tauhan. Nahihiyang napangiti siya rito ngunit sinimangutan naman siya ng binata dahil sa kanyang ginawang pagtulog.

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa mga nagtatalo at inalam kung anong problema ng mga ito. Tumayo siya upang kausapin ang isa sa mga ito ngunit naramdaman niya ang paghawak ni Kiel sa braso niya. “Anong plinaplano mong gawin?” tanong nito. 

“Gusto kong tulungan silang masolusyunan ang problema nila,” prangka niyang sagot. 

“Hindi ka ba natatakot na mapahiya? Paanong ang isang business graduate na katulad mo ay magkakaroon ng knowledge tungkol sa architectural designing?” he mocks her which made her face him.

“How did you know that I have a degree in business?” tanong ni Bella “I have my assistant to check your background,” he replied.

“Ibig sabihin pala ay umpisa palang ay wala ka ng tiwala sakin?” naiinis niyang duda sa binata. “I'm only trying to explain that you can't be an ace at each area you go,” he replied. “And… sinabi ko bang may tiwala ako sa’yo?” dagdag pa ni Kiel.

Hindi na gusto pang ituloy ni Bella ang pakikipagtalo sa binata kahit na nasaktan siya sa sinabi nito, she just ignored him, she remarked, “just wait and you’ll see.”

Hinayaan na lamang ni Kiel na magpakitang gilas si Bella para malaman rin niya ang kakayahang mayroon ang dalaga.

“Ito ang dapat palitan,” nakita ni Kiel ang pag-uutos ni Bella sa mga tauhan na tila ba alam na alam niya ang gagawin. 

After a few minutes, they already finished the task and inform their boss about it.

“Sir, we solve the problem with the help of your --- secretary,” Ian told him.

Tumango ito at nagsalita, “the meeting has been adjourned, pakiiwan niyo na lamang ang mga plates sa table at isa-isa kong titignan ang mga ito.” Lahat ay nagsilabasan na sa silid matapos silang utusan ni Ezekiel. 

Tahimik ang binata habang minamasdan si Bella sa loob ng conference room, hindi na matiis ni Bella ang hindi kumibo dahil sa tagal na rin nitong nakatitig sa kanya kaya naman binasag na niya ang katahimikan. “Did I offend you in any way, sir?” she questioned.

“No, pero tila balak mong sirain ang reputasyon ng aking kumpanya sa ginagawa mong pakikielam,” malamig niya sambit. 

Nainis si Bella sa binitawang salita ng binata at sinagot ito, “at bakit ko naman gagawin ‘yun?”

“Para maghinganti,” tugon niya, tumayo ang binata at naglakad palapit sa kanya habang nakatuon ang matatalas na mga mata sa kanya, “you're taking vengeance on me,” he replied emotionlessly.

“Why would I do that to your business? Sir, hindi mo ba napansin na palagi akong nanalo sa ating mga away? So, ibig sabihin lamang nun na hindi ko kailangang gawin yang sinasabi mong paghihiganti.” Natatawa niyang paliwanag.

“At NEVER akong natalo ninuman,” pagyayabang niya habang palapit ng palapit ang binata, inilapit nang husto ni Kiel ang mukha niya sa mukha ng dalaga habang si Bella ay napapaatras naman hanggang sa ma-corner siya nito sa pader, “sisiguraduhin kong matatalo kita ngayon, Bella,” mariin ang pagkakabanggit nito sa kanyang pangalan.

Bumilis ang kabog ng dibdib ni Bella nang ilapit ng binata ang mukha nito sa kanya kung saan nadarama na niya ang bawat paghinga nito, “a—anong binabalak mong gawin?” nauutal niyang tanong.

“I'm just trying to tease you,” nakangising tugon nito. Iniwan siya ng binatang nakatulala at lumabas ng silid dala ang mga desinyo ng kanyang mga empleyado.

Marahang hinagod ni Bella ang kanyang dibdib at huminga ng malalim, “binabaliw ako ng lalaking yun,” bulong niya.

Hinintay ni Luke si Kiel sa labas ng silid at binate ito. “Sir, nakalimutan ba nilang buksan ang airconditioner sa loob?” usisa niya nang mapansin ang pawis sa mukha ng CEO. 

He looked at his assistant and handed him the blueprints; he returned to his office and sat in his swivel chair.

Pumasok si Luke sa loob ng opisina ni Kiel dala ang blueprints at pinatong sa mesa, agad namang kinuha ni Kiel at minasdang mabuti ang mga ito. Nagulat siya ng makitang walang mali sa mga ginawa ni Bella kaya naman agad niyang binuksan ang kompyuter at chinek muli ang background information ni Bella.  

“Have you discovered any new information on Bella Chen aka Chen Xiu Ying?” tanong niya kay Luke. 

“That is all I know about her, Sir.  Bakit niyo naman naitanong bigla?” nagtatakang sambit ni Luke.

“I have a sense there's something she's keeping hidden,” he concludes.

“Sa palagay ko ay wala na siyang iba pang tinatago, why are you interested in her?” tanong muli ni Luke.

“Hindi ako interesado sa kanya, nagtataka lamang ako kung bakit may alam siya tungkol sa architectural design,” he explained gently.

“Sir, kahit na i-deny mo pa, alam kong may parte pa rin ng puso mo ang may pakielam sa kanya ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo,” tapat niyang sinabi. 

Mr. Wright's attention was drawn to Bella and the design department as they became noisy in the corridor. "Ms. Chen, this man is seeking for you," Clarisse said as the man approached Bella.

 Naramdaman ni Mr. Wright ang pagkirot ng puso niya niya nang makita ang lalaking yumakap sa fiancee niya and Luke speaks abruptly as he sees Mr. Wright's response after watching the scene.

“If you know it's yours, Mr. Wright, you have to fight for it. Don't let your uncertainty lead you to regret anything,” he says.

Clarisse went to the CEO's office to notify him that Bella and the man had already departed. Nakaramdam ng magkahalong galit at inis si Kiel matapos marinig ang balita mula kay Clarisse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status