Share

 Chapter 5 – Official Secretary

Nakaramdam ng kaba si Ezekiel nang makita niya ang pagbagsak ni Bella sa sahig, kusang gumalaw ang kanyang mga paa patungo sa kinaroroonan ng dalaga at tinulungan itong maupo sa couch na ikinagulat ni Bella at maging siya ay nagulat rin sa kanyang ginawa para sa dalaga.

Inutusan niya si Luke na kunin ang medicine kit at mabilis naman nitong sinunod ang utos na iyon. Nang makuha ni Luke ang kit ay agad niya itong ipinatong sa ibabaw ng maliit na mesang nasa loob ng opisina ng kanyang boss.

“Where are you going?” mabilis niyang tanong nang makita si Luke na palabas nan g kanyang opisina.

“Si—sir, nakalimutan kong kunin ang mga papeles sa information desk and they informed me na kailangan mo ng pirmahan ang mga ito,” napapakamot na usal nito.

“At sino sa tingin mo ang gagamot sa kanya?” Napangisi si Luke sa tanong ni Ezekiel. 

“I can do it on my own,” tugon ni Bella habang si Luke ay mabilis na umeksit sa opisina ng amo niya. Tumingin si Ezekiel sa kanya nang tumugon ito ng ganun, kumunot ang noo ng binata ng mapansin niya ang malalim na hiwa sa pagitan ng kanyang mga kilay and instead of being pleased with what he saw, tila natunaw ang kanyang matigas na puso at nakaramdam ng awa para sa kanya.he became concerned for her, causing him to close his fist.

Marahang inabot ni Bella ang medicine kit at kumuha ng cotton ball, pinatakan niya ito ng gamot saka kumuha ng salamin at ginamit ito upang makita ang kanyang sugat at magamot ito habang si Ezekiel ay masusing pinapanuod ang kanyang mga ginagawa. He was annoyed na makita siyang hirap sa paglilinis ng kanyang galos kaya naman inagaw niya ang bulak mula sa kanya, “ako na.”

Nakatuon ang buong atensyon ni Bella sa kanya, naramdaman niya ang pagkabog ng kanyang puso nang mga sandaling umupo ang binata sa kanyang tabi. Manghang nakatitig lamang ito sa makisig na mukha ng binata, minasdan niya ang buong detalye ng mukha nito mula sa makakapal nitong kilay, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, at mapupulang mga labi, humahalik naman sa kanyang ilong ang mabango nitong amoy. Pakiwari niya’y normal lamang ang ganoong pagtibok ng kanyang puso ngunit mas tumindi ang pagkabog nito nang hipan ng binata ang kanyang noo na may sugat at pinagmasdan ang sexy na paghagod ng adam’s apple nito pababa at pataas sa lalamunan ng binata.

Nagsisimula na namang mag-iba ang pagtingin niya dito, and unti-unti na niyang napapatawad ang binata sa ginawa niya kahit pa hindi ito humihingi ng tawad sa kanya.

Nang mapansin ni Ezekiel ang mainit na titig sa kanya ng dalaga ay piniga niya ng malakas ang sugat nito na nagpasigaw sa kanya dahil sa sakit nito kaya naman itinulak niya ito palayo ngunit hindi ito natinag at nanatili ito sa kanyang tabi, itinapon niya ang bulak sa kanya at galit na umusal, “baliw ka na. Do it on yourself!” He turns around and walks back to his table.

Napasimangot si Bella sa ugaling pinakita nito sa kanya, “you are crazier than me,” palaban niyang bulong. 

“Anong sinabi mo?” tanong ni Ezekiel nang makita ang paggalaw ng mga labi niya na tila may sinasabi sa kanya.

Tumayo si Bella at tumugon ng walang pag-aalinlangan sa tanong niya, “ang sabi ko… you are crazier than me.”

Nabwisit si Ezekiel sa matapang na tugon ng dalaga s kanya, he clenched his teeth in irritation. Pinilit niyang pigilin ang inis na kanyang nadarama at ngumisi sa dalaga at pinakitang hindi siya apektado kahit na gulat siya sa tapang na pinapakita nito sa kanya dahil walang sinumang babae ang tumrato sa kanya ng ganito, “bago ko malimutan, inatasan ko ang aking assistan to draft the contract for you." Wika ng binata.

“A-anong ibig mong sabihin?” gulat niyang tanong. Napaisip si Bella kung bakit kailangan niyang pumirma ng kontrata sa kumpanya nito gayong alam niyang hindi naman siya magtatagal dito.

Tumayo ang binata at naglakad palapit sa kanya, “you will officially work for me as my secretary.” Bulong nito sa kanya, hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kilabot ng marinig ang mga salitang yun sa kanya.

“WHAAAAT?!?” nanlaki ang mga mata ni Bella sa gulat. “I repeat, you will be working for me as my secretary,” naglakad ito paikot sa kanya.

Nalaglag ang panga ng dalaga at napako sa kanyang kinatatayuan na tila huminto sa pag-ikot ang orasan.

“Bilisan mong gawin ang trabaho mo dahil bawat segundo ay bilang unless gusto mong magtrabaho sa kumpanya ko ng taon,” narinig niyang usal ng binata. Muling nabalik siya sa kanyang sarili matapos marinig ang binitawan nitong salita, “mas pipiliin kong maging katulong sa bahay mo kaysa maging sekretarya mo atleast doon hindi ko araw-araw makikita ang pagmumukha mo,” inis niyang tugon sa sinabi niya.  

“Nakalimutan mo yatang wala kang karapatang pumili dahil sa ayaw o sa gusto mo man, you will be my secretary!” muli niyang bulong sa dalaga.

“This is really absurd! How did I end myself in this situation?Ayokong magtrabaho para sa bastos, arogante, and nakakainis na lalaking ito. Hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi ko nakita ang pagmumukha ng Wright na yun sa billboard! She said to herself.

Dumating si Luke dala ang kontrata at ibinigay kay Bella, “miss. Please sign the contract,” iniabot din nito ang pen sa kanya ngunit tinitigan lang nito ang papel at tumingin ng seryoso kay Ezekiel.

“Wala kang ibang choice o baka naman gusto mong bigyan kita ng ibang option uli?” pang-aasar niyang tanong sa dalaga, “baka naman mas gusto mong mabulok sa bilangguan? Ano mang mas gusto mo?” nakangisi niyang tanong.

“My name is not written here,” inis niyang reklamo habang nakatitig sa papel. 

Luke answered, “Miss, you haven’t introduced yourself to us, pwede bang ikaw na rin ang maglagay ng pangalan mo dyan kasabay ng pagpirma mo?.”

“Dahil hindi naman kayo nagtatanong,” sarkastik niyang sinabi saka pinirmahan ang kontrata. Iniabot ni Bella ang kontrata kay Luke na siya namang ipinasa nito kay Ezekiel. Tinignan ng binata ang pirma ng dalaga at binasa ng malakas ang kanyang pangalan, “Bella Chen.”

Inirapan lamang ni Bella ang pagbasa ni Ezekiel sa kanyang pangalan.

___                              

Samantalang si Anastasia at Emily naman ay alalang-alala sa kalagayan ni Bella dahil magpasahanggang ngayon ay wala pa rin silang balita tungkol kay Bella.

Napabuntong hininga na lamang si Emily at tumingin sa kanyang cellphone habang si Anastasia naman ay umiinom ng tasa ng cappuccino, ipinatong niya ang tasa sa platito and minasdan ang kanyang kaibigan at inabot ang kamay nito, “don’t worry, Emily. Ginagawang lahat ng anak ko para mahanap si Bella. Alam kong hindi siya susuko at paglaon ay makikita rin niya ang iyong anak.” 

“Hindi ko lang maiwasan ang hindi mag-alala para sa kanya, alam kong nagpapanggap lamang siya na matapang kahit alam kong hindi siya ganun kalakas, ang anak ko…” Napaluha si Mrs. Chen sa pag-aalala sa anak.

Nais ni Anastasia na makakuha nan g balita mula sa anak niya kaya naman nag-iwan siya ng mensahe sa anak tungkol sa pinag-utos niya. Makalipas ang ilang minuto ay nakatanggap na siya ng tugon mula sa anak, labis ang tuwa niya kaya ibinalita niya ito agad sa kaibigan upang hindi na ito muling mag-alala. “Emily, kumalma ka na dahil natagpuan na ni Ezekiel ang iyong anak.”

Labis ang tuwang nararamdaman ni Emily matapos marinig ang magandang balita, “talaga? Nasan ang anak ko? Kumusta siya? Gusto ko siyang makita?!” Naeexcite niyang sabi.

“Emily, humihingi ang anak ko ng panahon para mas makilala pa ang anak mo. Anong tingin mo?”

“What a fantastic idea!” masayang tugon ni Emily.

“Indeed! Anastasia chuckles as she says, "I'm expecting good news from them."

---

Kasalukuyang ibinukas ni Bella ang kanyang mga mata at iniunat ang mga braso sa ere at naupo sa kama saka isinandal ang kanyang likod at nagsaya.“Yes, it was just all a dream, no, it’s not a dream, it’s a nightmare!” Nakahinga siya ng maluwag ng mga sandaling iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status