Share

Chapter 8 – Mr. Wright… The right one for you

Tahimik si Ezekiel na nakamasid sa tapat ng glass wall habang nakatitig sa kabuuan ng New York, ang kaniyang mga  kamay ay nakapasok sa loob ng bulsa ng pantalon at maya’t maya ang tingin sa kaniyang suot na relo.

Nanatili siyang malayo ang tingin kahit pa narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto, hindi ito nag-abalang lingunin ang bagong dating sa kaniyang opisina pero ganun pa man, alam niya kung sino ito. “What took you so long?" tanong niya ngunit wala siyang nakuhang sagot.

Napatalon na lamang ang puso niya nang pumulupot sa kanyang ang mga mapilantik na kamay ng dalaga sa kaniyang bewang, mabilis niyang niyuko ang ulo at tinignan ang mga kamay nitong nakapulupot sa kaniya.

Narinig niya ang malakas na katok mula sa labas ng pinto ng kaniyang opisina, “Mr. Kiel…”nagulat siya nang marinig niya ang pamilyar na boses ng babae, mabilis niyang sinipat ang mukha ng babaeng nakapulupot sa kaniya.

Napahiya si Bella nang mahuling may kayakap ang binata, “I'm sorry, Mr. Kiel,” she murmured, mabilis siyang tumalikod at tinakpan ang mukha ng kaniyang mga palad.

“Get lost!!!” narinig niyang sigaw nito, matuling nanakbo palabas ng opisina si Bella at nag-ikot ikot muna, labis ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso habang tawa nang tawa sa nasaksihan niyang itsura ng binata nang mahuli niya ang mga ito.

“Hi, Bella!” Kevin greeted her as soon as he saw her, tumingin siya rito at ngumiti bilang pagbati na rin niya.

“How are you feeling today?” tanong nito.

“I'm - I'm really happy,” she answered happily.

“Mabuti naman kung ganun. Wala kang ideya kung gaano nag-alala sa’yo si Kiel nang bigla kang mawalan ng malay, nagulat nga kami nang buhatin ka niya sa kanyang mga bisig. Bihira yun!” kwento niya.

“Do you mean that he cares for me?” Bella asked him na sinang-ayunan naman ng binata. May isang babae. A lady come to them and handed a file to Kevin, “here are the files that you needed,” she said.

“Thank you, Angeline!” Nagpaalam na si Kevin sa dalawang binibini, nagsimula nang mag-isip si Bella kung bakit naman nag-alala si Kiel sa condition niya gayong pareho silang inis sa isa’t-isa.

“Maswerte ka dahil ikaw ang kaisa-isang babaeng nakahuli ng pusong pihikan ni Mr. Kiel,” biglang sambit ni Angeline sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Bella, dama niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib ngunit ganun pa man ay nakuha pa rin niyang makatawa, “nahuli ang puso? I’m telling you, Miss, yung lalaking yun? Hinding-hindi magkakagusto sakin even me,” maarteng pagkakabanggit niya habang nakaturo sa opisina ng binata. 

Napatawa si Angeline sa narinig na sagot mula sa kanya, “hindi tayo maaaring magsalita ng tapos, you’ll never know na matagpuan mo na lamang ang ‘yong sarili na hulog na hulog sa kanya.” Nakita nila ang paglabas ng babae galing sa opisina ni Kiel kasama ni Luke at pakaway-kaway pa sa kanila. 

"Ms. Chen, Mr. Kiel is waiting for you in the office,” bulong ni Luke nang makasalubong sila.

Alanganing napatingin si Bella kay Angeline, “you should go. Your Mr. Wright is waiting for his Mrs. Wright,” pabiro nitong sinabi.

 “Mr. Wright?” gulat niyang tanong.

Kinakabahang kinagat ni Angeline ang kanyang labi habang mabilis na nag-isip ng salitang sasambitin kay Bella. “Yes, he’s the right one for you and --- I think you’re a match made in heaven.” 

“How can you conclude he's THE RIGHT ONE FOR ME?” She responded, emphasizing the word "right."

“Dahil ikaw lamang ang babaeng trinato niya ng ganun, isipin mo, ha, binuhat ka niya sa harap ng maraming tao at kitang-kita sa mga mata niya ang matinding pag-alala. Sayang nga lang at wala kaming nakuhang larawan ninyong dalawa,” nanghihinayang na kwento niya habang sinasariwa ang pagbuhat ni Kiel sa kanya.

Hindi siya makapaniwala kung bakit foreign sa kanila na ganun si Kiel sa isang babae, napangisi na lamang siya sa rito at nagpaalam na, nakahinga ng matiwasay si Angeline nang makalusot siya sa pagsisinungaling mula kay Bella.

Kinatok ni Bella ang pinto ng opisina ng binata at pumasok sa loob, natagpuan niya ang binatang nakaupo sa swivel chair, ang kaniyang mga mata ay nakatuon lamang sa papeles sa ibabaw ng desk nito na para bang hindi niya hinintay ang pagdating ni Bella samantalang hindi siya mapakali sa pagdating nito. Wala ni isang salita ang lumabas sa mga labi ng binata nang dumating siya.

 She grins from ear to ear and remains standing facing him, nagtaka si Ezekiel kung bakit hindi man lang siya nagrereklamo para magsalita siya, marahan niyang inangat ang kanyang ulo at itinuon ang paningin sa dalaga. Nakaramdam siya ng inis nang matagpuan itong nakangisi habang nakatingin sa kanya.

 “Why are you still standing there?!” he shouted at her, “get me a cup of coffee!” galit nitong utos sa kaniya.

Nairita si Bella sa ginawang pag-utos sa kaniya ng binata, “anong problema niya?” bulong niya, “hindi ka dapat umiinom ng sobra ng kape, maari itong makasama sa kalusugan mo,” pagpapaalala niya.

Muli niyang nasilayan ang mga ngiti ng binata at nagtanong, “may pagtingin ka ba sa akin?”

She chuckles sarcastically saying, “sir, kung mamatay ka sa harap ko habang iniinom ang kapeng ginawa ko for you, sigurado akong ako ang aakusahan ng mga tauhan mong pumatay sa’yo saka hindi ako nagke-care sa’yo dahil never kong gagawin yun and I don’t like you. Ang pangit naman ng taste ko kung mainlab ako sa’yo, no!”

Kumulo ang dugo ni Kiel sa talas ng dila ni Bella pero hindi na niya pinahalata na dismayado siya sa narinig mula sa kanya, “you don’t have to worry about my death, get out of my office and do your work!” bulyaw niya sa binibini.

Nakangising lumabas si Bella ng opisina ng binata at dumiretso sa pantry para ipagtimpla na ito ng kape, lahat ng nasaassign sa designing department ay pinagmamasdan ang kanyang nakakalokong ngisi at pinagtatakhan ang kanyang kinikilos. May mga hinuha ang iba na baka siya ay kinikilig sa binata at nahulog na rin ng lubusan dahil sa ginawang pagtulong ng boss nila sa dalaga.

“She’s lucky to have him,” the staff said, “I beg to disagree! Mas maswerte si Mr. Kiel sa kanya saka sinong babaeng makakatagal sa cold na ugali ng boss natin? Wala kayong maisip dahil si Ms. Bella lang ang kayang magpaamo sa kanya,” James stated, everyone in the department stares at him and says, “what are you doing in here? You’re from the engineering department.”

“Hinihintay ko si Angeline!” anunsyo niya sa mga ito, “wala siya rito, may inutos si Mr. Kiel sa project sa kanya so she will not coming back.”

“I will wait for her here,” he said and occupies Angeline’s swivel chair.

 “Wait till Mr. Kiel found you here, tignan na lang natin kung makakatagal ka,” Mr. Ian – the head manager concluded.

“Attention! All of you prepare your designs. Mr. Kiel will start the meeting within 5 minutes,” Mr. Ian added. Mabilis nanakbo si James palabas ng departamento nila.

 “Scaredy cat,” Clarisse uttered habang minamasdan ang papalayong si James and everyone in their department agrees.

Someone said, "I suppose our meeting will be moved to the afternoon,” nang makita nila ang muling pagpasok ni Bella sa opisina ng binata.

Tila tumigil ang oras nila habang pinapanuod mula sa salaaming bintana ang kilos ng dalawa sa loob ng opisina.

 Mr. Wright was busy examining the paperwork as Bella placed the cup of coffee on top of the table. He grabbed the cup, sipped it, then replaced it on the table, saying, "Change it." “Too much sugar,” reklamo nito.

Lahat ng mga mata ng empleyado ng designing department ay nakamasid kay Bella na pabalik-balik ang labas pumasok sa opisina ng boss nila.

 Bella lost her patience and placed the coffee on his table at siguradong hindi na ito muling hihingi pa ng kape kapag natikman ito.

Mr. Wright sipped the coffee and burst it after tasting it, violently asking, "bakit maalat ang kapeng ito?!!”

 “Oh, Mr. Kiel, I apologized. I used up all of the sugar when you asked me to alter it several times, and I'm worried you'll be upset if I don't bring you your coffee so I put some salt in it.” She pretended to be depressed.

Hindi makakibo si Kiel sa ginawa sa kanya ng babaeng kinakainisan niya.

“Next time, I will not let you win Bella; I guarantee you will fall into my trap,”pangako niya sa sarili.

----

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status