CHAPTER 18
CLEMENTINE DESCHAMPSNapatayo si Francis nang makita ang babae."Charlotte?" Pagtawag niya dito.Mas lalo pang lumawak ang ngiti ng babae, lumapit siya kay Francis at agad itong niyakap."Ang tagal din nating hindi nagkita!" Masayang turan nito sa kaniya habang nakayakap pa rin.Napatingin naman ako kay Fantine nang hawakan niya ang balikat ko, ngunit muli ko ring binalik ang tingin kina Francis.Bumitaw na siya kay Francis at muling nagsalita. "Ikaw ha! Bakit hindi ka na nagpapadala ng mga sulat sa'kin?!""Marami akong ginagawa, Charlotte. Alam mo namang basta may libre akong oras, susulatan kita." Sagot ni Francis.Kumapit naman siya sa braso ni Francis. "Ang lakas ko talaga sa'yo!""Mahal na prinsesa." Bati ng kapatid ni Sofia at yumuko, tumungo rin si Sofia bilang paggalang.CHAPTER 19CLEMENTINE DESCHAMPS"Ito na." Nakangiting sabi ko at inabot kay Saber ang pinagpuyatang sulat ko kagabi."'Wag kayong mag-alala, Madame. Ihahatid ko ito ng maayos." Paniniguro niya.Tumango ako. "Alam ko naman 'yon.""Mauuna na ko." Paalam niya at lumabas na sa kwarto ko."Sana ay maayos ang pamilya niyo, Madame." Sabi sa akin ni Isabelle."Sana nga. Wala na kong balita sa kanila. Gusto kong malaman kung anong kalagayan nila, lalo na ni ate." Tugon ko."Madame, naisip niyo na po ba kung palilipatin niyo sa palasyo ng Rouen ang pamilya niyo?" Tanong ni Fantine habang inaayos ang mga aklat sa lamesa. "Hindi po ba ay mas makakabuti 'yon para sa ate ninyo?""Pinag-iisipan ko pa ang bagay na 'yan, ngunit nais ko na rin na gumaan ang pakiramdam ni ate." Sagot ko."Kamusta na nga pala si J
CHAPTER 20CLEMENTINE DESCHAMPS"May mahalaga akong balita, Clementine." Seryosong wika ni Saber.Halatang pagod siya at hindi pa natutulog mula sa byahe."May problema ba?" Nag-a-alala kong tanong."Sinuri ko ang kalagayan ng nakatatanda ninyong kapatid. Hindi ako sigurado kaya pinatawag ko rin ang kakilala kong doktor na malapit, ngunit pareho lang ang resultang nakuha namin. Habang tumatagal ay lumalala ang kalagayan niya.""Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan." Tugon ko."Tama ka. Dapat niyo na siyang ilipat. Hindi na tatagal pa ang katawan niya sa gan'ong klaseng lugar. Hindi sariwa ang hangin na nalalanghap niya at tago kayo sa sikat ng araw.""Bilang doktor, sa tingin mo ay saan magandang ilipat ang aking kapatid?" Tanong ko."Malapit sa dagat kung saan sariwa ang hangin at makakalabas siya p
CHAPTER 21DUCHESSE DIANE"Mag-i-ingat ka." Paalam ko kay Amadeo."Babalik ako kapag may pagkakataon, Diane." Paniniguro niya. "Sa ngayon, kailangan ko munang lumayo ayon sa utos ng hari.""Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ka pa nilang paalisin." Tugon ko."Alam nilang gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang plano nila para kay Francis, kaya ngayon pa lang ay pinapaalis na nila ako.""Vicomte, aalis na tayo." Wika ng tagapaglingkod niya."Sige. Sandali na lang." Sagot niya rito.Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti. "Ingatan mo ang sarili mo, Diane. Ingatan mo rin si Francis."Tumango ako. "Gagawin ko."Hinalikan niya ang kamay ko bago sumakay ng karwahe. Wala na kong nagawa pa kundi panuorin ang karwahe niyang umalis."Duchesse!" Hinihingal na pagtawag sa'kin ng isang tagapaglingkod."Bakit?""Inaatake po ng sakit niya si Prinsesa Celine!""Jusko po!" Wika ko at gan'on na lang ang pagmamadali ko papunta sa silid ni Celine.'Ano na naman kayang nangyari?' Nag-a-alala ko
CHAPTER 22DUCHESSE DIANEKasalukuyan kaming naghahanda sa isang gubat na pagmamay-ari ng maharlikang angkan para mangaso. Isa ako sa mga nag-aayos ng toldang tutuluyan ni Prinsipe Francis habang nandito.Nasa labas ang prinsipe ngayon kasama si Marquis Alphonse at Comte Oriel. Nagsasanay silang bumaril para sa pangangaso, dahil kung sino daw ang may pinakamagandang nahuli ay may gantimpala. Ayaw sanang makisali ng prinsipe, pero nais makita ng mga kaibigan niya ang magiging gantimpala. Kaya ayun sila ngayon at nagsasanay.Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw makisali ng prinsipe. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyari at natatakot siyang humawak ng baril. Pero dahil napilit siya ng mga kasama niya ay mukhang kailangan niyang harapin ang takot niya."Tapos na po kami," sabi sa akin ng isang babaeng tagapaglingkod na tumutulo
CHAPTER 23DUCHESSE DIANELabing-isang taong gulang na ang prinsipe. Marami na ang nangyari. Marami na rin ang nagbago sa kaniya. Pero matalino, gwapo, at mabait pa rin siyang bata. Masaya rin ako dahil madali ring gumaling ang ginawang pag-atake sa kaniya ng lobo."Kailangan ko ba talagang sumama?" nakabusangot niyang tanong."Aba! Syempre naman!" masaya kong tugon at inayos ang asul niyang kurbata. "Prinsipe ka ng France kaya kailangan mong pumunta sa kasiyahan."Napabuntong-hininga siya. "Anong mapapala ko sa kasiyahang 'to?""Pupunta rin sina Marquis Alphonse at Comte Oriel kaya may pagkakataon kang makita sila. Hindi ba masaya 'yon?"Nakangiwi naman siyang tumingin sa'kin na parang sinasabing, "Niloloko nyo ba ko?""Araw-araw ko silang nakikita at nakakausap, ano pang masaya r'on?" asik niya.Natawa
CHAPTER 24DUCHESSE DIANEIsang taon na ang lumipas. Mas lalo lang umiinit ang labanan ng mga rebelde at pamahalaan. Bulung-bulungan na rin na magkakar'on ng gyera kapag nagtuluy-tuloy ang ganitong sitwasyon."Pinatawag n'yo raw ako," wika ko nang makapasok sa silid kung saan nagpupulong ang hari at iba pa.Napadako ang tingin ko sa reyna na umiiyak habang inaalo ng iba. Nag-alala naman ako at agad na lumapit sa kaniya at tinanong kung anong problema."Diane," pagtawag sa'kin ni Ayer. "Ihanda mo ang mga gamit ni Francis. Sasama siya sa'min.""Sasama saan?" Naguguluhan kong tanong."Sa gyera.""Sa gyera?!" Sigaw ko. "Bakit siya sasama sa gyera?! Gusto n'yo ba siyang mamatay?!""Kailangan niyang sumama, Diane.""Hindi," mariin kong tugon. "Bakit siya s
CHAPTER 25DUCHESSE DIANE"Madame, saan po namin ilalagay 'to?""D'on na lang," aligaga kong sagot."Madame, ano pong gagawin dito?""Hindi ko alam. Itanong mo sa mga tagapagluto ng kusina.""Opo."Nagpunas ako ng pawis ko. Naghahanda kasi kami para pagdating ng mga delegado ng England, kaya aligaga kaming lahat.o"Kayo muna rito. Pupuntahan ko lamang ang prinsipe," usal ko sa kanila at agad na umalis d'on.Madali akong naglakad patungo sa silid ng prinsipe upang makita kung nakaa-ayos na siya. Pagkarating ko nga ay nar'on na rin sa silid si Oriel at Alphonse na kinakausap si Francis."Magandang araw po, mahal na duchesse!" Masayang bati sa akin ni Oriel."Magandang araw po," wika naman ni Alphonse at yumuko."Magandang araw din sa inyo," tugon ko.Bumaling ako sa prinsipe at nagtanong ng, "Handa na po ba kayo?""Oo," sagot niya at sinuot ang kulay asul niyang sumbrero.Labing-walang taon na siya ngayon, at kitang-kita ko na ang mga pinagbago niya. Naoangiti na lang ako. Napakabilis l
CHAPTER 26CELINE OF FRANCE"Mahal na prinsesa," bati sa akin ng tagapaglingkod."Anong balita?" Tanong ko habang pinapalipat-lipat ang pahina ng librong binabasa ko.Lumapit naman siya sa'kin at bumulong. "Aalis daw po ang hari at mga prinsipe upang pagplanuhan ang mga susunod na hakbang sa gyera.""Saan daw sila pupunta?""Sa Evreux daw po," sagot niya.Napatango naman ako. May sikreto kasing mansion ang pamilya namin sa Evreux, kaya hindi nakakapagtakang d'on sila magpa-plano. Nakakasiguro silang walang lalabas na impormasyon at walang makatutunton sa kanila."Sino pa ang mga sasama?""Sila lang po, mahal na prinsesa."Napataas ang kilay ko. Kung gan'on ay wala pala silang balak na isama kaming mga babae. Gusto nilang sila lang.Nilapag ko ang librong hawak ko at agad na tumayo. H