CHAPTER 30
CLEMENTINE DESCHAMPS"Ang hari at reyna ay laging may nakahandang fauteuil (armchair) para upuan. Sa harap ng hari at reyna, walang ibang maaaring gumamit ng fauteuil, depende na lang kung isa ka ring hari o reyna."'Hindi maaari?' Tanong ko sa sarili ko. 'Ngunit sa tuwing kasabay nila akong kumakain ay lagi akong nakaupo sa isang fauteuil.'"Isang upuan naman na may likod ngunit walang braso ang para sa mga malapit ang posisyon sa posisyon ng hari, katulad ng mga kapatid o mga anak niya.""Ang tabouret (padded stool) naman ang para sa mga may posisyong duchesse. Kapag mas mababa ka pa, tumayo ka na lang.""Duchesse." Napatigil siya sa pagsasalita at nilingon ang tagapaglingkod niya. Inabutan siya nito ng isang sulat na agad naman niyang binuksan at binasa.Nang mabasa niya ang sulat ay agCLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat
CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k
CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak
CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda
CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n
CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a