Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2

CLEMENTINE DESCHAMPS

Ding! Ding! Ding!

Nagising ako dahil sa nakabibinging tunog ng kampanilya. Pagkadilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang tatlong babae. Ang isa sa unahan ay may edad na, nakasuot ito ng marangyang asul na damit at maraming alahas, siya ang may hawak ng bell. Ang nasa likod naman niya sa kaliwa ay tila bata pa at nakasuot naman ng simple pero eleganteng dilaw na damit habang may hawak na pamaypay. Ang nasa kanan naman ay halos kasing edad ko lang at nakasuot naman ng puting damit at puting gloves, may hawak siyang palanggana.

"Magandang umaga, Madame." Bati ng matanda sa akin.

Napatango na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko.

Inilapag ng matanda ang bell sa lamesa at ganoon rin ang ginawa ng may hawak sa palanggana.

"Tumayo na po kayo." Sabi naman sa akin ng bata.

"Bakit?" Tanong ko.

"Aayusan na po namin kayo." Sagot naman ng ka-edad ko.

"Huh?!" Gulat kong tugon. "Hindi na kailangan! Kaya ko ang sarili ko!"

"Sinusunod lang namin ang utos ng hari. Kung kami ang tatanungin ay hindi namin gugustuhin ang paglingkuran ka." Sagot naman ng matanda.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Ayaw niyo rin pala bakit kinukulit niyo pa ko?

"Kung ayaw niyo, edi huwag niyo. Sinabi ko bang gusto ko?" Sagot ko sa kaniya.

"Sino ka para sagutin si Comtesse Elise (Countess Elise)?!" Galit na tugon naman sa akin ng bata.

"Mademoiselle Coeur." Pagsaway naman sa kaniya ng ka-edad ko.

"Bakit ba?! Dapat ay pinagsisilbihan natin ang reyna ngayon! Ngunit ano?! Narito tayo at pinagsisilbihan ang maarteng kriminal na 'to! Malamang ay pinagtatawanan na ko ng iba!" Reklamo pa ng tinawag na Mademoiselle Coeur.

"Patawarin mo siya, Madame de Bijou. Ako, si Marquise Fantine, ay humihingi ng tawad para sa kaniya." Sabi nito at tumungo sa akin.

"Anong nangyayari dito?"

"K-Kamahalan." Gulat nilang tugon matapos pumasok ang hari sa kwarto ko.

Sabay-sabay silang humarap dito at tumungo.

"M-Madame, tumungo po kayo." Mahinang tugon sa akin ni Comtesse Elise.

Bakit ko naman gagawin 'yan? Mas nanaisin ko pang tumulay sa mga uling nagbabaga kaysa ang tumungo at magbigay ng galang sa lalaking 'yan. Bakit ko siya gagalangin? Hindi naman kagalang-galang.

"Inuulit ko. Anong nangyayari dito? Dinig ko mula sa labas ang mga sigaw niyo." Tugon nito.

"T-Tinutulungan po namin siyang magbihis, kamahalan." Sagot ni Comtesse Elise.

"Kailangan bang sumigaw kapag tumutulong? Kailangan ko pa bang ipaputol ang mga dila niyo para manahimik kayo?" Banta niya sa mga ito.

"Hindi po." Diretsong sagot naman ni Marquise Fantine.

"Lumabas muna kayo." Utos niya na agad nilang sinunod.

Ngayon, naiwan na naman kaming dalawa.

"Wala ka talagang puso. Kahit may mga katungkulan at babae ay binabantaan mo." Tugon ka sa kaniya.

"Kaya nga ako nakikilala bilang halimaw. Matalino ako sa pamumuno at mahusay sa mga digmaan, ngunit bato ang puso ko at isang salita lang sa akin ang kamatayan."

"Matalino ka sa pamumuno? Sinong niloko mo? Kung matalino ka ay hindi sana kami naghihirap at hindi namamatay ang mga mahal ko sa buhay!"

"Hindi ko na kasalanan kung naghihirap o namamatay kayo." Sagot niya sa akin. "Kasalanan niyo 'yon dahil hindi kayo gumawa ng paraan."

"Huwag mong ibaling sa amin ang sisi! Tungkulin ng pamahalaan ang tulungan kami! Ngunit anong ginagawa niyo?! Pilit niyong tinataasan ang buwis! Sa puntong mas mataas pa ang buwis kaysa sa kinikita namin at hindi na kami makabili pa ng aming mga panganailangan! Nabuhay ako kung saan normal na lang ang makakita ng taong natutumba sa lansangan at namamatay dahil sa gutom at sakit dahil walang pambili ng pagkain at gamot!"

Lumapit siya sa akin at malakas na hinatak ang kwelyo ng damit ko papalapit sa kaniya. Sa sobrang lakas ay natanggal ang unang dalawang butones nito na naging dahilan upang makita dibdib ko.

"Sa tingin mo ba talaga ay kasalanan ko ang pagtaas ng buwis niyo?! Kasalanan ko ba na ang iniwang pamana sa akin ng ama ay korona at ang tambak niyang utang sa ibang bansa?! Sa tingin mo ba, kapag hindi ko tinaasan ang buwis niyo ay makakabayad tayo?! Hindi! Mas lalo tayong maghihirap!" Sabi nito sa akin habang pilit kong inaalis ang mahigpit niyang pagkahawak niya sa kwelyo ko.

Pakiramdam ko ay magmamarka na ang tela sa leeg ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Kami lang ba ang nagbabayad ng buwis?! Bakit hindi niyo taasan ang buwis na binabayaran niyong mayayaman para hindi kami ang naghihirap sa utang na nilustay niyo?!"

Napatigil siya sa sinabi ko at tuluyan na kong binitawan. Napahawak ako sa leeg ko dahil sa hapding nararamdaman ko. Nahihilo at sumasakit pa ang ulo ko, hindi pa rin gumagaling ang kaliwa kong kamay, at ngayon ang leeg ko naman!

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay kong pinanghahawak ko sa leeg ko. Ngunit nilayo ko lang rin ang sarili ko sa kaniya.

"Kapag gumalaw ka. Papatayin ko ang tatlong nasa labas ngayon." Banta nito sa akin.

Wala naman akong pakialam sa dalawa ngunit si Marquise Fantine... Ginagalang ko siya dahil siya lang ang gumalang sa akin dito. Kung gagalaw ako ay masasangkot siya. Hindi ko hahayaang mamatay siya dahil lang sa akin.

"Alam mo bang tatlumpung batang lalaki na ang pinapatay ko sa timog?" Nakangising tugon niya sa akin.

"Demonyo ka talaga!" Sigaw ko sa kaniya.

"Shh! Hindi ko naman kasalanan 'yon. Hindi naman ako ang humakbang papalayo diba?"

"Huwag mong ibaling sa akin ang sisi!"

"Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na ginagawa ko ang sinasabi ko. Tanggihan mo pa ko at makikita mo ang ayaw mong makita." Banta nito.

Hindi na ko sumagot pa at inalis ko na lang ang tingin ko sa kaniya. Naiirita na ko sa mukha niya. Kahit gaano pa kaganda ang anyo ng isang tao sa labas, kapag hindi naman katanggap-tanggap ang ugali niya, nakakasuka lang siyang tignan.

Tinanggal niya ang kamay ko sa leeg ko at tinignan ito. Namumula ito at may ilang parteng kulay lila na.

"Masakit ba?" Bulong niya sa akin.

Aba! Malay ko! Siguro hindi kasi lila na nga diba!

Pilit ko siyang tinulak palayo sa akin nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Nangingilabot ako sa ginagawa niya!

"Sige. Itulak mo pa ko." Hamon niya sa akin.

"Kung ayaw mong itulak kita, tigilan mo ko!"

Ngunit iba sa kanina, hindi na siya nakangiti o ano pa man. Seryoso na lang siyang nakatingin sa akin, kaya naman hindi ko na siya mabasa pa.

Papatayin niya na ba ko?

Nagulat ako nang hapitin niya ang baywang ko at inilapit ang katawan ko sa kaniya. Sa sobrang kaba ko ay pintig na lang ng puso kong tila sasabog na ang naririnig ko.

"Ang pinakahuli mong gagawin sa akin ay ang galitin ako."

"A-Anong gagawin mo?" Nauutal kong tugon.

"Hmm..." Rinig kong ungol niya habang sinisinghot ako.

"Bitawan mo na ko." Nanginginig kong pakiusap sa kaniya.

Ngunit hindi niya ko pinakinggan. Kaya naman hindi na ko nagdalawang-isip pa at malakas siyang tinulak palayo. Tumakbo ako tungo sa pinto ngunit hindi ko mabuksan.

"BUKSAN NIYO 'TO!" Pakiusap ko habang kinakalampag ang pinto.

Alam kong nasa labas lang sila. Pero bakit wala silang ginagawa upang tulungan ako?

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin, kaya naman madali niya kong binuhat at ibinagsak sa kama. Pinaibabawan niya ko at inipit ang kaliwa kong kamay.

"BITAWAN MO KO! BITAW!" D***g ko habang namimilipit sa sakit.

"Ngayon mo patunayan sa akin na magaling ka sa labanan. Labanan mo ko sa kama."

Hindi ko na alam kung ano pa ang ginagawa ko. Nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala sa kaniya, parang sinasayang ko na lang lakas ko. Wala na kong nagawa at napapikit na lang ng dilaan niya ang leeg ko. Nanginginig at naiiyak na ko sa sobrang pandidiri. Naiinis na rin ako dahil wala akong ibang magawa para protektahan ang sarili ko.

"T-Tama na..." Tugon ko at tuluyang pumatak na ang mga luha ko.

Ang inaasahan ko ay matutuwa siya dahil nakita na niya kong umiiyak, ngunit ibang ekspresyon ang pinakita niya sa akin. Tila nagulat siya at hindi inaasahang iiyak ako sa harap niya. Pinahid niya ang mga luha ko at sandali akong tinitigan bago umalis sa ibabaw ko. Napasandal naman ako sa dulo ng kama habang pinipigilan ko ang sariling manginig.

Napatingin ako sa hari. Nakahiga siya ngayon sa sofa na nasa harap lang ng kama ko habang nakatulala sa kisame.

"Sabihin mo sa kanila na ayusan ka na." Sabi niya sa akin.

"H-Hindi na kailangan." Sagot ko.

"Ayokong makipagtalo ngayon, Clementine." Seryoso niyang tugon. "PUMASOK NA KAYO!"

Muli silang pumasok at nagbigay-galing sa hari. Hinawakan naman ni Fantine ang kamay kong nanginginig pa rin at inalalayan akong bumaba sa kama at tumayo.

"Bibihisan niyo na ba ko?" Matamlay kong tugon.

"Opo." Sagot niya sa akin.

Tumingin ako sa hari na kasalukuyang nakatingin sa akin. Napatingin rin si Fantine kung saan nakadako ang mga mata ko.

"Naiintindihan ko." Mahinang tugon niya.

"Ano pang hinihintay niyo? Pasko?" Tanong nito.

"Kamahalan, hindi po ba kayo lalabas?" Matapang na tugon ni Fantine.

"Para saan?"

Huminga na lang siya ng malalim at pinilit na ngumiti. Nakabusangot naman siyang tinulungan ni Coeur sa pagtatanggal ng damit ko. Pagkaalis nila nito ay agad akong tumalikod at tinakpan ang dibdib ko.

Naiilang ako. Una, unang beses kong magbihis na may tumutulong sa akin. Pangalawa, nariyan ang hari.

Binuhat ni Fantine ang palanggana palapit sa akin at si Comtesse Elise naman ang naghilamos sa mukha ko. Tutulong na sana si Coeur sa pagbibihis sa akin pero biglang tumayo ang hari. Pagkatayo niya ay nagsitungo naman ang mga ito sa kaniya.

"Kayo na ang bahala." Sabi niya at umalis na nakapag-alis ng kaba ko.

Tinulungan na nila akong magbihis. Kulay lila ang damit na pinasuot sa akin na pinarisan ng puting sapatos. Nilagyan rin nila ako ng puting headdress. Tumanggi ako na magsuot ng kahit na anong alahas.

"Sumunod ka." Mataray na tugon sa akin ni Comtesse Elise.

Sinunod ko na lang para walang gulo. Habang nakasunod ako sa kaniya ay nakasunod naman sa akin ang dalawa. Dinala nila ako sa isang bulwagan na puno ng tao, maraming pagkain, at may musika kang maririnig.

Nang mapansin ako ng mga ito, ang kaninang maingay na bulwagan ay napuno ng nakabibinging katahimikan. Nakangiting lumapit sa akin ang hari at dinala ako sa gitna.

"Mga kapatid, pinakikilala ko! Marquise de Bijou, ang aking maitresse-en-titre!" Pagpapakilala niya sa akin.

[The maitresse-en-titre was the chief mistress of the king of France. It was a semi-official position which came with its own apartments. The title came into use during the reign of Henry IV and continued until the reign of Louis XV.]

Halata mang hindi natutuwa ang mga ito sa desisyon niya, pinilit na lang nilang ngumiti at pumalakpak.

Kaplastikan ng mga mayayaman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status