Share

5: Theron's course

Sa sobrang excited ko ay tinawagan ko si mama na umuwi na para ipatikim sa kanya ang luto ko. Si papa ay hinanap ko rin sa buong bahay.Inasar niya pa ako na si Nanay Saly naman daw ang nagluto nito at hindi ako.

Ako naman ang nag chop at naglagay ng ingredients ah?Ibig sabihin ay ako ang nagluto.Napanguso ako.

Habang nanonood ako ng movie sa sala ay dumating na si Rafa mula sa school.Agad ko siyang sinalubong at hinila papunta sa kusina.

"H-hoy!Ano ba!"angal niya na pilit nagpupumiglas pero hindi ko siya binitawan.

Nung makarating sa kusina ay kumuha ako ng kutsara at kinuha ang bowl ng caldereta na itinabi ko.

"Ano ba!"angal niya na inaayos ang nagusot na parte ng sweater niya.Napairap nalang ako,arte arte.

Lumapit ako sa kanya dala ang caldereta at sinubuan siya.Wala man lang nagbago sa itsura niya at tiningnan ako na parang bagot na bagot.

"Luto ko yan!"Pagmamalaki ko.

"Luto ni Nay Saly,ate.Kilala ko ang timpla niya"

Napakunot ang noo ko at inis na napabuntong hininga.Luto ko to!

"Luto ko to,Rafa!Ako ang nag hiwa ng ingredients at naglagay sa kaserola!"

"Ikaw ang nag tantsa kung gaano karami ang ilalagay?"nakapamewang na tanong niya at nakataas ang kilay.

Umiling ako.

"Ikaw ang nag timpla?"

Umiling ulit ako.

"Ikaw ang tumingin kung kailan naluto?"

I shook my head for the third time.

"Then hindi ikaw ang nagluto."sabi niya at umakyat sa taas.

Napakagat ako sa labi ko.Ganoon ba iyon?

Hindi!Ako pa rin ang nagluto!Tumulong ako kaya isa ako sa contributors!

Bumalik ako sa sala at ipinagpatuloy angpanonood.I'm not in the mood to watch romance kaya thriller movie ang pinili ko.

Sa pinanonood ko ay nag panggap na nurse ang kontrabida at pumasok sa hospital room ng asawa ng bida.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko,pagtingin ko ay si Rafa.

Nakita kong may itinurok ang kontrabida sa asawa ng bida na agad naging sanhi ng pagkamatay nito.

Tumingin ako kay Rafa at nagtanong.

"Anong itinurok niya?"

"Lethal injection"simpleng sagot niya.

Ibinalik ko ang tingin sa TV.Nagpapalit na ng damit ang kontrabida at itinapon ang costume niya sa basurahan.

Habang nanonood ay nakita kong dumating na si mama.Mabilis akong pumunta sa kanya na nakangiti,ngumiti rin siya pabalik.

"Oh anak,what is it that you want to show me?"tanong niya

Instead of answering her question,dinala ko siya sa kusina at ipinakita ang bowl ng kaldereta.Napakunot ang noo niyang tumingin sa akin.

"I cooked that."sabi ko at ngumiti ng mas malapad.

Ang kaninang nakakunot na noo ay napalitan ng pagkamangha.

"Really?Sige,let me taste it."

Akmang kukuha na ako ng kutsara nung magsalita si Rafa.Sumunod pala siya.

"Hindi siya ang nagluto,Ma.Si nay Saly talaga iyon.Hindi ko nga alam why she keeps claiming na siya ang nagluto.Parang tanga"

Agad ko siyang hinarap at sinuntok sa braso.Napasigaw siya sa sakit.

"Hoy!Wag kang sinungaling!Ako ang nagluto nito!"

"Naghiwa!Ikaw lang ang naghiwa!"

Biglang natawa si mama sa amin at siya na mismo ang tumikim sa gawa ko. 

"Hindi naman pala ikaw ang nagluto, hija. Pero okay lang dahil tumulong ka pa rin" ani mama na natatawa pa rin.

Masama ang loob kong umakyat sa kwarto ko.Dapat ba ay ako ang lahat gumawa?Siguro mas maa-appreciate nila pag ako lahat gumawa?

I opened my laptop at sumandal ako sa headboard ng kama.I opened YouTube and searched something.

'How to cook caldereta'

There were a lot of videos but I clicked the one for the begginers.Habang nanonood ay naisip kong ilista ang mga dapat gawin kaya kinuha ko ang maliit kong notebook.

When I opened the first page,I saw the to do note na ginawa ko kay Theron.Naalala kong tatanungin ko nga pala siya tungkol dito.

Napangiti ako nung maisip na ma kokompleto ko na ang number one sa to do list ko,ang ipagluto si Theron.

I continued watching the tutorial and listed the ingredients and procedures when someone knocked on my door.

"Pasok!"I shouted.

The door opened and Rafa went inside.

"Kakain na raw"sabi niya at sumandal sa wall.Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy sa paglilista.

"Ano ba yang ginagawa mo?Patingin nga"Lumapit siya sa akin at inagaw ang notes.Napatawa siya sa nabasa.

"Hah!How to cook caldereta"Pagbasa niya sa sinulat ko.Napanguso naman akong tumingin sa kanya.

"Akin na nga!"Inagaw ko sa kanya ang notebook ko pero itinaas niya pa ang kamay niya.

Kahit mas bata siya sa akin ng dalawang taon ay mas matangkad siya.Nag nineteen na ako nung isang buwan per hindi man lang tumangkad.

Tumingkayad ako para abutin ang notes pero mas itinaas niya pa.

"Rafa!Give me back my notes!"

He grinned.

"I won't, unless you tell me why are you so eager to learn this"

"Ano ba!Hindi ba pwedeng gusto ko lang mag luto?"

Kumapit ako sa braso niya pero lumayo siya.Inabot ko ang buhok niya at sinabunutan siya,napasigaw siya sa sakit kaya napangisi ako.

"Ano? Give it back to me or else I won't let go of my hand"

"Oh!Heto na!"Inis niyang ibinigay ang notes ko.Nagusot pa ng kaunti kaya sinabunutan ko ulit siya ng mahina.

"So bakit nga?Hindi ako naniniwalang gusto mo lang,Ate"

Napanguso ako.Okay lang naman sigurong sabihin ko sa kanya?

"I want to cook for...T-theron...?"Hindi siguradong sagot ko.His mouth formed O and his eyebrows raised.

"Sabi ko na nga ba.You like him?"

Hindi ako sumagot.Ibinalik ko lang ang tingin ko sa notebook.

"Well...I know a way on how you can make him fall for you"I immediately looked at him.

"W-what is it?"

"Tss.Interesadong interesado-"

"Sabihin mo na lang kasi!"I cut him off.

A mischievous grin appeared on his face before answering.

"Kiss him"

Napanganga ako sa sinabi niya.Hindi ba mas lalong lalayo sakin si Theron non?

"Sigurado ka?Baka ma turn off siya?"I curiously asked him.Nakita kong nagpipigil siya ng tawa at huminga ng malalim para pigilan ito.

Pinaglololoko lang yata ako nito eh?

"Hindi yan.Trust me,lalake din ako kaya alam ko yon"tumaas baba pa ang kilay niya na parang kinukumbinsi ako.

"Okay"pag sang-ayon ko sa kanya.Hindi naman siguro matuturn off si Theron pag hinalikan ko ito.

Hindi niya na napigilan ang tawa ar umubo ubo para pigilan ito.

"Hoy!Baka niloloko mo lang ako ah?Pag talaga hindi yon totoo,sasabihin ko kay mama na ikaw nakabasag ng vase niya last year"sabi ko na pinanlakihan pa ang mga mata para takutin siya.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at sinenyasan akong manahimik.

"H-hinaan mo nga yung boses mo!Oo na sige na-"

"Tara na!"hindi ko siya pinatapos at lumabas na ng kwarto para kumain.Sumigaw pa siya ng kung ano pero hindi ko na iyon pinansin.

Nang makababa kaming pareho ay umupo na ako.Sinadya niya talagang umupo sa harap ko at tumingin saakin ng sobrang sama.

Habang kumakain ay biglang nagsalita si papa.

"Rachel,Have you already decided what course would you take in college?"

Napatigil ako sa pagkain.Hindi ko pa naisip iyon.Ano nga bang kukunin ko?Wala akong pangarap eh.

"Hindi ko pa po alam"sagot ko habang pinaglalaruan ang pagkain ko.

"You don't have all the time to decide,Rachel.Mag co-college ka na next year"sabat ni mama na tinanguan ko lang.

"Why don't you just take business related course?So you take care of our business..."pagpatuloy pa niya at hindi na ako sumagot.

Binilisan kong kumain at umakyat na agad ng kwarto ko.I took a quick bath and did my skin care routine before lying on the bed.

I sighed.Anong course kukunin ko?Hindi ko alam.Yung mga kaibigan ko, siguradong sigurado na sila sa kurso nila.Ako,hayy ewan.

Si Lia,magaling siyang mag drawing kaya mag aarchitect daw siya.Si Karl naman,medicine daw.Si Mari mag aabogado.

Maging online seller nalang kaya ako para pa mine mine na lang?

I sighed.

I am good at almost everything but excels in none.

Si Theron kaya,anong gusto niya?

Bigla akong napabangon at kinuha ang to do list ko.

Tama!kailangan kong malaman ang kukunin niyang course para iyon din ang kukunin ko!

3.Know Theron's course.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status