Share

6: Theron's type

Kinabukasan ay maaga akong nagising sa sobrang excited.

Joke,hindi pala ako natulog.

Naligo kaagad ako at nagbihis saka bumaba.Pagbaba ko nga ay tulog pa si Rafa.Early siya palagi kung pumasok pero mas nauna pa ako sa kanya.

Agad kong hinanap si Nay Saly para ipainit ang calderetang dadalhin ko kay Theron.

"Nay,pa init po ng caldereta" sabi ko na hawa ang Tupperware.Kinuha niya naman iyon sakin at Umupo ako sa may kitchen island para maghintay.

"Saan mo ba dadalhin to,hija?May pagbibigyan ka ba?"

Tumango ako.

"Opo, classmate ko"

"Lalaki?"

"Opo?"Hindi siguradong tanong ko.Baka tanungin niya pa ako kung may gusto ako dito.Ayaw kong ipangalandakan na may gusto ako kay Theron.

"Iyong lalaki ba ay natitipuhan mo?"tanong niya na may nang aasar na ngiti.Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya

"Nay naman!H-hindi po!"

"Sige,sabi mo eh"sabi niya pero hindi pa rin nawawala ang mapang asar na ngiti.

Dapat sa susunod ay pasikreto akong maluluto!

Nung matapos initin ay inilagay ko ito sa lunch box at hinanap ang driver na maghahatid sakin. 

Paalis na ako ng kusina nang biglang bumaba si Rafa.Bagong gising ito at gulo gulo pa ang buhok.Nanlaki ang mga mata nito nung makita ako.Hinilamos niya pa ang mga mata at sinampal ang sarili para siguruhing tama ang nakikita niya.I smiled and waved at him.

"AALIS KA NA?!"tanong niya kahit obvious naman.

"Oo?"

"A-ang aga mo naman?"

"Bakit-"

"Excited kang makita si Theron no?"mabilis na lumabas ang ngisi sa mga labi niya.

"Theron ba iyong pangalan ng lalaki?"tanong ni Nay Saly.Napatampal na lang ako sa noo.Kahit kailan talaga ay hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking to!

"S-sige,alis na ko-"sabi ko para makatakas sa panunukso pero biglang nagsalita si Rafa.

"Yung sinabi ko ah?"sabi niya na may malaking ngiti.

Naalala ko bigla yung sinabi niya kahapon.Gagawin ko ba?

Hindi ko siya pinansin at lumabas na ako.

Habang nasa kotse ay iniisip ko pa rin kung gagawin ko ang sinabi ni Rafa.I opened my phone and searched if it is effective.

Some says it is,but other says it's not.

Ipinikit ko ang mga mata ko at patuloy na inisip ito.

"Theron"pagtawag ko sa kanya pagkapasok ko ng room.Lumingon siya sa akin pero hindi niya ako pinansin.

Inilagay ko ang bag ko sa seat ko at pumunta sa harap niya.

"What do you need?"walang emosyong tanong nito.

I didn't answer.Instead,I pressed my lips on him.

I opened my eyes after daydreaming about it.Napangiti akong kinuha ang maliit na notebook ko.

4.Kiss Theron

Napatingin ako sa mga sinulat kong dapat gawin.Ni isa ay wala pa akong nagagawa.I need to move faster to get him.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako.Maaga pa kaya wala pa masyadong students.

Naglakad ako papunta sa room namin,at pagpasok ko ay nagulat ako nang makitang si Theron pa lang ang tao.

Umupo ako sa seat ko at tiningnan siya.Nakahiga ang ulo niya sa arm chair at mukhang natutulog ito.

Pumunta ako sa upuan sa harap niya at umupo dito.Nakaupo ako patalikod para maharap ko siya.

"Theron..."pagtawag ko dito.Nung hindi siya sumagot ay doon ko nasigurong natutulog nga ito.

Since he was sleeping,I had the chance to watch him without him getting mad.

Inayos ko ng bahagya ang buhok niya para makita ko ang mukha niya.

Nadako ang tingin ko sa labi niya.He has those attractive pinkish lips.

Should I kiss him?

"What are you doing?"Halos mapatalon ako sa upuan nang magsalita siya bigla.Kanina pa ba siya gising?

"H-huh?Wala naman"pag mamaang-maangan ko.

Bigla ay tumayo siya at umalis ng room.Ano bang problema nun sa akin?

Napanguso ako nung ako na lang matira mag isa.

Sa halip na magmukmok dito,napagdesisyunan kong sundan siya.Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya.

Lumabas siya ng school at pumasok sa coffee shop sa malapit.Patuloy pa rin ako sa pagsunod pero medyo malayo para hindi niya ako mapansin.

Nung pumasok siya sa coffee shop at hindi na ako sumunod pa dahil glass naman ang wall ng coffee shop.

Siguro mag be-breakfast siya? Hindi ba siya kumain sa kanila?

Bigla kong naalala ang ulam na ibibigay ko sa kanya.Mamayang lunch ay iaabot ko ito.

Aalis na sana ako dahil mag aalmusal lang naman siya pero nakita ko si Xandra na pumasok din sa shop.

Bigla ay nakaramdam ako ng inis at selos nang umupo siya sa table ni Theron.Si Theron naman ay ngumiti pa.Napakuyom ako ng kamao ko.

Bakit kailangan mong ngumiti?At bakit magkasama kayo?

Inis akong pumasok sa loob at pumunta sa harap nila.Na agaw ko pa ata ang atensyon nila nung bigla akong pumasok.

"Rachel,hi-"

I cut her off,hindi siya ang kailangan ko dito.

"Why are you two together?"medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin ang ilamg customers at staffs sa amin.

"None of your business"sagot ni Theron na hindi ako tinitingnan.Not even a single glance.

"I'm asking why are-"

"Ano naman ngayon kung magkasama kami? Stop acting like a mad girlfriend when the truth is I don't even like you!"sigaw niya na naka agaw ng atensyon ng lahat sa loob.

Hindi ako nakasagot.Hindi ko malaman ang gagawin ko.He was mad, because of me.

Gusto kong umiyak,but I can't cry here.I won't give him the satisfaction he wants.

Tears pooled my eyes but still,I smiled.I just hope it reached my eyes.

"I'm sorry"I cleared my throat when my voice cracked.

"Have a nice breakfast,then"I said and ran away.

Habang naglalakad ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.My heart was clenching in pain.All my life,no one dared to say bad things and shouted at me.He was so harsh.

Hindi muna ako bumalik sa loob umupo muna sa waiting shed sa labas.Ayokong pumasok,parang nawalan ako ng ganang pumasok ngayon.

Tulala lang akong napapatingin sa mga dumadaan na sasakyan.I'm so used of getting all I want.Kung anong gusto ko,nakukuha ko.

Pero bakit hindi kita makuha,Theron?

But like whst I said,I won't give him that satisfaction of hurting me.I need to show him that it was nothing,that I wasn't hurt.

Inayos ko ang sarili ko at pumasok na kahit mabigat pa rin ang loob ko.Pag dating ko sa room ay marami rami nang tao. Hinanap ko kung dumating na ang mga kaibigan ko at nakita ko si Lia na naniningil.Agad akong lumapit.

"Anong bukas?Magbayad ka!"inis na sabi niya kay Jay,kaklase namin.Nung umalis ang lalaki ay saka ako tuluyang lumapit.

Hindi niya ako napansin kaya yumakap ako sa kanya.I really need someone right now,good thing I have a friend.

Niyakap niya agad ako pabalik.Alam niyang pag ganito ako ay hindi ako okay.Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya.

"Ano?Okay ka lang?What happened?"

Umiling ako.I don't know if I should tell her what happened.Pagagalitan niya lang ako.

"What happened,Rachel?"

"Wala,pagod lang"pagdadahilan ko at pinilit na ngumiti para mapanatag siya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik na ako sa upuan ko at pilit itinuon ang atensyon ko sa klase.Na late pa nga sila Theron,eh.I bet he enjoyed his breakfast with Rachel.

Habang nagkaklase ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Xandra.I can't help but to compare myself to her.

She's pretty,that's already given.She has brown long hair na may light brown highlights.Napatingin ako sa buhok ko.It looks plain.

She's whiter than me.Matalino siya habang ako ay basta makapasa lang.

Does Theron like that kind of girl?

Napangiti akong kinuha ang to do list ko.Hindi mawala ang ngiti ko habang nilalagyan ng check mark ang number two.

2.Know Theron's type✓

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status