Share

4: Caldereta

Habang nagka klase ay hindi ako mapakali.Kating kati na akong umuwi kaso ay napakabagal ng oras.Ang katawan ko ay nasa school pa pero ang isip ko ay nasa bahay na.Naalala ko ang panaginip ko kanina. Napangiti ako.

My dreams are imaginations are completely different from my reality.But it’s always better than the latter.I could decide what I want to happen.I could control everything.I could control Theron.

Bakit kaya ang ilap ni Theron saakin?I mean,hindi naman ako pangit.Duh,sobrang ganda ko kaya.My short brown hair and pinkish lips,light brown skin and sharp pointed nose.Dun palang sobrang ganda ko na!Choosy naman niya.

Tanungin ko kaya siya kung anong gusto niya sa babae?

Siguro kailangan ko nang gumawa ng do to list kay Theron?

Kumuha ako ng maliit na notebook at doon sinulat ang mga dapat kong gawin

To do list:

1.Cook a caldereta for Theron

2.Know his ideal type

Dalawa lang muna ang isinulat ko dahil hindi ko pa alam ang iba kong gagawin.Ibinalik ko na sa bag ko ang notebook at naghintay mag uwian.

Ilang sandali pa ay…

“Alright,that’s it for today.See you tomorrow,class”sabi ng teacher namin at umalis na.Pag labas ng teacher namin ay kinuha ko na ang bag ko at mabilis na umalis.Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Karl pero hindi ko na siya nilingon.Kaso ay pagdating ko sa parking lot ay wala pa si papa.Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinext siya na sunduin na ako.

Habang naghihintay ay hinanap ko muna sila Lia.Hindi naman ako nabigo,kaso ay siya lang mag isa.

“Andito ka lang pala.Ba’t ang bilis mo naman yatang umalis?”Tanong ni Lia at sumubo ng fishball.I opened my mouth,A sign that I want to eat.Tumusok siya ng isa at isinubo sa akin.Pagkatapos ay kumuha siya ng panyo at pinunasan ang gilid ng labi ko.

“Mmm,may kailangan akong gawin sa bahay.Nasaan sila Karl?”

“Ipinatawag sa office.Wala pa sundo mo?”

Umiling ako.

“Okay ka lang ba dito?Alis na ko?”

“Mmm.See you tomorrow”

After minutes of waiting ay wala pa rin si Papa.Nabagot na ako kahihintay kaya bumalik muna ako sa loob para bumili ng makakain.Habang papunta sa cafeteria ay nahagip ng mga mata ko si Theron kaya imbis na pumunta sa cafeteria ay sinundan ko siya.May dala siyang sports bag at papunta sa dressing room.

Mukhang may practice sila ngayon ng basketball ah? 

Nakasunod ako sa likod niya pero hindi niya ata ako napansin.Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa makarating sa dressing room.Saktong pagpasok niya ay nag vibrate ang phone ko.Hindi muna ako pumasok at chineck muna ito.Nakita kong nag text si papa na papunta na siya.

Ibinulsa ko ang phone ko at pumasok na sa loob.I want to ask him his ideal type para sa mga plano ko.Pagpasok ko ay nakita ko siyang hinubad ang shirt niya,pero nakatalikod siya sa akin.Halos mapanganga ako sa nakita.

He’s freaking hot!Kahit likod ay well built!Habang gulat pa rin akong nakatingin sa likod niya ay bigla siyang humarap.There I saw his six pack.It was so…hot as hell.Theron is freaking hot!

Alam kong nagulat siya sa presensiya ko at hindi na ako nag sayang ng panahon dahil baka umalis na naman siya.

I went closer to him and licked my lips.Halos matawa ako dahil parang takot siya.Right,I want to see this side of yours,Theron.Iyong takot sa akin.

But then,hindi pa ako gaanong nakalapit ay bumalik nanaman ang dating walang emosyong itsura niya.Pero kahit ganon ay susubukan ko pa rin.

“What are you doing here?”

I raised my eyebrows.“To play,I guess?”

Halos matawa ako dahil biglang nag iba ang itsura niya.Parang hindi siya makapaniwala.Mabilis niyang isinuot ang jersey niya at niligpit ang gamit. Akmang papalabas na siya ng harangin ko siya.

“I still want to talk to-”

“I don’t want to talk to you”He coldly said and walked away.

Wala naman ang magawa kundi ang bumalik na lang.Kailangan kong makaisip ng ibang paraan para malaman ang tipo niya.

Nang makabalik sa parking lot ay nakita ko na ang kotse ni papa.Agad akong sumakay.

“Have you waited long?I’m sorry hija may emergency meeting lang”

“It’s fine pa”Sagot ko at isinandal ang ulo sa car seat at ipinikit ang mga mata ko.

Muli kong naisip si Theron.Obvious naman talaga ang laki ng katawan nito pero hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako kanina.Maybe because it was the first time I saw him half naked.

Tss.Hindi man lang ako kinausap ng maayos,pero natawa ulit ako ng maalala ang mukha niya kanina.Hindi ko man lang natanong yung tanong ko. Okay then,let’s finish this story.

“What are you doing here?”tanong ni Theron.Sa halip na sagutin siya ay mas lumapit pa ako sa kanya.

“To play,I guess?”

Hindi siya kumibo kaya nagsalita ulit ako.

“I want to know,Theron.What’s your ideal girl?”

He raised his eyebrow at me and crossed his arms.

“Why do you want to know?”

I shrugged my shoulders.“I just want to know”

“Well,yung short hair,tapos morena na matangos ilang.Yung Collins apilido tapos Rachel first name.”He answered with a smirk on his face.

I immediately look at him with a shock face.

“I-I’m not playing games here!Answer properly!”

“But I’m-”

“Rachel,we’re already here.”

Hindi niyo man lang ba ako papatapusin?Nakakainis!Inis kong binuksan ang mga mata ko at lumabas ng kotse.

Hindi ko man lang natapos yung pag iimagine.

Paakyat na ako nang bigla kong maalalang ipagluluto ko pala si Theron.Mabilis akong umakyat at nagbihis saka dali daling bumaba. Alam kong nasa trabaho pa si mama kaya si nanay Saly na lang ang hinanap ko.Nakita ko siyang naglilinis sa likod ng bahay kaya tinawag ko siya.

“Marunong po ba kayong magluto ng caldereta?”

Saglit na tumigil si nanay Saly sa paglilinis para humarap saakin.

“Aba’y oo naman.Bakit,iyan ba ang gusto mong ulam ngayon?”

Mabilis akong umiling.“Turuan niyo po akong magluto ng caldereta,nay!”

Gulat siyang napatingin sa akin habang ako ay nakangiti lang sa kaniya ng malapad.

“Susmaryosep!Tama ba ang narinig ko?Hindi ba ay ayaw mong nagluluto?”

“Gusto ko na po!Halika na,nay.” Hindi ko na siya hinintay na makasagot at hinila ko na agad siya sa kusina.

“Aba’y sandali at titingnan ko muna kung may sapat tayong sangkap para sa caldereta mo”

Habang tinitingnan ang mga cabinet ay narinig ko pa siyang nagsalita.

“Totoo nga ang Diyos!Totoo ang himala!”

Naiiling nalang ako habang natawa.Bakit ba hindi siya makapaniwala na gusto kong magluto?

Hinintay ko si nanay na makabalik at habang naghihintay ay tiningnan ko muna ang phone ko.Nang makitang paparating na siya ay ibinulsa ko na ulit ito.

“Mabuti na lang ay kompleto.Halika na,hija”

Habang nagluluto ay pinapagalitan ako ni nanay,hindi daw ako makapaghintay. Eh bakit ba kasi ang tagal maluto?

Nasugatan pa nga ako kanina habang naghihiwa ng carrots.Kasalanan yon ng kutsilyo eh.Maliit lang naman pero mahapdi.Hindi ko naman kasi inakala na matigas pala ang hilaw na carrots.

Habang naghihintay ay kinuha ko ang phone ko ang kinunan ng litrato ang caldereta at sinend ito sa group chat namin nila Karl.Agad silang nagseen.Si Mari ay nag haha react pa sa picture na sinend ko.

Shaina Mari:Ano yan?Caldero?

Karl Paolo Marquez:Huh?Kaserola yan,tanga

Nakita kong nag angry react si Mari sa reply sa kanya ni Karl.Nireplyan niya pa ito ng ‘mama mo kaserola’.

Shaina Mari:Sus,if I know,yaya mo ang nagluto niyan

Liandra Ynarez:HAHAHAHAHAHA hoy harsh

Magrereply pa sana ako na ang bait ni Lia dahil kinampihan niya ako nang mag chat ulit siya.

Liandra Ynarez:Pero totoo naman.

Napapikit ako sa inis. Bakit ba hindi sila naniniwala na ako ang nagluto nito?Well,not totally na ako.Pero ako ang nag chop at nag lagay ng ingredients!

“Rachel,halika.Tikman mo ito kung sakto sa panlasa mo.”

Agad naman akong lumapit kay Nay Saly at kumuha ng kutsara.Kumuha ako ng sabaw mula sa kaserola at tinikman ito.Masarap!

Hah!Paniguradong magugustuhan to ni Theron!Ang galing ko talaga!

Nang matapos maluto ay hindi mawala ang ngiti ko.Sa sobrang excited ay hindi pa ata ako makakatulog.Ano kaya ang magiging reaction ni Theron?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status