It's the third day of our trip today. Our parents decided to let us stay in a villa like a married couple. No cooks, no maids. Just supplies, and the two of us.
Tahimik lang kaming kumain ng agahan. Nakatuon lang ang pansin ni Kuya River sa pagkain at sa cellphone na nasa tabi niya. Habang ako naman ay kuntento na sa pagtingin lang sa kaniya.
I should start a conversation, right?
“R-River… ano pala... s-saan tayo pupunta mamaya?” I asked him while we're eating. We only had rest and relaxed for the first two days. Ngayong patatlong araw naman ay plano naming magpunta sa mga tourist sites sa Batanes kagaya ng gusto ng aming mga magulang.
“Where do you want to?”
“Hmm, wala akong masyadong alam dito, eh,” asik ko.
“We can stroll down and use maps. Is that okay for you?”
I nodded and smiled wider. Ayos na ayos!
“Wala ba talaga tayong kasama k-kahit driver or... tour guide?” I asked. I want to spend time with him, but I'm not comfortable with it.
“Hmm, I'm really not sure why our parents did this to us. Bakit nga kaya?” He raised his eyebrows while asking me. Pakiramdam ko ay sinusubukan niya kung may alam ba ako sa nangyayari.
“I-I'm not s-sure…” I trailed off. It was my instinct that told me that I should deny whatever I know.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya at nakita ko ang pagtango niya. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
“Alright. Siguro dapat natin itong pag-usapan sa susunod. Lalabas tayo mamaya. If that's okay?” he asked while smiling.
“Sige… ano… w-walang problema,” nahihiyang sambit ko.
After breakfast, I volunteered to do the dishes, but he insisted that he'll do it. Siguro nahulaan niyang hindi ko pa 'yon nagagawa kailan man.
Maybe he thinks that I'll just ruin the plates. Pakiramdam ko tuloy ang tanga ko. Like a spoiled dumb brat.
I got ready for our trip with a heavy heart. I really should ask Ate Lorie to teach me the house chores.
"Go on, find a place to visit,” he told me as I went inside his car.
I smiled and looked through the internet. Ayaw ko namang pagurin siya sa pagmamaneho kaya't kaunti lang ang pinili ko. Maybe River could find these for us.
“Here, I got the list,” I said with so much excitement.
“Alright. Pass me my phone, please,” aniya.
Nakangiti ko iyong kinuha mula sa dashboard. Kasabay noon ay ang pag pop-up ng isang message sa screen. The message was hidden, but I can clearly see the name.
'Darling' it says.
My lips parted and I stared at it for a long time. Noon lang ako nakaramdam ng ganoong klaseng sakit. Unang beses kong naramdaman ang ganoon.
“Someone texted me?”
Muli akong napabalik sa katinuan nang tawagin niya ako.
“O-Oo, h-heto,” nahihiyang sambit ko.
Bali-balitang may nililigawan si River sa kanilang school kaya bakit ba umaasa pa ako?
Napansin ko ang matagal niyang tingin sa akin bago muling iniabot ang kaniyang cellphone.
“Search for the place. Hahanapin natin.” Akala ko ay ipapabasa niya sa akin ang text dahil nagmamaneho siya, subalit nagkamali ako.
“A-Ano. S-sige, ito yung p-pinakamalapit,” I said.
I heard him breathe heavily. Kabado ko siyang nilingon subalit naging komportable lang akong muli nang ngitian niya ako.
The ride to the Morong Beach was quiet. Tanging ang mga kanta lang sa playlist ko ang naririnig. Noon ko naisip na kahit matagal na kaming magkakilala ay hindi pa rin kami ganoon kalapit sa isa't-isa. Maaaring matagal ko na siyang gusto pero… hindi ko pa rin siya gaanong kilala.
“Here.” Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang shades na nasa dashboard kanina.
“P-Para saan?”
“Just wear it,” nakangiting sambit niya. Napanguso ako at kinuha iyon mula sa kaniya para isuot.
“H-Hala!” gulat kong sambit nang mapansin ang paggalaw ng bubong ng aming sasakyan. Napangiti ako sa tuwa at napatingin sa paligid. Napakaganda!
“Just relax and enjoy, Cha!”
Ang maging ganito kasaya kasama siya ay hindi ko inaasahan. Akala ko ay magagalit siya sa isiping ikakasal kami pero heto siya at tinatanggal ang kaba ko. Ipinararamdam na hindi ako dapat kabahan sa tuwing kaharap siya.
Ayaw kong umasa, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mas mahulog sa kaniya. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng ilang araw namin dito. Sinong nakakaalam? Baka sakaling… magkagusto siya sa akin.
Baka sakaling… makuha ko ang loob niya at mahalin niya rin ako.
_
“Ang ganda!” Tumakbo ako palabas ng sasakyan habang bitbit ang sapatos na suot ko para salubungin ang alon na umabot lang sa aking paa.
“Careful. Sige ka baka may pating diyan,” Pang-aasar niya. Ngumuso ako at nilingon siya pero nagulat ako nang bigla niya akong kuhanan ng litrato!
“H-Hala, baka ang pangit ko!” gulat kong sambit at lumapit sa kaniya.
“Ang pangit nga,” biro pa niya kaya mas napanguso ako. Hmp, kailangan ko na din yatang matutong mag makeup.
Pinigilan ko ang pagngiti nang makitang hindi iyon ganoon kasama. Parang kinakausap ko lang ang napakagwapong camera— siya. May naisip ako subalit hindi ko alam kung paano sasabihin iyon. Nakakahiya naman, CK!
“A-Ano, p-picture tayo?” suhestiyon ko. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa kahihiyan nang bahagyang lumaki ang mata niya dahil sa gulat.
Charlotte Katherine, nakakahiya ka! Napakadesperada mo.
“Kung a-ayaw mo naman—”
“Halika, picture tayo. Minsan ka lang naman mag-request,” nakangiting sabi niya at hinawakan ang camera.
Napangiti ako at mas lumapit sa kaniya para magkasya kami sa camera. Nag-peace sign siya habang ako ay prenteng ngumiti.
Masayang-masaya ako nang ibigay niya sa akin iyon. Ito ang unang litrato namin, at sana ay hindi ang huli.
“May damit kang dala?” tanong niya nang ibinaba ang camera sa sasakyan na ipinagtaka ko.
“Huh? Para saan ang—?” naputol ang sasabihin ko at napasigaw nang basain niya ako bigla ng tubig!
Hala, yung picture!
Kaagad kong itinaas ang kamay ko para hindi mabasa ang litrato at saka tumakbo palapit sa sasakyan at itago iyon.
“Such a killjoy. Bumalik ka rito!” tumatawang sabi niya.
Ngumuso ako at muling tumakbo palapit hawak ang aking hydroflask na may malamig pang tubig.
“W-What's that? That's not fair—!” Hindi niya natuloy ang sinasabi nang isaboy ko sa kaniya ang malamig na tubig na laman ng hydro flask
Napatawa ako at bahagyang napalayo sa kaniya. Ang saya maging ganito kasama si River!
H-Hala.
Nawala ang ngiti ko at napatigil ako sa pagtawa nang lingunin niya ako gamit ang masama niyang tingin. Patay ako nito.
“H-Hala, s-sorry… ano… h-hindi ko sinasadya,” naiilang kong sambit, nag-aalala na.
“Ganoon ha? Halika rito.”
Napasigaw ako nang muli niya akong basain at sabuyan ng tubig paulit-ulit. Halos gamitin ko na ang hydroflask para kumuha ng tubig sa dagat at isaboy sa kaniya pero paulit-ulit niya lang akong nababasa.
Patuloy ako sa pagtawa at ganoon din siya. Basa na ang buhok at ang dress ko at pati rin siya. Walang kalaban-laban ang hydroflask ko sa kamay niya! Hmp.
“Tara. Malapit lang dito ang isang light house?” tanong niya. Marahan naman akong tumango bago sumunod sa kaniya sa paglalakad. Basang-basa tuloy kami sa byahe papuntang light house.
Pero kahit ganoon, hindi maitatangging isa ito sa pinakamasayang araw ko.
“B-Bakit may dala ka niyan?” tanong ko nang makarating kami. Inilabas niya kasi sa sasakyan ang dalang basket at ang picnic mat.
“If it isn't obvious, we'll have lunch here,” nakangiting sambit niya. Bahagya akong napakurap at kinuha ang picnic mat sa kaniya para tumulong.
Habang naglalakad kami ay hindi ko naiwasang mamangha at matulala sa ganda ng tanawin. Kahit saan ka yata pumunta dito sa Batanes ay sobrang ganda ng paligid.
“Cha,” tawag niya. Napatingin ako at kaagad tumakbo para lumapit at sumunod sa kaniya.
“S-Sorry. Ang ganda kasi,” asik ko at inilatag ang picnic mat sa sahig.
“You're always saying sorry. Hindi naman kita masisisi dahil maganda talaga rito,” nakangiting aniya at naupo.
“Ano… s-sorry,” sagot ko.
Marahan akong naupo sa tabi niya at bahagya siyang nilingon.
“Cha, not everything is your fault. Stop apologizing for things you didn't do, okay?”
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa narinig. Walang ibang nagsabi sa akin noon bukod sa kaniya. Pakiramdam ko ay nakita niya ang halaga ko.
“O-Okay,” tumatangong sambit ko.
“Good!” aniya.
Nakangiti lang kaming pareho at nakatingin sa isa't isa. Subalit nag-iwas siya at tumingin sa magandang tanawin na nasa harap lang mismo namin.
“Kain ka na,” sambit niya ay iniabot sa akin ang isang tupperware.
Ganito ang masayang buhay para sa akin. Tahimik lang, masaya, at komportable.
“Ang ganda. Napakaswerte ko at nakapunta ako rito kasama ka,” sambit ko. I really mean it. I am very happy whenever I am with him.
Natigilan ako nang maisip kung ano ang nasabi ko. Hindi iyon deretso pero alam kong may ideya na siya kung ano ang ibig kong sabihin! Hala ka na naman, Charlotte.
Napakagat ako sa aking labi at saka ko siya nilingon. Tama nga ang akala ko at nakatingin siya sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata. Kasi naman eh!
“A-Ano… K-Kuya River… ano pala… R-River—?” Hindi ko talaga alam ang itatawag sa kaniya.
“Cha, it’s 'Kuya River',” pagtatama niya.
Napaawang ang aking labi at saka ako marahang tumango. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Mas gusto niyang tawagin ko siyang Kuya. Mas gusto niyang ituring ko siya bilang kapatid… at hindi bilang lalaking magiging asawa ko kalaunan.
“K-Kuya River,” sambit ko.
“Cha, I'm sure you know why we're together… am I correct?” Nakatungo lamang ako at hindi alam kung anong dapat kong sabihin. “Cha, look at me,” he said softly.
Bahagya akong nag-angat ng tingin at saka marahang tumango bilang tugon sa kaniya. Rinig ko ang pag buntonghininga niya kaya't halos maiyak ako dahil sa kaba.
Nang muli niya akong hinarap ay napatungo ulit ako na parang tanga. Gusto ko na lang umuwi at umiyak. Alam ko na ang patutunguhan ng usapan naming ito. Simula pa lang ay alam ko na.
“Charlotte, do you… do you really…” Hindi niya maituloy ang sinasabi at parang nahihirapan. Kung itanong niya man kung gusto ko siya...hindi ko iyon itatanggi. Hinding hindi.
“Cha, do you really like—?” Naputol ang kaniyang sinasabi nang tumunog ang kaniyang cellphone.
Sabay kaming napalingon doon. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag pero bumuntonghininga siya nang makita iyon. I think the call is very important. Dahil hindi niya naman ako iiwan sa kalagitnaan ng aming pag-uusap kung mas importante ako kaysa sa tumatawag.
“I'm just... going to answer this. Kumain ka na.”
Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Tumayo siya at bahagyang lumayo sa akin. Nayakap ko ang aking sarili at saka nakahinga nang maluwag. Pinunasan ko ang ilang mga luha sa aking pisngi nang makatalikod siya sa akin. Dapat kong muling isaayos ang sarili ko. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko. Ang sakit-sakit sa dibdib. Lumuluha ako nang hindi ako sigurado kung anong dahilan. May halong pagkapahiya, lungkot, at kaba.
Akala ko ay doon na matatapos ang sakit pero hindi pa pala.
“Darling?” Mula sa kaniyang distansya ay rinig ko ang kaniyang sinasabi kahit pa pilit niyang hininaan ang kaniyang boses.
Tama nga ako. May girlfriend nga siya. May mahal na siyang iba kaya bakit ko ba ipinipilit ang sarili ko? Gusto ko lang naman siya pero... wala naman akong karapatang dikatahan siya na magustuhan din ako.
Mas lumayo siya kaya't napatingin ako sa kaniyang likuran. Habang pinakikinggan ang sinasabi niya sa kausap ay napangiti ako nang maisip na kahit ganito at kami lang dalawa, pinili niyang maging tapat sa kasintahan.
Wala akong planong isiksik ang sarili ko sa kahit kanino. Gusto ko lang siyang mahalin kahit walang kapalit. Kahit nakatingin lang ako sa malayo, kuntento na ako.
Pero hindi ba talaga pwedeng ipagkait ko siya? Hindi ba talaga pwedeng maramdaman kong kahit papaano na mahalaga rin ako sa kaniya? Magiging masama ba ako kung hihilingin kong sana maging akin siya? Kahit saglit lang, kahit ngayon lang.
When can we say that we’ve moved on from all the pain and heartache? How do we know if we’ve already moved on? How do we know if we’re just forcing ourselves and denying the pain? At higit sa lahat… paano ba tatanggapin ang pagkawala ng ating minamahal?I have lots of questions running in my mind. Habang nakatitig sa puntod ng aking asawa, hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili kung paano kinakaya ng mga taong naiiwan ang paglisan ng kanilang minamahal.How can Kuya River… stand strong?Well, maybe he has his little angel that Sandra left to remind him of her love. At si Lionel… ganoon din.“Will you be fine here, Darling?” mahinang bulong ko at hinawakan ang kanyang lap
It still feels unreal. Sa tuwing iminumulat ko ang aking mga mata kada umaga, pakiramdam ko’y hindi totoo ang lahat. When I wake up without him beside me, I’d still wait for him to get out of the shower.But as minutes pass, after realizing everything… that he’s not here anymore… I couldn't stop myself from crying.The past few days were very hard. And it’s not getting any better. Sa bawat araw, parang mas lalo lang akong nasaktan.In the middle of the night, I can still feel him caressing my cheeks. I can always feel his warmth like he never left.“CK…” Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang tinig ni Mom. She caressed my back and hair as she softly whispered. “Do you want something to eat? Mananghali
“L-Lionel, please… wake up. Wake up, please?” pakiusap ko.I tried to run and push his bed as fast as I could. Natatakot akong sa oras na bumagal ang takbo namin… baka hindi na kami umabot. Baka iwanan niya na ako. Baka…“Sweetie,” Mommy called and stopped me from entering the emergency room. Pero hindi ako nagpatinag. Gusto kong pumasok. Gusto kong malaman ang lagay ng asawa ko. Gusto kong naroon ako pagmulat ng kanyang mga mata.“Mommy, please. I k-know he’ll want to see me if he wakes up. G-Gusto ko siyang makitang mabuhay, Mommy. H-He’ll be worried sick if he wakes up without me. Alam ko iyon.” Nabasag ang aking boses habang patuloy na nagmamakaawang papasukin nila ako sa emergency room pero… hindi talaga. Ayaw nila.
At first, I thought I was only serving my revenge because they fooled me. Pero sino bang niloloko ko? I can’t… hold it any longer.I can’t contain my feelings anymore. After kissing her, marrying her legally without her knowing, after I locked her there, at matapos kong makita ang paraan ng titig niya sa kapatid ko, I know I wouldn’t be able to last another day without her knowing that she’s mine.At nang magising ako isang araw sa kanyang tabi… I couldn’t help but feel how much my heart is aching. I realized how stupid I am. She’s fucking innocent!At hindi siya biktima ng pangyayari kundi… biktima ng galit ko. I was the one who harmed her. I was the one who hurted her and traumatized her. Kaya anong… karapata
I did shit the next few days. Umuuwing madaling araw tapos aalis na ulit, I go to bars often, meet few ladies and mess with them in a way we both know. Umabot pa sa puntong ginawa ko iyon… sa bahay mismo.Alam kong napakatanga ko, pero wala akong pakialam. I can’t take Katherine off my mind, and I know that I have to! Kaya lahat ginawa ko para maalis siya sa sistema ko. Pero alam kong palagi ko siyang makikita kaya minabuti kong ituon ang atensyon ko sa iba.But unexpectedly, one night, she… saw me doing it with another woman in our very own house.Fuck, I’m so screwed up.“Katherine?!” sigaw ko nang makita siyang tulala sa amin. She looked stunned. Subalit ang gulat ay napalitan ng takot nang
They say that before people close their eyes, they tend to remember the most beautiful thing that happens to their lives.But no matter how much I’m afraid to die, I don’t think I can still… make it.“Lionel… Lionel, please, wake up!” I stared at my beautiful wife as she cried so much. The last thing I want to see is her shedding tears. Dahil sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, it always felt like I failed my duty as his husband.It always reminded me of those days when I was an ass to her. It always reminded me that until now, I’m still not satisfied dahil pakiramdam ko’y kulang pa ang mga ginagawa ko para makabawi sa kanya.“Hala! S-Sorry, akala ko walang tao!” sigaw ni Katherine at kaagad isinar