LOGINWalang ibang pinangarap si Ashanti kundi ang maibalik ang dating init at pagmamahal ng kanyang ina—pagmamahal na naglaho nang iwan sila ng kanyang ama para sa ibang babae. Kaya nang dumating ang pagkakataong mapasaya ito, hindi na siya nagdalawang-isip pa: pakakasalan niya ang lalaking pinili nito para sa kanya—si Grant. Ngunit ang akala niyang "happy ending" ay naging simula ng impyernong buhay mag-asawa. Sa likod ng magandang itsura at katayuan ni Grant ay ang lamig at kalupitan na sumira kay Ashanti. Mabuti na lamang at dumating si Uncle Saint—ang nag-iisang tiyuhin ni Grant, ang matagal na nitong karibal, at ang pinakamalaking tinik sa lalamunan nito. Kabaliktaran naman, si Uncle Saint ang naging tanging sandalan at kakampi ni Ashanti sa gitna ng dilim. Sa pagtira nila sa iisang bubong, sa bawat sandali ng pagdamay at pag-unawa, unti-unting namulaklak ang isang damdaming ipinagbabawal. Nagsimula ang lahat sa "no-strings-attached" na ugnayan hanggang nauwi na lang sa matinding pagmamahalan—isang pag-ibig na bawal, delikado, at puno ng panganib. Hanggang saan sila dadalhin ng bawal nilang ugnayan? Paano kung biglang magbago si Grant at nais nitong ayusin ang kanilang nasirang pamilya? Dagdag pa sa gulo, bumalik ang asawa ni Uncle Saint—handang gawin ang lahat para mabawi ito. Hanggang saan nila kayang itago ang kanilang lihim? Kung kailan nahanap na nila ang tunay na pag-ibig, ipaglalaban ba nila ito kahit laban na sa prinsipyo at kasal? O susuko na lamang sila at itutuwid ang pagkakamali, kahit na ang kapalit nito ay ang pagwasak sa kanilang mga puso?
View MoreASHANTI’S P.O.V.HINDI NA KAMI NAGKITA ULIT NI UNCLE SAINT MATAPOS ANG HAPUNAN NA ‘YON. TAHIMIK ANG BUONG BAHAY KINAGABIHAN, AT SA WAKAS AY NAKATULOG AKO NANG MAHIMBING—ISA SA IILANG GABING WALANG SIGAW, WALANG SAKIT, AT WALANG TAKOT.Pero bandang alas-dose ng hatinggabi, nagising ako.Tuyo ang lalamunan ko. Wala ring tubig sa mini ref sa kwarto, kaya napilitan akong bumaba.Pagdating ko sa sala, naabutan ko siya—si Uncle Saint—nakaupo sa couch, mag-isa, may hawak na baso ng alak.“Gising ka pa pala,” saad niya nang mapansin ako.Ngumiti lang ako ng tipid. “Nagising lang. Wala kasing tubig sa taas.”“Care to join me?” tanong niya, saka bahagyang napangisi. “Oh wait… baka hindi ka umiinom. You look too young. Sigurado ka bang asawa ka ni Grant at hindi anak niya?”Hindi ko siya pinansin. Tatalikod na sana ako, pero mabilis siyang tumayo at lumapit.Hinawakan niya ang braso ko.“You look familiar,” bulong niya. “Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita.”Kinakabahang napaharap ako sa
ASHANTI’S P.O.VNANLAKI ANG MGA MATA KO.Uncle?Bago pa ako makapag-isip, nagtagpo ang mga mata namin. At biglang huminto ang mundo ko. Nanlamig ang buong katawan ko.Kilalang-kilala ko ang mga matang iyon. Ang boses na iyon... Hindi ako pwedeng magkamali.Hindi ko man makita nang maayos ang mukha niya noon, alam kong siya iyon. Siya ang lalaking nakasama ko noong gabing nagpakalasing ako sa bar...Nang makita niya ang reaksyon ko, lalo pang lumawak ang ngisi niya. Parang kilala niya rin ako.“Interesting…” bulong niya habang nakatitig sa akin. “Well, well… what a surprise.”At sa mismong sandaling iyon, tanggap ko na—mas lalo pang gugulo ang buhay ko.Sa kabila ng panlalamig ay nagawa ko pa ring obserbahan siya. Matangkad, moreno, matipuno, at halatang sanay magdala ng sarili. Kung si Grant ay may mukha ng isang malinis at maamong anghel, ang lalaking ito naman ay parang kabaliktaran—mas matapang ang dating, mas delikado ang aura, at mas… nakakabighani.Kung ako ang tatanungin, mas g
ASHANTI’S P.O.V.PAGKATAPOS NI HAILEY, SUNUD-SUNOD NA ANG MGA BABAENG DINADALA NI GRANT SA BAHAY.May iba-iba siyang kasama kada linggo. Minsan bago, minsan inuulit niya ang dati. Pero iisa lang ang ibig sabihin ng lahat—harapan niya akong niloloko, at wala siyang pakialam kung masaktan man ako.Sa pagdaan ng panahon, nasanay na rin akoHindi ko naman siya mahal, at kung tutuusin, mas mabuti nang sa ibang babae niya ibuhos ang init niya kaysa ako ang pagdiskitahan niya gabi-gabi. Tuwing may inuuwi siyang iba, nababawasan ang mga gabing ako ang binubugbog niya o ginagawang parausan sa kama.Kaya kahit papaano, nagpapasalamat pa ako sa mga babaeng dinadala niya.Nasanay na akong tuwing hapon, pag-uwi niya mula sa kumpanya, lasing siya at may nakakapit na babae sa braso niya. Pero iba ang dating niya nang araw na iyon.Maayos ang lakad niya. Hindi siya amoy alak. Wala ring kasamang babae. At higit sa lahat, alas-kuwatro pa lang ng hapon—mas maaga kumpara sa madalas niyang hating gabi na
ASHANTI’S P.O.V.MAY KUNG ANONG MABIGAT NA DUMAGAN SA DIBDIB KO HABANG PINAPANOOD KONG MAGHALIKAN SINA GRANT AT HAILEY SA HARAPAN KO.Hindi ko naman mahal si Grant. Hindi ko rin siya gusto. Pero ang makita siyang may ibang babae—sa mismong harap ko, sa mismong bahay namin—parang may kung anong matalim na tumusok sa puso ko.Hindi ko alam kung selos ba iyon. Galit. O simpleng sakit ng katotohanang wala akong halaga sa taong legal na asawa ko.“We’ll stay in the master’s bedroom for hours,” malamig na sabi ni Grant habang nakaakbay kay Hailey. “Sa kabilang kwarto ka muna. And don't you dare get out, kung ayaw mong malintikan pagkatapos namin."Tumango lang ako kahit gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko.Bago sila tuluyang umakyat, lumingon pa si Hailey sa akin at kumaway habang nakangiting parang nang-aasar.Napairap ako pagkatalikod nila.Potential investor raw. Potential kabit, mas bagay pa.Napabuntong-hininga ako at naglakad palabas papunta sa garden. Ayokong umakyat. Hindi so






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews