"E ano ng balak mo ngayon? Paano ang aregluhan niyo ngayon ni Kenneth nyan? Panigurado ako, hindi 'yon magpapatalo sa'yo." Tanong ng kaibigan ko na si Clariza.
Nasa tapat kami ng kumpanya na pinagtratrabahuan namin na abalang kumakain ng tusok-tusok kagaya ng fishball at kikiam dahil breaktime namin. "Aba! Hindi rin ako magpapatalo no. Wala akong tiwala sa lalaking 'yon. Psh! Ano naman ang alam non sa pag-aalaga ng bata." Umikot ang mga mata ko sa inis. Naalala ko na naman ang kayabangan ni Kenneth noong huli na nakapag-usap kami patungkol sa pag-aalaga kay Cleo. "Malay mo naman marunong talaga." Depensa ni Klariza. Nakakunot-noo ako na tumitig sa kaibigan ko. "Sus! Bes, huwag ka magpapaniwala sa Kenneth na 'yon, gumagawa lang 'yon ng paraan para magpapansin dahil gusto niyang makipag-ayos sa akin. As if naman tanga ako at papayag ako sa gusto non. Yuck!" Patutsada ko, nandiri pa ako nong maalala ang pag-uusap namin ni Kenneth. "Bes, ang tagal naman na kasi non e. Hindi kaya time na para magkaroon din kayo ng closure para mawala na 'yang sakit na dinadala mo dyan sa puso mo patungkol don sa exboyfie mo." Suhestiyon ni Clariza. "Ayoko! Lahat ng ginawa ni Kenneth sa akin non, walang kapatawaran. Nawalan ako non, bes, hindi niya deserve ang kapatawaran ko." Matapos naming magmeryenda ay bumalik na kami sa aming trabaho. Kahit babad ako sa trabaho ay hindi ko maiwasang isipin si Cleo kasabay noon ang nakaraan namin ni Kenneth. Pakiramdam ko bumabalik na naman 'yong bangungot na kinalimutan ko na noon. Inumaga na ako sa trabaho kaya mabilis kong inayos ang mga gamit ko saka nagpaalam sa aking mga kasama dahil dadalawin ko si Cleo. Hindi alo mapakali hangga't hindi ko nakikita si Cleo sa isang araw. Kaagad na akong pumunta sa DSWD kung saan naroon si Cleo. Hindi pa kami nakapagdesisyon kung kanino mapupunta si Cleo kaya dinadalaw ko nalang ito. Hinihiling ko na as soon as possible ay maareglo na iyon dahil ayaw kong mahirapan si Cleo. "Ah, Maam, si Cleo po?" Pagtatanong ko sa isang babae na nasa information desk. Nakilala naman ako kaagad ng babae dahil nakita niya noong inaareglo namin ang pag-aampon namin kay Cleo. "Nasa garden, Maam. May bumisita po sa kanya e." Ani ng babae. Nagtaka ako kung sino iyong tao na sinasabi nito na dumalaw kay Cleo. Sinamahan ako ng babae papunta sa garden upang puntahan si Cleo. Nasa di kalayuan palang kami ay nakita ko na agad ang masigla na batang babae na nakikipaglaro sa isang lalaki. At noong suriin ko ang lalaki na kalaro ni Cleo ay nakilala ko na agad. Ayan na naman siya. Tsk! "Ninang!" Kaagad akong sinalubong ni Cleo pagkakita nito sa akin. Hindi maipinta ang ngiti sa mukha ni Cleo noong makita niya ako. "Hello, kumusta ka?" Tanong ni ko. Kumalas si Cleo sa pagkakayakap sa akin, samantala, naroon si Kenneth sa gilid, pinapanood kaming dalawa. "Ayos lang po, Ninang. Napagod lang po ako sa pakikipaglaro kay Ninong." Tinuro ni Cleo si Kenneth. Sinulyapan ko lamang si Kenneth, hindi ako nag-abala na ngitian ito o batiin manlang, saka niyaya na si Cleo na maupo sa malapit na bench. May dala akong pagkain mula sa fastfood chain na tinake-out ko at amin itong pinagsaluhan. "Napag-isipan mo na ba 'yong sinabi ko sayo?" Pambabasag ni Kenneth sa katahimikan. Parehas naming pinapanood si Cleo na abala na sa paglalaro sa mga barbie niya. "Psh! Hindi ako tanga, Kenneth. Alam mo mismo sa sarili mo na walang kapatawaran yong ginawa mo sa akin. Kaya pwede ba, hayaan mo nalang na ako ang mag-alaga kay Cleo." Depensa ko sa iritableng boses. Napailing-iling si Kenneth at hinarap niya ako. "Paano nila ibibigay si Cleo sa atin kung ganito tayo na hindi magkasundo? Alalahanin mo na yon ang kondisyon nila. Saka lamang nila ibibigay si Cleo sa atin kapag nasigurado nila na hindi siya madadamay sa away natin o sa kahit na anong personal nating problema sa isa't isa." "Hindi naman tayo magkakaproblema ng ganito kung hahayaan mo 'ko na ako ang mag-alaga sa kanya e. Ano ba kasing trip mo ha? Ikaw mag-aalaga ng bata? I dont think so kung kaya mo baka kapag nairita ka lang sa kakulitan niya ay susuko ka na. Baka nga mapabayaan mo rin siya e." Depensa ko, ginagawa ko ang lahat para mapunta si Cleo sa akin. "Kaya ko siyang alagaan." "Psh! Relasyon nga natin hindi mo nakayang alagaan non, si Cleo pa kaya!" Hugot na tugon ko na ikinatigil ni Kenneth. "What the?" Tumayo na ako at bago tinahak ang daan paalis ay may sinabi muna ako kay Kenneth. "Subukan mo munang alagaan 'yang sarili mo para alam mo 'yong hirap na pinagdaanan ko noon sayo." Iniwan lo si Kenneth at nagtungo kay Cleo upang makapagpaalam na. Nahirapan pa akong makaalis dahil umiiyak si Cleo pero mabuti na lamang ay naroon si Kenneth at nagawan namin ito ng paraan. Gustong-gustong sumama ni Cleo sa akin pero nirerespeto ko ang desisyon nina Attorney dahil kapakanan ng bata ang iniisip ng mga ito. Kinabukasan, nagising ako na tumutunog ang selpon ko. Napabalikwas ako ng bangon at nakita na si Attorney ang tumatawag kaya sinagot ko ito kaagad. "Hello, Attorney?" "Alona, si Cleo nawawala." "Ano?" Hindi na ako nag-aksaya ng oras para pumunta sa DSWD. Abot hanggang langit ang kaba ko at hindi ko na halos alam ang gagawin. Nang makarating ako doon ay naabutan ko sina Attorney at ilang kawani ng DSWD doon. Kasalukuyan na nilang hinahanap si Cleo at makalipas ang ilang oras ay may dumating na guwardiya na dala-dala si Cleo na umiiyak "Cleo.." kaagad kong kinuha si Cleo mula sa guwardiya. Niyakap ko ito ng sobrang higpit dahil halos mamatay ako sa kaba. "Saan ka ba pumunta? Ha? Bakit ka umalis?" "Ni-ninang, a-ayoko dito. Gusto ko si-si Mommy at Da-daddy." Umiiyak na tugon ni Cleo. Napapikit ako sa sobrang sakit sa kadahilanang wala akong maisasagot kay Cleo ukol sa mga magulang niya. Nagkatinginan kami ni Attorney. Naaawa kami ng sobra sa bata. "Tahan na. Nandito naman si Ninang e. Hindi naman kita pababayaan e." Pagpapatahan ko sa bata. "A-ayoko na dito, Ninang." Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Cleo. Matapos kong mapatahan si Cleo at halos makatulog na ito sa pag-iyak, naisipan naming mag-usap ni Attorney. "Attorney, ayoko po kayong pangunahan sa magiging desisyon niyo kay Cleo pero nakikiusap ako, kukunin ko nalang po siya." Pakiusap ko. "Natatakot rin kami na baka maglayas ulit si Cleo at talagang naisip na namin kanina na ibigay nalang sayo pero ang ikinababahala namin ay iyong tungkol sa inyo ni Mr. Salvador. Kapakanan ng bata ang iniisip namin, Alona." Seryosong usal ni Attorney. "Naiintindihan ko po. Yong tungkol po sa amin ni Kenneth, makaaasa kayo na hindi madadamay si Cleo. Actually, sinusubukan na namin ni Kenneth na ayusin yon alang-ala kay Cleo." Pangungumbinsi ko. "Sige, ibibigay namin pansamantala si Cleo sa iyo habang inaayos namin yong proseso." Sumilay ang napakatamis na ngiti sa labi ko nong marinig ang magandang balita mula kay Attorney. Hindi maipaliwanag ang saya sa puso ko dahil sa wakas ay mapupunta na si Cleo sa akin. Hindi ko na ginising pa si Cleo, inayos ko na ang mga gamit niya saka maingat na ibinyahe pauwi sa apartment ko. Naging maganda ang pamamalagi ni Cleo sa poder ko ngunit kahit labag sa kalooban kong iwan ito kapag gabi dahil may trabaho ako ay isinasawalang bahala ko ito. Naghire ako ng kasambahay na pansamantalang mag-aalaga kay Cleo habang nasa work ako tuwing gabi. "Si Ninang ay aalis muna ha? Dito ka na muna sa bahay. Babalik naman ako bukas e, okay?" Pakikipag usap ko kay Cleo. "Opo." "Good boy." Ginulo ko ang buhok ni Cleo saka hinalikan ito sa noo. Kinabukasan, excited akong na umuwi dahil may naghihintay sa pag-uwi ko sa apartment. Wala akong sinayang na oras para makapagbyahe pauwi dahil sabik na sabik akong makita si Cleo na masayang sasalubong sa akin. "Cleo, nandito na si Ninang." Pagtawag ko sa batang babae nang tuluyan na akong makapasok ng apartment. Naupo ako sa sofa, inalis ko ang suot ko na sapatos. Walang ano-ano ay may naaamoy akong nagluluto sa may kusina. Nagutom ako bigla. "Manang, nag-abala ba kayong magluto ng breakfast namin. Sinabi ko naman na kahit ako nalang di ba?" Tugon ko. Hindi ako nakatanggap ng sagot ngunit narinig ko ang yabang ng paa palapit sa pwesto ko at walang ano-ano ay naramdaman ko ang mainit na halik sa pisngi ko na nakapagpatigil sa mundo ko. "Goodmorning, baby. I cooked a breakfast for us." Napatayo kaagad ako noong mabosesan ang taong pinaggagalingan ng boses na iyon. "Kenneth?"Kenneth's POV"Mauuna pa yata akong mamatay kaysa makuha 'yong gusto ko e. Tangina." Minamasahe ko ang braso ko na sobrang kirot dahil sa pagbubuhat ng mga sinampay kanina at nang pagkabangga nito sa pader kaninang hinabol ko 'yong ipis. Dumagdag pa ang pang-iiwan sa akin ni Alona ng sandamakmak na labahan. Sobrang kirot ng braso ko, 'yong tipo pati salon pas ay aatras at tatakasan ako."Karma na ang tawag dyan." Usal ni Chris at iniabot sa akin ang energy drink na kinuha nya mula sa fridge. After kong maglaba ay talagang sumugod ako dito sa condo ni Rhaiven para magsumbong na parang bata. Akala nila ay kung ano na ang nangyari sa akin matapos ang chat ko sa kanilang habol ko na ang hininga ko. Akala ko nga ay wala na silang pakialam sa akin dahil madaling araw na. Nakalimutan ko yatang parang tapagbantay ng mundo 'tong mga kaibigan ko at kahit na anong oras ay gising pa sila.Nagpatawag ako kay Rhaiven ng family doctor nila para icheck ako. Mukh
"Inutusan kitang alagaan si Cleo, hindi gawing bodega 'tong bahay ko, Kenneth. Saka bakit nakapayong 'yong mga sinampay sa labas? 'Yong mga pusa ko, ba't parang pulubi dyan sa labas na nag-aantay?" Sunod-sunod kong sermon kay Kenneth pagkakita sa kabuuan ng bahay ko.Umusok talaga ang ilong ko sa galit nang makita ang mga sinampay ko sa labas na nakapayong. Nakita ko kanina na may mga dumaraan na napapahinto sa tapat ng bahay ko at may kinukunan ng litrato, akala ko pa naman ay si Kenneth ang pinipicturan nila, 'yong mga sinampay ko pala. At hindi lang 'yon, first time akong sinalubong mga pusa ko na nasa labas. Para silang mga batang kalye na napabayaan sa labas. At ang pinakamalala sa lahat ay nang makapasok na ako ng bahay. Akala ko pa naman ay hindi ako magkakaproblema ngayong araw dahil binigyan ako ni Kenneth ng assurance na gagawin nya ng maayos ang trabaho niya. Pero akala ko lang pala lahat.Lantang gulay siya na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Mukha niya pa lang maki
Kenneth's POV"Finally... peace and quiet." Nilingon ko si Cleo na nakaupo sa playmat habang abalang-abala sa paglalagay ng mga Lego sa bibig ng stuffed toy niyang si Elsa. "Okay, this looks easy," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa lababo para maghugas ng mga pinagkainan namin.Habang binabanlawan ko ang kutsara, tinignan ko ulit si Cleo. Still quiet. Nagtataka ako. 'Yon na ba 'yon? Ganito lang pala 'yun? Eh parang mas mahirap pa ang group project namin dati sa college kaysa sa ganito pero iyon ang inaakala ko dahil isang minuto lang ang lumipas..."Aww, man..." bigla kong naamoy 'yon. Yung amoy na kahit gaano ka pa ka-positive sa buhay, siguradong bibigyan ka ng existential crisis. Napalingon ako kay Cleo na nakaupo pa rin sa playmat, pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya. 'Yung tipong parang proud siya sa nagawa niya. At dun ko na-realize..."Tae."Literal na napaatras ako sa lakas ng amoy. Gusto ko sanang takbuhan ang buong sitwasyon pero ako lang ang kasam
Alona's POV "Enjoying the view, huh?" Aligaga akong naglakad patungo sa kusina nang malaman kong gising na gising pala siya. Hangga't maaari ayoko siyang kausapin dahil assumero siya sa mga bagay-bagay. Lalo pa naman at nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang nakahiga na n*******d. Argh! Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga kaya mas nataranta ako lalo na noong mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa pwesto ko. Jusko! "Ano namang nakakaenjoy sa puro buto-buto mong katawan, ha?" Sinimulan ko nang hugasan 'yong bigas na nilagay ko sa rice cooker. Nasa tabi na siya ng lamesa, malamang ay pinapanood ang bawat kilos ko. "Really? E ba't para kang aso kung maglaway sa katawan ko kanina?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Isinalang ko na ang rice cooker. Isinaksak ko na ito at saka pinindot at baka kumain kami ng hilaw. Pagkatapos ay hinarap ko siya na nakataas-kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang
Alona's POV "Ipis! May ipisssss!"Pagkakita ni Kenneth sa akin na iniluwa ng pintuan ng kwarto ay patakbo itong yumakap sa akin na parang batang bubwit. Halos matumba ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Akala mo hinahabol siya ni Kamatayan sa sobrang takot nito."Aray! Ano ba! Bitaw ka nga. Aray!" Pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap sa akin dahil nasasakal ako. Hinahampas-hampas ko pa siya para kumawala sa akin pero wala 'yon epekto sa kanya."Cy, may ipis, patayin mo baka kainin niya ako. Cyyyyy!" Pagsusumbong niya sa akin at tinawag niya ako sa nickaname ko na siya ang nakaisip non. Imbes na kiligin sa pagtawag niya sa nickname ko ay mas kumulo ako sa galit. Sa inis ko at takot na baka magising si Cleo na mahimbing na natutulog sa loob ay kinurot ko ang beywang niya. Mas mabilis pa sa kabayo ang pagkalas niya ng yakap sa akin kasabay noon ang maluto niyang pagmura."Aray! Ang sakit. Tang---""Ang OA mo!" Singh
Kenneth’s POV“She’s on her way, Attorney. Be ready. Just do everything to make her stop.” Ibinaba ko ang telepono ko at ibinalik sa bulsa ng pants ko. Nakatuon ang pansin ko kay Alona na abalang pumapara ng traysikel sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula rito sa bintana ng kanyang bahay. Ngiting-aso ang pinakawalan ko dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana.Noong mawala na si Alona sa paningin ko ay napatingin ako kay Cleo na abalang naglalaro sa may playmat. Ni wala siyang pakealam na lumayas ang kanyang magaling na Ninang. Ganyan nga, huwag kang magkapake sa babaeng ‘yon.Linapitan ko siya upang subukan na lasunin ang utak niya. Kung hindi ko pa kaya sa Ninang, doon muna tayo sa inaanak. Mapipilitan siguro na makisama si Alona sa akin kapag alam niyang mas gusto ako o mas close si Cleo sa akin. Tama.Pumantay ako ng upo sa kanya saka mahina na kinalabit siya. Tinapunan naman niya ako ng tingin. “Cleo, ‘di ba mas favorite mo si Ninong kaysa kay Ninang?”Tatlong segundo muna sig