Kenneth's POV
“Akala ko ba sa bilihan ng sapatos tayo pupunta? E ba’t nandito tayo sa toy’s store?” Iritableng usal ni Luis habang nakasunod silang tatlo sa akin. Nabudol ko silang tatlo dahil alam kong matutulungan nila ako. Idinahilan ko talagang magpapasama ako sa kanilang bumili ng sapatos ko at ililibre ko sila pero ang totoo ay magpapatulong ako sa kanila na bumili ng laruan para kay Cleo. “Walanghiya ka! Pinacancel ko pa lahat ng meeting ko para lang makasama sa inyo tapos dito mo kami dadalhin?” Hindi na rin nakapagpigil si Rhaiven at muntik pa akong mabatukan dahil sa kalokohan ko. “Ano bang ginagawa natin dito, Ken?” Sumasabog na rin sa galit si Chris. “Wala silang tinda na sapatos dito kaya ba’t nandito tayo?” “Bibili tayo ng laruan syempre. Toy’s store nga e.” Sagot ko, sinimulan ko na ring magtingin-tingin ng mga nakadisplay na barbie doll sa paligid na alam kong magugustuhan ni Cleo. “Tulungan niyo ‘kong pumili ng magandang barbie doll.” utos ko sa kanila pero malutong na mura ang natanggap ko mula sa kanila. “YOU DRAGGED US HERE FOR A DOLL?!” “I CANCELED MY AFTERNOON NAP FOR THIS?!” “DO YOU KNOW HOW EMBARRASSING IT IS TO BE FOUR GROWN MEN IN A TOY STORE, ARGUING OVER DOLLS?!” “Dali na, pipili lang e.” Pangungulit ko sa kanila na pare-parehas ng nabadtrip sa akin. “Tsk! Kami talaga ang isinama mo para pumili? Bwisit ka talaga, Kenneth.” Sinabunutan ako ni Luis dahil sa kanyang panggigigil sa akin. Nakalinya silang tatlo sa likod na hindi na maipinta ang mukha nila sa galit. Nakapamulsa si Luis, napahilot naman si Rhaiven sa kanyang sentido at pilit hinaharangan ni Chris ang kanyang mukha dahil may ilang tao ang nakatitig sa pwesto namin. “Walanghiya ka talaga, Kenneth. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito. Argh!” Iritableng usal ni Chris na pilit itinatago ang kanyang mukha gamit ang kanyang braso. Pati sina Luis at Rhaiven ay nakakaramdam na rin ng hiya. “Hayaan niyo sila. Tara na, tulungan niyo na ‘ko.” Pandededma ko sa mga tao sa paligid. “Eto, maganda ba? Ang cute ‘no? Pero, masyadong malaki, mabigat ‘to.” Ipinakita ko sa kanila ‘yong medyo may kalakihan na barbie doll na kulay pink ang dress nito. “O baka ito? Ano sa tingin niyo?” Kumuha pa ko ng isa na mas maliit kumpara sa hawak kong isa para may pagbasehan sila kung alin ang mas maganda. “Fuck! Bakit sa amin ka nagtatanong? Mukha ba kaming naglalaro ng ganyan, Ken?” Inis na inis na singhal ni Rhaiven sa akin. Kumuha na rin siya ng barbie doll pangharang sa mukha niya. Sumabat na rin si Luis sa usapan. “Balak mo pala siyang bilhan ng laruan, bakit hindi na lang siya ang isinama mo para siya ang pumili at hindi kami. Ulul ka!” “Baka kasi mas magaling kayong pumili sa bata e.” Sagot ko kaya pare-parehas silang tumingin ng masama sa akin. Kung nakakamatay lang ang mga titig nila sa akin ay kanina pa siguro ako pinaglamayan sa bahay. Inikot pa namin ang kabuuan ng toy’s store, nakita ko na lahat ng tinda nilang barbie doll pati na ang bahay-bahayan pero wala pa rin akong napipili. Parang lahat kasi ay maganda at gusto kong ibigay kay Cleo. Pero syempre, hindi naman pwedeng lahat ay bilhin ko para sa kanya. Isa lang dapat. “Kenneth, tangina ka! Dalian mo na dyan para makaalis na tayo dito! Can’t you see, ang dami ng nakatingin sa’tin baka kung ano pa ang isipin nila sa atin.” Gigil na gigil na singhal ni Rhaiven sa akin pero dinedma ko lang siya. “Kalma lang, guys! Masyado kayong highblood e.” Naglakad ako papunta sa ibang section pa ng magagandang doll na mas mabigat sa bulsa ang presyo. Nakasunod ang tatlo sa akin na sa bawat hakbang nila ay may kasamang taning ng buhay ko. Gigil na gigil silang tatlo sa akin kaya imbes na matakot ako ay nakyutan pa ako. “Damn! Hindi ako makapili!” Asik ko at napakamot sa ulo ko. Sa dami ng pagpipilian ay hindi ko alam kung alin ang kukunin ko. “Kung hindi ka naman kasi siraulo, isinama-sama mo pa kami rito, sa tingin mo matutulungan ka namin? The fuck!” Reklamo ni Luis saka nakatanggap ako ng hampas sa braso ko pero hindi naman ‘yon ganon kalakas. Sakto lang na maramdaman kong gigil siya sa akin. “Tsk! Kumuha ka nalang ng kahit na ano diyan, Ken, magkakamukha lang din naman lahat ‘yan e.” Singhal ni Rhaiven sa akin na halatang ubos na ang pasensya niya sa akin. Napailing-iling ako. “Ayokong pipityugin lang ‘yong ibibigay ko don sa bata, ‘no. Dapat pag-effortan ko para mapaamo ko kaagad nang sa ganon ay manalo ako sa deal natin.” Nakailang balik na ako sa mga barbie doll na hinahawakan ko dahil nga hindi ako makapili. Panigurado pati si Cleo ay hindi rin makakapili sa dami ng narito. Ayokong basta-basta lang ang ibigay ko kay Cleo, gusto ko kakaiba para special naman. “Tangina! Dami pang sinasabi. Kumuha ka nalang ng kahit na ano dyan. Ihampas ko sa’yo ‘to e. Ang tagal mo.” Pagbabanta ni Rhaiven habang hawak-hawak ‘yong medyo may kalakihan na barbie doll dala ng inis niya sa akin. Bago pa man ako mapatay ng mga kaibigan ko ay kinuha ko na iyong doll na talagang nakakuha ng atensyon ko. Siguro naman ay magugustuhan ito ni Cleo. It is a cute doll has big, bright eyes that sparkle with mischief. It has soft, rosy cheeks and a sweet smile. Its hair is a cascade of curls a vibrant pink. It wears a pretty dress, perhaps with lace and ribbons, and tiny shoes that match. It hold a little teddy bear. This doll is small enough to be held in a Cleo’s arms,not small and not to much big. “Mga kalokohan mo talaga, Kenneth.” Inis na inis na usal ni Rhaiven sa akin paglabas namin ng toy’s store. “Sorry na nga e.” “Tsk! Bibili ka lang pala ng barbie doll, isinama mo pa kami.” Reklamo naman ni Chris. “Hindi nga kasi ako magaling pumili ng laruan e. Malay ko ba expert kayo don.” Paliwanag ko. Masamang tingin ang itinapon ni Luis sa akin. “Tangina! Sa barbie doll? Seryoso ka?!” Pinigilan kong matawa dahil sa mga itsura nila. Galit na galit sila sa akin e. “Akala ko nga kasi magaling kayo, kayo ‘tong may mga anak e.” Depensa ko pa. “Dami mo ebas. Bwisit ka.” Nilayasan na nila ako at nagpauna na silang lumabas ng mall. Sumunod na lang din ako hawak-hawak ‘yong barbie doll na binili ko. Sa sobrang inis nila sa akin ay hindi na nila hinintay pa na magpasalamat ako sa pagsama nila sa akin dahil kapwa na sila nagsisakayan sa kanilang mga sasakyan at pinaharurot ito paalis. Naabutan ko si Cleo sa may garden ng DSWD nang makarating ako doon. Naglalaro ito ng mag-isa kaya magandang pagkakataon talaga ito para makabonding siya. Naisipan ko siyang dalawin at bigyan ng regalo hindi lang dahil gusto ko siyang paamuhin kundi pati na rin ibsan ‘yong pangungulila niya. Cleo is just a five years old. Wala pa siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid niya lalong-lalo na ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Naaawa ako sa kanya ng sobra. Alam ko nagsisimula na siyang magtaka kung bakit hindi na niya nakikita sina Benj at Krisha. “Nagustuhan mo ba ang bigay ni Ninong, hmm?” Tanong ko sa kanya nang maupo kami dito sa may bench. Kakatapos niya lang buksan ang bigay ko sa kanyang regalo. “Opo. Thank you, Ninong.” Niyakap niya pa ako kaya natuwa ako pero kalaunan ay nawala ang ngiti ko dahil s tinanong niya. “Ninong, nasaan po sina Mommy at Daddy? Namimiss ko na po sila. Hindi pa ba nila ako susunduin dito?” Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Bata pa sya at panigurado mahihirapan pa siyang intindihin ang lahat. Nginitian ko lamang siya dahil ayokong magbitiw ng salita. Niyaya ko nalang siya na maglaro at nakuha ko naman ang loob ko. Nakipaglaro ako sa kanya nang sa ganoon ay mawala sa isip niya ‘yong tinanong niya sa akin kanina. Masayang-masaya siya habang kalaro ako at ganon din ako. Masigla siyang bata, mabait at higit sa lahat, marespeto. Sa kalagitnaan ng paglalaro namin, biglang lumitaw si Alona na mukhang dinalaw rin si Cleo. At nakita ko na naman ang masungit niyang mukha at malamig na pakikitungo sa akin. Sinubukan ko siyang kausapin patungkol sa pag-aalaga kay Cleo pero nagmatigas siya katulad nitong nakaraan. Hindi pa siya nakuntento ay isinali niya pa sa usapan ang naging nakaraan naming dalawa. “Norman,” tawag ko sa aking butler. “Ano ng balita kay Attorney Robles?” Tanong ko. “Sir, pumapayag na po siya. Gagawin daw niya lahat para sa inyo mapunta ang bata.” pagbabalita nito. Napatango-tango ako. “Good. Make sure na tumutupad siya sa usapan ah.” “Copy, Sir.” Ginagawa ko ang lahat para makuha ko si Cleo laban kay Alona. Kinakailangan kong makuha ang loob ni Attorney Robles at mabigyan siya ng assurance na maganda ang magiging buhay ng bata kapag sa akin ito napunta. Alam ko na hindi siya aayaw sa akin dahil isa na ako sa mga regular client niya ngunit may isang tao ang nagiging harang para hindi mapagbigyan ang gusto which is si Alona. Dalawang araw akong hindi nakadalaw kay Cleo dahil out of town ‘yong dinaluhan kong meeting. Nabalitaan ko nalang na nawala si Cleo nitong nakaraang gabi pero nahanap din raw siya kaagad. Kaya naman paglapag na paglapag ng eroplano na sinakyan ko ay dumiretso ako sa DSWD upang dalawin siya. “Sir, wala na po ‘yong bata dito.” Pagbabalita nong babae sa desk sa akin. Napakunot-noo ako. “What do you mean, Miss?” “Napagdesisyunan po ni Attorney Robles na ibigay muna siya kay Miss Alona para masigurado po na hindi na maglalayas ulit ‘yong bata dito.” “What?” Kaagad akong nagpunta sa office ni Attorney Robles. Ang buong akala ko ay kampi na siya sa akin dahil binigyan niya ako ng assurance na huwag niyang ibibigay kay Alona iyong bata. “I thought you weren't going to give it to Alona? We already talked about that, didn't we, Attorney?” I said, formally but with annoyance. “Yes, but she insisted, Mr. Salvador. She feels sorry for Cleo and at the same time, she's also worried, so I had no choice but to give it to her temporarily. I hope you understand.” Attorney Robles explained in a serious tone, which left me with nothing to do but sigh deeply. Wala akong nagawa kundi ang intindihin nalang. Kaya naman halos sumakit ang ulo ko kakaisip kung ano ang gagawin ko ngayon para makuha si Cleo. Alam ko na mahihirapan ako dahil kilala ko si Alona, mas palaban pa siya kay Manny Pacquiao. Something popped into my head about what I could do to finally win Alona over and earn her forgiveness. I'll live in her house. That's it! “Nasa trabaho siya hanggang alas sais ng umaga, Sir. May ni-hire siyang magbabantay sa bata tuwing gabi.” Pagbabalita ni Norman matapos niyang mag-imbestiga kay Alona. “Okay. We’re going to her house.” Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para pumunta sa bahay niya. Sumugod na ako doon kahit alas singko pa lang ng umaga. Madilim pa sa labas at hindi pa nagtitilaok ang mga manok. Sakto nga na naroon ‘yong babae na hinire niya para magbantay kay Cleo na nag-antubiling nagbukas ng pinto para sa akin. “Sino po sila?” Tanong nito. “Magandang umaga po, ako po si Kenneth.” Pagpapakilala ko sa babae. “Ninong po ako ni Cleo, nandito po ako para sana bantayan siya, utos ni Alona po.” Palusot ko. “Ganon po ba, pasok po.” Pinapasok niya kami. “Naku! Tamang-tama may gagawin pa ako ng maaga ngayon sa bahay.” “Oh, no problem, pwede na po kayong umuwi.” Usal ko. “Sigurado po kayo, okay lang?” Tanong ng babae. “Hindi pa po kasi gising ‘yong bata e.” “Ako na po ang bahala sa kanya.” At dali-dali ng umalis ang babae. Naiwan na akong mag-isa dito sa maliit ngunit malinis na bahay ni Alona. Sakto lang sa tatlong tao itong bahay niya. Sinilip ko si Cleo sa kwarto at mahimbing pa nga na natutulog. Wala akong nagawa kaya napag-isipan kong magluto na lang ng almusal para sa amin. “Manang, nag-abala ba kayong magluto ng breakfast namin. Sinabi ko naman na kahit ako nalang di ba?" Rinig kong tugon ni Alona sa may sala. Hindi ko siya sinagot at dahan-dahan siyang nilapitan na may ngiti sa labi. At walang ano-ano ay hinalikan ko siya sa pisngi nito na naging dahilan para magulat ito na animoy nakakita ng multo. "Goodmorning, baby. I cooked a breakfast for us." Napatayo kaagad ito noong mabosesan ang taong pinaggagalingan ng boses na iyon. "Kenneth?”Kenneth's POV"Mauuna pa yata akong mamatay kaysa makuha 'yong gusto ko e. Tangina." Minamasahe ko ang braso ko na sobrang kirot dahil sa pagbubuhat ng mga sinampay kanina at nang pagkabangga nito sa pader kaninang hinabol ko 'yong ipis. Dumagdag pa ang pang-iiwan sa akin ni Alona ng sandamakmak na labahan. Sobrang kirot ng braso ko, 'yong tipo pati salon pas ay aatras at tatakasan ako."Karma na ang tawag dyan." Usal ni Chris at iniabot sa akin ang energy drink na kinuha nya mula sa fridge. After kong maglaba ay talagang sumugod ako dito sa condo ni Rhaiven para magsumbong na parang bata. Akala nila ay kung ano na ang nangyari sa akin matapos ang chat ko sa kanilang habol ko na ang hininga ko. Akala ko nga ay wala na silang pakialam sa akin dahil madaling araw na. Nakalimutan ko yatang parang tapagbantay ng mundo 'tong mga kaibigan ko at kahit na anong oras ay gising pa sila.Nagpatawag ako kay Rhaiven ng family doctor nila para icheck ako. Mukh
"Inutusan kitang alagaan si Cleo, hindi gawing bodega 'tong bahay ko, Kenneth. Saka bakit nakapayong 'yong mga sinampay sa labas? 'Yong mga pusa ko, ba't parang pulubi dyan sa labas na nag-aantay?" Sunod-sunod kong sermon kay Kenneth pagkakita sa kabuuan ng bahay ko.Umusok talaga ang ilong ko sa galit nang makita ang mga sinampay ko sa labas na nakapayong. Nakita ko kanina na may mga dumaraan na napapahinto sa tapat ng bahay ko at may kinukunan ng litrato, akala ko pa naman ay si Kenneth ang pinipicturan nila, 'yong mga sinampay ko pala. At hindi lang 'yon, first time akong sinalubong mga pusa ko na nasa labas. Para silang mga batang kalye na napabayaan sa labas. At ang pinakamalala sa lahat ay nang makapasok na ako ng bahay. Akala ko pa naman ay hindi ako magkakaproblema ngayong araw dahil binigyan ako ni Kenneth ng assurance na gagawin nya ng maayos ang trabaho niya. Pero akala ko lang pala lahat.Lantang gulay siya na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Mukha niya pa lang maki
Kenneth's POV"Finally... peace and quiet." Nilingon ko si Cleo na nakaupo sa playmat habang abalang-abala sa paglalagay ng mga Lego sa bibig ng stuffed toy niyang si Elsa. "Okay, this looks easy," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa lababo para maghugas ng mga pinagkainan namin.Habang binabanlawan ko ang kutsara, tinignan ko ulit si Cleo. Still quiet. Nagtataka ako. 'Yon na ba 'yon? Ganito lang pala 'yun? Eh parang mas mahirap pa ang group project namin dati sa college kaysa sa ganito pero iyon ang inaakala ko dahil isang minuto lang ang lumipas..."Aww, man..." bigla kong naamoy 'yon. Yung amoy na kahit gaano ka pa ka-positive sa buhay, siguradong bibigyan ka ng existential crisis. Napalingon ako kay Cleo na nakaupo pa rin sa playmat, pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya. 'Yung tipong parang proud siya sa nagawa niya. At dun ko na-realize..."Tae."Literal na napaatras ako sa lakas ng amoy. Gusto ko sanang takbuhan ang buong sitwasyon pero ako lang ang kasam
Alona's POV "Enjoying the view, huh?" Aligaga akong naglakad patungo sa kusina nang malaman kong gising na gising pala siya. Hangga't maaari ayoko siyang kausapin dahil assumero siya sa mga bagay-bagay. Lalo pa naman at nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang nakahiga na n*******d. Argh! Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga kaya mas nataranta ako lalo na noong mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa pwesto ko. Jusko! "Ano namang nakakaenjoy sa puro buto-buto mong katawan, ha?" Sinimulan ko nang hugasan 'yong bigas na nilagay ko sa rice cooker. Nasa tabi na siya ng lamesa, malamang ay pinapanood ang bawat kilos ko. "Really? E ba't para kang aso kung maglaway sa katawan ko kanina?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Isinalang ko na ang rice cooker. Isinaksak ko na ito at saka pinindot at baka kumain kami ng hilaw. Pagkatapos ay hinarap ko siya na nakataas-kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang
Alona's POV "Ipis! May ipisssss!"Pagkakita ni Kenneth sa akin na iniluwa ng pintuan ng kwarto ay patakbo itong yumakap sa akin na parang batang bubwit. Halos matumba ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Akala mo hinahabol siya ni Kamatayan sa sobrang takot nito."Aray! Ano ba! Bitaw ka nga. Aray!" Pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap sa akin dahil nasasakal ako. Hinahampas-hampas ko pa siya para kumawala sa akin pero wala 'yon epekto sa kanya."Cy, may ipis, patayin mo baka kainin niya ako. Cyyyyy!" Pagsusumbong niya sa akin at tinawag niya ako sa nickaname ko na siya ang nakaisip non. Imbes na kiligin sa pagtawag niya sa nickname ko ay mas kumulo ako sa galit. Sa inis ko at takot na baka magising si Cleo na mahimbing na natutulog sa loob ay kinurot ko ang beywang niya. Mas mabilis pa sa kabayo ang pagkalas niya ng yakap sa akin kasabay noon ang maluto niyang pagmura."Aray! Ang sakit. Tang---""Ang OA mo!" Singh
Kenneth’s POV“She’s on her way, Attorney. Be ready. Just do everything to make her stop.” Ibinaba ko ang telepono ko at ibinalik sa bulsa ng pants ko. Nakatuon ang pansin ko kay Alona na abalang pumapara ng traysikel sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula rito sa bintana ng kanyang bahay. Ngiting-aso ang pinakawalan ko dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana.Noong mawala na si Alona sa paningin ko ay napatingin ako kay Cleo na abalang naglalaro sa may playmat. Ni wala siyang pakealam na lumayas ang kanyang magaling na Ninang. Ganyan nga, huwag kang magkapake sa babaeng ‘yon.Linapitan ko siya upang subukan na lasunin ang utak niya. Kung hindi ko pa kaya sa Ninang, doon muna tayo sa inaanak. Mapipilitan siguro na makisama si Alona sa akin kapag alam niyang mas gusto ako o mas close si Cleo sa akin. Tama.Pumantay ako ng upo sa kanya saka mahina na kinalabit siya. Tinapunan naman niya ako ng tingin. “Cleo, ‘di ba mas favorite mo si Ninong kaysa kay Ninang?”Tatlong segundo muna sig