تسجيل الدخولIrish's POVUmikot siya papunta sa pwesto ko at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. Tumango lang ako sa kan'ya at saka pumasok sa loob. Napabuntong-hininga ako ng maisara na niya ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko namalayang napigilan ko pala ang paghinga ko dahil kinakabahan ako dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Maya-maya lang ay pumasok na rin siya at naupo sa driver's seat.Tahimik lang kaming pareho sa loob ng sasakyan. Walang nagsasalita, habang inaayos niya ang seatbelt niya bago pinaandar ang sasakyan. "Where are we going?" tanong ko ng mapansing hindi pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. "Sa paborito kong restaurant." maikli niyang sagot.Napatingin ako sa kan'ya. "Bakit sa restaurant?""Naisip ko lang na we could talk somewhere quiet." sagot niya.Hindi na ako sumagot at tumingin na lang ulit sa bintana. Siguro mas okay nga iyon kaysa sa coffee shop kung saan maraming tao para makapag usap talaga kami ng maayos. Tahimik lang ako buong byahe. Paminsan-minsan
Irish's POV Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko dahil iniisip ko ang message sa akin ni Jordan. May isang oras pa bago ang out ko at hindi pa rin ako nakakapag reply sa message niya. Gusto ko muna sanang makauwi at makapag palit ng damit bago ako humarap sa kan'ya. Baka kasi mabigla niya kung sakaling makita niya akong naka maternity dress. Wala namang problema sa akin kung magtanong siya kung buntis ba ako o hindi dahil buntis naman talaga ako, pero natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya. Baka kasi akalain niyang nagkaroon na ako ng iba pero pumayag pa rin akong makipag usap sa kan'ya. Napabuntong-hininga ako at pilit na ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. May ilang files pa akong kailangang tapusin bago ako umalis, pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay napapatingin na naman ako sa phone ko.Wala na siyang ibang message at hindi ko rin naman siya nire-replyan dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.Maybe he's waiting. Maybe he's wondering why I'm taking
Irish's POV Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang bumalik ako sa trabaho matapos ang leave ko. Sa wakas, unti-unti na rin akong nakasabay sa mga gawain sa office, kahit minsan ay kailangan ko pa ring mag-adjust dahil sa mga pagbabago sa katawan ko. Hindi na rin bago sa mga kaibigan ko ang madalas kong paghawak sa tiyan ko tuwing nakakaramdam ako ng gutom o kapag gusto ko lang siguraduhing maayos ang pakiramdam ng mga baby ko. Sa mga nakalipas na linggo, naging mas maingat na rin ako sa sarili ko. Hindi na ako basta-basta nagpupuyat para lang matapos ang mga designs ko, at sinisikap kong magpahinga kapag nararamdaman kong napapagod na ako. Siyempre, hindi rin mawawala ang pangungulit nina Kate, Elsa, at Lyra. Halos araw-araw ay pinapaalalahanan nila akong kumain sa tamang oras, habang si Bryson naman ay hindi pa rin nagsasawang magdala ng kung anu-anong pagkain para sa akin. Minsan nga, pakiramdam ko ay mas kabisado pa nila ang mga kailangan ko kaysa sa sarili ko. Ngayon, ha
Irish's POV Nang makarating kami sa opisina ay sinalubong lang kami ng mga kaibigan namin. "OMG! Girl, ang blooming mo!" bati sa akin ni Kate, natawa naman ako sa sinabi niya at niyakap siya. "Ang OA naman sa blooming, wala naman akong nilagay sa mukha ko." sambir ko"Totoo nga, ang blooming mo nga ngayon." singit naman ni Lyra at saka hinawakan ang buhok ko. "Sana lahat ng nagbubuntis ganito ka fresh ano?" pabirong sambit ni ElsaNapatawa ako sa sinabi ni Elsa bago dumiretso sa table ko, nilapag ko lang ang mga gamit ko at saka humarap ulit sa mga kaibigan ko. "Grabe kayo. Kakapasok ko pa lang, kung ano-ano na agad sinasabi n'yo." natatawang sambit ko"Eh, totoo naman, girl!" sagot ni Kate. "Ang fresh fresh mo talaga ngayon, siguro baby girl 'yang mga baby mo.""Sure 'yan, fresh na fresh ang face mo girl, tapos nagkalaman ka na." dagdag ni Lyra "Kain ka siguro ng kain nung leave mo ano?" singit ni Elsa habang nakangiti.Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti rin."Hay nako! wal
Irish's POVMabilis na lumipas ang natitirang dalawang araw ng leave ko. Halos ganoon pa rin ang naging routine ko sa bahay. Kumain, magpahinga, at maglaan ng oras para sa sarili ko at sa mga anak ko.Pero kahit gusto ko pang magtagal dito, kailangan ko nang bumalik sa trabaho, masyado na akong nawili na walang ginagawa nawala na sa isip ko na kailangan ko nga palang kumita ng pera para sa mga anak ko. Kaya naman maaga akong gumising ngayong umaga para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko pabalik sa condo."Manang, nailagay ko na po lahat ng damit ko sa bag," sabi ko habang bumababa ng hagdan.Napatingin siya sa dala kong bag."O, sige ipapalabas ko na lang kay Nesto, para 'pag dating ni Bryson ay ilalagay na lang sa kotse niya. Iyong mga damit na ipamimigay mo ay ako ng bahala magdala sa club house."Napangiti ako."Sige po Manang, nakabukod na po 'yon sa tabi ng cabinet ko. Tatlong supot po 'yon, 'yung isa naman po puro art materials, ikaw na po bahala kung saan mo po ipamimigay. Pw
Irish's POV Pag pasok ko sa kwarto dala ang mga inorder ko ay inilapag ko muna 'to sa table bago ulit bumaba para kumuha ng juice sa ref. Hindi na kasi ako umorder ng drinks para sa akin Tatlong Large Fries ang binili ko at isang peach mango pie. Sinamahan ko na rin ng ice cream dahil gusto ko ng malamig. Nang makakuha ng juice at tubig ay bumalik na ulit ako sa kwarto at inumpisahang kainin ang mga pagkain ko. Napapikit ako ng makain ko ang fries na gusto ko. "Grabe kayo mag crave mga anak, mabuti na lang talaga at hindi mahirap hanapin ang mga cravings niyo sa ngayon." natatawang sambit ko, kahit hindi nila ako naiintindihan ay kinakausap ko talaga sila. Natutuwa kasi ako kapag kinakausap ko sila kahit alam kong wala pa namang sasagot sa akin. Excited na talaga akong lumabas sila, pero sa ngayon aalagan ko muna sila sa loob ng tiyan ko. Kaya kahit anong cravings o gusto nilang kainin ay kakainin ko para maging malusog sila sa loob ng tiyan ko. Ilang fries pa ang kinain ko bag







