Mag-log inDalawang pusong pinagtagpo ng tadhana sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Sa unang pagkikita pa lamang nila, nahulog na ang loob ni Irish Montenegro kay Dr. Jordan Villanueva, ang seryoso, dedikado, at pinakamahusay na doktor sa kanilang bayan. Isang simpleng pagtatagpo sa ospital ang naging simula ng paghanga ni Irish sa lalaking hindi n’ya akalaing magiging pinakamahalaga sa kan'yang buhay. Sa paglipas ng panahon, mas naging madalas ang kanilang pagkikita. Mula sa mga simpleng usapan, sabayang pag-inom ng kape, at mga pagkakataong hindi nila inaasahang magkakasama, unti-unting nabuo ang isang espesyal na samahan. Hindi alam ni Irish na dahan-dahan na ring nahuhulog ang loob ni Jordan sa kan'ya. Ngunit nagbago ang lahat nang bumalik si Nicole, ang dating nobya at first love ni Dr. Jordan. Determinado itong bawiin ang doktor at hindi tinigilan ang panggugulo sa kanilang dalawa. Upang tuluyan na silang tigilan, napagdesisyunan nina Jordan at Irish na magpanggap na mag-asawa. Habang pinaninindigan nila ang kanilang pagpapanggap, mas lalo namang naging totoo ang kanilang nararamdaman. Ang mga kilos na dati'y bahagi lamang ng plano ay nauwi sa tunay na pagmamahalan. Ngunit nang akala nila’y sa wakas ay magiging masaya na ang lahat, isang trahedya ang sumubok sa kanilang pag-iibigan. Naaksidente si Irish at malubhang nasugatan. Ginawa ni Dr. Jordan ang lahat upang mailigtas ang babaeng pinakamamahal n’ya. Habang nakikipaglaban si Irish para sa kan'yang buhay, hindi maiwasang sisihin ni Jordan si Nicole, dahil naniniwala s’ya na ang walang tigil nitong panggugulo ang nagtulak sa mga pangyayaring nauwi sa aksidente. Sa pagkakataong ‘yon, napagtanto ni Jordan na hindi sapat ang pagiging mahusay na doktor kung ang taong pinakamamahal n’ya ang nasa bingit ng kamatayan. Dahil minsan, ang Code Blue ay hindi lamang laban para sa buhay, kundi laban din para sa pag-ibig na muntik ng mawala
view moreIrish's POVLumipas ang ilang oras na halos puro trabaho lang ang inasikaso ko. May ilang revisions na kailangang tapusin at may presentation din kaming kailangang ihanda para sa susunod na meeting.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa paperbag na nasa gilid ng desk ko. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakikita ko iyon, napapangiti ako.Bandang tanghali, natapos na rin ang manager namin sa pag-discuss ng mga kailangan naming gawin."Okay, that's all for now. You can take your lunch break."Agad namang nagligpit ng gamit si Kate at saka dumiretso sa table ko."Lunch na!" sambit niya. "Irish, tara na!" Tumango ako at isinara ang laptop ko. Iniwan ko na lang sa table ko ang paperbag na puno ng snacks dahil parang mas gusto kong mag pasta ngayon. Pagdating namin sa cafeteria ay nakita namin si Bryson na kakaupo pa lang habang dala ang tray niya ng pagkain."Oh, sakto. Kumpleto na tayo," sambit ni Kate habang umuupo."Akala ko hindi na kayo darating," natatawang sambit ni Bryso
Irish's POV "I don't know what to say but thank you for this." sambit ko at saka napatingin sa bulaklak na binigay niya. Paboritong bulaklak ko 'tong tulips kaya naman sobrang na appreciate ko 'to, lalo na galing pa sa kan'ya. "Hindi kita pinepressure, I told you we can take one step at a time." nakangiting sambit niyaNgumiti lang rin ako sa kan'ya at tumango."Papasok ka na ba? Hatid na kita." sambit niyaTumango ako sa kan'ya at saka ngumiti. "Ah, sige. Kuhain ko lang gamit ko sa loob." Tumango lang siya kaya naman ay tumalikod na ako sa kan'ya, hinayaan ko lang nakabukas ang pintuan para makapasok na rin siya. Nilagay ko lang sa kwarto ang bulaklak na binigay niya at saka kinuha ang bag ko. Nag retouch lang ako ng konti bago ako lumabas sa kwarto. Inabot niya sa akin ang paperbag na dala niya ng makalapit ako sa kan'ya. "Ano 'to?" tanong ko "Snacks mo, para hindi ka na pupunta sa pantry niyo kung magutom ka man." sambit niyaNapatingin ako sa paperbag na inabot niya sa akin
Irish's POVKinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga rin akong dinalaw ng antok, pakiramdam ko kagabi ay pagod na pagod ako kaya ng matapos akong maglinis ng katawan ay nakatulog ka agad ako. Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na konting sandal lang ay nakakatulog na ako agad. Nakahiga pa rin ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang pag-uusap namin ni Jordan kagabi. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng lahat mula ngayon, pero kahit papaano ay mas panatag na ako dahil nasabi ko na rin sa kan'ya ang lahat. Hindi na niya kailangang malaman pa mula sa ibang tao, mabuti na lang talaga at hindi agad sinabi sa kan'ya ni Maia. At hindi ko na rin kailangang mag-isip kung paano ko siya haharapin kapag lumalaki na ang tiyan ko.Napabuntong-hininga ako at saka dahan-dahang bumangon. Dumiretso lang ako sa banyo para makaligo muna bago kumain, para medyo magising gising naman na ang diwa ko. Ramdam ko kasing gusto pang pumukit ng mga
Irish's POV "I'll handle whatever I can," dagdag niya. "Hindi ko naman sinasabing kailangan mong ibigay sa akin lahat. I just want to be involved."Tumango ako. "Okay." Bahagya siyang ngumiti. "Thank you."Sumandal ako sa bench at napatingin sa paligid. Hindi ko alam kung bakit parang mas gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko matapos naming pag-usapan iyon. At least ngayon, alam ko na hindi ko kailangang isipin lahat nang mag-isa."Sya nga pala," sambit niya.Napalingon ako sa kanya. "Ano?""Where are you staying?"Natigilan ako nang kaunti."Sa condo pa rin.""You're staying there until when?""What do you mean?""Hindi pwedeng mag isa ka lang sa condo mo, do you want me to get a nanny for you?""Kaya ko pa naman kumilos mag isa, Jordan." "Paano kung lumaki na 'yang tiyan mo? Maigi na 'yong habang maaga pa may makakasama ka na para mag mag asikaso rin sa'yo lalo na sa mga kakainin mo." "I know pero—" "It's final, I'll call Mom para sabihing mag padala ng kasambahay sa condo mo.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu