CHAPTER SEVENTEEN"OUR BOSS likes you."Namilog ang mga mata ni Matilda sa gulat nang marinig ang sinabi ng isa sa dalawang lalaking bigla nalang lumapit sa kaniya upang tanungin ang kaniyang pangalan at Address."So, tell us your name and address and you will thank us later." Dagdag naman ng kasama nito."Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo. At wala akong panahong makipagbiruan. Umalis nalang kayo rito kung ayaw ninyong makita ng asawa ko," tugon naman ni Matilda habang pilit na kinakalma ang sarili. Hindi niya kilala ang dalawang lalaking ito kaya pinilit nalang niya ang sariling magtimpi, dahil kung tatarayan niya ang mga ito, baka ano pa ang gagawin ng mga ito sa kaniya.Mag-isa lang din kasi siya sa bandang ito ng beach dahil nasa kanilang cottage pa ang kaniyang mga kasama, at si Dom naman ay nasa kusina tumutulong sa pagluluto ng kanilang tanghalian. Kaya kung may masamang gagawin sa kaniya ang dalawang lalaking ito, tiyak na walang makakatulong sa kaniya."Nakikita naming naka
CHAPTER EIGHTEEN"DOMING, ikaw na muna ang mag deliver nito doon sa Barangay Pag-asa at Barangay Syete. Nagkasakit kasi si Allan kaya absent siya ngayon." Anang Tomas kay Dom nang paparada na sana siya dahil tapos niya na ang kaniyang trabaho sa araw na ito.Ganito ang kalakaran nila sa trabaho, dahil may kaniya-kaniya silang lugar na pagdi-deliver-ran, magiging full na 'yong attendance nila sa isang araw kapag natapos na nila ang assignment kahit na anong oras pa nila ito matatapos.Ngunit ngayon, mukhang mapapa-over time na naman siya nito. Sanay naman na siya sa ganito ngunit mas maganda pa rin 'yong walang over time dahil mas maaga siyang makakauwi sa bahay niya upang makapagpahinga."Huwag kang mag-alala dahil habang ikaw ang gumagawa sa assignment ni Allan, 'yong sweldo niya sa iyo mapupunta. Bale, magiging doble ang sahod mo." Dagdag pa ni Tomas dahilan upang magliwanag ang napapagod nang mukha ni Dom."Salamat po, Sir." Masayang tugon niya matapos marinig ang sinabi ng amo.Ito
CHAPTER NINETEEN[Warning! Contains Explicit and Sexual Scenes not suitable for young audience]HABANG NAGTATANONG ang isipan ni Dom kung ano ang nangyayari sa kaniyang asawa, kung may nagaganap bang hindi maganda sa trabaho nito dahilan upang magbago ito ng ugali, ay may napakalaking sekreto na palang itinatago si Matilda mula sa kaniya.At ito ay nagsimula noong mismong araw na natanggap ito sa trabaho, o mas tamang sabihin na tinanggap nito ang trabahong inalok sa kaniya ni Don Antonio."A-anong kailangan ninyo sa akin?" Tarantang tanong ni Matilda kay Don Antonio noon habang nasa loob sila ng opisina nito."I like you, Matilda." Diretsa namang tugon ng Don sa kaniya. "The moment I lay my eyes on you on that beach, I was immediately infatuated by your innocent beauty." Dagdag pa nito."But then I was disappointed to know that you're already married, however, I am not used to not getting the things that I want." Patuloy pa nito habang nakapamulsang nakatingin sa kaniya. "So, how muc
CHAPTER TWENTYMalalim ang isip si Dom habang nilandas ang kahabaan ng magulong daan patungong San Diego City Mall. Papalubog na ang araw sa malayong kaluran at ang kulay kahel nitong sinag ay tumatama na lang sa itaas ng ilang parte ng nagtataasang gusali sa lungsod.Paminsan-minsang tumatama sa kaniyang mukha ang repleksyon ng araw mula sa masalaming bahagi ng ilang mga gusali dahilan upang bahagya niyang pinipikit ang mga mata, habang itinaas ang kamay at itinapat sa kaniyang noo para takpan ang kaniyang mga mata mula sa nakakasilaw na repleksyon.Palinga-linga siya sa paligid dahil kasalukuyan siyang tumatawid sa isang eskinitang dinadaanan ng maraming mga tricycle.Nasa sentro siya ngayon ng lungsod ng San Diego hindi lang upang papasok sa kanilang night class ngunit upang sunduin ang asawa.Hindi alam ni Matilda na pupunta siya ngayon dito dahil wala naman siyang cellphone upang tawagan ito. Hindi niya pa kasi kayang bumili ng Nokia 3310 dahil masyado itong mahal para sa kaniya
CHAPTER TWENTY ONEMUGTO ang mata ni Dom dahil sa kakaiyak, kaya naman hindi na siya pumasok pa sa kanilang klase.Ilang araw palang ang balik-eskwela nila pero heto siya na absent na kaagad.Pero wala na siyang gana, eh.Maliban sa nakakahiya ang kaniyang itsura ay parang nawalan din siya ng gana sa buhay.Sino rin bang hindi?Nahuli niya ang kaniyang asawang may iba.Nalaman niyang tama nga pala ang duda niya.Kaya palagi nalang itong ginagabi sa pag-uwi dahil may kinababaliwan na pala itong iba at kaya pala ito palaging pagod dahil mukhang pinapagod ito ng kabit nito.Kaya pala ito hindi sumasabay sa kaniya sa pagkain, kahit gaano kasarap ang inihanda niyang ulam araw-araw ay dahil mas masarap pala ang kinakain nito kasama ang mayaman nitong kalaguyo.At kaya pala hindi na siya nito pinagbibigyang maka-iskor dahil may pinapaiskor na pala itong iba.At napakasakit nito.Nakapakasakit.Dumagdag pa rito ang nangyari sa kanilang komprontasyon kanina, dahil ipinamukha nito sa kaniya na
CHAPTER TWENTY TWOHINDI ALAM ni Dom kung gaano siya katagal nawalan ng malay. Ngunit dahil ramdam niya pa ang hapdi ng kaniyang bibig na tumama sa matigas na lupa, pakiwari niya ay saglit lang iyon.Pero nang tumingin siya sa paligid ay wala na sina Matilda at ang lalaki nito. Mabuti nalang at walang mga nakakita sa kanilang mga kapitbahay nila, kaya hindi masyadong nakakahiya. Nakabakod din ang bahay nila kaya mahihirapan talagang managap ng balita 'yong mga tsismosang nasa paligid nila.Napailing na lamang si Dom habang dahan-dahang tumayo.Naisip niyang wala na ngang pakialam ang kaniyang asawa sa kaniya, kasi hindi na nga ito nag-abalang ilipat siya habang nawalan ng malay diba? Bagkus ay pinabayaan lang siya nitong nakalugmok sa lupa.Mabigat man ang kaniyang kalooban dahil sa sobrang sakit na dinaramdam sa oras na ito ay pinilit niya pa ring tumayo at pumasok ng bahay.Pagkapasok niya sa loob ay dagli siyang naghilamos, maliban kasi sa duming galing sa lupa na nasa kaniyang bibi
CHAPTER TWENTY THREE"INOSENTE PO AKO SIR!!" Sigaw ni Dom nang umalis na ang Jail Officer ng San Diego City Jail na naghatid sa kaniya sa isang selda.Seryoso siyang pinagtitinginan ng mga kasama habang ang iba ay nakangisi pa dahilan upang mas lalong lumakas ang sigaw at pagmamakaawa niya. Kahit hindi niya alam kung totoo ba 'yong mga naririnig niyang sabi-sabi tungkol sa mga bilanggo, na kung may bago ay pagti-trippan ng mga inmates, hindi niya pa rin maiwasang makatakot dahil may ibang masama ang tingin sa kaniya at may iba ring nakangisi na parang may masamang balak sa kaniya."Sir!!" Patuloy na sigaw niya ngunit hindi na siya nilingon ng Jail Officer hanggang sa tuluyan na itong makalabas.Napaiyak na lamang si Dom habang nakahawak sa malalaking bakal na rehas ng seldang kinaroroonan.Pinaghalong takot at lungkot ang kaniyang naramdaman sa mga oras na ito. Takot dahil hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya sa loob ng piitang ito at kung hanggang kailan siya mananatili rito. Lun
CHAPTER TWENTY FOURDAHIL SA pagkatalo niya sa kaso ay kaagad na naka-schedule ang paglipat ni Dom sa City Penitentiary dahil doon niya igugugol ang dalampong taong hatol sa salang hindi niya ginawa.Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Dom pagkatapos maibaba ng hukuman ang desisyong guilty laban sa kaniya. Kaya naman sa loob ng ilang araw ay nakamukmok lang siya sa isang sulok ng selda, wala na siyang pakialam sa paligid. Naiintindihan naman siya ng mga kasama kaya pinabayaan na lamang siya ng mga ito, tinatawag lang siya kapag kainan na.Kumakain naman siya, dahil sa kabila nang lahat nang ito, may parte pa rin ng kaniyang utak ang ayaw sumuko. Limampong taon lang naman 'yon. Mag-39 pa lang siya kung makakalabas siya sa kulungan no'n, kaya hindi pa siguro magiging huli ang lahat kung ipagpapatuloy niya ang pag-abot sa mga pangarap."Filipe, may dalaw ka." Sa gitna ng malalim niyang pag-iisip ng kung anu-ano ay narinig niyang tinawag siya ng Jail Officer.Hindi sana siya gumalaw per