Share

Kabanata 20

Penulis: Annewrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-21 23:42:15

Kabanata 20

Nararamdaman ni Daisy ang matinding sakit sa puso niya, pero wala iyon kumpara sa kirot sa kanyang dibdib.

Sa mga oras na iyon, kinuha ni Nick ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya at iniabot kay Daisy.

"Yung phone mo, kanina pa nagva-vibrate." Pagkakita niya sa pangalan sa caller ID, napailing lang siya at napasimangot. Pinatay niya agad ang tawag at itinapon sa gilid ang cellphone.

"Kung kailan kailangan mo siya, wala siya. Ngayon pa siya tatawag? Para saan pa?" Nakasimangot na saad niya

Nakita ni Kent na pinatay ni Daisy ang tawag, at biglang dumilim ang mukha niya.

"Wala talagang hiya ang babaeng ’to. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob." Dumating naman bigla ang Assistant niyang si Ben. Tila nag-aalangan ito habang nilalapitan siya, pero inilapag pa rin nito m ang mga dokumento sa mesa niya.

“Mr. Hernandez, maingat ko pong inimbestigahan ang lahat. Narito po ang death certificate, cremation certificate, at medical records ni Sydney. Patay na po talaga ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 31

    Kabanata 31Kahit na nailibing na si Sydney, hindi pa rin matanggap ni Daisy na wala na ang anak niya. Pakiramdam niya, nandoon pa rin si Sydney at laging nasa tabi niya, hindi umaalis.Hindi niya alam kung narinig ba ni Sydney ang masasakit na sinabi ng kanyang ama kanina. Dahan-dahang niyang pinunasan ang larawan ni Sydney at mahinang binulong,“Sdyney, anak, huwag kang malungkot. Huwag mong pakinggan ang sinabi niya. Hindi totoo ’yon. Para kay Mama, ikaw ang pinakamagandang bata sa buong mundo. Sobrang saya at swerte ko dahil ikaw na naging anak ko.”“Sydney, miss na miss ka na ni Mommy. Galit ka rin ba kay Mommy? Bakit hindi ka man lang nagpapakita sa panaginip ko? Gusto kitang makita anak ko… miss na miss na talaga kita...” Bumuhos ang luha niya habang yakap yakap ang larawan ng kanyang anak. Sabi ng iba, ang oras ay gamot.Pero para sa kanya, ang oras ay isang huwad na manggagamot. Kahit gaano pa katagal ang lumipas, hinding-hindi niya kayang limutin ang kanyang anak.Mahaba ang

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 30

    Kabanata 30“Gago ka talaga!” Hindi napigilan ni Daisy ang sarili at napamura siya nang malakas.Hindi niya inakalang may tao pa palang mas makapal ang mukha sa mundo. Grabe! Sobrang kapal at walang hiya!Noon, pinipili ni Daisy na magtimpi, pero hindi na ngayon. Ngayon, ay lalaban na siya. Hindi lang sa salita, kundi sa pati sa aksyon.Pak!Malakas niyang sinampal si Kent, sabay hawak sa kwelyo nito. Buong lakas niya itong hinila papunta sa harap ng larawan ni Sydney.“Tingnan mo ‘yan, si Sydney! Ulitin mo nga ang sinabi mo kanina kung may konsensiya ka!”Hindi inaasahan ni Kent ang lakas ng babae. Pero habang tinititigan niya ang inosenteng ngiti ni Sydney sa litrato, at kalmado pa rin niyang sinabi:“Kahit gamutin siya noon, hindi rin siya gagaling. Pahihirapan lang siya sa mundong ‘to.”“Oo, nahirapan nga siya, pero hindi dahil sa sakit! Dahil sa’yo! Dahil sa isang amang walang puso na katulad mo!”“Anong karapatan mong magdesisyon para sa kanya? Ha? Sabihin mo!”Hindi na niya bin

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 29

    Kabanata 29Pagkaharap ni Pearl sa malamig na tingin ni Kent, bigla siyang kinabahan. Hindi niya maiwasang mag-isip: “May nalaman na kaya siya?”“Kent… bakit di ka nagsasalita?” Maingat niyang hinawakan ang manggas ng damit ni Kent.“Pearl, sumobra ka na,” sagot nito.Wala man siyang ekspresyon sa mukha, kalmado pa rin ang boses ni Kent, pero ang laman ng sinabi niya'y tila isang matinding sampal kay Pearl. Lalo siyang naiyak habang sinasabi:“Alam ko, kasalanan ko… pero hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang tumulong sa'yo… kay Daisy.”“Wag mo nang pakialaman ang mga bagay namin,” sagot ni Kent, ngayon ay wala nang kahit kapirasong lambing sa boses nito. Isa itong malinaw na babala at posibleng ang huli na.Ang totoo, sarili lang ang mahal ni Kent. Oo, iba si Pearl, pero hindi siya sapat para ituring na pinakamahalaga.Doon lang napagtanto ni Pearl ang katotohanan: Akala niya, siya ang pinakaimportanteng babae sa puso ni Kent, pero malinaw na ang mahalaga ay ang sarili lang nito mi

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 28

    Kabanata 28“Daisy, kailanman hindi ka naging mahalaga kay Kent. Kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang puso niya. Bakit ka pa nagpapagod?” Pilit na pangungumbinsi ni Pearl sa kanya.Nang marinig niya iyon, natatawa na lang siya.“Kahit ibenta ko ang shares na hawak ko, hindi bababa sa 3 bilyon ang halaga nun! Tapos pupunta ka dito dala-dala ang 30 milyon para makipag-usap sa akin? Akala mo ba hindi ako marunong magbilang?”“Pearl Valdez, wala nang halaga sa akin si Kent. Noon, baka iniisip ko pa siya para sa anak namin, pero ngayon, wala na si Sydney. Sa mga mata ko, wala siyang kwenta!”“Hawak ko ang 51% na shares ng Hernandez Group. Kung gugustuhin ko ng lalaki, kahit sino pwede kong piliin!” Pagkatapos magising sa katotohanan, ramdam ni Daisy na magiging mas maganda ang kinabukasan niya.“Ano… ano?”Hindi makapaniwala si Pearl na ang dati’y mahinhing si Daisy ay kaya nang magsalita ng ganito katapang sa kanya kaya hindi siya makapaniwala.Doon niya napagtanto, na dati, kaya n

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 27

    Kabanata 27Alam na ni Kent ang posibilidad nito noon pa, pero hindi niya akalaing magiging ganito kalaki ang problema. Hindi rin niya inaasahan na ang babaeng iyon ay ganun kagaling na kaya nitong lokohin ang matanda at makakuha pa ng ganitong kalaking kapangyarihan?“Pwede bang ipasuri kung tunay ang testamento na ito?” Napasinghal si Kent. Hindi pa rin siya makapaniwala. Totoo bang ganoon katanga ang lolo niya? Napa katuso ng babaeng iyon, kaya niyang gawin ang kahit ano pati pekein ang isang testamento.Tiningnan siya ng manager at sinabing,“Ang ganitong klaseng testamento ay karaniwang ginagawa sa presensya ng ikatlong tao, at ang buong proseso ay may recording at video. Halos imposibleng mapeke ito.”Tuluyan nang nawala ang mga opsyon ni Kent. Dumilim ang mukha niya, pero wala na siyang sinabi na iba. Kumaway lang siya at nagsabing,“Alam ko na.” Nag-empake ng mga gamit ang mga taga-Legal Department at lumabas na, halatang kabado. Sino ba naman ang mag-aakalang makakarinig sila

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 26

    Kabatana 26Hindi niya talaga alam. Kung alam lang niya noon pa, hinding-hindi niya iiwan ang bata para magdusa! Kinuha ni Daisy ang tissue, pinunasan ang luha, at humikbi."Alam mo ba kung gaano kabait ang anak ko? Para siyang regalo ng Diyos sa akin. Kasalanan ko ito. Naantala ko ang gamutan ng anak ko at nadamay pa siya. Hawak pa ni Sydney ang kamay ko at inaalala pa rin ako bago siya namatay!""Ang hayop na si Kent! Alam niyang may sakit si Sydney, pero sinadya niyang pabayaan ang kondisyon nito. Pwede naman sana iyon maagapan, pero pinanood lang niya si Sydney hanggang mamatay!""Ang taong katulad niya, hindi karapat-dapat maging ama ni Sydney. Hindi man lang siya karapat-dapat tawaging tao!"Habang nagsasalita si Daisy , bumungad ang matinding galit sa kanyang mga mata.Mula noon, kahit naging mahinahon ang ugali niya dahil kay Kent, nandoon pa rin ang katigasan ng loob niya."Kung ganon, huwag mo siyang palayain," kalmado na sabi ni Nick."Tutulungan kita." Bumalik siya ngayon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status