Kabanata 7: Operasyon
Magulo ang buong ospital dahil kay Sydney, pero si Daisy ay tila nawalan ng ulirat. Para bang ang naririnig na lang niya ay mga yabag at sigawan. Wala na siyang makita o marinig nang maayos. “Ma’am Daisy? Ayos lang po ba kayo?” tanong ng doctor at Iwinagayway ang kamay sa harap niya. Saka lang siya natauhan at tumingin sa doktor. Biglang bumalik ang kanyang ulirat “Kumusta na ang anak ko?” kinakabahan na tanong niya sa doctor ng anak niya. “Sa ngayon ay stable siya, pero bigla pong lumala ang kondisyon niya. Mas lalo po naging delikado ang kanyang sitwasyon at kailangan muna niyang manatili sa ICU. Kapag naging maayos na ang vital signs niya, doon pa lang natin malalaman kung pwede siyang operahan.” sagot ng doctor sa kanya. “Ms, Hernandez sa kalagayan ng bata ngayon, ang operasyon…” Hindi na ipinagpatuloy ng doktor ang sasabihin, pero alam na ni Daisy ang ibig sabihin— na baka wala na ring saysay ang operasyon at baka lalo lang pahirapan ang bata. Pero hindi niya kayang tanggapin iyon. Hindi niya matanggap na mawala na lang basta ang anak niyang pinakamamahal. Kahit gaano kaliit ang pag-asa, hindi siya sumusuko. “Naunawaan ko. Salamat, Dok.” aniya at tumalikod sa doctor. Pagkatalikod niya, bigla na lang bumagsak ang kanyang mga luha. Pinunasan niya agad ito, pero lalo lang dumami. Napaupo siya sa sahig, niyakap ang sarili at napaiyak nang todo. Doon lang niya lubusang naramdaman ang ibig sabihin ng sakit at kawalan ng pag-asa. Suot ang makapal na sterile suit, umupo si Daisy sa tabi ng kanyang anak. Maputla at parang wala ng buhay ang mukha ni Sydney. Kahit puno ng tubo ang katawan ng bata, ramdam pa rin ni Daisy na unti-unti nang nawawala ang buhay ng kanyang anak. “Sydney, patawad anak. Kasalanan ni Mommy ang lahat. Sana hindi na lang ako umibig sa kanya.” Binalikan ni Daisy ang nakaraan, puno ng pagsisisi ang puso niya. Kung hindi lang siya umibig kay Kent, kaya bang ipanganak si Sydney sa paraang gusto ng ama niya? Napakabait na bata ni Sydney… siguradong mamahalin siya ng daddy niya kung ibang tao lang ang mommy niya. Dahil lang sa pagkakamali na magmahal sa maling tao, si Sydney ang siyang nagbabayad. Hinawakan ni Daisy ang maliit na kamay ni Sydney. Palagi niyang nararamdaman na parang gustong sabihin ng anak niya ang kung anong nasa loob nito. Habang hawak niya ang kamay ng ANAK niya ay biglang nag-vibrate ang cellphone sa bulsa niya. Tiningnan niya ito, saka mabigat na lumabas ng ICU. Paglabas niya, humarap siya sa isang lalaking naka-amerikana. Bumigat ang pakiramdam niya. Kilala niya ang taong ito— ang legal officer ni Kent at isa sa pinakamagaling na abogado. “Attorney Yu, bakit po kayo nandito?” Pilit na pinakalma ni Daisy ang boses niya para hindi halata ang kahihiyan. “Ipinapadala po ako ni Mr. Hernandez para pag-usapan ang kasunduan niyo sa annulment. Yung kasunduan niyong nauna, labag po sa batas, kaya walang bisa. Kailangan na po natin itong ayusin.” Inabot ni Attorney Yu ang annulment agreement na dala niya. “Pwede pa naman pong pag-usapan ang mga kondisyon. Sana lang huwag nang maging matigas ang ulo ni Ms, Daisy.” Matigas ang ulo? Walang pagsisisi? Natatawa na lang si Daisy. Hindi ba’t matagal na siyang naging matigas ang ulo? Kung hindi lang siya naging matigas noon, baka hindi umabot sa ganito. Ang pag-ibig niya kay Kent ay mali mula’t simula. “Sabihin mo sa kanya, wala akong hihilingin kundi ito lang.” “Kung hindi niya ibibigay, pwede tayong matagalan sa kasong ito. Hindi ako papayag sa ibang kondisyon.” Pinanatiling matatag ni Daisy ang paninindigan niya at malamig siyang tumingin sa abogado. “Ms. Dasiy, wala pong saysay ito. Sa totoo lang, napakagandang alok na po ang binigay ni Mr. Hernandez. Ang kasal na walang pagmamahal ay walang kahulugan.” Umiling si Attorney Yu, at sinubukang kumbinsihin siya. Oo nga, sa paningin ng lahat, deserve ni Daisy ang kahahantungan niya. Halos lahat ay alam na hindi siya mahal ni Kent. Pero ngayon, hindi na mahalaga kung mahal pa siya ni Kent o hindi. Ang gusto lang niya ay magkaroon ng kahit konting malasakit ang ama ng bata sa mga huling sandali ni Sydney Kahit kunwari lang. Pero tila hindi niya makukuha kahit iyon. “Klaro na ang paninindigan ko. Pasensya na, may aasikasuhin pa ako.” Tumalikod si Daisy at bumalik sa ICU. Habang si Sydney ay patuloy na nakikipaglaban sa pagitan ng buhay at kamatayan, ang ama naman niya ay abala sa pagpapadali ng annulment para makalaya na siya. Si Pearl lang ang laman ng puso nito. Siya at ang anak niya ay tila walang halaga. Sa puntong ito, muling nadurog ang puso ni Daisy. Tahimik siyang umiyak habang pinagmamasdan ang anak niya. Samantala, agad namang tumawag si Attorney Yu, kay Kent. “Alam ko nang hindi siya papayag.” Umiling si Kent at napangisi nang may halong inis. “sir Kent, nakita na naman po si Ning Haitao. Baka nanghihingi ulit ng pera kay Maam Daisy.” Ani ni secretary Khym ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina. “Pera? Nangangarap siya!” “Pati na ang lahat ng bank card ni Daisy, ipa-block mo na. Tingnan natin kung paano pa siya makakapanggulo kapag wala na siyang pera.” Walang emosyon ang mukha ni Kent, at para bang ordinaryong utos lang ito sa kanya. Sa paningin niya, isa lang si Daisy sa mga babaeng mukhang pera. Kapag naubusan na ito ng pera, tiyak na kusa na itong papayag sa annulment nila. Ni katiting na awa, wala si Kent para sa babae Dito naman sa ICU, patuloy na lumalala ang lagay ni Sydney. Sabi ng doktor, kung hindi siya maoperahan agad, baka hindi na siya umabot ng gabi. “Operahan na natin siya!” Walang alinlangan na sabi Daisy. Kahit hindi niya alam kung hanggang kailan pa mabubuhay si Sydney matapos ang operasyon, bilang isang ina, hindi niya kayang panoorin na unti-unting mawala ang anak niya!Kabanata 29Pagkaharap ni Pearl sa malamig na tingin ni Kent, bigla siyang kinabahan. Hindi niya maiwasang mag-isip: “May nalaman na kaya siya?”“Kent… bakit di ka nagsasalita?” Maingat niyang hinawakan ang manggas ng damit ni Kent.“Pearl, sumobra ka na,” sagot nito.Wala man siyang ekspresyon sa mukha, kalmado pa rin ang boses ni Kent, pero ang laman ng sinabi niya'y tila isang matinding sampal kay Pearl. Lalo siyang naiyak habang sinasabi:“Alam ko, kasalanan ko… pero hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang tumulong sa'yo… kay Daisy.”“Wag mo nang pakialaman ang mga bagay namin,” sagot ni Kent, ngayon ay wala nang kahit kapirasong lambing sa boses nito. Isa itong malinaw na babala at posibleng ang huli na.Ang totoo, sarili lang ang mahal ni Kent. Oo, iba si Pearl, pero hindi siya sapat para ituring na pinakamahalaga.Doon lang napagtanto ni Pearl ang katotohanan: Akala niya, siya ang pinakaimportanteng babae sa puso ni Kent, pero malinaw na ang mahalaga ay ang sarili lang nito mi
Kabanata 28“Daisy, kailanman hindi ka naging mahalaga kay Kent. Kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang puso niya. Bakit ka pa nagpapagod?” Pilit na pangungumbinsi ni Pearl sa kanya.Nang marinig niya iyon, natatawa na lang siya.“Kahit ibenta ko ang shares na hawak ko, hindi bababa sa 3 bilyon ang halaga nun! Tapos pupunta ka dito dala-dala ang 30 milyon para makipag-usap sa akin? Akala mo ba hindi ako marunong magbilang?”“Pearl Valdez, wala nang halaga sa akin si Kent. Noon, baka iniisip ko pa siya para sa anak namin, pero ngayon, wala na si Sydney. Sa mga mata ko, wala siyang kwenta!”“Hawak ko ang 51% na shares ng Hernandez Group. Kung gugustuhin ko ng lalaki, kahit sino pwede kong piliin!” Pagkatapos magising sa katotohanan, ramdam ni Daisy na magiging mas maganda ang kinabukasan niya.“Ano… ano?”Hindi makapaniwala si Pearl na ang dati’y mahinhing si Daisy ay kaya nang magsalita ng ganito katapang sa kanya kaya hindi siya makapaniwala.Doon niya napagtanto, na dati, kaya n
Kabanata 27Alam na ni Kent ang posibilidad nito noon pa, pero hindi niya akalaing magiging ganito kalaki ang problema. Hindi rin niya inaasahan na ang babaeng iyon ay ganun kagaling na kaya nitong lokohin ang matanda at makakuha pa ng ganitong kalaking kapangyarihan?“Pwede bang ipasuri kung tunay ang testamento na ito?” Napasinghal si Kent. Hindi pa rin siya makapaniwala. Totoo bang ganoon katanga ang lolo niya? Napa katuso ng babaeng iyon, kaya niyang gawin ang kahit ano pati pekein ang isang testamento.Tiningnan siya ng manager at sinabing,“Ang ganitong klaseng testamento ay karaniwang ginagawa sa presensya ng ikatlong tao, at ang buong proseso ay may recording at video. Halos imposibleng mapeke ito.”Tuluyan nang nawala ang mga opsyon ni Kent. Dumilim ang mukha niya, pero wala na siyang sinabi na iba. Kumaway lang siya at nagsabing,“Alam ko na.” Nag-empake ng mga gamit ang mga taga-Legal Department at lumabas na, halatang kabado. Sino ba naman ang mag-aakalang makakarinig sila
Kabatana 26Hindi niya talaga alam. Kung alam lang niya noon pa, hinding-hindi niya iiwan ang bata para magdusa! Kinuha ni Daisy ang tissue, pinunasan ang luha, at humikbi."Alam mo ba kung gaano kabait ang anak ko? Para siyang regalo ng Diyos sa akin. Kasalanan ko ito. Naantala ko ang gamutan ng anak ko at nadamay pa siya. Hawak pa ni Sydney ang kamay ko at inaalala pa rin ako bago siya namatay!""Ang hayop na si Kent! Alam niyang may sakit si Sydney, pero sinadya niyang pabayaan ang kondisyon nito. Pwede naman sana iyon maagapan, pero pinanood lang niya si Sydney hanggang mamatay!""Ang taong katulad niya, hindi karapat-dapat maging ama ni Sydney. Hindi man lang siya karapat-dapat tawaging tao!"Habang nagsasalita si Daisy , bumungad ang matinding galit sa kanyang mga mata.Mula noon, kahit naging mahinahon ang ugali niya dahil kay Kent, nandoon pa rin ang katigasan ng loob niya."Kung ganon, huwag mo siyang palayain," kalmado na sabi ni Nick."Tutulungan kita." Bumalik siya ngayon
Kabanata 25Akala niya noon na makakarelax na siya pagkatapos niyang pakasalan si Kent, pero hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa kalagitnaan?Naramdaman ni Pearl kaba sa dibdib niya. Kung alam lang niya na hindi pala hawak ni Kent ang Hernandez Group, sana tinukso na lang niya si Daisy! Ngayon, pagkatapos ng lahat ng effort niya, wala pala silang makukuha kundi isang walang lamang kumpanya?Tumaas ang kilay ni Kent at tiningnan ang nobya.“Pearl, ano ang pakiramdam mo ngayon?” Maamo ang boses na nayong niya, pero puno ng tanong ang mga mata.“Ah Kent, ayos lang ako. Huwag ka nang makipag-away kay Daisy. Siya… siya kasi lagi niyang tinutupad ang sinasabi niya. Ayoko na mawala sayo ang lahat ng dahil lang sa akin.” Kahit ang dami niyang iniisip, naging propesyonal pa rin si Pearl. Agad niyang binawi ang lahat ng nasa isip niya at ngumiti.Pagkarinig ni Kent ng sinabi ni Pearl ay biglang lumambot ang ekspresyon niya. Habang tinitingnan ang mahina at masunuring babae sa harap niya,
Kabanata 24“Ginagawa ko ‘to para sa ikabubuti mo. Paano kung magloko siya at ayaw niyang sumama sa’yo para kumuha ng Divorce certificate?” Yumakap si Pearl sa leeg niya at bumulong,“Ah Kent, ang layo na ng narating natin, ayoko na makita kang nahihirapan.” Sabi pa nito at muling napaiyak.“Alam ko na mali ang ginagawa ko, pero wala na akong magawa. Ayokong iwan ka, at hindi ko rin kayang mawalay sayo.” Habang umiiyak ito, ay bigla itong nangisay, nanigas ang katawan at nagsimulang manginig. Iyon ay senyales ng depresyon ng dalaga. Kinabahan si Kent at binilisan ang takbo, agad siyang nagmamadaling pumunta sa ospital.Hinahanap ka agad niya ang pinakamahusay na espesyalista para gamutin ang nobya.“Mr. Hernandez, hindi maganda ang emosyonal na kalagayan ni Miss Pearl ngayon. Mukhang babalik na naman ang depresyon niya.”“May mga sintomas na siya sa katawan. Kung magpapatuloy ‘to, baka bumalik siya sa dati niyang kondisyon. Mr. Hernandez, mag-isip kayo ng paraan para mapakalma siya.”