Mag-log inChapter 6
"Ah Kent, dahil gusto kang kausapin ni Daisy, makipag-usap ka na lang ng mahinahon." "Huwag kang gumawa ng eksena sa harap ng bata." Hinila ni Pearl ang sulok ng labi ni Kent, habang may nakatagong hinanakit sa kanyang mga mata, ngunit sinubukan pa rin niyang magpakita ng pagiging mahinahon. Nakita iyon ni Kent at hindi niya nagustuhan, ngunit tumango pa rin siya at lumingon palayo. Hindi naman maalala ni Daisy kung gaano na katagal mula nang magkasama silang dalawa ni Kent nang ganito. Sandali siyang natigilan, at hindi niya alam kung paano magsisimula ang kanilang usapan. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" halatang wala nang pasensya si Kent sa kanya. "Dinadala mo ang anak mo sa ganitong lugar para lang manggulo, iniisip mo pa ba kung paano ka maging isang ina?" Naramdaman ni Kent ang matinding pagkainis sa pag-iisip na gagawin ni Daisy ang lahat ng ito, na kahit ang sariling anak ay gamitin nito, para lang makuha siya. "Pinangako mo sa akin na sasamahan mo si Sydney sa loob ng isang buwan. Kaya kung pwede sanang pakiusapan mo ang girlfriend mong si Pearl na huwag muna magpakita sa harap ng anak ko?" Hindi na pinapansin ni Daisy ang masakit na salita ni Kent tungkol sa kanya. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kasiyahan ng kanyang anak sa natitirang panahong meron siya. "Pinangako ko lang na sasamahan kayo. Kaya huwag mo nang asahang may iba pa akong gagawin." "Talagang napakatuso mo pa rin. Gumamit ka ng lahat ng klase ng panlilinlang para makapasok sa kwarto ko. Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana ako naging ama ng kahit na sino!" Habang nagsasalita si Kent, ay unti-unting lumamig ang kanyang mga mata. Kahit hindi niya kinamumuhian si Sydney, hindi niya mapigilang magalit tuwing maiisip niya kung paano dumating sa mundong ito ang bata. At sa loob ng maraming taon, kahit gaano man ipaliwanag ni Daisy kay Kent ang mga nangyari, ay ayaw lang talaga nitong maniwala sa kanya. Ang nangyari noon ay isang aksidente lamang. Maging siya ay hindi niya alam kung paano siya napunta sa kwartong ni Kent lalo na kung paano siya nauwi sa kama nito. Isang gabi lang ang lumipas, at naroon na si Sydney, sa sinapupunan niya. Nung mga panaho na iyon, ay iniisip na lang niya na ito ay isang regalo ng Diyos sa kanya. Ngunit ngayon… Ng maisip niya ang itsura ng anak niyang si Sydney, nakaramdam siya ng matinding lungkot. Ang kanyang Sydney, ang kanyang kawawang anak— hindi marahil nagustuhan ang mundong ito kaya't dumating lamang saglit at ngayo'y aalis na. "Kent, sobra mo namang bigyan ng importansya ang nangyari noon, pero ang sarili mong anak, wala kang pakialam? Hindi mo man lang ba talaga siya ginusto?" Hirap na hirap si Daisy sa pagsasalita. Kaya niyang tanggapin ang pagkamuhi ni Kent sa kanya, ngunit hindi niya kayang tanggapin ang kawalang-puso nito kay Sydney. Si Sydney ay isang napakabait na bata. At mahal na mahal niya ito, ngunit bakit hindi ito makita ni Kent? "Hindi ko ginusto ang batang iyon! Ng pinilit mo siyang ipinanganak sa kahit anong paraan, kaya dapat ay alam mong darating ang araw na ganito!" Punong-puno ng pagkasuklam at galit ang mukha ni Kent. Lumaki siyang isang taong itinadhana at pinalaki ng may labis na pagmamahal. Ang unang beses na pinaglaruan siya ay dahil sa babaeng nasa harap niya ngayon. Paano siya hindi magagalit? Paano siya hindi napopoot? "Mommy!" Napalingon si Daisy kung saan nanggaling ang boses ni Sydney, may bahagyang paghikbi sa boses nito. Dumating ito kasama si Pearl na nagdala sa bata. Mukhang narinig nito ang lahat ng sinabi ng kanyang ama sa akin. Palagi naman nararamdaman ni Sydney na parang hindi siya gusto ng kanyang daddy, pero laging sinasabi ng kanyang mommy na abala lang ito sa trabaho at mahal pa rin siya nito. Pero ngayon, narito siya mismo, narinig ng dalawang tenga niya ang daddy na nagsasabing kinamumuhian siya nito. Hindi pala talaga siya gustong tanggapin nito. "Sydney?" Nang marinig ni Daisy ang boses ng anak niya, biglang lumakas ang pintig ng kanyang puso. Mabilis siyang lumingon at lumapit kay Sydney. Habang nakita naman ni Kent ang bata at nagbago ang kanyang ekspresyon. Hindi niya intensyon na saktan si Sydney sa sinabi niya. Ngunit nasabi na niya ang mga salita na makakasakit dito. "I-Ipagpatuloy nyo lang..." "Sydney, bumalik na tayo at huwag na nating guluhin ang mama at papa mo." Nagkunwaring nag-aalala na lumingon si Pearl. Kahit nakaupo sa wheelchair, hindi niya nakalimutang abutin ang kamay ni Sydney at subukang hilahin ito palayo. Ngunit ayaw ni Sydney sa babaeng ito. Gusto lang niyang manatili sa piling ng kanyang ina. Nakita niya ang kanyang ina na umiiyak at nararamdaman niya na siya ay pinagkaitan ng hustisya! "Bitawan mo ako! Gusto kong puntahan ang mommy ko!" "Ah!" Napasigaw si Pearl at agad na tinakpan ang kanyang mukha. "Bahala ka!" "Pearl!" Halos sabay at pareho nilang pinuntahan ni Kent ang taong pinaka-mahalaga sa kanila. "Sydney, ayos ka lang ba?” Mahigpit na niyakap ni Daisy ang kanyang anak, at bahagyang kumunot ang kanyang noo, at maingat na sinuri ang katawan nito. "May dugo?" Kunot naman ang noo ni Kent at maingat na tiningnan ang mukha ni Pearl. Ang maselang nitong pisngi ay nasugatan ng mga kuko ni Sydney, at bahagyang dumugo, pero halata namang hindi ito malala. Pero, ang konting dugo na iyon ay siyang labis na nagpagalit kay Kent. Mabilis siyang lumapit kay Sydney at hinawakan sa braso, at hinila ang baga sa tabi ni Pearl. "Humingi ka ng tawad!" Galit na utos ni Kent sa bata. "Dinala niya ako dito. no! Ayokong pumunta! Hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang makita ang mommy ko." Nanginginig ang katawan habang umiiyak na sabi ni Sydney sa ama. "Ah Kent, huwag mong sisihin ang bata. Kasalanan ko ito. Kaya please hayaan mo na ang bata " Tinakpan ni Pearl ang kanyang pisngi at hinawakan ang braso ni Kent gamit ang isa pa niyang kamay. "Huwag mong ibunton ang galit mo sa bata." Sabi ni Pearl na lalong ikinagalit ni Keint, lalo na't si Sydney ay 70% kahawig ni Daisy. Ngayon, ang matigas niyang tindig ay kamukhang-kamukha ng ina nito, dahilan para lalong sumiklab ang galit niya rito. Mas lalong lumalim ang kunot sa kanyang noo at may paghamak na tumingin sa maliit na bata sa harapan niya. "Talagang pareho kayo ng ina mo. Masyado kang malupit kahit bata ka pa lang!" "Huwag mong siraan ang mommy ko!" "Si mommy ang pinakamabait sa buong mundo!" Tumayo si Sydney sa harapan ni Daisy, ang kanyang malaking mata ay puno ng hinanakit para sa kanyang ama. Bahagya siyang nanginginig sa takot at kaba, ngunit nanatiling matatag na nakatayo Gusto niyang protektahan ang kanyang ina! Dati, gusto niyang magkaroon ng ama. Pero ngayon, ayaw na niya. Dahil hindi siya gusto ng kanyang ama, at hindi rin nito gusto ang kanyang ina. Kung ganoon, ay hindi rin niya gugustuhin ang kanyang ama.Kabanata 124 — Walang Puso at Masama ang Babae“Ganito na ba ang oras? Kahit gaano pa kahalaga ang mga bagay-bagay, ‘di talaga ito pwedeng talunin, ‘di ba?” mahina ngunit magaspang na sambit ni Nick, na nakatingin sa relo at halatang hindi maaliw.Nakita niyang may kumikislap na pag-asa sa mukha ni Nick, kaya ngumiti ito nang may bahagyang pagmamataas. “Wag kang mag-alala. Alam ko ang gagawin. In-turn over ko na ‘to kay Daisy ibibigay ko lang ang ulam mamayang gabi. Sigurado akong may magandang balita kapag pumunta ako roon mamaya.”“Ano?!” napalunok si Helen nang marinig iyon. Ang tono niya ngayon ay halatang nag-aalangan at umiinit ang ulo. “Mr. Nick, alam mo ba ang sinasabi mo? Nasa labanan tayo ngayon kontra Hernandez Group! ‘Yung gagawin mo, pwede mong ipakita ang confidential na impormasyon ng kumpanya! Alam mo ba ‘yan? Pwede kitang kastiguhin!”Ngunit tumawa lang si Nick, tumutunog ang kanyang taba at panay ang kumpiyansa. “Relax ka lang, Helen. Hindi ka dapat mag-alala. ‘Di si
Kabanata 123: Pang-aasarHindi naman tanga si Pearl para hindi maramdaman na tinutukso siya ni Sec. Ben. Mula pa lang sa tono nito, halata na ang pang-aasar.Bigla siyang tumayo, halatang pigil ang galit, at mariing sinabi, “Ikaw, isang aso lang na sumusunod kay Kent, tapos naglalakas-loob kang magpakita ng ngipin sa akin? Sa tingin mo, gusto mo pa bang magtrabaho pagkatapos nito?”Walang kahit anong emosyon sa mukha ni Sec. Ben nang sagutin siya. “Pasensya na po, Miss Pearl. Hindi po ako aso ni Sir Kent. Isa po akong sekretarya. Pero kung gusto ninyo ng aso, puwede naman po kayong bumili ipabili n’yo kay Sir Kent.”Namilog ang mga mata ni Pearl. Hindi niya akalaing sasagot siya ng gano’n ng isang simpleng sekretarya!“Anong sabi mo?!” sigaw niya at mabilis na inabot ang kamay niya para sampalin ito.Pero mabilis din si Sec. Ben, hinawakan nito ang pulso niya bago pa tumama ang kamay ni Pearl sa pisngi niya. “Miss Pearl,” malamig ang boses nito, “pakiusap lang, igalang n’yo ang saril
Chapter 122: Take Care of Yourself (Part 1)Tahimik lang si Kent James sa loob ng sasakyan habang tinititigan ang daan. Ang headlights ng kotse ay lumalaban sa dilim ng gabi, pero ang utak niya ay parang naguguluhan at punô ng pagdududa, galit, at pagod.“Daisy said Shawn did it. What does it have to do with you?” malamig niyang sabi, hindi man lang tumingin kay Pearl. “Your brother has always been uneducated and unskillful. It’s not impossible for him to do something outrageous.”Mabilis ang tibok ng puso ni Pearl. Noon, bawat problema niya ay agad sinosolusyonan ni Kent. Noon, siya ang nilalambing, siya ang iniingatan. Pero ngayon... parang may pader ng nakaharang sa pagitan nila.She bit her lip, forcing herself to ask, “Kent… do you not love me anymore?”Tumigil saglit sa pagmamaneho si Kent. Napalalim ang buntong-hininga niya, parang ayaw na niyang sagutin ang tanong ng dalaga. “Pearl, huwag mo nang isipin ’yan. Hindi ito tungkol sa pagmamahal. The situation is complicated.”Pero
Kabanata 121 — Hindi Mo Talaga Ako Pinaniniwalaan?“Daisy, ayokong makipagtalo pa sa iyo.”Pagod na pagod ang tinig ni Kent James habang pinisil niya ang sentido. “Sabihin mo na lang kung ano ba talaga ang gusto mo.”Ang mukha niya ay bakas ng labis na pagod. Sa opisina, gipit na gipit siya sa bagong proyekto ng kompanya lalo na at maraming kalaban, maraming tsismis, at pati sa bahay ay puro sigawan. Parang wala na siyang lugar na mapag pahingahan.Tahimik lang si Daisy, pinagmamasdan siya. May kung anong lambing at sama ng loob sa mga mata niya. Nang maramdaman niyang hindi na kakayanin ang bigat sa dibdib, marahan siyang ngumiti at bumulong, “Kent… gusto kong makipag-divorce. Sa maayos na paraan. Ibibigay mo sa akin ang lahat ng nararapat para sa akin.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kent.“Ano?” halos hindi siya makapaniwala.Akala niya, manghihingi si Daisy ng panahon o baka gusto nitong mag-usap muli tungkol sa anak nila. Ngunit iyon lang? Gusto niyang humiwalay? At humi
Kabanata 120 — May Ebidensya Ka Ba?“Nick Suarez, huwag mong subukang manghimasok sa buhay ko.”Matigas ang tono ni Kent James habang nakakunot ang noo at malamig ang mga mata. Mabilis ang tibok ng dibdib niya, halatang pinipigilan ang galit na kanina pa gustong sumabog.Ngunit imbes na matakot, ngumisi lang si Nick, may halong pang-aasar ang ngiti sa labi. “Ang galing mo talaga, Kent. At least alam mo na kung sino ka,” aniya, sabay lakad palapit, “pero sana lang hindi ka ‘yung tipo ng taong sumasakop sa palikuran pero walang ginagawa.”Napa kunot ang noo ni Kent, halos umuusok na sa galit ang mukha niya. “Ikaw, Nick, wasak na nga ang pamilya ng ibang tao, nakikisawsaw ka pa sa asawa ng may asawa. Kung malaman ng pamilya mo ang pinaggagawa mo, hindi ka ba mapapahiya?”Tumawa si Nick, isang mabigat na halakhak na may halong panghahamon. “Ah, so ganun? Ang presidente ng Hernandez Group ngayon marunong nang manakot gamit ang pangalan ng magulang niya? Ang bata mo pa rin mag-isip, Kent. N
KABANATA 119 – I WILL SUPPORT YOU“Shawn Vasquez?”Napa kunot ang noo ni Daisy nang marinig ang pangalang iyon mula sa labi ni Mr. Song. Mula noon, tuwing mababanggit ang pangalan ng lalaking iyon, para bang kumukulo ang dugo niya. Nagalit ang kanyang bagang at madiin ang boses nang sabihin niya,“Bwisit! Naiinis pa rin ako tuwing naaalala ko ‘yung hayop na ‘yon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ako ganito nasugatan at naghihirap dito. Mr. Song, pangako mo sa akin na gagantihan mo sya para sakin, okay?”Tumikhim si Mr. Song at tinitigan siya, nakangiti ng paangil. “Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko.”Napatitig si Daisy sa kanya. Para siyang batang nag-iisip ng parusa. “Gusto kong... gusto kong bugbugin niyo siya. ‘Yung tipong halos hindi na siya makilala sa sobrang pasa. Tapos itapon mo siya sa harap ng beach villa. Para malaman niyang hindi ako basta-basta.”Umangat ang isang kilay ni Mr. Song, at may bahid ng pagtataka sa tono niya. “Bugbog lang? Hindi ko inaasahan







