Share

CHAPTER 4

Chapter 4

FANTASSIA'S POV

"Sakin na sabi 'to eh kanina ka pa kumakain nito!" Nilagay pa ni Yuki ang chocolate bar sa likod niya para hindi makuha ni Tashina.

"Akin na 'yan, sakin naman galing 'yan eh!" Hinatak niya ang buhok ni Yuki pero hindi pa din nito ang binibitawan ang chocolate bar.

"Aray! Gago ka masakit!" Hiyaw nito dahil sa paghila ni Tashi ng buhok niya.

Hindi nila napansin ang pagbaba ko dahil busy sila sa pagbabangayan na may konting sakitan. Ganyan sila magbonding na magpinsan.

Dahil hindi nila napapansin ang pagdating ko kaya dumiretso ako sa likuran ni Yuki at hinablot anv chocolate bar na pinag-aawayan nila.

"Ayy hala nawala." Natigilan si Yuki nang mawala sa kamay niya ang chocolate bar kaya napatigil din si Tashi at napatingin sa akin dahil nasa likuran ako ni Yuki.

"Bitch, bakit mo naman kinuha?!" Nayayamot na tanong sa akin ni Tashi dahil nakita niyang hawak ko na ang pinag-aagawan nila.

"Ano magshoshopping pa ba tayo o pag-aawayan niyo na lang 'to?" Tanong ko sa kanila at itinaas ang hawak na chocolate bar. Dali-dali naman silang tumayo na parang walang bangayan na nangyari at inayos ang mga sarili.

"Grabe ang tagal mo magbihis ah, akala namin natabunan kana ng sandamakmak na mga damit mo." Sarkastikong pahayag ni Yuki habang inaayos ang nagusot na polo shirt.

"Ehh kung tinulungan niyo kaya akong maghugas kanina edi sana at this moment nasa Mall na tayo, diba?" Naaasar ko nang sabi dahil ang lakas magreklamo ng mga siraulong 'to.

"Okay enough, since everyone is ready let's go baka mamaya hindi na tayo matuloy niyan." Singit ni Tashi at dali-dali na kaming hinila ni Yuki palabas ng bahay ko.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ni Yuki ay tahimik lang akong kumakain ng Chocolate bar na pinag-aagawan nila kanina habang nakasimangot si Tashi sa backseat ng kotse. Si Yuki ang nagd-drive habang ako ang nasa passenger seat at kumakain ng chocolate bar.

"Gusto mo?" Pang-aasar ko kay Yuki, inismiran lang ako at binalingan si Tashi na nakasimangot pa rin.

"Tanongin mo si Tashi baka gusto niya." Sagot nito at binalingan ng tingin si Tashi, umirap naman ang isa at nag-crossed arms pa.

"Kainin niyo na, baka kulang pa sa inyo 'yan!" Asar na sagot ni Tashi at umirap pa ulit.

Parehas na lang kaming natawa ni Yuki sa inasal niya.

"Btw I met France last night, and what the hell is he doing on his own Bar? Bartender, really? Wala na ba siyang magawa sa buhay niya?" Naalala ko ang nangyari kagabi sa Bar ni France.

"Wala siguro kaya nagbabartender na naman ang gago sa sarili niyang bar." Sagot ni Yuki habang naka-focus ang tingin sa daan.

Sumabat si Tashi sa usapan, mukhang hindi na naaasar ang bruha. "Si France hindi mo alam kung walang pera o mukhang pera eh. Ang yaman-yaman niya tapos magbabartender sa sarili niyang bar, siraulo talaga."

Natatawang sumagot naman si Yuki. "Bored na naman siguro 'yon at napagtripan na naman niyang maging bartender sa Bar niya. Minsan nga nag-w-waiter 'yon sa sarili niyang Restaurant." Napakunot naman ang noo ko.

"Really? What about his own company? Sino naghahandle doon?" Nagtataka kong tanong.

"His twin brother, Fraxe. Silang dalawa ang nagmamanage ng company since silang dalawa ang may-ari." Natigilan ako sa sinabi ni Yuki.

France has a twin brother?!

"Twin brother? I never met his twin." Naguguluhan kong tanong.

Natigilan naman si Yuki at natatawang tumingin saglit sa akin at ibinalik din agad ang tingin sa daan.

"You fooled by them, ilang beses mo nang nakita at nakasama si Fraxe. Minsan siya ang kasama natin, kahit ako at si Tashi nabibiktima din ng dalawang 'yon. Kapag tumatawag ako kay France at napagkukwentohan namin ang nangyari kapag nagbobonding tayo, ang sasabihin niya, 'It wasn't me buds, it was Fraxe.', tsaka ko lang marerealize na hindi nga si France 'yon kapag may napapansin akong kakaiba." Mahabang paliwanag niya habang ako at si Tashi ay nakanganga lang.

"So that means the guy I was with last night might be Fraxe?"

"He might be then. Parehas silang maloko ni France. They love fooling people around them." Napapailing na sabi ni Yuki.

"How did you know then? I mean have you seen them together?" Sabi ni Tashi na halatang naguguluhan na din.

"Once, I caught them together. When I went to their company to discuss some things, they were in same room talking over something. I almost fainted that day because I thought I was hallucinating but they just laughed at me like an idiots." Napapangiti pa si Yuki habang inaalala ang nangyari sa pagitan nilang tatlo.

"Something is strange, are they really love fooling people around them or are they hiding something?" Nakakunot noo kong tanong.

"I don't know. By the way let's not talk about them, we're here." Saktong paghinto ng kotse ni Yuki ay napalingon ako sa labas at tama nga siya andito na kami, sa tapat ng mall.

Naalala ko shopping day nga pala namin.

Naunang lumabas si Yuki ng kotse at umikot para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse at pagkatapos ay si Tashi naman ang pinagbuksan niya.

Paglabas namin ay nilibot ko ang paningin, naasiwa ako nang mapatingin sa amin ang ibang tao.

"Let's go, they are staring at us." Sabi at nauna nang lumakad papasok ng Mall.

**********

NAGLALAKAD kami ngayon ni Tashi sa loob ng boutique habang nagtitingin ng bagong damit na bibilhin. Ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga taong nandito sa loob ng boutique.

Admiration was evident in their eyes while looking at me.

"Hey bitch, look at this." Itinaas ni Tashi ang isang high-heels na kulay red. Nasa bilihan na pala siya ng mga sapatos.

"It looks hot when you wear it, biatch." Sagot ko at lumapit sa kaniya at nakitingin na din ng ibang sapatos na high-heels.

"Anong bibilhin mo?" Tanong niya sa akin.

Natigilan ako nang may ma-realize.

"Shit! I left my wallet, wala akong dalang pera kahit cash." Napapikit ako sa inis. Bwesit naiwanan ko yung wallet ko, andun pa naman ang mga pera at credit cards ko!

"What?! Eh anong laman ng bag mo?" Tinaasan niya ako ng kilay at nag-crossed arms pa.

Binuksan ko naman ang chanel bag ko at hinalungkat kung may nadala ba ako kahit maliit lang na wallet na naglalaman ng mga cash ko pero wala! Cellphone lang ang nadala ko.

"Cellphone and make-ups." Nakangiwi kong saad, gosh sa dami ng pwedeng makalimutan bakit pera pa? Arghh!

"Itapon mo na lang 'yang bag mo, walang kwenta! Sa dami ng makakalimutan pera pa talaga eh no? Kung hindi lang nakakabig 'yang p*ke mo malamang wala na----." Mabilis kong tinakpan ang bibig ng bruhang 'to at nilibot ang paningin, nakita kong natatawa ang ibang nakarinig na malapit sa pwesto namin.

"Gaga ka talaga eh no! Iyang bunganga mo talaga kahit kailan walang filter." Kinurot ko ang tagiliran niya at hinila na siya palabas ng boutique baka mamaya kung ano pang lumabas sa bunganga.

"Eh ikaw kasi minsan may pagkatanga ka," Panenermon pa niya. "Teka sandali lang babayaran ko muna 'to." Sabi pa niya at bumalik para magbayad, muntik pang makalimutan ang bayad.

Habang nagtatalo kami ay biglang may nagsalita sa likuran namin kaya napaharap kami nang sabay.

"What's the matter, girls?" Sabay kaming natigilan ni Tashi at tinitigan ang nagsalita.

"France/Fraxe?" Sabay naming tawag ni Tashi, halata namang natigilan ang lalaking nasa harapan namin.

"I'm France," sabay tumaas ang kilay namin ni Tashi dahil sa sagot ng lalaking kausap namin. "Hey, don't look at me like that, damn you two are scarin' as fuck." Natatawang sabi niya.

"Who are you and where's your twin?" Tashi asked and looked at this guy from head to toe.

"Looking for me?" A familiar voice came out of nowhere.

Paglingon namin ay isang lalaki na naman ang may parehas na mukha sa kausap namin ni Tashi ang naglalakad papunta sa kinaroroonan namin kasama nito si Yuki na nakangisi na parang tanga.

"Omg, so Yuki was damn right. You two are twins." Napanganga ako sa nakikita ganon din si Tashi.

"Shit, this is the first time that I saw you two together." Napatakip pa si Tashi ng bibig niya.

Lumapit naman ako sa lalaking kausap namin ni Tashi kanina at sinuri ang kaniyang mukha. Hinawakan ko nang mahigpit ang baba niya at tinagilid ang mukha niya na parang may hinahanap, napangiwi naman siya at nagreklamo sa higpit ng hawak ko.

"Ouch! Damn, it hurts. I swear I'm France." Sabi niya pagkatapos kong bitawan ang baba niya.

Nilapitan ko naman ang kasama ni Yuki at ginawa ko din ang ginawa kong paghawak sa baba ng nagpapakilalang France kaya pati siya ay nakangiwi din sa pagkakahawak ko nang mahigpit.

"He's telling the truth, drunk-girl." Sabi niya pagkatapos kong bitawan ang baba niya.

Napataas ang kilay ko at tiningnan sila ng masama.

"Wait, that's enough for now. Mamaya na ang introduction, kain muna tayo nagugutom na daw si Fraxe. Don't worry ladies, their treat." Kumindat pa si Yuki at inaya na kaming dalawa ni Tashi.

************

"SO, CARE TO EXPLAIN." I said when the waiter served our foods.

Nandito na kami ngayon sa isang fast-food restaurant at nagsisimula nang kumain.

"Can we eat first?" Tiningnan ko naman ng masama ang isa sa kambal nang magreklamo ito, pero pumayag na lang ako.

"Fine, make sure na sasabihin niyo lahat ng mga ginagawa niyo." Pagtataray ko at itinuloy nang kainin ang pagkain.

After a minutes we finally finished our foods, and we're just eating a desert.

Panaka-naka ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagsisikohan pa kung sino ang unang magsasalita.

"Ehem." Tumigil silang dalawa sa pagsisikohan at umayos ng upo.

"Haaayyst nabusog din, by the way nasaan na nga ba tayo?" Sabi ng isa sa kambal.

"Andiyan lang kayo naka-upo at kami naghihintay sa sasabihin niyo." Sarkastikong saad ni Tashi at nagsisimula nang mairita.

"Hey girls, chill. Buds ikaw na magpaliwanag sa kanila." Sabi ni Yuki at tiningnan ang isa sa kambal.

"Okay fine. First, let me introduce our names. My name is France and this dude next to me is my twin brother named Fraxe, we're both born in France. The reason why you didn't know him is because he sometimes went out if it's necessary and if not he would stay in our house or he would work his ass off in our own company named FR company. Ayaw namin ang laging magkasama lalo na kung maraming tao, and yeah we enjoyed when people got confused about our existense. Papalit-palit kami ng pwesto sa company at sa bar or restaurant, kapag gusto ng isa sa amin mag-enjoy magsasabi lang kami sa isa't-isa at siya naman ang papalit and vice versa." Paliwanag ni France habang mataman naman kaming nakikinig sa kaniya.

Tiningnan ko si Kio na parang sinasabing, 'mali ka ng hula.' Napakamot naman siya sa batok niya at napayuko.

"Were you the guy last night? Ang naghatid sa akin?" Tanong ko sa kaniya, napapailing naman siyang tumingin sa akin.

"Yeah, it was me, wala si Fraxe kagabi sa bar kaya ako ang nagtake-over. Wala din naman akong magawa sa bahay tapos nagkasakit pa ang bartender ng bar kaya tumulong muna ako na maging bartender, and then I saw you." May tumakas na ngisi sa mga labi niya kaya napairap na lang ako.

"So, paano namin malalaman kung sino si France at sino si Fraxe sa inyo?" Nakataas ang isang kilay ni Tashi nang magtanong siya.

"Simple lang. Fraxe has a small mole on his chin and his hair-color is dark brown. While me? I have a small mole on my jaw and my hair-color is dark black." Paliwanag ni France habang kumakain ng desert.

"I noticed your moles, but I don't have an idea who is France or who is Fraxe." I shrugged before drinking my juice.

"Oh damn I need to go, I have a date. Thank you for the foods, si Fraxe na ang magbabayad ng lahat." Dali-dali nang tumayo si France habang si Fraxe naman ay napanganga at hindi na nakapagreklamo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status